Vous êtes sur la page 1sur 3

Kabanata XXIV

Sa Kagubatan
Buod
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot
na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdakay nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda
niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian
hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman
ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.
Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya
niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang galos,
sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat Padre Damaso na naging
dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na
pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.
Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo
nina Pari Salvi at Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang
onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkup
kay Sisa. Kadagdakay nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng
Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang
sagot na tumama sa: Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang. Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat
ng Gulong ng Kapalaran.
Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na
magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay
kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang
mga kaibigan.
Dumating si ari Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking Kasalanan, anya ang
maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nitoy pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang
Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito.
Hindi na tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.
Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan kay
Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra
sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na

sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umanoy
nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid.
Magtatakipsilim na

LATIAN- >>Ito ay isang malambot at puno ng tubig sa loob nito

Kawaksi- Kasambahay, katulong, taga-silbi


Naulanigan- nadinig
Gulong ng kapalaran
OnseTumalilis- nagmamadali

Mga tauhan :
Padre salvi-

Si Padre Salvi ang humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego. Siya ay inilarawan bilang
may mahinang pangangatawan, sakitin, at tila palaging may iniisip. [1] Siya ay may lihim na pagnanasa kay Maria Clara,
ang kasintahan ng bidang si Crisostomo Ibarra. Dagdag pa rito, siya rin ang nagplano sa istruktura ng paaralang
ipapatayo na siyang muntikang maging sanhi ng pagkamatay ni Ibarra.
PADRE DAMASOSi Padre Damaso ay isang Pransiskanong prayle na nanilbihan bilang kura paruko sa bayan ng San Diego.
Matapos manilbihan sa loob ng dalawampung taon sa San Diego, siya'y inilipat sa ibang bayan at pinalitan ni Padre Salvi.
SISA
Si Sisa ang ina nina Crispin at Basilio sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal
DON FILIPO
Don Filipo Lino ay isang tenyente mayor, kaibigan ni Pilosopong Tasyo, at asawa ni Doa Teodora Via sa
nobelang Noli Me Tangere niJose Rizal. Siya ay pinuno na isang pampulitikang organisasyon. [1]
ALBINO
Albino ay isa sa mga kaibigan ni Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay isang seminarista
ngunit may lihim na pagtingin kay Victoria, ang pinsan ni Maria Clara. [1]

MARIA
IBARRA
CRISPIN
BASILIO
SINANGSinang ay isang tauhan sa mga nobela ni Jose Rizal--ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Isa siya sa mga
matalik na kaibigan niMaria Clara. Siya ay anak nina Kapitana Tika at Kapitan Basilio. Inilarawan siya bilang
masayahin. [1]

Elias
Si Elias ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ang bangkero at
magsasakang tumulong kayCrisostomo Ibarra na imulat ang kanyang kaisipan sa mga suliraning kinahaharap
ng Pilipinas. [1] Siya ay nagmula sa isang pamilyang nakaranas ng matinding pighati sa ilalim ng mga Kastila. Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit matindi ang kaniyang poot sa mga mananakop.

Vous aimerez peut-être aussi