Vous êtes sur la page 1sur 9

C.

Panuring
I.
Pang-uri
- Salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan at iba pa na tinutukoy ng
pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap
- (Sa pamamaraang istruktural) ito ay nakikilala dahil sa impleksyong nagaganap dito ayon sa
kasidhian at hambingan
- Karaniwang kasama ng pangngalan o panghalip, maliban kung ang mga ito ay inaalis na sa
pangungusap
Mga Gamit ng Pang-uri
a. Panuring na Pangngalan o Panghalip
Hal.

Mararangal na tao ang pinagpapala. (Pangngalan)


Kayong masisigasig ay tiyak na magtatagumpay. (Panghalip)

b. Pang-uring ginagamit bilang Pangngalan


Hal. Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.
c. Pang-uring Kaganapang Pangsimuno
Hal. Mga madasalin ang mga Pilipino.

Ang pang-uring ginagamit na Panuring ay inuugnay sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan


ng pang-angkop
Hal.
Nasa grasya ng Diyos ang banal na tao.
(ang pang-uring banal ay iniuugna sa pangngalang tao sa pamamagitan ng pang-angkop na na.)

Madandang tanawin ang kanuang iginuguhit na larawan.


Malamang pata ng baboy ang ipinaksiw niya.
(ang pang-angkop na nag-uugnay sa pang-uri at pangngalan ay ng)

1. Kayarian ng Pang-uri
a. Payak
o Kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi
Hal. Mainit ang ulo ng taong gutom.
Huwag kang makipagtalo sa sinumang galit.
b. Maylapi
o kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi. Tinatawag na panlaping makapang-uri ang
mga panlaping ginagamit sa pagbubuo ng pang-uri. Gaya ng ka-, kay-, ma- , maka-, at
mala-.
Hal.

Kalahi , mataas, malahininga, kayganda, makatao

c. Inuulit
o salitang-ugat o salitang maylapi na may pag-uulit. Maaaring ganap o di-ganap ang pag-uulit.
Hal.
Pag-uulit na Ganap:
Puti-puti
Putting-puti
Maputing-maputi
Maputi-puti
Pag-uulit na Di-ganap:
Liliit
Maliliit
d. Tambalan
o Binubuo ng dalawang salitan gpinag-iisan. Ang mga ganitong pang-uri ay maaaring may
kahulugang karaniwan o patalinghaga.
Hal.

Karaniwang kahulugan

Taus-puso
Bayad-utang
Biglang-yaman
Hilis-kalamay
Patalinghagang kahulugan
Kalatong-pinggan
Bulang-gugo
Ngising-buwaya
Kapit-tuko
2. Kailanan ng Pang-uri
a. Isahan
o Iisa lamang ang inilalarawan
o Gumagamit ng panlaping pang-isa tulad ng ma-, ka-, pang- at iba pa nang walang pag-uulit
ng unang P o KP ng salitang ugat o walang paghahandang mga, o iba pang salitang
nagsasaad ng bilang o higit sa isa.
Hal.

Kalahi ko siya.
Maligayang pamilya ang pamilyang malusog.
Kapalagayang-loob ko siya.
Pang-iniksiyon iyan.

b. Dalawahan
o Dalawa ng inilalarawan
o Gumagamit ng panlaping magka-, magkasing-, o sa paggamit ng pamilang na dalawa o ng
salitang kapwa.
Hal.

Magkalahi kaming dalawa.


Magkamukha ang magkapatid na Mike at Choy.
Magkasingganda ang damit ninyo.
Dalawang magigilas na ginoo ang panauhin ni Domingo.
Kapwa dalubhasang maninistis ang mga siruhanong iyon.

c. Maramihan
o Higit sa dalawa ang inilalarawan
o Gumagamit ng mga pantukoy na mga, sa pag-uulit ng unang P o KP ng salitang-ugat , o sa
pag-uulit ng pantig n aka sa mga panlaping magka- at magkasing-, o sa paggamit ng
salitang nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa
Hal.

Magkakalahi kaming lahat.


Mga mapagkakatiwalaang kawaksi sa bahay ang mga iyon.
Mga mabubulaklak na puno ng manga ang binili niya nang pakyawan.
Malilintog na ang mga butyl ng palay.
Magkakakulay ang mga Pilipino , Indonesyo, at Malayo.
Magkakasimbilis ang mga kabayong alaga niya.
Maraming marurunong sa klase ko.

3. Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri


a. Lantay o Pangkaraniwan
Hal.

Mayaman
Pang-aararo
Palabiro

b. Katamtamang Antas
o Naipapakita ang paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti , at iba pa o sa mga paguulit ng salitang-ugat o dalawang unang pantig nito
Hal.

Medyo hilaw ang sinaing.


Labis nang bahagya ang pagkain.
Mapurol nang kaunti ang kutsilyong ito.

Masarap-sarap na rin ang ulam na niluto ni Aling Maria.


Masipag-sipag na ngauyon si Arsenio sa kanyang pag-aaral.
c. Masidhi
o Naipapakita sa pamamagitan ng
Pag-uulit ng salita
Paggamit ng mga panlaping napaka-, nag-, -an, pagka-, at kay Sa paggamit ng mga salitang lubha, masyado, totoo, talaga, tunay at iba pa
Hal.

Mataas na mataas pala ang Bundok Apo.


Napakalamig pala sa Lalawigang Bulubundukin.
Nagtataasan ang mga puno ng pino sa Baguio.
Pagkaganda-ganda ng Look ng Taal.
Lubhang malaking pagbabago ang nasaksihan natin sa Bagong Lipunan.
Masyadong nasalanta ang lalawigan naming noong nakaraang bagyo.
Totoong marami sa ating mga kababayan ang nagbago ng ugali at saloobin

ngayon.
Talaga namang napakalinis ngayon ng Rizal Park.
Tunay na kasiya-siyang panoorin ang mga pelikulang hindi malaswa.
4. Hambingan ng mga Pang-uri
a. Pang-uring pahambing
o Pang-uring naghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, at iba pa
2 uri ng Pang-uring Pahambing
i. Pahambing na Magkatulad
Ang paghahambing ay pareho o magkapatas ng uri o katangian
Gumagamit ng mga panglaping ka-, kasing-, magsing-, magkasing-, at iba pa at sa
paggamit ng mga salitang papanulad, tulad ng gaya, tulad, paris , kapwa at iba pa.
Hal.

Kamukha ni Mike ang ama niya.


Kasingganda niya ang kanyang kapatid.
Magsindunong ang magkapatid na Mary Ann at Arsenio.
Magkasimputi ang mag-ina.
Kapwa maputi sina Linda at Wendy.

ii. Pahambing na Di-Magkatulad


Ang pinaghahambing ay hindi magkapatas ng uri o katangian
Gumagamit ng mga salitang kaysa, di-tulad, di-gaya, di-gaano, di-hamak, atbp.
Hal.

b.

Malayo ang Kiangan kaysa Baguio kung manggagaling sa Maynila.


Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di-tulad ng hangin ng lungsod.
Higit na nakapapagod ang tenis na di-gaya ng pelota.
Di-gaanong mainam sa kalusugan ang karne ng baboy.
Mabuting di-hamak sa kalusugan ang karne ng baka kaysa ng kalabaw.

Pasukdol
o Pang-uring naghahambing ng higit sa dalawa
o Gumagamit ng mga panlaping pinaka-, ka-, -an, at ng pinagsamang
salitang walang at kasingHal.

Pinakatanyag na laro sa Pilipinas ang basketbol.


Marahil ay kasungit-sungitan na siya sa lahat ng matandang

dalaga.
Walang kasingganda ang paglubog ng araw sa Manila Bay.
5. Mga Pamilang
- Ibinibilang sa mga pang-uri ang mga pamilang sapagkat ginagamit na Panuring ng pangngalan o
panghalip
Hal.

Limang malalaking kaimito ang uri niyang pasalubong.

(ang pamilang na lima ay Panuring ng pangngalang kaimito)


Sampung ganito ang kunin mo
(ang pamilang na sampu ay nagbibigay-turing sa panghalip na ganito)
Mga Uri ng Pamilang
a. Pamilang na Patakaran o Pamilang na Kardinal
o Ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami
Hal.

Isa
Labing-isa
Isang daan sandaan
Isang libo sanlibo
Isang laksa isanlaksa
Isang angaw sang-angaw
Isang milyon sangmilyon
i. Pamilang na Pamahagi (fraction)
Ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghati-hati
Gumagamit ng panlaping ika- na tinatambalan ng salitang bahagi , at ng panlaping
ka- na buhat sa ikaHal.

Panlaping ikaIkaisang bahagi


Ikalawang bahagi
Panlaping kaKalahati (1/2)
Katlo (1/3)
Kapat (1/4)
Bahagdan (1/100)
Dalawang-katlo (2/3)
Tatlong-kapat (3/4)
Apat na kalmia (4/5)
Limang-kanim (5/6)
Pito at walong kasampu (7 8/10)
Dalawang bahagdaan (2/100 o 2%)

ii. Pamilang na Palansak o Papangkat-pangkat (collective distribution)


Pag-uulit nang ganap o o parsyal sa pamilang na patakaran
Hal.

Paggamit ng panlaping an , -han


Hal.

Isahan
Labing-isahan
Sampuan

Pag-uulit ng unang pantig ng pamilang at sa gayon ay nagkakaroon ng kahulugang


gayon lamang nag dami
Hal.

Isa-isa
Dala-dalawa
Sanda-sandaan

Iisa
Dadalawa
Sasanda- sandaan

Sa pamamagitang ng magkasamang parsyal at ganap na pag-uulit ng pamilang na


patakaran , at sa gayon ay nagkakaroon ng kahulugang gayung-gayon lamang ang
dami

Hal.

Iisa-isa
Dadala-dalawa
Sisiyam-siyam

Sa paggamit ng panlaping tig-, na may kahulugang paghahati nang magsindami


Hal.

Tig-isa
Tigdalawampu
Tigisang daan o tigsandaan

tig-iisa o tigi-tigisa o tig-isa-isa


tigdadalawampu o tigdala-dalawampu
tig-iisang daan o tig-iisandaan o
tigsasandaan o tigsanda-sandaan

iii. Pamilang na Pahalaga (unitary collective)


Para sa pagsaad ng halaga ng bagay o mga bagay
Gumagamit ng dalawahang panglaping mang- (ginagamit kapag ang presyo ay isang
yunit lamang ng halaga) at ang tig- (ginagamit sa kahulugang isa o higit pang yunit
ng halaga)
Hal.

Mamera (buhat sa mang - + sampera)


Mamiso (buhat sa man - + isang piso)
Manalapi (buhat sa mang- + isang salapi o sansalapi)
Tigisang pera

b. Pamilang na Panunuran o Pamilang na Ordinal


o Ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, atb
o May panlaping ika-, o pang-,
Hal.

Anyong IkaUna
Ikalawa
Ikaisang daan ikasandaan

Anyong Pangpang-una
pangalawa
pang-isang daan pansandaan

6. Mga Panlaping Makauri


a. Mao Unlaping nagsasad ng pagkakaroon ng isinasaad ng salitang-ugat
o Karaniwang marami ng isinasaad ng salitang-ugat ang taglay
Hal.

Maganda
Mainam
Matao
Mabato
Madamo

b. Makao Unlaping nagsasaad ng pagkiling o pagkahilig sa tinutukoy ng salitang-ugat


Hal.

Makabayan
Makaluma
Maka-Pinoy
Maka-UP
Makahayop
Makatao

c. Makao Unlaping nagsasaad ng katangiang may kakayahang gawin ang isinasaad ng salitang-ugat
Hal.

Makalaglag-matsing
Makadurug-puso
Makabasag-bungo

Makatindig-balahibo
d. Malao Unlaping nagsasaad ng pagiging tulad ng isinasaad ng salitang-ugat
Hal.

Malauhog
Malasibuyas
Malakarne
Malabuhangin
Malakanin
Malasutla

e. Mapago Unlaping nagsasaad ng ugali


Hal.

Mapaglakad
Mapag-irap
Mapagbiro
Mapagtawa
Mapagluto

f. Mapang- , mapan- , mapamo Salagkat mga alomorp, ang mga itoy magkakaiba ng distribusyon ngunit iisa ang kahulugan
o Nagsasaad ng katangiang madalas gawin ang isinasaad ng salitang-ugat
Hal.

Mapang-away
Mapang-inis
Mapanira
Mapanuro
Mapamihag
Mapambato

g. Palao Unlaping nagsaad ng katangiang lagging ginagawa ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat


Hal.

Paladasal
Palabiro
Palatanim
Palawalis
Palalinis
Palangiti

h. Pang- , pan- , pamo Magkakaiba ng distribusyon ngunit iisa ang kahulugan


o Nagsaad ng kalaanan ng gamit ayon sa isinasaad ng salitang-ugat
Hal.

Pang-alis
Pang-ukit
Panlilok
Pambato
Pampalo/pamalo
Pandikit

i. an , -han
o Hulaping nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad ng salitang-ugat nang higit sa karaniwang
dami, laki, tindi, tingkad, atb
o Karaniwang nagiging mabilis ang pagbigkas kahit ang ugat ay malumay, malumi o maragsa
tulad ng putik, puti at dugo
Hal.

Butuhan
Pangahan
Putikan

Putian
duguan
j. ino Nagsasaad ng katangiang itinulad o ginawang tulad sa isinasaad ng salitang-ugat
Hal.

Sinampalok
Binalimbing

k. in/-hin
o Katangiang madaling maging mapasakalagayan ng isinasaad ng salitang-ugat
Hal.

Sipunin
Lagnatin
Ubuhin
Kabahin

l. Ma- , -in/-hin
o Nagsasaad ng pagtataglay, sa mataas na antas ng isinasaad ng salitang-ugat
Hal.

II.

Maramdamin
Maawain
Mairugin
Matulungin

Pang-abay
- Makikilala dail sa kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng
parirala
- Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay
Hal.

Malayang namumuhay ang mga mamamayan.


Halos kasintaas ko na siya.
Totoong nagulat siya sila sa iyong balita.

Dalawang pangunahing pangkat


1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik
- Mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan
- Sa Tagalog may 16 na katagang pang-abay o ingklitik
Ba
Kasi
Kaya
Na
Sana
Rin/raw kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig
Din/Daw kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
Naman
Yata
Pala
Tuloy
Nga
Lamang gamit na pormal
Lang gamit na impormal
Man
Muna
Pa

Hal.

Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan?


Kumain kasi ng maraming ginatan ang bata kaya sumakit ang tiyan nito.
Ang mga Paningit ay may tiyak o iisang pusisyon sa pangungusap sapagkat hindi maaaring ilipat-lipat
ng pusisyon
Hal.

Natapos na ang ginagawa nila.

2. Pang-abay na Salita o Parirala


a. Pang-abay na Pamanahon
o Nagsasaad kung kalian naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa
o 2 Uri
Pamanahong May pananda
Ginagamit ang mga panandang nang, sa, noong , kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, hanggang
Hal.

Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?


Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.
Noong lunes siya nagsimula sa kanyang bagong trabaho.
Kung araw ng Sabado siya nagtutungo sa lalawigan.

Pamanahong Walang pananda


May mga pamanahon ng walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon,
mamaya, bukas , sandal, atb.
Hal.

Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng


National Artist Award buhat sa Unang Ginang.
Manonood kami bukas ng sine.

May mga pang-abay na nagsasaad ng dalas ng pagganap sa kilos na taglay ng


pandiwa tulad ng araw-araw, oras-oras, taun-taon atb.
Hal.

Nagdidilig ng halaman ang hardinero araw-araw.

b. Pang-abay na Panlunan
o Tumutukoy sa pook na pinangyarihan , pinangyayarihan , o pangyayarihan ng kilos sa
pandiwa.
o Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay
Sa - ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip
Kay / Kina - ang ginagamit kapag nag kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng
tao at ito ay pinangungunahan ng sa
Hal.

Sa + pangngalang pambalana
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina
Sa + pangngalang pangtanging di ngalan ng tao
Maraming nagsasaliksik sa UP, sa Ateneo , at sa PNC tungkol sa wika.
Sa + panghalip na panao
Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.
Sa + panghalip na pamatlig
Nagluto sa ganito ang kanyang ina
Kay + pangngalang pangtanging ngalan ng tao
Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay alam ang nangyari.
Kina + pangngalang pantanging ngalan ng tao
Nagapaluto ako kina Aling Ingga ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan.

Ang sa sa pang-aba na panlunan ay maaaring sundan ng isang pariralang pusisyunal, isang


pariralang binubuo ng pusisyunal na pangngalan at pariralang ng.
Hal.

Nakita ko ang hinahanap mo sa likod ng kabinet.


(ang pang-ukol na sa ay sinusundan ng pusisyunal na pangngalang likod, na sinusundan naman ng

pariralang ng kabinet)

Mga Ilan Pang Pariralang Pusisyunal:


Sa

harap ng gusalit
Loob
Labas
Likod

sa

gitna ng kahon
gilid
ibabaw
ilalim

c. Pang-abay na Pamaraan
o Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa.
o 2 panandan
Panandang nang
Pangawil na na/-ng
Hal.

d.
e.
f.
g.
h.
i.
j.

Kinamayan niya ako nang mahigpit.


Natulog siya nang patagilid.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Lumapit ditong tumatakbo ang bata.
Tumawa siyang parang sira ang isip.

Pang-abay na Pang-agam
Pang-abay na Kunsisyunal
Pang-abay na Panang-ayon
Pang-abay na Pananggi
Pang-abay na Panggaano
Pang-abay na Kusatibo
Pang-abay na Benepaktibo
k. Pang-abay na Pangkaukulan