Vous êtes sur la page 1sur 2

Family Devotion : April 15,2015

Proverbs 6:
Mga Dagdag na Babala
Aking anak, sa utang ba ng iba ikaw ay nananagot?
v2Ikaw ba ay nangako, sa utang niya ay nasangkot?
v3Kung gayon ay nasasakop ka ng kanyang pagpapasya,
ngunit ito ang gawin mo nang makaiwas sa problema:
Ikaw ay magmadali sa kanya ay makiusap,
sabihin mong pawalan ka sa napasukan mong bitag.
v4Huwag kang titigil, huwag kang maglulubay,
ni huwag kang iidlip, hanggang walang kalayaan.
v5Iligtas ang sarili mo parang usang tumatakas,
at tulad niyong ibong sa kulunga'y umaalpas.
v6Tingnan mo ang mga langgam, ikaw na taong ubod ng tamad,
pamumuhay niya'y masdan mo at nang ikaw ay mamulat.
v7Kahit sila'y walang pinunong sa kanila'y nag-uutos,
walang tagapamahala o tagamasid na sinusunod,
v8ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw,
kailanga'y iniipon kung panahon ng anihan.
v9Hanggang kailan, taong tamad mananatili sa higaan,
kailan ka babalikwas sa iyong pagkakahimlay?
v10Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip,
v11samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y darating
na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan.

Keys to
Spiritual Renewal
Introduction
Key #1: Seek God & Surrender To Him
(Hanapin Ang Diyos At Sumuko Sa Kanya)
v9Ganito kayo mananalangin, 'Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong Pangalan.
v10Nawa'y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang kalooban mo
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Si Jesus At Si Zaqueo
Lukas 19:1-10
v1Pumasok si Jesus sa Jerico at naglakad sa kabayanan. v2May isang tao roong ang
pangalan ay Zaqueo, isang pinuno ng mga maniningil ng buwis at napakayaman. V
3Sinisikap niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito, ngunit sa dami ng tao,
hindi niya ito makita dahil sa siya'y pandak. v4Kaya't patakbo siyang nauna sa dadaanan ni
Jesus at umakyat sa isang puno ng sikamoro. v5Pagtapat ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala
siya kay Zaqueo at sinabi, "Zaqueo, bumaba ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy
ngayon sa iyong bahay."
v6Nagmamadaling bumaba si Zaqueo, at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus sa kanyang
bahay. v7Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. "Nakikituloy siya sa isang
makasalanan," sabi nila.
v8Tumayo si Zaqueo at sinabi niya kay Jesus, "Panginoon, ipamimigay ko po sa mga
mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At kung ako'y may nadayang sinuman,
isasauli ko ito sa kanya ng maka-apat na beses."
v9At sinabi sa kanya ni Jesus, "Ang kaligtasan ay dumating ngayon sa sambahayang ito
sapagkat anak din ni Abraham ang taong ito. v10Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin
1
at iligtas ang naligaw."

I. Ang Pagsuko Ay Hindi:


Lukas 19:7
v7Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. "Nakikituloy siya sa isang
makasalanan," sabi nila.
*Hindi Nagagawa Sa Pagpuna Lamang
Mateo 7:3-5
v3Bakit mo nakikita ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi
mo pinapansin ang troso na nasa iyong sariling mata?
v4O paano mong nasasabi sa iyong kapatid, 'Hayaan mong alisin ko ang
puwing sa iyong mata,' samantalang mayroong troso sa iyong sariling mata?
v5Ikaw na mapagkunwari, alisin mo muna ang troso sa iyong sariling mata at
nang magkagayon, makakakita ka nang malinaw upang maalis mo ang puwing
sa mata ng iyong kapatid.

II. Ano Ang Pagsuko?


A. Webster: to yield to the power, control, or possession of another; to give
oneself over to something (as an influence).
Lukas 19:3
3Sinisikap niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito, ngunit sa dami ng tao,
hindi niya ito makita dahil sa siya'y pandak.
A. Mayroong Pagsisikap at Pagtitiyaga na Makita Ang Panginoon
Jeremias 29:13
v13Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo
akong hahanapin.

(Lukas 19:4-5) B. Maroong Kasiglahan At Kasiyahan Na Tanggapin Ang Panginoon


Mga Awit 37:4
v4Sa Panginoon ikaw ay magpakaligaya,
at ang mga nasa ng iyong puso sa iyo'y ibibigay niya.

(Lukas 19:8)C. Handang Magbago At Magbayad Sa Mga Nagawang Pagkakasala


Efeso 4:28
v28Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa, kundi magtrabaho at
gumawa siya sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kamay ng mabuting
bagay, upang siya'y may maibahagi sa nangangailangan.

(Lukas 19:9) D. Tanggapin Ang Kaligtasan At Mamuhay Bilang Anak Ng Diyos


2 Corinto 5:17
v17Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong
nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.

Mga Tanong Sa Talakayan:


1. Ano ang mabisang paraan upang maiwasan ang laging pumuna sa ibang tao?
2. Magbigay ng ilang halimbawa ng pagsisikap na ginawa mo o ng ibang tao
upang maranasan ang pagbabagong espiritual (spiritual renewal).
3. Kailan mo naranasan o nararanasan ang kasiglahan at kasiyahan sa Panginoon?
Magbigay ng suggestions upang maranasan ng mga kapatid ang kasiglahan at
kasiyahang pang-espirituwal.
4. Ano ang iyong gagawin o ginagawa upang maituwid at mapagbayaran ang mga
dati mong pagkakasala.
5. Sa iyong palagay, ano ang mga hakbang upang maranasan at matanggap ang
kaligtasan at makapamuhay bilang anak ng Diyos.
2

Vous aimerez peut-être aussi