Vous êtes sur la page 1sur 2

Aralin 4.

1 : Ang Sekswalidad ng Tao


I.

Mga Pamantayan sa Pagkatuto


Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol
sa sekswalidad ng tao.
Pamanatayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa
susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang
bokasyon na magmahal.

II.

Mga Layunin sa Pagkatuto


KP 1: Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad
KP 2: Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad
KP 3: Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay mahalaga para sa
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata, at sa pagtupad
niya sa kanyang bokasyon na magmahal ang pag-aasawa o ang pag-aalay ng sarili sa
paglilingkod sa Diyos.
KP 4: Naisasagawa ang tamang kilos bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal
Mga Kagamitan:
Laptop, Speakers, Video na mula sa Youtube, modyul sa ESP. Pelikulang Laro sa Baga.
A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman:
a. Mga Layunin sa Pagtuturo

pagsusuri sa unang comic strip ay inaasahang


makikilala ng mga mag-aaral na maaring magkaiba
ang kanilang pananaw sa sekswalidad sa kanilang
ikinikilos o ginagawa

Comic Strip

Alam Ko
Tungkol sa
Pinag-uusapan

Ginagawa/
Ginawa Ko

Natuklasan
Tungkol sa
Aking Sarili

1
2
3

Punan ang chart ayon sa hinihingi nito

Mga gabay na tanong:


1. Sa iyong palagay, kung pamimiliin ng isa, ano ang angkop na pamagat sa mga comic strip na sinuri?
Ipaliwanag.
2. Magkatugma ba ang alam mo at ang ginagawa mo tungkol sa usapin? Bakit?
3. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong sarili matapos ang ginawang pagsusuri? Ipaliwanag.
Gawain 2. Pagninilay sa Pangako sa Kasal
Panuto. Basahin ang Pangako sa Kasal. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba nito.
Ipapabasa ng guro ang Pangako sa Kasal sa lahat ng mag-aaral, magkaiba ang sasabihin ng mga
babae sa mga lalaki, tulad ng makikita sa aklat.
Mga Tanong:
1. Pagnilayan: Bilang paghahanda sa hinaharap (kung sa palagay mo ay bokasyon mo ang pag-aasawa),
paano ka magiging karapat-dapat sa mga pangakong ito? Ipaliwanag.
2. Ano ang implikasyon ng unang pangungusap sa pagpapasiya sa kalinisang puri? Sa iyong pananaw sa
sekswalidad? Bakit?
Pagtataya:
Batay sa mga naging pagsusuri at pagninilay, sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.
1. Ano ang kahulugan ng pagmamahal? Ipaliwanag.
2. Ano ang tamang pananaw sa sekswalidad, kaugnay ng pag-aasawa? Pangatwiranan.

Vous aimerez peut-être aussi