Vous êtes sur la page 1sur 5

Senior Year

I.

DIREKSYON

Naipakita ng direktor na si G. Jerrold Tarog ng mahusay ang buong


pelikula sa pamamagitan ng paglalagay ng mga flashbacks mula sa mga
tauhan ng istorya. Isa ito sa nagbigay daan upang maunawaan ng husto
ang buong istorya gaya naming mga high school students na manunuod.
Kahit pa maraming tauhan at kuwentong umikot sa iisang kuwento
nagawa pa rin ng direktor na maipakita ang lahat ng elemento sa isang
makabuluhang istorya.

II. ISTORYANG PAMPELIKULA


Sa umpisa ay hindi pa gaanong maayos ang pagkakasunod-sunod
dahil may mga eksenang hindi ko makatanto kung paano at ano ang
dahilan ng pangyayaring iyon. May mga eksena namang nakakaaliw at
nakakatuwa na naging dahilan upang ipagpatuloy ko ang panunuod at
hindi mabagot. Bagamat ganoon ang nangyari ay nagawa ko pa ring
maunawaan ang daloy ng kuwento.

III. PAGGANAP
Nagampanan ng mahusay at buong puso ng mga nagsipag-ganap
na tauhan sa Senior Year. Ang kanilang mga karakter na ginampanan
ay lubos na nauunawaan ng mga estudyante katulad ko sapagkat
makatotohanan ang mga pag-uugali at mga karanasan na nailahad nila.
May mga tauhan nga lang na kulang sa pagdedetalye ng kanilang mga

buhay upang labis na maunawaan ang mga sitwasyon na kanilang


kinakaharap.

IV. DISENYONG PAMPRODUKSYON


Nakatulong ang mga lugar na ginanapan sa buong produksyon dahil
nakatulong ito upang maunawaan lahat ng manunuod ang mga
pangyayari at maging makatotohanan. Nakatulong din ang mga kasuotan
at props na ginamit upang maging makatotohanan ang buong pelikula at
mabigyan ng pagkilala ang mga tauhan sa istorya.

V.

EDITING

Nakakabitin ang mga pangyayari dahil may mga mahahalagang


pangyayari na sa tingin ko ay dapat binigyan nila ng importansya. May
pangyayari kasi na mas mahaba ang mga pangyayaring hindi mahalaga
na dapat ay inilaan na lang nila sa mga pangyayaring may sense. May
mga pangyayari din na kulang naman ang impormasyon na
nakakapagpabitin para sa akin dahil nakakapaghula na ako na kung ano
ang susunod na mangyayari ngunit hindi naman lalabas sa istorya.

VI. MUSICAL SCORING


Maayos ang pagkakalapat ng mga tunog at musika sa pelikula dahil
nakatulong ito upang maging makatotohan ang mga pangyayari.
Nabigyang pansin ang pelikula at mas naging kaaya-aya sa mga
manunuod dahil tugmang paglalapat nito. Makikita sa mga inilapat na
musika ang mga emosyon ng tauhan at ng pangyayari; halimbawa nito
ay ang mga masasayang kaganapan na nararanasan ng karakter at ang
mga malulungkot na eksena kagaya na lang noong natalo ang mga
Seniors ng mga Juniors sa Intrams.

VII.

SINEMATOGRAPIYA

Magaling ang pagkakakuha ng kamera sa buong pelikula. Ang


paggalaw at pagpalipat-lipat nito ay nakatulong upang mapaayos ang
pelikula at mapagtuunan ng pansin ang mga tauhan na nagsasabi ng mga
mahahalagang iskrip. Nakatulong din ito upang maging angkop sa
nasabing tagpuan at mga pangyayaring mahahalaga. Ang paggamit ng
mga effects sa produksyon ay nagbigay kagandahan sa imahe ng mga
tauhan at ng tagpuan upang maging makatotohanan.

VIII. BUOD

Suliranin: Sa paparating na
intrams, ang bawat isa ay
naghahahanda upang makamit
ang kampeonato. Ngunit ang
bawat isa sa mga Seniors ay
may kani-kaniyang katauhan
kaya naman hindi sila
nagkakaisa.

Tauhan: Henry, Sophia, Briggs,


Solenn, Bunda, Bridget, Chito,
Carlo, Mitch, Stephanie

SENIOR
YEAR

Solusyon: Pagkatapos ng intrams


ay nakilala ng bawat isa ang mga
ugali ng kanilang mga kaibigan.
May mga nagbago, may mga
nanatili, at may mga nagtampuhan.
Sa kabila ng pagsisikap nila ay
natalo sila sa mga Juniors.

Pagbabago: Paglipas ng mahabang


panahon ay nagkaroon ang kanilang
batch ng reunion. Dahil rito, marami
sa magkakaibigan ang nagbago.
May nadismaya dahil sa pag-ibig,
maraming natuwa dahil nagkita muli
ang dating magkaklase. Naunawaan
nila ang mga pangyayaring naganap
dati at hindi na sila nagpaapekto
rito.

IX.

MENSAHE

Nais iparating ng pelikula na dapat hindi kinakalimutan ang mga


magagandang pangyayari na nangyari sa buhay high school at dapat
alisin na ang mga pangyayaring nagdulot ng kabiguan at kalungkutan.
Mamuhay ng naayon sa buhay na iyong natatamasa at sikaping abutin
ang mga pangarap na gustong matupad. Dapat laging positibo ang
pananaw sa buhay. Nais ring iparating ng pelikula na lahat ng
nangyayari sa buhay, negatibo man o masama ay dapat maging mabuti
ka sa iyong kapwa.

X. REAKSYON
Naaliw ako sa pelikulang ito dahil nauunawaan
naming mga high school students ang mga pangyayari sa
loob ng pelikula sapagkat ang iba ay naranasan na gaya ng
pagkasawi sa pag-ibig at mararanasan palang gaya ng
mga freshmen. Sa pelikulang ito ay may mga posibilidad
na maraming magbago sa buhay naming mga teenagers
paglipas ng mahabang panahon. Mahusay ang kinalabasan
ng paghihirap ng buong produksyon: mga tauhan, camera
operators, direktor at iba pang bumubuo rito.

Vous aimerez peut-être aussi