Vous êtes sur la page 1sur 2

'' ANG DIYOS AY NILIKHA TAYONG LAHAT NG PANTAY-PANTAY''

Sa aking mga kaklase, aking mga minamahal na guro at sa ginagalang nating lahat na mga
HURADO, Magandang Hapon po sa inyong lahat..

.
Magandang Kalikasan at Mapagmahal na tao, Asan kayo??

Nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang kanyang mga likha. Ginawa ng Diyos ang
Kalikasan hindi para sirain o tapaktapakan. Dapat ang ating kalikasan ay pinapangalagaan. Kung
isa kang taong binibigyang importansya ang nilikha ng Diyos na Maykapal, maiintindihan mo
ang aking sinasabi, mararamdaman mo ang aking pinapahiwatig at alam mo ang gusto kong
sabihin.

Ang kalikasan ay maihahalintulad mo sa isang sanggol. Malinis, walang kasalanan at


nakakatuwang tingnan. Ngunit sa paglipas ng panahon maraming magbabago sakanya at sa
maraming ito sisiguraduhin kong hindi ka matutuwa.

Ang kalikasan ay parang isang tao rin na marunong masaktan. Siguro kung naririnig lang natin
ang sigaw ng kalikasan ay binging-bingi na tayo. Kung nakakapagsalita lang siguro ang
kalikasan ay matagal na tayo nitong kinausap.

Tao? Hindi ka ba naawa sa ginagawa mo? Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ang kalikasan para
suportahan ang lahat ng pangangailangan mo. Pinahiram ng Diyos ang kalikasan sa ating mga
tao hindi lang para sirain ng tao!!!

Isipin mo na lang akin sinasabi na ang lahat ng bagay ay may katapusan hindi lang ang tao pati
ang ating hindi binibigyang importansyang KALIKASAN!!!!

Vous aimerez peut-être aussi