Vous êtes sur la page 1sur 12

Aralin 1: Ekonomiks sa Paglipas ng Panahon

ANG PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS


Bago dumating ang ika-18 na siglo, walang pormal na pag-aaral ang Ekonomiks.
Mayroon lamang mga kaisipan ang Ekonomiks na ginagamit sa pag aaral ng Batas at
Pamahalaan. Ang mga Kaisipan sa Ekonomiks ay sinusukat sa sinaunang Greece. Samantalang
ang interes ng pag-aaral ay mula pa sa panahon nina Aristotle at Thomas Aquinas. Ang mga
Physiocrat ang itinuturing noon na mga Ekonomista.

ANG KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

MGA UNANG KAISIPAN SA EKONOMIKS


Tinatayang unang tinalakay ang kaaisipang ito sa aklat na Oeconomicus na isunulat ng
pilosopong si Xenephon (circa 430 B.C.E). Halaw naman ang salitang ekonomiks sa Greek na
salitang Oikonomia. Layunin ng Kaisipan na Tumugon sa mga pangangailangan ng
nasasakupan.

ADAM SMITH
Noong 1776, isinulong ni Adam Smith ang sisitema ng pamilihan batay sa doktrina ng
kapitalismo bilang sagot sa suliranin ng kakapusan. Ayon kay Adam Smith, pamilihan ang
magsasaayos ng mga desisyon sa pagbenta at pamimili ng produkto.

Ama ng Disiplina ng Ekonomiks.


Nagpakilala ng Doktrinang Laissey Faire o Let alone Policy. Ito ang prinsipyong
kumikilala sa kalayaan ng indibidwal na magdesisyon sa Ekonomiya.
Sa Kanyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nation,
ipinakilala niya ang kaunaunahang komprehensibong pag-aaral ng Ekonomiks. Tinawag
niya itong Political Economy.

ALFRED MARSHALL
Naipakilala ang Ekonomiks bilang isang ganap na disiplina noong 1870. Noong 1890,
nailimbag ang aklat ni Alfred Marshall na Principles of Economics. Hindi naglaon
naging akademikong programa ito sa ibat-ibang panig ng daigdig.

JEREMY BENTHAM
Noong ika-18 na siglo, itinaguyod ni Bentham ang pilosopiyang Utilitarianism. Ayon
dito, nagmumula ang halaga ng Isang Bagay sa Malilikha nitong kapakinabangan sa tao.
Ginagamit sa Ekonomiks ang pilosopiyang ito sa pagsukat ng kasiyahan at pang-unawa
sa kalagayan ng tao.

DAVID RICARDO
Nagpaliwanag sa teorya ng Comparative Advantage bilang batayan ng
pakikipagkalakalan ng mga bansa. Ayon dito, mas kikita at magiging mabilis ang pagunlad ng isang bansa kung ang mga kalakal na kanyang iluluwas ay yaong mas mura
niyang malilikha.
May akda ng Law of Diminishing Marginal Returns.

THOMAS ROBERT MALTHUS


May akda ng An Essay on the Principle of Population. Naglalahad ng kaisipan ukol sa
epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.
MALTHUSIAN THEORY
Ang populasyon ay lumalaki sa Antas ng Geometric,
Hal. 1, 2,4,8,16,32
Ang produksyon ng pagkain ay sa Antas ng Arithmetic,
Hal, 1,2,3,4,5,6,7,8
Paraan upang Makontrol ang Populasyon
Preventive (Late Marriage)
Sexual Abstinence
Moral Restraint

KARL MAX
Ang Ama ng Komunismo.
Nagsabi na ang sistemang Kapitalista ay ang magwawakas sa paghihimagsik ng mga
manggagawa at babangon ang sistemang sosyolista.
Ang pamahalaan ang lubos na may kontrol sa Ekonomiya ng Bansa.
May akda ng Das Kapital.

JOHN MAYNARD KEYNES


Nagmungkahi sa aktibong pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng
patakarang piskal at patakarang pananalapi.
Ang Ama ng Makroekonomiks.
Father of Modern Employment Theory
May akda ng General Employment, Interest, and Money.

AMARTYA SEN
Ayon sa kanyang Social Choice Theory, hinimok niya ang lahat na magsagawa ng mga
Gawain na naayon sa paglinang ng kakayahan ng tao.Ang kahirapan ay bunga ng
diskriminasyon batay sa kasarian at antas ng tao sa lipunan

KAUGNAYAN NG EKONOMIKS SA MGA DISIPLINA NG AGHAM PANLIPUNAN


Ang Agham ay nakatuon sa pag-aaral ng kalikasan ng buhay at walang buhay. Isa sa mga
dibisyon nito ang physical and natural sciences. Kung saan pinag-aaralan ang Bumubuong
Elemento at Pangyayari sa Kalawakan. Isa ring dibisyon ang Biological Sciences. Pinag-aaralan
dito ang kalikasan ng may mga buhay.
Humiram ng mga kaisipan ang ekonomiks mula sa agham. Pinakagamit dito ay ang
Ekilibriyo (Equlibrium). Ginagamit ito upang ilarawan ang isang kaganapan sa pamilihan.
Hiniram din ng Ekonomiks ang Pamamaraang siyentipiko (Scientific Method).Hangad ng
Ekonomiks na makabuo ng kaalamang makatotohanan, mapapatunayan, at makapagpapaliwanag
sa maraming pangyayari upang makabuo ng mataas na kalidad ng kaalaman.

ANG PAMAMARAANG SIYENTIPIKO

HAKBANG
1. Problem
Statementpaglalahad ng
suliranin

2. Hypothesis
setting- pagbuo
ng hinuha o
Hypothesis

3. Empirical
Testing- aktuwal
na pagpapatunay
o pagsubok

4. Laying Down
Conclusionpagbibigay ng
Konklusyon

SAKLAW AT
PALIWANAG
Paglilinaw at
pagtatakda
ng
katanungang
nais na
sagutin.
Pagbuo ng
hinuha o
pangunahing
paniniwala
na kasagutan
sa
katanungan
Pagtukoy ng
elemento ng
pag-aaral na
naiuugnay sa
isat isa
upang
masagot ang
katanungan.

Pagkalap ng
impormasyon
na
maiuugnay sa
elemento
(mula sa
silid-aklatan,
pagsasaliksik
eksperimenta
sy-on, o sa
ibang
institusyon.
Pagtatala at
pagsasaayos
ng mga
nakalap na
impormasyon
.
Pormal na
pagatatakda
ng ugnayan
ng mga
pinag-aralang
elemento at
pagpapaliwanag.

KAHALAGAHAN
Pagpokus ng
pananaliksik sa
isang tiyak na
suliranin o
tanong.
Pagpopokus ng
susunod na
hakbang.
Pagsubok sa
ugnayan ng mga
tampok o piling
elemento ng pagaaral

Pagpino ng mg
impormasyong
sandigan sa
pagbuo ng
mataas na kalidad
ng kaalaman.
Pagbuo ng datos
na magdidiin sa
ugnayan ng
pinag-aralang
elemento.

Pagpapatotoo o
pagpapasinungalng ng hinuha.
Pagbuo ng
kaalaman hingil
sa nakatakdang
ugnayan.

HALIMBAWA
Ano ang
Ugnayan ng
presyo ng
bilihin at
bibilhin ng
mamimili?
Paghimay sa
mga
elemento na
naiuugnay:
Presyo ng
bilihin at
dami ng
bibilhin
Hinuha:
Maaring
kapag mataas
ang presyo
ng bilihin at
dami ng
bibilhin,
kaunti
lamang ang
bibilhin ng
mamimili.
Pagpunta sa
pamilihan at
pakikipanaya
m sa mga
mamimili
hinggil sa
hinuha.

Kongklusyon
at itinakdang
Kaalaman:
Naapektuhan
ng presyo
ang dami ng
bibilhin.

KAUGNAYAN NG EKONOMIKS SA MGA AGHAM PANLIPUNAN


Maraming tungkulin ang tao. Ilan dito ang pagpapaunlad sa kultura,
pagilingkod, at pakikilahok sa politika.Ang pag-uugali ng tao sa ibat-ibang
kaayusan ay hindi mafaling maunawaan ng ekonomiks. Kailangan muna nitong
sumangguni sa kaalaman ng iba pang mga disiplina ng agham panlipunan.

EKONOMIKS AT IBANG DISIPLINA NG AGHAM PANLIPUNAN


DISIPLINA
ANTROPHOLOGY

DEMOGRAPHY

GEOGRAPHY

HISTORY

POLITICAL
SCIENCE

PSYCHOLOGY

SOCIOLOGY

TUON NG PAG-AARAL
Pag-uugali ng pangkat
ng tao sa kanilang
kultural na kapaligiran.
Katangian at
mahalagang pangyayari
sa populasyon.
Katangian at kaanyuan
ng daigdig

Nakaraan at
kasalukuyang
salaysayin sa bawat
bansa.
Pagsasagawa ng
dedisyon gamit ang
kapangyarihan at
impluwensya

Pag-uugali at
personlidad ng tao
bilang isang indibidwal
Katangian/ pag-uugali
kapag nakitungo siya
sa pangkat ng tao o
kabuuan ng kanyang
lipunan.

KAUGNAYAN SA EKONOMIKS
Kultura tulad ng paniniwala,
kaugalian at tradisyon bilang
salik ng produksyon.
Katangian at mga pangyayari sa
populasyon- tulad ng kasarian at
migrasyon.
Katangian at kaanyuan ng daigdig
bilang salik sa pattern ng
kalakalan, produksyon, at
pagkonsumo ng mga bansa.
Pagsasakonteksto ng pinagmulan
at naidulot ng isang kaisipan sa
ekonomiya
Pamamaraan ng pagpapalakad sa
estado at paggamit ng
kapangyarihan, paglikha ng
patakaran, at ibat-ibang sistema
upang upang mapatatag ang
pambansang ekonomiya
Personalidad at pagkilala ng tao
at sarili bilang salik sa pagbabago
ng desisyon niya sa buhay
Mga kaalaman bilang dagdag
impormasyon sa programang
sensitibo sa mga pangangailangan
ng mga tao.

ANG EKONOMIKS SA PILIPINAS


Walang nakakaalam kung kalian nabuo ang kaisipan sa ekonomiks bago
dumating ang mga mananakop sa Pilipinas.Ngunit may pagtatala naman sa mga
kaisipan ng ekonomiks simula pa noong panahon ng pananakop sa Pilipinas.

GOBERNADOR-HENERAL JOSE BASCO y VARGAS


Nabatid niyang mabagal na kalagayang pang ekonomiya ng bansa ang nais
niyang maging progresibo ito.
Naglunsad ng General Economic Development Plan. Nakasaad dito ang
paglipat ng bansa sa kapitalismo upang mapabilis ang pag-unlad ng
ekonomiya nito.
Ayon rin sa kanya ang pagpapasigla sa agrikultura at kalakalan at ang
pagpapatatag ng mga industriya ang tinatayang magdadala sa kaunlaran ang
bansa.

GREGORIO SANCIANO Y GOSON


Tinaguriang kauna-unahang Pilipinong Ekonomista
Ipinaliwanag niya ang sanhi ng atrasadong kalagayan ng pilipinas ay ang
kakulangan ng Pampublikong paglilingkod.
Isinulat niya rin ang El Progreso de Filipinas (The Progress of the
Philippines).

EMMANUEL de DIOS
Isang Pilipinong Dalubhasa sa Ekonomiks
Ayon sa kanya ang Ekonomiks ay unang naituro sa pangangasiwa ng
University of the Philippines (UP).
Ayon din sa kanya naipakilala ang Ekonomiks dito sa pilipinas bilang isang
asignatura bilang paghahanda ng batas at pamahalaan.

MGA INSTITUSYONG PANGKAUNLARAN NG PAMAHALAAN


1. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Nangangasiwa sa paghawak at paggamit ng salapi sa bansa.
Dating Central Bank of the Philippines (CBP)
2. National Economic and Development Authority (NEDA)
Naghahain ng mga programang pang kaunlaran ng bansa
Katuwang nito ang Philippine Institue for Development Studies
(PIDS).Pinalitn nito ang Institue Economic Research and
Development( IERD ) sa pagsusuri ng mga pang kaunlaran ng
bansa.

PAUNANG PAGSUSULIT
Panuto: Piliin sa kahon ang salitang tumutugma sa paglalarawan sa bawat bilang
Adam Smith

Gregorio Sancianco y Goson

Laissez Faire

Karl Max

Xenephon

Emperical Testing

John Maynard Keynes

Alfred Marshall

Amartya Sen

Jose Basco y Vargas

BSP

Oikonomia

David Ricardo

Thomas Robert Maltus

Oeconomicus

Utilitarianism

Equilibrium

Physiocrat

_________1.) Ginagamit ito upang ilarawan ang isang kaganapan sa pamilihan. Hiniram din

ng Ekonomiks ang Pamamaraang siyentipiko (Scientific Method)


_________2.) Siya ang tinaguring Ama ng Komunismo.
_________3.) Sila ang itinuturing na Unang Ekonomista.
_________4.) Pinakilala ang Ekonomiks bilang isang ganap na Disiplina.
_________5.) Ginagamit ang pilosopiyang upang panukat ng kasiyahan at pag-unawa ng isang tao.
_________6.) Ang Ama ng Makroekonomiks
_________7.) Ito ay ang pagtatala at pagsasaayos ng impormasyon nakalap.
_________8.) Ito ang nangangasiwa sa paghawak ng salapi ng bansa.
_________9.) Kauna-unahang Pilipinong Ekonomista.
________ 10.) Ito ang aklat na isinulat ni Xenephon.
________11.) Ang Ama ng Disiplina ng Ekonomiks
________12.) Siya ang naglunsad ng General Economic Development Plan.
________13.) Ang may akda ng Law of Diminishing Returns.
________14.) May akda ng An Essay on the Principle of Population.
________15.) Gumawa ng Social Choice Theory.

PANGHULING PAGSUSULIT
Tukuyin ang sagot sa pamamagitan ng Pag-aayos ng mga Letra.

________1.) Ayon dito, mas kikita at magiging mabilis ang pag-unlad ng isang bansa kung ang

mga kalakal na kanyang iluluwas ay yaong mas mura niyang malilikha.

MOPACRIATVE VANATDAGE
_______2.) Ito ay ang pag-aaral tungkol sa Katangian at mahalagang pangyayari sa populasyon.

DGERAYOPMH
______3.) Layunin ng Kaisipang ito na tumugon ang pinuno sa mga pangangailangan ng
kanyang nasasakupan
KMOIONIOA
______4.) Ito ay ang pag-aaral kung paano gagamitin ng tao ang mga limitadong pinagkukunan
ng yaman upang matugunan ang kanyang walang hanggang kagustuhan.
OSNMEKOKI
_______5.) Ito ay ang pag-aaral tungkol sa Pag-uugali ng pangkat ng tao sa kanilang kultural na
kapaligiran.
PAHONLOGYTRO

Mga Sagot

PAUNANG PAGSUSULIT
1. EKILIBRIYO O EQUALIBRIUM
2. KARL MAX
3. PHYSIOCRAT
4. Laissez Faire
5. Utilitarianism
6. JOHN MAYNARD KAYNES
7. EMPERICAL TESTING
8. BANGKO SETRAL NG PILIPINAS O BSP
9. Gregorio Sancianco y Goson
10. OECONOMICUS
11. ADAM SMITH
12. JOSE BASCO y VARGAS
13. DAVID RICARDO
14. THOMAS ROBERT MALTHUS
15. AMARTYA SEN

PANGHULING PAGSUSULIT
1. COMPARATIVE ADVANTAGE
2. DEMOGRAPHY
3. OIKONOMIA
4. EKONOMIKS
5. ANTHROPOLOGY

Vous aimerez peut-être aussi