Vous êtes sur la page 1sur 2

Angel Locsin discourages ex-boyfriend Luis Manzano from

courting her again


By Noel Orsal

Nilinaw ni Angel Locsin na walang


katotohanan ang balitang boyfriend na niya
ang vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito
Miranda.

"Nagulat nga ako kung bakit may mga


naglalabasang balita na kami na raw ni Chito.
Kagagaling ko lang din sa breakup, so ayoko
naman ng ganoon. Hindi ako dapat magsalita
pero respeto lang din sa kung sino man ang
nakarelasyon niya before, di ba? Basta ako,
enjoy lang sa pagiging single. Parang hindi ko
naman minamadali yung sarili ko. Hindi
naman ganoon kadali," saad ng aktres.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment


Portal) si Angel kaninang hapon sa presscon
ng Mosbeau, isang whitening product, kung
saan siya ang image model.

Pero bakit may nakakita raw sa kanilang


dalawa ni Chito habang "nagde-date sa
Malate"?

"Anong Malate? Hindi pa ako nakakapunta ng Malate," tanggi ni Angel.

Ayon sa balita, costume party raw ang dinaluhan nila doon ni Chito.

"Ang costume party lang na napuntahan ko, yung Halloween party nung November.
Yun yung unang beses kaming nagkita. Kumain kami sa isang restaurant sa may P.
Burgos. Malate ba yun? Hindi naman siya Malate, di ba? So yun lang?" sabi niya.

Pero type niya ba si Chito? Kung sakaling ligawan siya


nito, may maasahan ba ito sa kanya?

"Basta kami, parang wala namang ligawan talaga na


nangyayari. Walang ganoon," aniya.
LUIS MANZANO. Ang ex-boyfriend naman ni Angel na si
Luis Manzano ay inaming nakikipagbalikan siya sa
aktres. Ginagawa na raw niya ang lahat—kumbaga todo-
effort na nga raw siya—para muli niyang mapasagot si
Angel. Pero mukhang wala ring patutunguhan ang
muling panunuyo ni Luis kay Angel.

"Sabi ko sa kanya, 'Huwag kang mag-effort. Kasi baka


kawawa ka naman. Ayoko naman na sabihin mo
pinahihirapan kita o ano.' Sobrang times fifty mo yung effort na ginagawa niya para
sa akin. Sobra!" banggit ni Angel.

Paanong effort ba ang ginagawa ni Luis?

"Siyempre, kapag sinabihan ka ng babae na, 'Masaya na ako sa buhay ko ngayon.


Kung tayo, tayo naman.' Di ba, parang medyo bad trip yun? Pero, 'A, hindi, gusto ko
lang gawin.' Ganyan ang sagot niya sa akin.

"Lagi siyang nasa bahay. Nagdadala siya ng pagkain, ganoon. Minsan naghihintay
pa siya sa akin sa ibaba kasi meron akong ginagawa sa itaas. Okey lang naman na
pinupuntahan niya ako sa bahay, pero ayoko nang lalabas kami. Kasi para sa akin,
date na yung tawag dun pag lumabas kami na kaming dalawa lang, e."

Kinikilig pa ba siya pag dinadalaw siya ni Luis?

"Hindi ganoong kilig na... Kasi para kang nag-e-expect kung kinikilig ka. Sabi ko nga
sa kanya, no efforts, no expectations. Basta ganito, ganoon lang."

Ano sa tingin niya ang dahilan at gusto siyang balikan ni Luis?

"Napag-usapan naman namin yun. Sinabi naman niya na parang gusto lang kasi
niyang ayusin. Ganoon," sagot ni Angel.

Sabi ni Angel noon, kapag nakipaghiwalay na siya sa mga nagiging boyfriend niya
ay hindi na siya nakikipagbalikan pa. So, anong tsansa o wala na bang tsansa ang
panliligaw ulit sa kanya ni Luis?

"Ayoko kasing isipin, e. As in ayoko talagang mag-isip," maiksing tugon niya.

Vous aimerez peut-être aussi