Vous êtes sur la page 1sur 1

Tendencia, Iva Marian A.

March 10, 2015

IV-SSC

Gng. Dayag

Marami sa aking mga kaklase ay alam na ang gusto sa kanilang buahy. Ang
iba, gusto maging doktor, maging inhinyero, at pati sayantipiko. Sa totoo lang, wala
pa akong tiyak na gust sa buhay. Ngunit gusto ko talaga ang kursong literature,
chemistry o ang biology, forestry o agriculture, at veterinary medicine. Dahil sa
dami ng gusto ko, hindi na ako makapili. Pati na rin ang eskwelahan kong
papasukan, hindi na rin ako sigurado.
Nais ko maging isang beterinaryo pagkat gusto kong makatulong sa mga
hayop. Hindi lang ito para sap era. Sa tingin ko, madadalian din ako dito pagkat ang
kapatid ng aking Nanay, at ang asawa nito ay mga beterinaryo. Pati ang pinsan ko
na anak nila ay kumukuha rin ng kursong beterinaryo. Ayaw nga lang ito ng aking
Nanay dahil banggit niya na masyado raw akong maraming allergies.
Nais ko naman maging isang mahusay na manunulat. Bihira na lamang ang
mga mahuhusay na manunulat. Para sa akin, isang karangalan ang mabansagan
bilang isa sa mga nagsalba sa literature ng Pilipinas. Bilang isang sayantipiko
naman, nais ko ito maging karera pagkat nais kong makatulong sa hinaharap. Nais
kong makahanap ng mga gamot para sa mga sakit na ating haharapin sa
kinabukasan.

Vous aimerez peut-être aussi