Vous êtes sur la page 1sur 1

Elemento Ng Kuwento.

Mas mabuti kung manggaling sa mga estudyante ang mga terminolohiya at depinisyon. Mabuti
ring tukuyin na ng mga estudyante ang mga ito sa mismong kuwento, ngunit iwan ang mas
detalyadong diskusyon sa susunod na sesyon.
TAGPUANIto ang kung saan at kailan nangyari ang kuwento. Ano ito sa kuwento?
PANGUNAHING TAUHANSiya ang bida ng kuwento, ang tauhan kung kanino umiinog ang
buong salaysay. Sino ito sa kuwento?
PANGUNAHING PROBLEMAIto ang problemang hinaharap ng bida. Ito ang bagay na
gustong makuha ngunit hindi pa makuha ng pangunahing tauhan. May mga nagsasabi ring ito
ang dahilan kung bakit may kuwento. Kung walang problema, walang kuwento tulad ng kung
walang kalaban, walang boksing o walang laro. Ano ito sa kuwento?
TUNGGALIANIto ang mga pumipigil sa bida at kung paano niya hinarap ang mga ito. IBA
PANG TAUHANMadalas na may relasyon sila sa pangunahing tauhan at sa kaniyang
problema at pakikipagtunggali. Sino-sino ang mga ito sa kuwento?
WAKASIto ang kinahinatnan ng pakikipagtunggali ng bida. Nanalo ba siya? Natalo? Nakuha
ba niya ang gusto o hindi?
Kung tutuusin, parang ginagawa tayong isa pang tauhan sa kuwentoisang tauhang
nakaaalam sa tunay na nangyari. Kung gayon, maaaring itanong: Sa punto-de-bista
bilang saksi at nakaaaalam sa katotohanan, masaya ba ang wakas?
e. Kung tauhan ka sa kuwentong saksi sa katotohanan, ano ang gagawin mo?

MO

3. Paglalapat sa sariling buhay


Maaaring itanong ang sumusunod:
a. Sino-sino sa inyo ang natuwa sa markang nakuha nila sa ulat kahapon?
b. Paano kung malaman ninyong hindi ko pala ito ilalagay sa aking talaan ng marka
(record book) at laro-laro lang iyon? Paano kung malaman ninyong ang mga Manila
paper ninyong pinaghirapan ay tinapon ko lang o ginamit kong panggatong dahil nagihaw kami kagabi? Ano ang mararamdaman ninyo?
c. Mas masaya ka ba noong hindi mo na lang alam? Kung gayon, mas gugustuhin mo
bang hindi mo na lang nalaman ang katotohanan?

Vous aimerez peut-être aussi