Vous êtes sur la page 1sur 1

Ano ang K to 12 at layunin nito?

Ang K to 12 ay isang programa ng pamahalaan at kagawaran ng edukasyon


na naglalayong tulungan ang bawat kabataang Pilipino at pantayan ang sistema ng
edukasyon sa buong mundo.
Ang K to 12 program ay sumasaklaw sa Kindergarten at 12 years of basic
education: 6 years of primary education, 4 years of Junior High School at 2 years of
Senior High School. Layunin nito na ihanda ang bawat kabataang Filipino sa
trabaho, negosyo at kolehiyo.
Ayon kay Sec. Armin Luistro Lahat ng Kabataang Pilipino na nakatapos ng
Senior High School ay dapat handa ng pumunta sa college, or to take up work or
employment, or start their own business, or to take up other technical skills. Hindi
po natin sila kinakahon at binibigyan po natin sila ng choice kung saan nila gustong
pumunta.
May apat na Tracks na pwedeng pagpilian ang mga mag-aaral sa Senior High
School, ito ay ang Academic Track, Technical-Vocational-Livelihood Track, Sports at
Arts & Design.
Dito sa Division ng San Pablo ay magkakaroon ng apat na paaralan para sa
Senior High School; Academic Track- San Jose National High School para sa GAS
(General Academic Strand )at ABM (Accountancy, Business and Management) at
San Pablo City Science High School para sa STEM (Science & Technology,
Engineering, Mathematics) at HUMSS ( Humanities and Social Sciences)
Technical-Vocational-Livelihood- Stmo. Rosario National High School para sa
Agriculture at ang bubuksan pa lamang na Stand-alone para sa Home Economics,
Industrial Arts at ICT.
Ang Senior High School ay libreng ipagkakaloob sa atin ng ating pamahalaan,
kung nais mag-aral sa private school ng ating mga mag-aaral na nagtapos ng Junior
High School sa public schools sila po ay bibigyan ng subsidiya ng pamahalaan sa
pamamagitan ng Vouchers Program.
Muli, tatlong benepisyo ang maibibigay ng K to 12 Program sa ating mga
kabataan; trabaho, negosyo at kolehiyo, na syang makakatulong sa pag-angat ng
ating kabuhayan, kaya sama-sama nating suportahan ang pamahalaan at
kagawaran ng edukasyon sa pagpapatupad nito.

Vous aimerez peut-être aussi