Vous êtes sur la page 1sur 23

Ipinasa ni:

XATRYNA LEIGH
LLACUNA
Baitang IV - Dahlia
Ipinasa kay:

(BB.) MELINDA T.
RAFAEL
Guro

ALAMAT NG AMPALAYA

Noong araw, sa bayan ng sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanyakanyang kagandahang taglay. Si kalabasa na may
kakaibang tamis, si kamatis na may asim at
malasutlang kutis, si luya na may anghang, si
labanos na sobra ang kaputian, si talong na may
lilang balat, luntiang pisngi ni mustasa, si
singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si
sibuyas na ma manipis na balat, at si patola na
may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na
kakaiba ang anyo, siya si ampalaya na may
maputlang maputlang kulay, at ang kanyang
lasang taglay ay di maipaliwanag. Araw araw, walang ginawa si ampalaya kung hindi ikumpara
ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa
kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng
mga gulay at kanyang isinuot. Tuwang tuwa si ampalaya dahil ang dating gulay na hindi
pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon
tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila
ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang
kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si ampalaya sa diwata ng lupain,
isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat
ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa
ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay
nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid
ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging
madilim.

A L AM AT N G G U M AM E L A

Mahilig sa mga bulaklak si Mela. Sa katunayan, ang paligid ng bakuran nila ay punungpuno ng mga halamang namumulaklak. Siya ang
nagtanim sa lahat ng iyon. Araw-araw, makikita ang
napakaraming mga,paruparo, bubuyog at tutubi sa
halaman ni Mela. Katuwaan na ng mga bata at
maging ng mga matatanda na panoorin ang mga iyon
habang palipat-lipat sa pagdapo sa mga bulaklak.
Dahil nalilibang sa paghahala-man, hindi na pansin ni
Mela na nagkakaedad na siya. Bagamat may mga
manliligaw ay gusto pa niyang i buhos ang panahon sa
pagpaparami ng mga tanim kaysa usapin ng kanyang
puso.
Isang araw, may bakasyunistang na ligaw sa ha lamanan ni Mela. Natuwa rin ito at
naaliw sa maramin mga tutubi, mga paruparo at mga bubuyog na masayang nagliliparan sa
mga bulaklak.Nakipagakilala si Rommel, ang binatang taga Maynila kay Mela. Mula noon,
araw-araw nang panauhin ni Mela si Rommel at ikinainggit ito ng ibang manligaw ni Mela. Isa
na rito si Goyong, pinakamahigit niyang mangingibig. Minsan ay hinarang ni Goyong si
Rommel at pinagbantaan.Ipinagkibit-balikat lang ni Rommel ang banta. Nagpatuloy siya sa
pagdalaw kay Mela. Ang totoo ay natutuhan na niyang mahalin si Mela.
Lalong nagalit si Goyong nang isang umaga ay makitang kasama ni Rommel si Mela
galing sa pagsisimba. Walang sabi-sabing inundaya nito ng saksak ang binata ngunit hindi nito
inasahan ang ginawa ni Mela. Biglang iniharang ng dalaga ang katawan kaya siya ang tumanggap ng saksak na para kay Rommel. Agaw-buhay agad si Mela subalit bago nalagutan ng
hininga ay inamin kay Rommel na mahal niya ito.
Gayon na lang ang panggigipuspos ni Rommel. Matapos ilibing ang dalaga sa gitna ng
halamanan nito ay hindi na bumalik ng Maynila ang lalaki. Siya ang pumalit kay Mela sa pagaalaga ng mga halaman nito. Nais niyang ipadama sa pamamagitan noon na mahal na mahal
niya ang dalaga.
Isang araw ay napansin ni Rommel ang pagtubo ng isang ka-kaibang uri ng halaman sa
mismong puntod ni Mela. Nang lumaki iyon ay namulaklak ng kulay pula. Inisip ni Rommel na
iyon ang paraan ng dalga upang ipaalam ang kanyang pag-ibig sa binata. Ang bulaklak ay
tinawag niyang mela ngunit kalaunan ay naging gumamela.

A LAMAT NG S AMPAGUITA

Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway


ang pangalan. Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan.

Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw. Mula sa
hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang
nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang
palad, si Tanggol, isa sa mga ito ang inatake ng
baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni
Liwayway para mabigyan ng pang-unang lunas. Iyon
ang naging daan ng paglakalapit nila.
Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa'y isa sa
maikling panahon ng pagkikilala.
Nang gumaling si Tanggol ay nagpaalam kay
Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay
susundin ang ama't ina upang pormal na hingin ang
kamay
ng
dalaga.
Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.Subalit dagling naglaho ang
pa-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang pagsikat na ng buwan mula
nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap. Isang dating manliligaw ang
nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na babalik si Tanggol dahil may
asawa na ito.
Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway.
Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang
linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.Bago namatay ay wala siyang nausal kungdi
ang mga salitang, "Isinumpa kita!... sumpa kita!"
Ang mga salitang "Isinusumpa kita!... sumpa kita!" ang tanging naiwan ni Aniway kay
Tanggol. Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang
mga magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng
binata na wala na ang babaing pinakamamahal. Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos
madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan
upang mabantayan ang puntod ng kasintahan.
Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May
tumubong halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang
mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong sumpa kita, ang
mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namantay. Ang sumpa kita ay ang pinagmulan
ng salitang sampaguita.
A LAMAT NG A NAY

Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa


may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa
kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil
matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya.

na
sa

Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay. Halos gawin


siyang prinsesa ng mga ito. Ayaw siyang pagawain
bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain.
Nakasanayan ni Ranay ang umasa dahil sa
pagpalayaw na tinatanggap.

Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang


libangan ay kumain parin. Payat na payat na ang
ama't ina niya para matustusan ang kanyang
pangangailangan. Si Ranay naman ay lalong
nagkakagana sa pagkain. Kahit ano ay masarap sa panlasa niya.
Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan, maging ang
kakainin na lang ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain.Dumating ang hindi inaasahan ni
Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang ama at ina.
Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya ang
kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.
Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na
pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong kumakain ng
kahoy.
Naalala nila si Ranay.Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto
na katagalan ay naging anay.

A LAMAT NG S AMPALOK

May tatlong prinsipe noong araw na pawang masasama ang ugali. Sila ay sina Prinsipe
SAM, Prinsipe PAL at Prinsipe LOK. Dahil magkakaibigan, madalas silang nagkikita at nagkakasama sa
pamamasyal. Tuwing magkasama naman ang tatlo ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda. Ang
mga may kulang sa isip at mangmang ay kanilang pinaglalaruan, pinaparatangan at ipanakukulong.
Lubha silang mapang-api, mapangmata at malupit sa mga dukhang mamamayan. Kahit matatanda ay
hindi nila iginagalang. Mabait lamang sila sa mayayaman at kauri nilang mga dugong-bughaw.

Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay


napadaan sila sa isang sapa. Saglit silang huminto at
pinanood ang mga naliligong dalaga. Kasiya-siyang
tingnan ang mga hugis ng katawang naaaninag sa
manipis na tapis kaya sila ay nagtatawanan na para
bagang nambabastos.
"Kamahalan, huwag po sana ninyo kaming
panoorin at pagtawanan."
Galit na bumaba ng kabayo si Prisipe Sam at
walang salitang sinampal ang dalagang nakikusap.
Uulitin pa sana ng prinsipe ang pagsampal subalit
isang matandang babae ang namagitan. Palibhasa'y
walang iginagalang ang mga prinsipe, basta't mahirap, kaya pinagtulungan nilang saktan ang matanda.
Nagsiksikan naman sa isang tabi ang mga nahintakutang dalaga. Hindi alam ang gagawing
pagtulong sa matandang hindi nila nakikilala. Datapuwa't lahat ay napamulagat ang matanda ay
nagbago ng anyo. Isa pala itong engkantada!
"PANAHON NA UPANG BIGYANG WAKAS ANG INYONG KASAMAAN!" sabay turo sa tatlong
prinsipe at ang kanilang mga mata ay nangalaglag! Kasindak-sindak ang pangyayaring iyon sapagkat
ang mga nahulog na mata ay agad nilamon ng lupa!
Sa halip na magsisi at humingi ng tawad ay nagpupuyos pa sa galit na nabanta ang
magkakaibigan.. Matapos kapain ang kani-kaniyang kabayo ay haghiwa-hiwalay na sila nang alis.
Palibhasa'y mga bulag kaya hindi na alam ang daang pauwi. Tumakbo nang tumakbo ang kanilang mga
kabayo hanggang silang lahat ay mangahulog sa bangin!
Kinabukasan, nagtaka ang lahat sa biglang pagtubo ng isang puno kung saan lumubog ang mga
mata ng tatlong prinsipe.
Lumipas ang mga araw, ang puno ay namunga. Nang kanilang tikma, ito'y ubod ng asim!
Palibhasa'y may nakaukit na parang matang nakapikit sa buto ng bungang maasim, kaya naalala nila
ang mga mata nina Prinsipe Sam, Prinsipe Pal at Prinsipe Lok na sa lugar na iyon ay lumubog. Dahil
dito, minarapat nilang tawaging SAMPALOK ang puno at bunga nito. Sa kalaunan natutuhan ng mga tao
na gamiting pampaasim sa nilulutong ulam ang SAMPALOK.

A NG MAGKAPITBAHAY NA K AMBING AT K ALABAW

Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa kapitbahay


ang kambing."Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain
ka ng kumain ng sariwang damo, Kakain naman ako ng kakain ng mga murang mais ang sabi
ng kambing sa kalabaw.

"Oo ,tayo na," ang sabi ng kalabaw."Pero hindi ako marunong lumangoy.
Dalhin mo ako sa likod mo. "Ang wika ng kambing.Sumakay
nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa
ilog hanggang sa kabilang ibayo. Kumain sila ng kumain
doon. Mabilis kumain ang kambing.Ang kalabaw naman
ay
hihinay-hinay kumai.Madaling nabusog ang kambing. Ang
kalabaw naman ay hindi pa nabubusog. Nainip na ang
kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.
"Kapitbahay, gusto ko nang umuwi.Busog na akO," ang
sabi
ng
kambing."Mabuti ka pa busog na," ang sagot ng
kalabaw. "Maghintay kana muna."Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil
sa pagkain ang kalabaw, Mayroon siyang naisib. Naglulundag ang kambing.Gumawa ito ng
malaking ingay.
Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang mga tao.Nakita
nilang kumakain ang kalabaw.Hinambalos nila nang hinambalos ang kalabaw.
"Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi? ang tanong ng kambing sa kalabaw.
"Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko," ang sabi ng kalabaw, at lumakad nang papunta
sa ilog.Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw. Tinanong niya kung bakit nagingay ang kambing.
"Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at magsayaw,"
ang sagot ng kambing.
Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay narating nila ang malalim na bahagi
ng ilog. Muling hum into ang kalabaw.
"O. bakit kahuminto?ang tanong ng kambing."Alam mo kapag ako ay
nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-gulong
sa tubig," ang sabi ng kalabaw."Aba, huwag! Paano
ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi naman ako
marunong lumangoy," ang sigaw ng kambing.
"E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang
gumulonggulong sa tubig," at sinabayan nga ng gulong sa
tubig.Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing.
Hindi
ito
marunong lumangoy.Nalunod ang kambing.
A NG MATALINONG MATSING AT ANG BUWAYA

Si Malak, ang matsing at si Buwag, ang buwaya ay magkaibigan. Sila ay nagtutulungan.

Isang araw, ang asawa ni Buwag ay


nagkasakit. Lungkot na lungkot si Buwag sa ka
lagayan ng asawa. Lahat ng gumagamot sa asawa
niya ay nagsabing ang makagagaling lamang sa
sakit ng kaniyang asawa ay atay ng isang matsing.
Naghanap si Buwag ng maipanlulunas sa
karamdaman ng kanyang asawa, Malapit na siya sa
isang ilog nang mamataan niya ang kaibigang
matsing, si Malak. Lumapit siya sapunong
kinauupuan ni Malak.
"Magandangg umaga sa iyo, Malak!" masayang bati ni Buwag. "Bakit malungkot ka at
nakaharap sa ilog?"
Nais ko sanang tumawid ng ilog pero di ko magawa dahil sa hindi ako marunong
lumangoy." sagot ni Malak.
Biglang pumasok sa isip ni Buwag ang kaniyang pangangailangan. Naisip niyang isakay
sa likod niya si Malak at lunurin ito sa ilog para makuha niya ang atay nito. Inalok niya si
Malak na sumakay sa kanya at itatawid niya ito. Dali-daling lumundag si Malak sa likod ni
Buwag. Hindi alam ni Malak na nanganganib ang kanyang buhay.
Nasa kalagitnaan na sila ng ilog nang sabihin ni Buwag ang balak niyang gawin kay
Malak. Natakot si Malak. Unti-unti nang inilulubog ni Buwag ang katawan sa ilog nang mag
salita si Malak.
"Kaibigang Buwag, ibalik mo ako sa pinanggalingan ko, naiwan ko doon ang kailangan
mong atay. Nakasabit iyon sa sanga ng puno." Sabi ni Malak.
Naniwala naman ang buwaya sa sinabi ng matsing kaya't ibinalik niya ito. Agad na
lumundag sa itaas ng puno si Malak. Tumayo siya sa isang sanga at nagsalita, "Salamat sa
pagsasakay mo sa akin. Ang kai1angan mong atay ay narito sa loob ng aking katawan. Dahil sa
kaibigan kita ay ipagkakaloob ko ito sa iyo kung makakaakyat ka rito sa itaas ng puno."
Ginawa ni Buwag ang lahat ng makakaya niya subalit hindi siya makaakyat sa itaas ng
puno. Lumisan ang buwayang bigo sa masamang hangarin sa matsing.

A NG PAGONG AT ANG KALABAW

Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan
sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, "Hindi ang isang
tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad

mong lampa na't maliit ay sobra pa ang kupad


kumilos."
Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng
palalong kalabaw. "Sobra kang mapang-api.
Minamaliit mo ang aking kakayahan dapata
mong malaman na ang maliit ay
nakakapuwing.
Napika si kalabaw.Hinamon niya ng
karera si pagong upang mapatunayan nito ang
kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni pagong
ang hamon ni kalabaw. "Kapag ako ay tinalo
mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa
habang panahon."
"Matibay ka talaga, ha.Pwes, kailan mo
gustong umpisahan ang karera?" pakutyang
sambit ng kalabaw."Bukas ng umaga, sa ding ito," ang daling sagot ng pagong.
Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya
at mabilis tumakbo. Subalit si pagong ay matalino, Kinausap niya ang apat na kaibigang
pagong. Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.
Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang
makakalaban niya sa karera" O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng
ating karera?" tanong ng kaiabaw.
"Okay, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng
bundok na iyon ay siyang panalo," sabi ng pagong.
Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw
ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na ang akala niya ay ang
kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. Ganon
din ang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy
sa pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok." Muli ay may isang pagong na naman
doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.
Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya ng
malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay. ang
kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa
mahina at maliit na pagong.
A NG UNGGOY AT ANG PAGONG

Noong unang panahon, mayroong dalawang matalik na magkaibigan. Sila ay sina


Unggoy at si Pagong.Minsang walang gawain ay sumama ang unggoy kay pagong na mamasyal
sa paligid. Nakapulot sila ng isang punong saging na nakaharang sa daan. Nag-isip sila kung
ano ang gagawin sa halaman.
"Mabuti pa kaya'y hatiin natin ito at itanim natin.Sa akin ang- bandang itaas at sa iyo
ang ibaba."Mungkahi ng unggoy. Pinili niya ang itaas dahil doon lumalabas ang saging.
Tatawa-tawa siyang umuwi
Pumayag ang pagong. Pag-uwi nila sa kani-kanilang bahay agad nilang itinanim ang
kanilang parte. Makalipas ang ilang araw, ang ang halaman ng unggoyi ay namatay. Labis
siyang nalungkot sapagkat paborito pa naman niya ang prutas na saging.
Sa kabilang dako, tuwang-tuwa naman si pagong dahil namumunga na ang kaniyang
puno ng saging. Dinalaw niya ang kaniyang kaibigan.
"Kaibigang unggoy, bakit ka malungkot? Ang ganda-ganda ng sikat ng araw ah." bati ng
pagong sa kaibigan."Kasi namatay ang tanim ko." Malungkot na sagot ng unggoy. "Iyong tanim
mo kumusta na, kaibigan?""Alami mo ang dami-dami nang bunga ng tanimi ko at mahihinog na
silang lahat." masayang sagot ng pagong."Talaga? Puwede ko bang makita? sabi ng tusong
unggoy.
Nanlalaki ang mata ng unggoy nang makita ang mga saging na tanim ng
pagong.Tinanong ng unggoy kung sino ang aakyat at kukuha ng mga saging sa itaas ng puno.
Sinabi ng unggoy na hindi puwede ang lolo ng pagong dahil mahina na ito at hindi rin uubra
ang kanyang kapatid pagkat bulag naman ito.
"Kaibigan pumayag ka kaya kung ako ang umakyat para ipitas ka ng saging?" mungkahi ng
unggoy."Aba, e di mabuti." sagot ng pagong.

Mabilis na umakyat ang unggoy. Laking gulat ng pagong sa ginawa ng unggoy. Habang nasa
itaas ay kinain nang kinain ng unggoy ang mga bunga hanggang sa ito ay mangalahati na lamang.
Nakiusap ang pagong na abutan naman siya subali't pinagtawanan lamang siya ng unggoy.
Sa galit ng pagong sa katakawan ng unggoy, umalis siya at kumuha ng maraming tinik. Itinusak
niya iyon isa paligid ng puno ng saging.
"Kaibigang unggoy, hindi mainam sa kalusugan ang manatili diyan sa itaas ng buong araw. Ito'y
isang payo ko lang sa iyo. Oras na marinig mo ang kahol ng aso, iyon ay isang hudyat upang ikaw ay
bumaba na riyan." at umalis na ang pagong.
Di nagtagal at kumahol ang aso ng kapitbahay.Sa oras na iyon ay busog na busog na ang
unggoy, Ayaw pa sana niyang bumaba nguni't naalala niya ang bilin ng kaibigan. Dahan-dahan siyang
bumaba dahil sa sobrang kabusugan. Marahil sa sobrang bigat ay dumulas siyang pababa at bumagsak
sa mga tinik na nakapaligid sa puno ng saging. Aringking sa sakit ang unggoy at. namimilipit sa sakit ng
katawan hanggang sapitin ang kaniyang bahay.
Kinabukasan ay maagang gumising ang unggoy. Kailangan niyang makaganti sa ginawa sa
kaniya ng pagong. Lumabas siya at hinanap ang kaibigan.Napagod siya a kalalakad. Pasalpak siyang
naupo sa isang animo isang malaking kabibe upang magpahinga. Ang buntot niya ay pumasok sa isang
butas at iyon ay biglang hinila ng walang iba kundi ang kaibigan niyang pagong. Ang likod pala ng
pagong ang kaniyang naupuan.Napatalon ang unggoy.
"Aha, ikaw pala!" sigaw ng unggoy. "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"
"Anong gagawin mo sa akin?" tanong ng pagong.
"'Lilitsunin kita!" sabi ng unggoy.
"Kapag ginawa mo iyan, magiging pula ang kulay ko. Hindi mo ba alam na pula ang paborito
kong kulay?" sagot ng pagong."Pagkatapos ay tatadtarin kita!" sabi uli ng unggoy.
"E di maganda, ikaw rin dadaming lalo ang pagong dito." sabad naman ng pagong."At pagkatapos ay
itatapon kita sa ilog!" painis na sabi uli ng unggoy.Pagkarinig dito ay lihim na natutuwa ang pagong,
Hindi alam ng unggoy na gustong-gusto nga niyang maglaro sa tubig at lumangoy. Hindi nagpahalata
ang pagong.
"Maawa ka, kaibigan. Huwag mong gawin sa akin iyan." pakunwaring umiyak na sabi ng
pagong." Ilitson mo na ako o tadtarin mo kaya. Pero huwag mo lang akong itapon sa ilog!"
Hindi pinakinggan ng unggoy ang pakiusap ng pagong. Ubos lakas niyang inihagis sa tubig ang
pagong. Sumisid sa kailaliman ang pagong at ilang sandali lamang at lumitaw ito na may hawak na
isang malaking isda. Ipinakita niya ito sa kaibigang unggoy. Nagulat ang unggoy at hindi agad
nakapagsalita.
"Kaibigan, ibibigay mo ba sa akin iyan?" ang nasambit ng unggoy."Bakit hindi ka lumundag dito
at humuli ng para sa iyo?" sagot ng pagong."Hindi kanaman siguro isang tamad."Ayaw na ayaw ng
unggoy na matatawag siyang tamad. Dali-dali siyang tumalon at dahil sa hindi siya marunong lumangoy,
siya ay nalunod. Ang pagong ay tumawa na lang nang tumawa.

B AKIT LAGING NAG - AAWAY ANG ASO ,

PUSA AT DAGA

Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay


magkakaibigan.Ang daigdig ay napakapayapa at animo'y isang
paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting
magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang
nagbibigayan at nagtutulungan sa kanikanilang mga
suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay nasira
dahil lamang sa isang pangyayari.
Isang araw, umuwi ang aso na may daladalang
buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang
pusa
at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil
naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain.
Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay.
Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas
upang tingnan kung ligtas ang kaniyang amo.
Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga.
Malungkot siya dahil wala siyang nakuhang pagkain.Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at
dinala sa bubungan ng bahay.
"Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa."
bulong ng daga sa sarili.
Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto.
Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang buto. Dumating ang pusa
na wala ring dalang pagkain. Tinulungan niya ang asc sa
paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay
hanggang sa kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at
pusa.Akala nila ay sadyang kinuha ng daga ang buto para
masolo niya ito.
Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan
ito. Nagpaliwanag ang daga nguni't hindi rin siya
pinakinggan ng pusa. Nag-away silang dalawa kaya't ang
buto ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-daling tumakbo
hanggang sa likods ng bahay.
"Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila ditl. Siguro
mamaya ay magkakasundo na rin sila at masaya naming
pagsasaluhan itong buto." bulong ng asong humihingal. Dahil
sapagod at matagal-tagal ding paghihintay sa pagdating ng dalawang kaibigan, kinain na ng
aso ang ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya ang parte ng daga at ng pusa.
Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sagalit nang ito ay dumating sa kinaroroonan ng aso.
Inabutan niya ang aso na kumakai ng mag-isa. Bigla niyang inangilan ang aso. Nagkasagutan
silang dalawa hanggang sa sila ay magkasakitan ng katawan. Narinig ng may-ari ng bahay ang

ingay na dulot ng pag-aaway ng aso at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay.


Naghiwalay ang aso at pusa na kapwa may tanim na galit sa isa't isa. Iyon na ang simula ng
kanilang pagiging magkaaway.
Magmula noon, sa tuwing makikita ng asc ang pusa ay kinakahulan niya ito. Ang pusa
naman ay di padadaig, lagi siyang sumasagot at lumalaban sa aso. At sa tuwi namang makikita
ng pusa ang daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa takot ang daga ay pumapasok sa isang
maliit na lungga at lumalabas lamang doon kapag wala na ang pusa.

NAKALBO ANG DATU


Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang mga
Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring magasawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang
magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa


paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang
abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu
ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang
tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya
habang buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng
magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa
tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo
ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi
lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang
dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang
itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at napakalambing. Kahit
na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya
ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si
Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.
Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko
lamang siya.Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni
Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng
datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw
niyang magmukhang matanda.Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang
datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.
Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit
gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang
kanyang sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

SI MARIANG MAPANGARAPIN
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.
Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.
Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa
malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na

Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria


bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na
ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng
isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si
Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa
kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa
kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya.
Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.
Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa
tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng
pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni
Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng
mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na
inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok
araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang
manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa
limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya
ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.
Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela,
ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong
pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka
siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

ANG MAPAGPANGGAP NA MUNTING KABAYO


Minsan, isang munting kabayo ang nakakita ng isang sako sa daan. Ganun na lang ang
tuwa nito nang makitang kasuotang leon pala ang laman nito. Agad na isinuot ng munting
kabayo ang balat-kayo

Ngayon ay isa na akong leon at tiyak na


katatakutan ng lahat., ang wika ng munting kabayo sa
sarili. At sinimulan nang maglakad ng magpapanggap
na leon sa kagubatan.
Nagkagulo ang lahat ng hayop na nasindak.
Kanya-kanyang takbuhan at taguan ang mga ito.Tuwang
tuwa naman ang munting kabayo. Tuwang-tuwa siya
nang makitang kandahulog sa pag-akyat sa mga puno
ang mga unggoy. Kandauntog naman ang ibang mga
hayop sa pagtakas.
Siguro, lalo silang matatakot kung maririnig
nila ang sigaw ng leon., ang wika ng munting kabayo.
Hiiing!, ang sigaw nito.
Biglang napahinto sa pagtakbo ang mga nakarinig, at noon nila nalamang hindi tunay
na leon ang sa kanilay nananakot.
Agad nagbalikan ang mga hayop at tinugis ang natakot naming munting kabayo na
kumaripas na ng takbo palayo.
Sabi nga, maaari kang magpanggap na malakas at makapangyarihan, ngunit sa
pagsasalita mo lalabas ang katotohanan.

ANG MAGKAIBIGAN
Dalawang magkaibigan ang namamasyal sa isang gubat, sina taba at si payat. Silay
nalibang habang sila ay nasa kakahuyan. Habang nasa kakahuyan sila, bigla na lang silang
tinugis ng isang Oso, mabilis na tumakbo ang dalawa. Agad na umakyat sa puno si payat,
samantalang naiwan pa si taba sa ibaba ng puno. Hirap na hirap naman sa pag-akyat si taba,
dahil nga sa katabaan. tulungan mo ako payat! Iakyat mo ako! ang pakiusap ni taba sa

kaibigan. Nagpilit pa rin umakyat si taba subalit talagang nahihirapan siya. Hanggang sa
naabutan na siya ng Oso. Nagkunwari siya na patay na
dahil may nagsabi sa kanya noon na hindi pinapansin ng
oso ang patay na.
Inamoy amoy ng oso si taba sa mukha at sa tainga.
Hindi naman halos humihinga si taba upang magmukha
na siyang patay. Di pa nagtagal at umalis na ang oso.
Agad na bumaba si payat.
Mabuti na lamang at hindi ka piata ng oso.Ang
wika nito. Bumangon na rin si taba at tumingin lang kay
payat. Parang may binubulong sa iyo ang oso, ano ang
sabi niya? ang tanong ng payat. Sinabi sa akin ng oso
na huwag daw akong sumama sa taong pababayaan ako
sa oras ng kagipitan! Kaya dyan ka na! at umalis na si taba pagkasabi nito. Naiwan si payat
na malungkot dahil nawalan siya ng kaibigan.
Sabi nga, tunay na kaibigan, sa kagipitan makikilala.

BAKIT MAY PULANG PALONG ANG MGA TANDANG


Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na
kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na
nagpapaibig sa mga dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad


ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang ama
ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling
mga palabas nito na mga salamangka o mahika.
Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang
bagong kanayon. Bukod sa pagiging magalang,
masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa
mga taga nayon si Iskong Salamangkero. Madali
siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang
pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.
Kung anong buti ng ama ay siya namang
kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad
at palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na
lamang siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at
pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya
pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan at
pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito.
Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na
pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito.
Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa
harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.
Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika
ni Iskong Salamangkero.
Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.
Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. Ako ay hindi pa nagugutom. At
nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.
Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha
ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi: Mabuti pang wala
na akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang
pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Isakong
Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.
Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging
tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang
palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang

Vous aimerez peut-être aussi