Nasabi ni Sto. Tomas na walang kakayahan ang tao upang lubusang
maintindihan ang napakalawak na essentia ng Diyos. Sa ibang salita, hindi kaya ng ating isip na intindihin ang kabuuan ng essentia ng Diyos. Tayo ay mga limitadong nilalang samantalang napakalawak at hindi masukat ang Diyos. Sa kasalukuyang buhay ay walang kakayahan ang isip ng tao ang essentia ng Diyos. Hindi makikilala ng nilikha ng Diyos ang essentia niya dahil sa malawak na agwat ng nibel ng dalawa. Sinabi ni Sto. Tomas na malaki ang pagkakaiba ng kaalaman na tumutukoy sa Diyos at parehong kaalaman upang maunawaan ang essentia ng Diyos. Maari ang nauna ngunit imposible ang pangalawang ideya. Hindi maaaring maintindihan ang essentia ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pagkakatulad dahil hindi nga sakop ng ating mga pandama ang Diyos. Sa madaling salita, hindi natin mauunawaan ang essentia ng Diyos sa materyal na daigdig. Ang kakayahan na umalam ay batay sa nibel ng pag-iral ng nilalang. Sa huli ay sinabi rin naman niya ang ating isip, ayon sa likas na kakayahan nito, ay may maipapahayag rin naman sa essentia ng Diyos. Hindi mauunawaan ng isip ng tao ang essentia ng Diyos sa kasalukuyang buhay. Walang kakayahan ang nilikhang isip na makita ang essentia ng Diyos. Sinabi man niyang likas sa isip ang kakayahan na magkaroon ng kaalaman ukol sa Diyos, hindi nangangahulugan na nauunawaan natin ang essentia ng Diyos. Dito niya inihahambing ang pagkakaiba ng pagtukoy sa Diyos at pag-unawa sa essentia ng Diyos. Imposibleng mainawaang ang essentia ng diyos sa materyal na daigdig. Ito ay papalabungin pa niya sa susunod na punto. May kaalaman na naganap kung ang bagay-na-alam ay umiiral sa may-alam. o Ang pag-iral ng bagay-na-alam ay batay sa kakayahan at mismong pag-iral rin ng may-alam. Samakatuwid, ang bagayna-alam ay posible lamang makita ayon sa likas na kakayahan ng isip ng may-alam. o Para sa mga tao, ang mga bagay ay malalaman laman kung ito ay may katumbas na bagay na angkop mismo dito sa materyal. At ang katulad na ito ay ang imahen o kinatawan sa loob ng isip. o Ang bagay-na-alam ay umiiral sa may-alam bilang isang konsepto.
Kung ang uri ng pag-iral ng bagay na aalamin ay lampas sa uri ng
pag-iral ng ng umaalam, ang kaalaman ukol sa bagay na iyon ay lampas sa likas na kakayahan ng umaalam. Kung ano man ang nauunawaan natin tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng mga materyal na bagay o mga nilikhang katulad, hindi nito ibig sabihin na ating nauunawaan na ang essentia ng Diyos. Mauunawan lamang natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga pandama at ito ay limitado sa mga konseptong materyal. Uri ng pagmemeron: o Likas na materyal o Nagmemeron na hindi kasama sa essentia nila ang pagiging materyal Nagmemeron nang walang katawan (angehl) o Pagmemeron na angkop lamang sa Diyos Ang kanyang pagmemeron ay ang essentia Niya mismo Ang tatlong uri ng isiptao, anghel, Diyosay may kanyakanyang esensiyal na obheto ng kaalaman. o Tao Isang kakayahang pangkaalaman ng kaluluwang rasyonal na may kalikasang umiral na kaugnay ng katawan. Obheto ng kaalaman ay ang kalikasan ng mga materyal na bagay o Angel Umiiral nang walang katawan Obheto ng kaalaman ay imateryal na bagay gaya ng sarili nila. o Diyos Pagmemeron niya essentia Niya Obheto ay ang sarili Niyang pagmemeron Diyos lamang ang makakaunawa sa sarili niyang essentia dahil wala ngang nilikha ang makakaunawa sa essentia Niya. Hindi makikita ng tao o nilikhang isip ang essentia ng Diyos sa pamamaagitan ng isang katulad dahil labis na malayo o ibang nibel ang pagmemeron ng Diyos sa mga nilikhang isip. o Halimbawa, kung tayo ay nasa ikatlong dimensyon, siya naman ay nasa ikaapat. Mula sa halimbawang ito, iniisip natin ang Diyos bilang isang malaking nilalang na nakatira sa langit. Kailangan ng ating isip ng isang katulad ng Diyos sa materyal na mundo upang tayo ay magkaroon ng pagtutukoy sa kanya. o Imposible na magkaroon ng katulad ang essentia ng Diyos sa ating daigdig. Kahit ano man ang nasa isip natin tungkol sa Diyos, ito ay likha lamang batay sa likas ng ating isip at hindi ang tunay na essentia ng Diyos.
o Hindi natin mailalarawan sa salita o mabubuo sa isip ang
essentia ng Diyos. Kung iisipin natin ang essentia ng Diyos, ito ay maihahalintulad sa pag-iisip ng bagong kulay o pag-iisp ng wala. Hanggat magkaungnay ang ating katawan at kaluluwa, kailanman ay hindi natin mauunawan ang mga pagmemeron na walang katawan o imateryal. Kapag naghiwalay na ang katawan at kaluluwa, ang kaalaman na matatamo natin ukol sa essentia ng Diyos ay ang mismong pagharap at pagmalas na ng mga pinagpala ng Diyos. o Ngunit ito ay sinundan ng paliwanag na dahil hindi kaya ng likas na isip ng tao na unawain and essentia ng Diyos, kailangan niyang palakasin at pagtibayin ang isip na iyon sa pamamagitan ng iluminsayon ng isip. o Ang scientia beata ay hindi kasiguraduhan ng lubusan at buong pag-unawa sa essenti ng Diyos dahil ito lamang ay posible sa pamamagitan ng pag-unawa ng kanyang walang hanggang essentia.
Limitadong kaalaman ng tao ukol sa Diyos
Unang dalawang punto o Hindi ang essentia ng Diyos ang obheto ng kaalaman ng isip ng tao o Sa pamamagitan lamang ng scientia beata mauunawaan ang essentia ng Diyos Iktalong punto: mayroon tayong nalalaman ukol sa Diyos bagaman ito ay sakdal na limitado Tatlong kaalaman ukol sa Diyos o Scientia beata: tuwirang pagmalas ng Diyos sa kabilang buhay o Kaalaman batay sa banal na pagbubunyag: kaalaman ukol sa Diyos batay sa grasya ng pananampalataya at ito ay natatamo sa kasalukuyang buhay. o Kaalaman batay sa isip: kaalamang nagsisimula sa karanasang pandama at bunga ng pagpupunyagi ng likas na kakayahan ng isip. Kaalamang pilosopikal Likas sa isip na maghangad na malaman ang sanhi ng mga bagay. Upang hindi mabigo ito, dapat itong magkaroon ng kaalaman ukol sa Unang Sanhi ng lahat ng bagay. Negatibong paraan o Ayon kay Sto. Tomas, ang ating isip ay may kakayahan na alamin ang essentia ng Diyos ngunit hindi sa paraan na alam natin kung ano ang Diyos sa Sarili Niya kundiy sa negatibong paraan lamang. o Mula sa Quinque Vitae, nakita na natin ang mga pagsasanhi ng mga bagay sa materyal na daigdig. Ang mga bagay na ito
ay may limitadong pagmemeron kaya sila ay umiiral bilang
bunga lamang na nakadepende sa sanhi ng kanilang pagmemeron. o Kung gayon, alam natin na ang Diyos ay nagmemeron ay nasa kanya ang lahat ng katangian bilang Unang Sanhi na nagsasanhi sa pagmemeron ng mga bagay. o Sinasabi sa paraang ng remotio na ang Diyos ay walang katawan at walang komposisyon. Kung gayon, siya ay hindi nagbabago maaaring dahil sa paliwanag na hindi siya napapasailalam ng panahon at oras. At isang katangian rin ito ng Purong Aktuwalidad. Ay Diyos ay buo at walang pagkakahati. Siya ay may pinakapayak na pagmemeron. Positibong paraan o Ang kaganapan na nakikita natin sa mga bagay ay hindi ang essentia ng Diyos kundi mga katangian lamang Niya. Ang tao ay maganda, Siya ang kagandahan. Ang pag-iral ng mga bagay na ito ay limitado lamang. Sila ay nakikibahagi lamang sa anumang uri ng kaganapan. o Walang limitasyon ang mga katangian tulad ng buhay, kagandahan, katalinuhan ngunit ito ay limitado batay sa likas na kakayahan ng umiiral na nilikha. Dahil wala itong limitasyon tulad ng Diyos, nararapat lamang na ito ay taglay Niya. Ang katangian na makikita sa bunga ay nararapat na makita rin sa sanhi. o Ang pagpapahayag ng mga kaganapang ito na matatagpuan sa Diyos ay hindi nanganahulugan na nauunawaan natin ang kanyang essentia. Ipinapakita lamang nito na nasa Diyos ang kaganapang ito ngunit hindi natin alam kung paano ang mga ito umiiral sa essentia ng Diyos. Wala tayong kaalaman sa kaganapan ng mga katangian nito sa Diyos. Nararanasan lamang natin ito batay sa likas na kakayahan ng ating pandama. Magkaiba ang pag-iral ng mga katangian nito sa Diyos at sa mga Nilikha Niya.