Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
ARALIN 2.2
Ang Hatol ng Kuneho
Unang Araw
TUKLASIN
I.
Kasanayang Pampagkatuto
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipadarama ang pag-unawa sa damdamin ng mga tauhan batay sa
diyalogong napakinggan;
b. Nauunawaan ang pabula ng Silangang Asya.
c. Nabibigyang-halaga ang pagsunod sa magulang at pagiging mabuti sa
lahat ng oras.
II. A. Paksang-Aralin:
Paksa
Panitikan
Gramatika/ Retorika :
Uri ng Teksto
Nagsasalaysay
Sangguniang Aklat
Kagamitan
Kasanayan
:
:
:
Konsepto
kuwentong
halimbawa
1. Huwag maliitin ang kakayahan ng isang tao batay sa kanyang anyo o
laki, maliit ka man hindi ibig sabihin nito na limitado lang ang maari mong
gawin.- Ang Daga at Leon
2. Huwag maging mayabang sa ating kapwa bagkus ay maging
mapagkumbaba. Huwag mangmaliit ng kakayahan ng iyong kapwa- Ang
Agila at Maya
3. naunahan ng pagong ang kuneho dahil sa kanyang matiyaga at patuloy
na paglalakad- Ang Pagong at Kuneho.
4.
IGUHIT MO (mabilisang pagguhit)
1. Mula sa mga tauhan sa mga pabulang nabanggit at nabasa mo,
gumuhit ng isang hayop na sumisimbulo sa iyong pagkatao.
2. Ipaliwanag ang dahilan sa napiling hayop. ( Pangkatang
pagpapaliwanag)
C. Paglalahad/Pagtalakay
1. Pakikinig:
Ang Pasaway na Palaka
Si Unggoy at si Paru-paro
2. Pagbibigay reaksyon sa mga katangian ng tauhan sa pabula.
D. Pangkatang Gawain:
Gawain 1: Isulat ang mga kaisipang may kaugnayan sa salitang pabula
batay sa pabulang napakinggan.
ARALIN 2.2
Ang Hatol ng Kuneho
Ikalawang araw
LINANGIN
I. Kasanayang Pampagkatuto
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng mga tauhan na parang
mga taong nagsasalita at kumikilos.
b. Naisusulat ang paglalarawan ng mga hayop na ginamit sa mga pabula.
II. Paksang-Aralin:
Paksa
Panitikan
Gramatika/ Retorika :
Uri ng Teksto
Sangguniang Aklat
Kagamitan
:
:
Kasanayan
Konsepto
kuwentong
Yugto ng Pagkatuto:
A. Panimulang Gawain:
Pagdarasal, Pagbati, Pagtatala ng liban, pagpapanatili ng kalinisan,
Malayang Pagsasalita
B. Pagbabalik-aral : Pagtatanong ng guro
C. Pagganyak
Bawat pangkat ay iisip ng tunog ng isang hayop at kanila itong
gagayahin. (hal. Aw-aw-ASO, meow- PUSA atbp)
Magsasalita ang guro gamit ang ilang pahayag at ang hayop na napili ng pangkat.
Kinakailangan na banggitin ng buong pangkat ang tunog ng hayop kapag narinig ang
kanilang napiling hayop.
Ang susi nakatago,
Kung saan di ko piho
Kung sakaling na sa yo
Akin na gagamitin ko
Na sa iyo ba aso? (tugon ng pangkat aso: aw-aw),
Baka naman na kay pusa (meow-meow)
Ah na sayo pala manok. (kokok-kokok)
D. PANITIKAN
1. Pangkatang Gawain
Magsasagawa ang bawat grupo ng isang puppet show tungkol sa itatakdang
bahagi sa pabulang pinamagatang Ang Hatol ng Kuneho mula sa Korea na
isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat . Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng
limang(5) minuto sa paghahanda at pagtalakay.
Pangkat 1: Pagkahulog ng tigre sa napakailalim na hukay at paghingi nito ng
tulong.
Pangkat 2: Pagtulong ng lalaki sa tigre
Pangkat 3: Ang hatol ng puno ng Pino
Pangkat 4: Ang hatol ng baka
Pangkat 5: Ang hatol ng kuneho
4
3.
Paglalarawan sa
katangian ng ginampanan ng bawat tauhan sa pabula. Sasagutin ng mag-aaral
ang talahanayan .
GRAMATIKA
1. Tatalakayin ang modal bilang malapandiwa at panuring sa pandiwa.
Ang modal ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ang mga ito na pantulong sa
pandiwang na nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring
na may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi
nagbabago, limitado kapag binanghay o walang aspekto. Mga Halimbawa: ibig, nais,
gusto, kailangan
Gamit ng modal:
1. Bilang malapandiwa
Gusto niyang makaahon sa hukay.
Ibig ng puno at ng baka na kainin ng tigre ang tao.
(Ang gusto at ibig ay ginamit bilang malapandiwa subalit di tulad ng ganap na
pandiwa wala itong aspekto.)
2.Bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa
Gusto niyang maglakbay muli.
(Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa salitang maglakbayna isang pandiwang
nasa anyong pawatas. )
Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog ang tigre.
(Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay turing sa salitan makita na isang pawatas.)
Narito ang mga uri:
1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto
Mga Halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas.
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.
2. Sapilitang pagpapatupad
Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.
3. Hinihinging mangyari
Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.
4. Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa: Maaari ka bang makausap mamaya?
Puwede kang umasenso sa buhay.
Ikatlong Araw
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. Kasanayang Pampagkatuto
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasasaliksik ang ibatt ibang tauhang hayop na ginagamit sa mga
tanyag na pabula sa Korea.
b. Naibabahagi ang katangian ng mga hayop na ginamit sa pabula;
Gramatika/ Retorika :
Uri ng Teksto
Nagsasalaysay
Sangguniang Aklat
Kagamitan
:
:
Kasanayan
Konsepto
kuwentong
D.Pagtatalakay
1. Pangkatang Gawain
Magsasagawa ang bawat grupo ng masining na pag-uulat ng kanilang nasaliksik
na impormasyon na nagmula sa internet o aklatan tungkol sa iba pang hayop na
kadalasang ginagamit ng mga taga-Korea sa kanilang pabula.
2. Input ng guro
3. Pagsagot sa ilang katanungan at pagtalakay.
a. Batay sa iyong nasaliksik at napag-aralan, may pagkakaiba ba ang katangian
ng mga hayop na ginamit sa pabula ng Korea at ng Pilipinas?
b.. Masasabi bang ang mga katangian na taglay ng mga hayop na tauhan sa
pabula ay sumasalamin sa mga katangian ng mga tao sa bansang kanilang
pinagmulan? Ipaliwanag.
c. Bakit mahalaga ang pabula?
Ikaapat na Araw
ILIPAT
I. Kasanayang Pampagkatuto
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naisusulat paglalarawan ng mga hayop na ginamit sa mga pabula;
B. Nabibigyang-halaga ang pagpapakatao.
II. Paksang-Aralin:
Paksa
Panitikan
Gramatika/ Retorika :
Uri ng Teksto
Nagsasalaysay
Sangguniang Aklat
Kagamitan
:
:
Kasanayan
Konsepto
kuwentong
C. Pagganyak
1. Pagpapakita o pagpapanood ng isang pelikulang ang tauhan ay mga
hayop (Gamitin ang palabas na RIO o Madagascar)
Takdang-aralin:
1. Basahin ang sanaysay ng Taiwan na Ang Kababaihan ng Taiwan na
salin ni Shiela C. Molina sa pahina 116-127.
2. Magsaliksik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng kababaihan ng Taiwan at
Pilipinas.
10