Vous êtes sur la page 1sur 4

SURING

AKLAT
“TITSER”
ni Liwayway Arceo

Ipinasa ni: Michelle Jimeno

Ipinasa kay: Gng. Orosco

Introduksyon:
Ang duplikado ng manuskrito ng nobelang ito ay sadyang ipaaklat upang
maging bahagi ng pansarili nilang koneksyon. Bago pa man tuluyang
mabuo at maitala ang mga pangyayari sa kwento ay ginawa muna ang
buod nito at ang mahahalagang pagkilanlan sa mga tauhan. Tulad ng edad,
pinagaralan, estado sa buhay ambisyon at iba pa. Umabot sa dalawangput
dalawang kabanata ang nobelang Titser. Ito ay isang nobela na hango sa
isang guro na nais bumalikas at harapin ang pagpapaunlad ng kanilang
pamayanan.

Bahagi rin ng nobelang ito ang kalagayang sosyo-ekonomiko sa isang


nayong hindi kalayuan sa Maynila, at ang malayong pananaw ng isang
tungo sa sa ikauunlad ng kanilang dukhang nayon. Ngunit ngayon sa ating
naghihirap na panahon. Malaki ang kaibahan ng nobelang ito sa
kasalukuyan. Dito inaasahan ng magulang na pagtanaw ng utang na loob
ng mga anak. Iisa lang ang pinanghahawakan at sinasabi nila. Panahon
lamang ang hahatolsa atin, maging ano man an gating larangan.

I.Kakayahan ng may akda sa


paggawa
a. Talambuhay ng may akda:
Nasa ika taon ng propesyonal si Liwayway A. Arceo. Malikhaing manunulat,
mananaysay, taga salinwika, editor. Una siyang nakatawag ng pansin sa
kanyang akdang “Uhaw ang Tigang na Lupa” na isinulat niya sa gulang na
disisyete at nahirang na pangalawang pinakamahusay na Maikling Katha
ng 1943. Ilan sa marami niyang gawa at parangal ang Doctor of Human
Letters, honoris causa (1991), mula sa Unibersidad ng Pilipinas at ang
Gawad CCP sa Sining para sa Literatura (1993)

b. Iba pang aklat na nasulat ng


may akda:
Sa sipag at husay bi Liwayway A. Arceo bilang isang manunulat ay
maraming nakapansin sa kanyang hangarin sa buhay. Maaaring
makahulugan ito sa isang taong manunulat sa kahirapan. O maaari ring
isang taong hindi nakaranas ng kaginhawaan sa buhay.

C. Batayan ng may akda sa


pagsulat ng akda:
Sa ganda at malinaw na mga detalye sa nobelang Titser, maaaring ibinatay
ni Liwayway ang mga karanasang nakikita niya sa mga guro o taong
malapit sa kanyang nakikita. Marahil naisipan niya ito dahil sa hangarin
niyang mapataas ang tingin ng mga tao sa mga guro.

II. Buod:
Bunso sa limang magkakapatid si Amelita. Kilala ang kanilang pamilya sa
kanilang pamayanan. Si Amelita ay nakapagtapos sa kursong “Education”
o pag-guguro. Di tulad ng kanyang mga kapatid na may titulo. Mayroon ng
mga pamilya ang kanyang mga kapatid at mayroon na ring sariling mga
negosyo. Dahil sa pagpili ni Amelita sa propesyong gusto niya. Lumayo
ang loob ng kanyang Inang si Aling Rosa. Simulang suwayin siya ni
Amelita sa nais niya parasa kanyang anak. Nais ni Aling Rosa na maging
dentista si Amelita. Ayaw niyang maging guro ang anak dahil wala naman
siyang mapapala rito. Lagi nalang inaabonohan ni Lita ang mga
nagkukulang sa eskwelahan lalo na sa mga batang walang pang matrikula.
Likas na maganda at mabait si Lita. Kaya nabighani sakanya ang
mayamang si Osmundo. Si Osmundo ang nais ni Aling Rosa na
mapangasawa ni Lita. Gusto niya ito upang hingi na mapariwara ang buhay
ng anak. Ayaw ni Lita kay Osmundo, dahil meron na siyang nobyo si
Mauro. Walang pakialam si Aling Rosa sa nararamdaman ng anak. Kahit
nagpaalam na ang mga ito na magpapakasal na.

Gumawa ng paraan si Aling Rosa, kinabukasan hindi niya pinapasok sa


trabaho si Lita. Nagtaka si Mauro kung bakit. May sakit daw si Lita ang sabi
ng punong guro. Nagt-alala si Mauro kaya’t pumunta siya sa bahay nina
Lita, ngunit sa tarangkahan pa lamang ay hinarang na ito ni Aling Rosa.
Sinabi ng matanda na walang sakit ang anak. Magpapakasal na daw ito kay
Osmundo. Ngunit nagulat si Aling Rosa dahil sa sinabi ni Lita. Buntis daw
siya, mas lalong nagalit si Aling Rosa kay Lita ayaw nito kay Mauro dahil
mahirap at isang hamak na guro lamang din. Pagkaraan ang ilang araw ay
napagkasunduang ipakasal sina Mauro at Lita. Tanging si Mang Ambo at
Aling Idad lamang ang pumunta. Si Mang Ambo ay ama ni Lita at si Aling
Idad ay ina ni Mauro.

III. Pagtataya:
Napakaganda ng kwento marami akong natutunang aral. Dapat kung anong
naging desisyon mo ay dapat lamang panindigan at ipaglaban. Huwag ding
pangibabawin ang takot.
Kongklusyon:
a.) nagustuhan mo ba ang
kwento? Bakit?
Oo, dahil makatotohanan ang bawat detalyeng nakapaloob ditto. Hindi
nasayang ang mahaba at matagl kong pagbasa. Nakikita kong hindi lang
sa ganito nangyayari ang ganito.

b.)karapat dapat bang


irekomenda ang aklat? Bakit?
Oo, dahil marami ang nagbabasa nito lalo na sa mga magulang na hindi
masyadong nagtitiwala sa kanilang mga anak.

c.) may natutunan ka ba sa


aklat ?
Oo, hindi dapat basta isuko na lamang ang tunay na pag-ibig. Huwag
ding matakot na kainisan at layuan ng magulang dahil mas higit silang
nakakaintindi.

d.)paano mo mapapaunlad ang


aklat?
Maaaring sa pamamagitan ng pagkukwento ng ganitong klase ng mga
nobela.

e.) masama ba o mabuti ang


aklat?
Mabuti ito para sa akin. Dahil ipinaglalaban lamang naman ng bida sa
nobelang ito ang pagmamahal. Pati na rin ang propesyong
pinagdesisyonan niya.

Vous aimerez peut-être aussi