Vous êtes sur la page 1sur 1

ANG PAGKAHUMALING NG MGA KABATAAN SA MGA SOCIAL NETWORKING

Hindi maikakaila na kaliwa`t kanan na ang mga social networking na


kinaaadikan ng mga kabataan sa ngayon, maliban sa nagkakaroon sila ng
pagkakataong makita ang mga kamag-anak nila sa malalayong lugar ay nagkakaroon
pa sila ng maraming kaibigan. Ang mga social networking din ang nagiging
pampalipas oras nila, at ang nagbibigay ng kaunting kasiyahan sa bawat araw na
lumipas sa buhay nila.
Sa kabila ng mga magagandang naibibigay ng mga social networking sa mga
tumatangkilik na mga kabataan ay may mga bagay pa rin na nakakasama sa sobrang
pagtangkilik nila rito, talamak na sa mga social networking ang mga krimen tulad ng
mga nakawan at paninirang puri, talamak din ang mga murahan at mga litratong puro
kalaswaan o may mga nude photos. Ginagamit din ang mga social networking sa mga
panloloko ng mga negosyante raw ngunit scam pala ito. Kawawa naman ang mga
kabataan na nakaranas ng isa sa mga ito, mga nabiktima na ang pawang ang nagawa
na lamang ay ang umiyak.
Hindi ko sinasabing pangit ang magiging adik sa mga social networking, dahil
maging ako ay naaaliw rin sa paggamit nito. Sa kabila ng libo-libong kaibigan ay tiyak
ko na hindi lahat iyon ay totoo mong kaibigan dahil halos lahat sa kanila ay pawang
mga estranghero pa rin sayo, artipisyal lamang ang relasyon nila. Hindi madaling
makakita ng tunay na kaibigan sa social networking dahil karaniwang mga
pagkukunwari lamang ang mga identidad nito.
Sana naman sa kabila ng pagtangkilik natin sa mga social networking ay
magkaroon pa rin tayo ng kontrol sa paggamit nito, kung nagiging sanhi na ito ng
adiksyon at kung nakakasama na ito sayo makabubuti pa na tigilan na lamang ito
upang wala kang pagsisihan sa huli. Marami pang mga bagay na pwede mong
tangkilikin at gawin na pampalit sa mga social networking tulad ng mga iba't ibang
isports.

Vous aimerez peut-être aussi