Vous êtes sur la page 1sur 2

Family Devotion : April 15,2015

Proverbs 6:
Mga Dagdag na Babala
v12Taong walang kuwenta at taong masama,
kasinungalingan, kanyang dala-dala.
v13Ang mata ay ikikindat o kaya'y ipipikit,
ikukumpas pa ang kamay upang ikaw ay maakit.
v14Ngunit sa sarili ay may masamang iniisip,
ang lagi niyang nais ay manggulo sa paligid.
v15Dahil dito, kapahamakan niya'y biglang darating,
sa sugat na tatamuhi'y hindi na nga siya gagaling.

7 Keys to
Spiritual Renewal
Introduction
Key #1: Seek God & Surrender To Him
(Part2)
(Hanapin Ang Diyos At Sumuko Sa Kanya)

v16Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay,


mga bagay na kanyang kinasusuklaman:
v17kapalaluan, kasinungalingan,
at mga pumapatay sa walang kasalanan,
v18pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan,
mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan,
v19Saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin,
pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

v34Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain koy ang tuparin ang kalooban
ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin.
(Juan 4:34)

Shadrac, Meshac, at Abednego


Daniel 3:13-18
v13Nagalit si Haring Nebucadnezar nang marinig ito, at ipinatawag niya ang tatlong
lalaki. v14Sinabi niya, "Shadrac, Meshac, at Abednego, totoo bang hindi kayo
naglilingkod sa aking mga diyos ni sumasamba sa rebultong ginto na aking
ipinagawa? v15Iniuutos ko sa inyong lumuhod kayo at sumamba sa ipinagawa kong
rebulto sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Kung hindi,
ipahahagis ko kayo sa naglalagablab na pugon. Sa palagay ba ninyo'y may diyos na
makakapagligtas sa inyo mula sa aking kapangyarihan?"
v16Sinabi nina Shadrac, Meshac at Abednego, "Mahal na haring Nebucadnezar, wala
po kaming masasabi sa inyo tungkol sa bagay na ito. v17Gawin ninyo kung iyan ang
gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa
naglalagablab na pugon at mula sa inyong kapangyarihan. v18Kung hindi man niya
kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod sa inyong mga diyos ni sasamba sa
1
rebultong ginto na ipinagawa ninyo."

I. Pagsasabuhay Ng Pagsuko
A. Pagpapailalim Maging Sa Pamahalaan At Mga Pinunong Itinalaga Ng
Diyos
Daniel 1:1-2
v1Nang ikatlong taon ng paghahari ni Haring Jehoiakim sa Juda, ang Jerusalem ay
kinubkob ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. v2Pinahintulutan ng Panginoon na
bihagin niya si Haring Jehoiakim at samsamin ang ilang kasangkapan sa Templo. Lahat
ng ito ay dinala ni Nebucadnezar sa lupain ng Babilonia at inilagay sa kabang-yaman
ng templo ng kanyang mga diyos.
1. Sumunod Habang Ang Pamahalaan O Itinalagang Lider Ay Kumikilos
Ayon Sa Layunin Ibinigay Ng Diyos Para Sa Kanila.
Jeremias 40:9
v9At sinabi sa kanila ni Gedalias, "Huwag kayong matakot na maglingkod sa
mga taga-Babilonia. Manirahan kayo sa lupaing ito, paglingkuran ninyo ang
hari ng Babilonia, at kayo'y mapapabuti.
2. Sumunod Sa Diyos Kung Ang Itinalagang Pamahalaan O Lider Ay
Tuwirang Nang Kumukontra Sa Kautusan Ng Diyos.
(Daniel 3:13-14)
Gawa 5:28-29
v28"Hindi ba't mahigpit naming ipinagbawal sa inyo na huwag kayong
magturo sa pangalang ito, ngunit tingnan ninyo, pinuno ninyo ang Jerusalem
ng inyong aral, at ibig pa ninyong iparatang sa amin ang dugo ng taong ito!"
v29Ngunit sumagot si Pedro at ang mga apostol, "Kailangang sa Diyos kami
sumunod, sa halip na sa mga tao.
B. Buong Pagkataong Pagsuko Sa Diyos
* Pangunahing Kailangan Ang Pagpapapkumbaba
Santiago 4:6,10
v6Ngunit siya'y nagbibigay ng higit pang biyaya. Kaya't sinasabi, "Ang
Diyos ay sumasalungat sa mga mapagmataas, subalit nagbibigay ng biyaya
sa mga mapagpakumbaba."

v10Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at kanyang itataas kayo.


1. Pagpapasakop Ng Ating Isipan
(Daniel 3:17)Ang Diyos
2 Corinto 10:5
v5Aming ginigiba ang mga pangangatuwiran at bawat palalong hadlang laban
sa karunungan ng Diyos, at binibihag ang bawat pag-iisip upang sumunod kay
Cristo;
2. Pagpapasakop Sa Ating Pagkilos
(Daniel 3:17)Ang Diyos na aming paglilingkuran
3. Pagpapasakop Ating Damdamin
Daniel 3:18-19;24-25
v18Kung hindi man niya kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod sa inyong mga diyos ni
sasamba sa rebultong ginto na ipinagawa ninyo."
v19Namula ang mukha ni Haring Nebucadnezar sa tindi ng galit kina Shadrac, Meshac at
Abednego. Kaya, iniutos niyang painitin pa ng pitong ulit ang pugon
v24Nagtaka at biglang napatindig si Haring Nebucadnezar at itinanong sa kanyang mga
tagapayo, "Hindi ba't tatlo lamang ang inihagis sa apoy?"
"Opo, kamahalan," sagot nila.
v25"Bakit apat ang nakikita kong walang gapos at naglalakad sa gitna ng apoy nang hindi
nasusunog? At ang tingin ko sa ikaapat ay parang anak ng mga diyos."

Mga Tanong Sa Talakayan:


1. Saang aspeto ng pamahalaan ngayon ang mahirap sundin o magpailalim? Ano
ang nag uudyok sa iyo upang patuloy kang sumunod o magpailalim dito?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng nasaksihan mong pagpapakumbaba na
maaring tularan.
3. Para sa iyo, ano ang iyong paraan upang lagi mong maalaala na mayroon Diyos
na dapat mong sundin at sambahin?
4. Magbigay ng mga halimbawa ng mga bagay na iyong ginagawa dahil sa iyong
pagsunod o pagpapailalim sa kalooban ng Diyos.
5. Kailan yung mga pagkakataon na mas nakahihigit ang iyong pagsunod o
2
pagpapailalim sa kalooban ng Diyos kaysa sa iyong damdamin.

Vous aimerez peut-être aussi