Vous êtes sur la page 1sur 6

Buod

Panulukang-bato ng rnga nobelang sosyal ni Francisco ang Ama. Ito ang kauna-unahan
niyang reaksiyon sa piyudalistikong kalagayan ng rnga magsasaka sa Nueva Ecija, ang pinamalagian
niyang lalawigan matapos umalis sa sinilangang Orani, Bataan noong siya'y nasa intermedya pa.
Nalathala sa Liumymy, magasing kinalabasan ng lahat liban sa isa niyang nobela, kasaysayan ito ni
Ingkong Tasyo, ang arna at pangunahing karakter. Sa prologo, malalaman na ang Puting-Tubig, lunan ng
nobela, ay dating tiwangwang na lupang umakit ng mga mandarayuhang magsasaka mula sa nokos.
Kabilang sa nandayuhang ito si Ingkong Tasyo na bata pa'y natira na sa Nod matapos mamatay doon sa
pagkalunod ang ama na biyahero ng kabayo. Ang Puting-Tubig, na agad mahahakang nasa Nueva
Ecija, ay hinawan at sinaka nina Ingkong Tasyo hang- gang sa isang araw, ito'y bigla na lamang inangkin
ni Don Pilo Melendres, hindi nakikilalang kapatid ni Ingkong Tasyo at kapatid din ng isang gobernador sa
Norte, si Don Elpidio. Nagsiyaman ang rnga di nakikilalang kapatid ni Ingkong Tasyo nang ito'y
pamanahan ng isang mayamang kaibigan ng kaniIang ama sa h Union. Iniharap nina Ingkong Tasyo at
ng rnga kasamang magsasaka sa hukuman zing kuwestiyon sa pagmamay-ari ng Puting-Tubig nguni't
sa pananaig ng "katwiran ng lqhs" at di ng "lakas ng katwiran" ay si Don Pamfilo ang ipinasiyang mayari.
Nagbalik sa Ilokos ang mga hindi nakatiis na mandarayuhan; ang iba, tulad ni Ingkong Tasyo, ay
nagpaiwan at naging biktima ng sarisaring "pambikti at panduhagi sa buhay ng mga anak-pawis," tulad
ng takipan, talinduwa, bugnos, paswwd, pamata at ang malupit na karapatan ng may-ari, maging ng
katiwala, na padapain sa pilapil ang kasama at takalan ito ng palo. Masipag, mapagpakasakit at
mapagtiis, kung natatanggap man ni Ingkong Tasyo ang kanyang kapalaran ay pinapangarap naman
niyang mapalaya rito ang ulila sa hang si Delfin, ang kanyang and, na naitaguyod niyang papagtapusin
sa Maynila ng bachiller en artes at balak pang pakunin ng abugasya, sa kanya ring pagtataguyod. Buong
pananabik na pinaghandaan ni Ingkong Tago ang araw ng pag-uwi ni Delfin. Binalak niyang mangisda sa
batis, manghuli ng pugo sa bukid, maglitson ng pabo, magsaing ng bigas milagrosa na matagal na
niyang itinatagu-tago, at gumatas ng kalabaw. Datapwa, natodas ang lahat ng pagkaing ito nang
dumating sa bukid ang magbabakasyong pangkat ni Don Pamfilo, kasama ang anak na si Leonor, ang
kaibigang asenderong si Don Alipio at ang anak nitong si Paquito na nanliligaw kay Leonor, at rnga
kabimtaan at kadalagahang taga-Maynila. Nang dumating si Delfin, hindi na ito nakatuloy ng bahay; ang
abash nito ay ipinakibuhat na lamang sa kutsero sa silong. Sa mga unang kabanata ay hindi na
kailangang himukin ng nobelista ang burnabasa upang mahabag. Habang iginagatas ni Ingkong Tasyo
ang rnga panauhin, halimbawa, ay sinulyapan niya ang nagpupumiglas na rnga bulo at waring
ipinahiwatig na Magtiis na muna kayong huwag sumuso! Ang anak ko lamang ba ang sasakalin ng ating
panginoon? Nang nakatitipon na ang matanda ng isang timba at isa pang presko ng gatas ay sa tatawag
naman ang katiwala sa may tarangkahan: Tao!. . .Hooo! Tasyooo!--ang pasigaw na tawag ng bagong
dating. Marami na baaa? Walang hangad mang-aglahi ang katiwala nguni't sa tinuran niya, kahit walang
intensiyong makasakit, ay mararamdaman ng bumabasa ang hapdi. Aba, marami na pala! Tama na iyan!
Kawawa naman ang mga bulo! Walang masueueo! Hindi naman nila ipaliligo 'yan kundi iinumin lang, e!
Tama na! Masdan din ang ironiya ni Francisco habang nililitson ang pabong sana'y inilalaan sa anak
nguni't ngayo'y hinihintay na maluto ng mga bisita: Si Ingkong Tasyo ay malungkot at walang irnik na
nakaupo habang payapang pinipihit ang matabang pabong nililitson ea ilalim ng immg mayabong na
pun0 ng sampalok Mapula na ang pabo at nagWat ng alimunyang na nakatatakam at nakatutulo ng
laway sa balana. Ang matanda ay tila namamalikmata. Sa namumutok na laman ng pabong iyon ay
nakikita niya wari ang kaniyang pangmp na unti- unting nasusupok. Habang ang mag-ama'y kurnakain
ng "tanghaliang- hapunan" sa tabing-batis, sa-darating naman ang pangkat ng kabataang bakasyonista.
Upang hiyain si Delfin na kanyang ki- naiinisan sapagka't anak nuagsasaka'y nakatapos ng kolehiyo,
napapansin pa at hinahangaan ni Leonor, ibinulong ni Paquito sa katiwala na buhatin ni Ingkong Tasyo
ang isang malaking tipak ng bat0 at ilagay iyon sa gitna ng makipot na batis para sila'y may rnatapakan
sa pagtawid. Kahit pagod sapagka't bagong dating, si Delfin ang burnuhat. Sa biglang pagkabasa,
inapoy ito ng lagnat at sa bahay ng isang kapwa magsasaka-hindi sa sariling bahay-inalagaan ni
Ingkong Tasyo. Pagkabalitang nagkawkit si Delfin, palihim na dumalaw sina Isonor at Tansing, isang
kaibigan, nguni't sila'y nasubukan ng naninibughong si Paquito. Samantala, ipinatawag naman ni Don
Pamfilo si Ingkong Tasyo at hinanapan ito ng ipinahuhuling isda at pugo. Nang ikatwiran ng matanda na
hindi niya nagawang manghuli ay sinipa siya ni Don Pamfilo at pinalo nang pinalo ng buntot-page.
Haaa!-ang mabilasik na bulalas ng don. -Diyata't kailangan kong maunawaan na hindi nilikha ang tao
upang maging imbing alipin lamang ng kaniyang kapwa? Ano ang ibig mong sabihin? Ibig mo nang
maupo nang pantay sa akid? Kaya ba hindi ka nanghuli ng pugo? Kaya ba hindi ka nanghuli ng isla?
Nagkatotoo ang sapantaha ni Paquito na umiibig si Leonor kay Delfin at ito'y sinabi niya kay Don Alipio
na ang nakitang paraan upang sumakamay ng an& si Leonor ay lang pigipitin si Ingkong Taayo.
Nagpakawala si Dm Alipio ng dalamng tauhan sa Puting-Tuhig upang magtayo ng samahan ng
magsasaka na ang ituturong utak ay si Ingkong Tasyo. Tumangging surnapi ang matanda nguni't ayaw

maniwala ni Don Pamfilo na w'ala siyang talagang kinalaman. Binawian ni Don Pamfilo ng saka si
Ingkong Tasyo. Ipinlasunog niya ang bahay nito at sa pamamagitan ng l& de propietarws, wala sinumang
may-an ng lupa na turnanggap aa rnatanda bilang hama. Inudyukan ng mga hsamang magsasaka na
rnag- himagsik si Ingkong Tasyo nguni't tumanggi ang rnatanda. Nagpalabuy-laboy siya. Sa makahbas
ng Puting-Tubig ay inadukha siya ng isang magsasaka-isang pinaghahanap sa pagtangging sunugin ang
bahay ni Ingkong Tasyo at ngayo'y pinapananlagot nina Don Pamfilo sa isang pagpatay na hindi naman
ginagawa. Sa pamamagitan ng mavkang ito ay ti- nulungan ni Leonor si Ingkong Tasyo. Sib rin ang
nagpaalam kay Delfin, na nasa Maynila at nagsisimula nang mag-aral ng abugasya, ng sinapit ng ama.
Sa bahaging ito ng nobela'y darating mula sa Ilokos si Don Elpidio. Sa mga nagsibalik doong
nandayuhan, nalaman ni Don Elpidio na ang nawawala nilang kapatid, si Ingkong Tasyo nga, ay
maaaring nasa Puting-Tubig. Si Leonolr ang maghahatid sa kanila kay Ingkong Tasyo. Maligaya ang wabas ng nobela: nagkaibigan sina Delfin at Leonor na "unang nakilala ang pag-ibig bag0 ang
pagpipinsan." Sa epilogo, ang pagmarnay-ari ng Puting-Tubig ay ililipat kay Deifin na si- yang puputol sa
kalabisang ginagawa sa mga kasama. Tina- pos ni Francisco ang kasaysayan sa pagpipinta ng bang
ideyal na larawan ng Puting-Tubig na "walang naghahari kundi ang mabmis at matimyas na pagsasama
at pagtuturingang mag- kapatid ng nakikisama at nagpapasaka." Namdbabaw sa nobelang ito ang
problema ng kung paano bibigyan ng reconciliacion ang may-ari ng lupa at mga magbubukid. Ang
ginamg resolusyon ni Francisco ay pagpapatawad at pagmamamahal. Ang kalakasan ng mensahe
sosyal ng Am ay na kay Ingkong Tasyo bilang simbolo ng dinuduhaging magbubukid nguni't ang
kahiman a ang inihina nito ay na kay Ingkong Tasyo na rin bilang nawawalang ka- patid nina Don
Pamfilo. Sa simula pa lamang, kupot nang karakter si Ingkong Tasyo. Hindi siya maaaring maghimagsik,
gaya ng makatwirang asahan. Kung siya'y maghihimagsik, hindi sila magkakaroon ng tiwasay na
paghaharap nina Don Pamfilo. Labas sa anumang ideolohiya, ang apoy ng Am ay pinakamasiklab sa
mga unang bahagi; ang apoy na ito ay lalakas-hihina hanggang sa itakda ng awtor ang maligayang
wakas. Kahinaan ng rnga manunulat sa sinusuring panahon ang pag-ibig at si Francisco ay hindi rin
nakawala rito. Ang realistikong presentasyon at ang seryong takbo ng nobela ay nlasira nang pumk ang
walang kontrol na rnga diskurso sa pag-ibig. Gayunman, sa pangalawa pa lamang niyang nobela,
makikita na ang binhi ng mensahe ni Francisco bilang manunulat
Sangkap ng nobela
Uri ng tauhan - Tauhang Lapad (Flat) ang tauhang lapad ay walang pagbabago. Stereotype o
karaniwan ang kanyang karakter.
Mga tauhan
Ingkong Tasyo - Ang ama ni Delfin Gatbunton Y Libunaw. Matagal nang naninirahan sa Putintubig.
Delfin - Anak ni Ingkong Tasyo.
Kartero - Ang naghatid ng sulat kay Ingkong Tasyo.
Basyo - Matandang utusan ni Don Pamfilo Melendrez.
Donya Ichay - May- bahay ni Don Pamfilo Melendrez at ang ina ni Leonor Melendrez.
Doray - Kusinera ng pamilyang Melendrez.
Leonor Melendrez - Bugtong na anak nina Don Pamfilo Melendrez at Donya Ichay Melendrez.
Don Alipio Santos - Ama ni Paquito at matalik na kaibigan ni Don Pamfilo Melendrez.
Paquito Santos - Ang anak ni Don Alipio Santos at binatang napupusuan ni Don Pamfilo para kay
Leonor.
Tansing - Ang pinakamatalik na kaibigan ni Leonor. Ang karamay niya sa lahat ng oras.
Artemio - Ang kaibigan ni Leonor at ang pinaka mapagbiro sa grupo. Siya ang kumanta ng Ama sa
naganap na kasiyahan sa bulwagan.
Pepe - Ang pinaka matalino sa grupo at isa sa umawit ng solo sa naganap na kasiyahan sa bulwagan.

Mga iba pang kaibigan at kamag-aral ni Leonor:


Tirso

Canlas

Anchay

Horacio

Maria

Jose

Esperanza

Silvestre

Paz

Don Elpidio Diko - Ang nakakatandang kapatid ni Don Pilo at ang Gobernador sa La Union.
Di Kilalang Lider - Ang bumuo sa kilusang kapatiran na ang pangunahing layunin ay kalabanin ang
pagmamalabis ng mga asendero.
Marcelo Cruz - Kasama ni Diego na umanib sa kilusang kapatiran at tauhan ni Don Alipio. Nagsuplong
kay Don Pilo na kaanib si Tasyo sa kapatiran. Natagpuang nakabitin sa isang punong kahoy sa
Putintubig.
Diego Rivas - Kasama ni Marcelo na umanib sa kilusang kapatiran na tauhan rin ni Don Alipio. Ang
pinagmalupitan ni Don Alipio dahil sumuway ito sa utos niya. Ang tumulong kay Ingkong Tasyo na
tinulungan din ni Leonor.
Kilabot - Ang tawag sa pangulo na isa sa mga limang katulong ng kilusang kapatiran.
Dianong - May- ari ng dampang pinagpanhikan kay Tasyo nang mawalan ng malay.
1.

Tagpuan- Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihanng mga tagpo sa akda,


naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong
linaw, patina ang kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.

Magdarapit- hapon noong maalinsangang araw ng Abril. Sa may labas ng


nayon ng Putintubig.
Sa tapat ng tarangkahan ng bahay ni Ingkong Tasyo.
Sa tabi ng batis
Sa Hungib/Kweba
Sa Bulwagan

Putintubig- ang lugar kung saan naninirahan si Ingkong Tasyo, Delfin at iba pang mga manggagawa ni
Don Pilo. At ang lugar na pinag- aarian ni Don Pamfilo Melendrez.
La Union- ang lugar na pinanggalingan ni Don Pamfilo at Don Elpidio.
A.Panimula - Ang pagdating ng mga panauhin sa Putintubig upang magbakasyon.
Suliranin- problemang kahaharapin ng mga tauhan.

Pagpapatupad ng sistemang Takipan sa Putintubig.


Ang pagmamalupit ni Don Pilo sa kanyang mga tauhan.
Ang maling pamamalakad ni Don Pilo sa Putintubig.

Saglit na kasiglahan Ang paggaling ni Delfin mula sa pagkakasakit.


Tunggalian
Tauhan laban sa Tauhan - Ang pagsuway ni Diego s autos ni Don Alipio.
Tauhan laban sa Sarili - Ang Pag- alis ni Ingkong Tasyo sa Putintubig.

Tauhan laban sa Lipunan - Ang pagpapatupad ni Don Pilo sa sistemang Takipan na


hindi sinang- ayunan ng mga taga- nayon.
Tauhan laban sa Pagsubok sa Buhay - Ang pakikipagsapalaran ng mag- amang Tasyo at Delfin sa
hirap ng buhay.
D.Kasukdulan .Nang matuklasan ng mga kaanib sa kapatiran na ang lider o pinuno ay tauhan pala ni
Don Alipio. Ang di kilalang lider ay inutusan pala ni Don Alipio upang magmasid sa mga taga- nayon
ngunit nang siya ay matuklasan o mabuking nagalit ang mga membro ng kapatiran.
E.Kakalasan Nang malaman ni Don Pilo na ang kanyang nawawalang kapatid ay si Ingkong Tasyo
pala.
- Nang malaman nina Don Pilo at Don Alipio na ang nawawalang kapatid nila ay naninirahan
lang pala sa Putin tubig
- Nang malaman ni Don Pilo at Don Elpidio na may malubhang sakit si Ingkong Tasyo.
F.Wakas Kalutasan. Ang nobelang ito ay tinapos ng manunulat sa paraang pabitin. Hinahayaan nyang
maging Malaya ang mga mambabasa na mag-isip sa kung ano man ang talagang kahahantungan ng
mga tauhan.

Nang natagpuan ni Don Pilo at Don Elpidio ang kanilang nawawalang kapatid na
may malubhang sakit na si Ingkong Tasyo na siya pala si Ramon Tagle ang
nawawalang kapatid nina Don Pilo at Don Elpidio at doon nagkapatawaran sila.
Naging maayos na ang pamamalakad sa Putintubig.

4.Tema o Paksang Diwa Pinakakaluwa ng akda.

Sa bawat anak na nangangailangan, may amang handang


lumaban para sa katarungan.
--Ang pinaka tema ng nobelang ito ay ang tungkol sa pakikipaglaban ng isang ama para sa
katarungan di lamang para sa kanyang anak kundi para na rin sa kanyang mga minamahal na kanayon. Isang huwarang ama sa katauhan ni Ingkong Tasyo na hindi sumuko hangang sa makamit ang
katiwasayan sa kanilang lugar.
Nobela

Tauhan- binibigyang diin sa nobelang ito ang katauhan


pangunahingtauhan,mga hangarin,kalagayan,sitwasyon at iba pa.

ng

ng

Nobela ng Romansa
Nobela ng Pangyayari
Nobela ng Kasaysayan
Nobela ng Layunin

Tradisyong Simbolismo.
Mga Patunay:
A.Paghahalintlad ni Diego kay Leonor na isang anghel na bumaba sa lupa
isang anghel yatang bumaba sa lupa! Siya ang gumawa ng lahat ng paraan, at
nagturo ng mga dapat kong gawin upang makatakas ako ng walang sinumang
makakikita! (pahina 155, T. 6)

Paliwanag: Inihalintulad ni Diego si Leonor sa isang anghel na bumaba sa lupa sapagkat siya ang
tumulong at nagligtas kay Diego sa mga kamay ni Don Alipio.
B.Paggamit ng puting panyo
Madaling naglawit ang dalaga ng panyong puti sa ibaba ng palababahan ng dungawan upang
ipahiwatig na gising siya, nakita niya ang hudyat, at siyay mananaog. (pahina 157, T. 4)
Ang paggamit ng panyong puti ay tanda o hudyat ng pagkikita nina Leonor at Diego.
Tradisyong Kultural.
A.Pagpapakita ng pagtutulungan - Ang mga bagong dating ay sinalubong ng buong nayon
halos. Marami sa nagsisalubong ang di magkamayaw sa pag- abot, pagbaba at pagpanhik
sa bahay ni Ingkong Tasyo ng mga dala- dalahang maletin, saco de noche, ilan sa
kanila ang nag-aayos na sa dakong likuran ng bahay ni Ingkong Tasyo ng mga kalanan at
lumanok sa isang matabang baboy na inuusukan na upang katayin. (pahina14, T. 2)
Paliwanag: Ang bayanihan o pagtutulugan ay likas na sa ugaling Pilipino na sa isang uri ng gawain
mahalaga ang pagtulong. At kahit din ngayon hindi yan nawawala may mga taong sadyang matuungin
sa kapwa.
B. Pagiging magalang - Si Delfin, may bikig man ng mga hinakdal, ay parang maamong
korderong lumuhod at humalik ng kamay kay Don Elpidio at gayundin kay Don Pilo.
(pahina 177, T. 8)
Paliwanag: Ito ay nagpapakita ng kagandahang asal at pagbibigay respeto sa nakakatanda.
Tradisyong Biyograpikal
Patunay: mga kapaid ko! anang matanda na tila biglang nagkaroon ng lakas na humawak sa tigisang bisig ng dalawang kapatid. (pahina 111,T. 6)
Paliwanag: Naging pinakamasayang oras iyon ng magkakapatid dahi nagkatagpo na muli silang tatlo at
nagkapatawaran.
Tradisyong Naturalismo
Patunay: Si Ingkong Tasyoy nakiang sumuray at nabuwal salamat at nakahawak sa iasang sanga ng
bayabas sa dakong likuran kung kaya hindi nahulog sa tubig. Ang matanday buong pangangatal na
tumindig na hawak ang binigkis na ugat ng bignay at humarap kay Don Pilo Don Pilo! Don Pilo! Don
Pilo at lalaban ka? ang buong panlilisik na usig ni Don Pilo, saka buong pagpupumindig at ubos lakas
na pinagsali- saliwa nang hampang ang matanda hangang sa muling mabuwal at nahulog sa tubig.
Papaaa! ang madaling sigaw ni Leonor, na nabuwal at nawalan ng malay. (pahina 82, T. 2)
Paliwanag:Dahil sa malupit na ginawa ni Don Pilo kay Tasyo, natural lamang na mabigla tayo o
mapasigaw sa kanyang ginawa na gaya na lang ng naging reaksyon ni Leonor at nawalan ng malay.
Tradisyong Arkitaypal
Patunay: walang sino mang nakapigil kay ina sa pasyang lumakad at mgalakbay. Ipinagsama kaming
magkapatid upang hanapin ang aming nawawalang panganay. (pahina 69, T. 5)

Paliwanag: Ito ay isang tradisyong arkitaypal sapagkat ang paghahanap tula na lamang sa nawawalang
anak o kapatid ay maaaring nangyari rin sa iba pang mga nobela at kwento.

Vous aimerez peut-être aussi