Vous êtes sur la page 1sur 15

Banghay-Aralin sa Filipino 9- Integrasyon ng ICT

ARALIN 2.5
Unang Araw
TUKLASIN
I. Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.. Nauuri ang mga tiyak na bahagi ng dula na nagpapakita ng karaniwang
pamumuhay batay sa napanood at napakinggang diyalogo/pag-uusap.
b. Naipaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at
elemento ng mga ito.
II. Paksang-Aralin
Paksa:
Panitikan
Gramatika
Teksto :
Sanggunian
Kagamitan
Konsepto

Dahil sa Anak
Dula: Pilipinas
:
Kohesiyong Gramatika
Naglalarawan
:
Panitikang Asyano 9, ph. 148-170
:
LCD, laptop, Sagutang-papel
:
Ang dula ay hango sa kasaysayan ng buhay ng tao,
mayaman ito sa mga makatotohanang pangyayari
na ating nasaksaksihan sa pang- araw-araw na
pamumuhay.
Ang cohesive device reference o kohesiyong
gramatikal na pagpapatungkol ay mga salitang
nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga
salita.
Mga halimbawa:
ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)

Pamantayang Pagganap: Naitatanghal ang isa pang dulang naglalarawan ng


karaniwang pamumuhay ng mamamayan at relasyon
ng magulang at anak.
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa dula gamit ang teknolohiya at
paglalapi upang mailarawan ang karaniwang pamumuhay ng
mamamayan ng bansang pinagmulan nito
II. Pamamaraan/Yugto ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin.
2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral.
3. Pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan.
4. Pagtatala ng mga liban sa klase.
B. Pagganyak

Piliin ang mga elemento ng dula sa kaliwang maskara at isulat ito sa loob ng maskara
sa gawing kanan gamit ang pointer options sa powerpoint na inihanda ng guro.

Ritmo

Diyalogo

Iskrip

Tanghalan

Aktor
Sukat

Aktor

Mahika

Manonood Hayop
Talinhaga

Katwiran

Tugma

Babanggitin ng guro ang wastong sagot sa pagtalakay ng aralin.


Magpapakita ang guro ng isang video clip ukol sa isang gawaing palasak sa loob at
labas man ng bansa https://www.youtube.com/watch?v=dRb4HzRufmA. Matapos
panoorin, sasagutin ang mga sumusunod na katanungan:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing nilalaman ng video?
2. Sino-sino ang nahuhumaling sa gawaing ito?
3. Maituturing bang suliranin ng bansa ang ganitong gawain? Pangatuwiranan.
4. Bakit nahuhumaling ang ilan kundi man ang karamihan sa gawaing ito?
5. May naidudulot bang mabuti ang gawaing ito? Ipaliwanag.
6. Kung ang isang miyembro ng iyong pamilya ay nahuhumaling sa bisyong ito,
ano ang iyong gagawin? Bakit mo ito nasabi?
C. Panimulang Pagtataya
Pagkatapos ng gawain ay susubukin ang paniniwala at kaalaman ng mag-aaral batay
sa sariling karanasan. Hindi kinakailangan sagutin ito ayon sa DAPAT na tugon kundi
ibatay lamang ang sagot mula sa KAISIPAN. Mamarkahan ng tsek () ng mag-aaral
ang katapat na pahayag sa powerpoint presentation ng guro batay sa kanilang
paniniwala.
Paalala sa mag-aaral: Tandaan ang mga kasagutan sapagkat maaari itong mabago
habang pinag-aaralan ang aralin.
SANGAYON

DI SANGAYON

MGA PAHAYAG
1. Tunay na nakakapeperwisyo ang magumon sa anumang
bisyo.
2. Lahat ng uri ng sugal ay iligal.
3. Gagawin ang lahat kahit masama, maipagpatuloy lamang
ang bisyong pagsusugal na kinahuhumalingan.
4. Lalaki lamang ang nahuhumaling sa sugal na sabong.
5. Oras na malugmok ang isang tao sa anumang bisyo tulad
ng sugal, mahihirapan na itong kumalas.
6. May posibilidad pa rin magbago at talikuran ng isang tao
ang bisyo gaya ng pagsusugal.

D. Paglalahad
2

Ang tunguhin sa bahaging ito ay upang malinang ang kabatiran at pagpapahalaga sa


akdang pampanitikan sa Asya, partikular na ang isang dula mula sa ating bansa. Dito
masasalamin ang sariling buhay at lipunang ginagalawan.
Aktibiti/Gawain: panonood ng video ( https://www.youtube.com/watch?v=L9N2cJUe2c)
Isa sa mga ipinagmamalaking dula ng Panitikang Pilipino ay ang Sa Pula, Sa Puti ni
Francisco Soc A. Rodrigo. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:
1. Bakit kinahuhumalingan ni Kulas ang pagsasabong?
2. Bakit minabuti ni Celing na pumusta sa sabungan?
3. Ano ang maaaring nangyari sa buhay ng mag-asawang Kulas kung hindi
tumaya si Celing?
4. Kung ikaw si Celing, gagawin mo rin ba ang tulad ng ginawa niyang pagtaya?
5. Kung ikaw naman si Kulas, gagawin mo rin ba ang ipanayo sayo? Bakit?
6. Ano ang naging wakas ng kuwento? bakit ito nangyari?
7. Ano ang epekto sayo ng dulang napanood at bakit ganito ang naging epekto
sayo?
8. Ano ang mensaheng ibig iparating ng dula sa mambabasa?
E. Pagtatalakay
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula
ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at
matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng
panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na
iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na
dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang
iskrip.
Sangkap ng Dula
Tagpuan panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula
Tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
Sulyap sa suliranin bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon
ng higit na isang suliranin ang isang dula
Saglit na kasiglahan saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan
Tunggalian ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa
kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa
o patung-patong na tunggalian ang isang dula
Kasukdulan climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap
na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kayay sa
pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian

Kalutasan sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at


tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood
http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/
Elemento ng Dula
1. Iskrip
Pinakakaluluwa ng isang dula
Lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip
Walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o Aktor
Ang mga aktor o gumaganap ay ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip
Sila ang bumibigkas ng diyalogo
Sila ang nagpapakita ng ibat ibang damdamin
Sila ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan
Anumang pook na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan
4. Direktor
Ang direktor ang namamahla at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula
Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan, ng
kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan
5. Manonood
Sa kanila inilalaan ang isang dula
Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor
Ang cohesive device reference o kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ay mga
salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.
Mga halimbawa: ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)
Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa, ang anapora at
katapora.
1. Anapora- ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.
Mga Halimbawa:
a) Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.
b) Si Ritay nakapagturo sa paaralanang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.
c) Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit.
2. Katapora- Ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
Mga Halimbawa:
a) Siyay hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido, si Manoling ay kahiyahiya!
b) Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga tao?
F. Paglalahat
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano-anong mga pangyayari ang kadalasang ipinakikita sa dula?
2. Ano ang nauunawaan mo sa cohesive device o kohesiyong gramatikal?
Ang dula ay isang akdang pampanitikan na hango sa tunay na buhay.

Ang cohesive device reference o kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ay mga


salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.Nahahati ang
kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa, ang anapora at katapora.
Ang cohesive device o kohesiyong gramatikal ay nakatutulong sa pagbuo ng mga
pahayag o diyalogo.
G. Paglalapat
Aplikasyon:
Gamitin natin ang bagong kaalaman tungkol sa dula at kohesiyong gramatikal. Manatali
kayo sa inyong mga pangkat dahil bibigyan kayo ng mga gawaing lilinang sa inyong
imahinasyon.
Unang Pangkat- Sumulat ng isang diyalogo na nais na wakas ng kuwento gamit ang
kohesiyong gramatikal at isadula sa klase.
Pangalawang Pangkat- Pumili ng isang kantang may kohesiyong gramatikal sa liriko at
awitin sa klase.
Pangatlong Pangkat- Sumulat ng isang saknong na may apat na taludtod batay sa
kuwento at gamit ang kohesiyong gramatikal. Bigkasin ito sa klase.
Bawat pangkat ay bibigyan ng limang (5) minuto upang gawin ang kanilang
Gawain. At sa bawat presentasyon ay tutukuyin ng pangkat ang mga ginamit na
kohesiyong gramatikal.
I. Ebalwasyon: One-Minute Essay: Editoryal Kartun
Suriin mabuti ang isang editoryal. Pagkatapos, ipaliwanag ang mensahe nito sa loob ng
isang minuto. Lakipan ng kohesiyong gramatikal.
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
http://www.cagle.com/tag/gambling/page/9/

Mula sa editoriyal kartun na binigyan mo ng paliwanag, napagtanto mong isang mabigat


na usapin ang hinggil sa pagsususgal yamang nakasalalay rin dito ang reputasyon ng
isang lipunan.
IV. Takdang-Aralin
Pagtatanghal ng Isang Masining na Pagkukuwento Glogster
I- video at i-upload mo ang iyong malikhaing pagkukuwento gamit ang aplikasyong
Present.me (https://present.me/). Padalhan ng kopya ang guro. Maaari mo ring i-post sa
discussion board ang inyong ginawang video upang makita ng iyong mga kamag-aral at
makapagbigay sila ng komento. Sundin ang rubric sa pagtatanghal ng masining na
pagkukuwento. Gumamit din ng kohesiyong gramatikal sa pagkukwento.
Paksa: Pagsusugal: Sumpa Hindi Biyaya!
5

Kategorya
Nilalaman

Tinig/
Pagbigkas
Galaw at
Kumpas/
ekspresyon
Dating sa
Madla.
Pagkamalikhain

Napakagaling
4
Kahanga-hanga
ang lahat ng
pahayag hinggil sa
pagiging sumpa ng
sugak at hindi
biyaya.
Nauunawaang
lubos dahil sa
napakaliwanag n
pagbigkas.
Kakaiba at
nakapanghihikayat
ang mga galaw at
kumpas.
Napapahanga ang
mga manonood sa
palabas.
Orihinal at
namumukodtangi ang
presentasyon.

Magaling
3
Makabuluhan
ang detalye o
pahayag na
inilahad.

Nalilinang
2
May ilang mga
pahayag ang di
sumuporta sa
paksa.

Nagsisimula
1
Maraming
pahayag ang
walang
kaugnayan sa
paksa.

Sapat lang ang


lakas at
nauunawaan
din.
May ilang
galaw at
kumpas na di
akma.

Di-gaanong
marinig at
maunawaan.

Hindi marinig at
maunawaan.

Nakatatawagpansin ang
presentasyon.
Sapat lamang
ang ipinamalas
na
pagkamalikhain
sa
presentasyon.

Nakagugulo
Hindi akma ang
ang maraming mga kumpas at
galaw at
galaw.
kumpas na
ginamit.
Di gaanong
Nakababagot
nakakuha ng
ang
atensyon.
presentasyon.
Di gaanong
Hindi kinakitaan
kinakitaan ang
ng
pagkamalikhain pagkamalikhain.
at ilang bahagi
ay halaw
lamang sa
ibang
nagawang
presentasyon.

Ikalawang Araw
LINANGIN
I. Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.. Nauuri ang mga tiyak na bahagi ng dula na nagpapakita ng karaniwang
pamumuhay batay sa napanood at napakinggang diyalogo/pag-uusap.
b. Naipaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at
elemento ng mga ito.
6

II. Paksang-Aralin
Paksa:
Panitikan
Gramatika
Teksto :
Sanggunian
Kagamitan
Konsepto

Dahil sa Anak
Dula: Pilipinas
:
Kohesiyong Gramatika
Naglalarawan
:
Panitikang Asyano 9, ph. 148-170
:
LCD, laptop, Sagutang-papel
:
Ang dula ay hango sa kasaysayan ng buhay ng tao,
mayaman ito sa mga makatotohanang pangyayari
na ating nasaksaksihan sa pang- araw-araw na
pamumuhay.
Ang cohesive device reference o kohesiyong
gramatikal na pagpapatungkol ay mga salitang
nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga
salita.
Mga halimbawa:
ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)

Pamantayang Pagganap: Naitatanghal ang isa pang dulang naglalarawan ng


karaniwang pamumuhay ng mamamayan at relasyon
ng magulang at anak.
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa dula gamit ang teknolohiya at
paglalapi upang mailarawan ang karaniwang
pamumuhay ng mamamayan ng bansang pinagmulan
nito
III. Pamamaraan/Yugto ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin.
2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral.
3. Pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan.
4. Pagtatala ng mga liban sa klase.
B. Pagganyak
Picture Analysis
Gamit ang larawan na nagpapakita ng relasyon ng magulang at anak, pipili sila ng
mukha na ilalagay batay sa kahalagahan at kagustuhan ng mag-aaral at ilalagay ito sa
tapat ng bawat larawan. Gagamitin ng mag-aaral ang inihandang powerpoint ng guro.
Pagkatapos, pag-uusapan ng guro at mag-aaral ang kahalagahan nito.

C. Panimulang Pagtataya
Ayusin Mo! (Gamit ang powerpoint presentation ng guro)
Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga salita sa bawat bilang sa pamamagitan nang
pagsasaayos ng mga titik na nasa loob ng bubble balloon.
1. piitan

3. nakataya

2. masuyo

gknl
unu
a
nkala
aasay
l

4. galugarin

limI
agw

tiiul
nb

5. patay-patay

lam
baa
g
D. Pagtatalakay

Pagbabasa ng Munting Pagsinta at Isasadula ng mag-aaral ang Munting


Pagsinta na salin ni salin ni Mary Grace Tabora sa pamamagitan ng
pasasaradyo.
8

Gamit ang LCD at laptop, tatalakayin ang mga gabay na tanong at sasagutin ng
mag-aaral sa papel. Tatawagin ng guro lang ilang mag-aaral at ipalalahad sa
klase ang kanilang sagot. Matutuklasan ng mga mag-aaral ang tamang
sagot/konsepto sa pagtatapos ng aralin.

1. Isulat sa iba pang mga bilog ang hinihingi sa gitnang bilog.

1.

5.

2.

Isa-Isahin Ang
Mga Bahagi Ng
Dula Na
Naglalarawan Ng
Karaniwang
Pamumuhay
Pamumuhay

4.

3.

2. Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong Merit?
3. Tama bang hilingin ang bendisyon ng mga magulang sa pagpapasya? Bakit? 4.
Anong damdamin ang nangibabaw pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag.
5. Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa mga magulang na nagpapasya para sa
kanilang anak?
6. Ibigay ang ipinahihiwatig ng maagang pagpili ng babaing mapapangasawa ng isang
lalaking taga-Mongolia? Ipaliwanag.
7. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa maagang pag-aasawa? Sang- ayon ka ba rito o
hindi? Pangatuwiranan

Sagutin Mo! (Gawain 7, pahina 156)


Sagutin ang mga tanong na nasa graphic organizer sa sagutang papel.

Sa dulang Mongolia, nagingibabaw ang buhay at relasyon ng mag-ama.Ito rin


kaya ang lumitaw sa ikalawang dula na pag-aaralan? Panonood ng video ng Dahil sa
Anak ng STI Sta. Rosa, Laguna ni Julian Cruz Balamaceda.
Pagbibigay ng input ng guro.
1. Ang sagot ng mga mag-aaral dito ay hindi magkakapareho batay na rin sa kanilang
pagtingin, kaya ang guro ang titimbang sa kawastuhan ng kanilang sagot.
10

2. Samantala, bago suriin ang ikalawang teksto marapat na mailahad ng guro ang
koneksyon ng dalawang akda.
3. Aalamin ng guro ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa binasang dula sa
pamamagitan ng mga tanong na:
a. Bakit nagtatalo ang dalawang tauhan sa dula?
b. Bakit kaya mahalaga ang payo ng isang kaibigan batay sa ipinakita sa dula?
c. Sino sa mga tauhan ang nauunawaan mo/ di mo nauunawaan? Bakit?
d. Anong uri ng teksto ang binasa? Patunayan.(Naglalarawan sapagkat ipakita
sa dula ang relasyong namamagitan sa mag-ama at ang mga kaakibat nitong
mga damdamin batay sa mga kaganapan.)
e. Sa iyong pananaw, dapat bang pakialaman ng magulang ang pagpapasya ng
kanyang anak? Ipaliwanag.
f. Ano ang damdaming nangibabaw sa iyo matapos mong mabasa ang dula?
Ipaliwanag.
E. Paglalahat: GAWAIN 7. Paghambingin Mo!
Gamit ang graphic organizer, paghambingin ang dulang Munting Pagsinta at dulang
Dahil sa Anak. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sa araling ito, inaasahang naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa dula na


may pamagat na Munting Pagsinta na hinalaw ni Mary Grace A. Tabora sa pelikula ni
Sergei Bordrov na mula sa Mongolia at ang dula na Dahil sa Anak ni Julian Cruz
Balmaceda. Natututuhan rin ang kahalagahan ng mga cohesive device o kohesiyong
gramatikal sa pagbuo ng mga pahayag o diyalogo.
Naging salamin din ng bawat dula ang kultura ng kanilang lipunang giangalawan.
Ikatlong Araw
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I. Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga pahayag sa dula na may salungguhit.
b. Nasusuri ang pagkakaiba ng Anapora at Katapora
c. Naipapaliwanag ang kahulugan ng Pagsasanib Gramatika na ibinahagi ng
guro mula sa dula.
II. Paksang-Aralin
Paksa:
Panitikan

Dahil sa Anak
Dula: Pilipinas
11

Gramatika
Teksto :
Sanggunian
Kagamitan
Konsepto

:
Kohesiyong Gramatika
Naglalarawan
:
Panitikang Asyano 9, ph. 148-170
:
LCD, laptop, Sagutang-papel
:
Ang dula ay hango sa kasaysayan ng buhay ng tao,
mayaman ito sa mga makatotohanang pangyayari
na ating nasaksaksihan sa pang- araw-araw na
pamumuhay.
Ang cohesive device reference o kohesiyong
gramatikal na pagpapatungkol ay mga salitang
nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga
salita.
Mga halimbawa:
ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)

Pamantayang Pagganap: Naitatanghal ang isa pang dulang naglalarawan ng


karaniwang pamumuhay ng mamamayan at relasyon
ng magulang at anak.
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa dula gamit ang teknolohiya at
paglalapi upang mailarawan ang karaniwang
pamumuhay ng mamamayan ng bansang pinagmulan
nito
III. Yugto ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin.
2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral.
3. Pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan.
4. Pagtatala ng mga liban sa klase.
B. Pagganyak
1. Pagsasagawa ng MAPA o Malayang Pagsasalita ng mag-aaral gamit ang panghalip o
kohesiyong gramatikal.
D. Pagbabalik-aral.
E. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagtalakay ng ilang pangungusap mula sa dulang Dahil sa Anak.
2. Pagtalakay muli ng guro sa pagkakaiba ng Anapora at Katapora. Pagbibigay
halimbawa.
F. GAWAIN 8
Gawain 8: Ikonek Mo!
Hanapin mo ang mga pahayag na may salungguhit sa binasang dula. Ano ang iyong
napansin sa mga ito? Tiyak na mapagtitibay mo na batay sa kaalamang nakalahad sa
ibabang kahon ay makabubuo ka ng mahusay na pahayag o diyalogo ng dula.
Pagsasanay 1
Pagsasanay 1. Iguhit Mo! (Gamitin ang POINTER OPTION sa ppt presentation at
LCD sa pagsagot)
Suriin ang mga pahayag. Bilugan ang kohesiyong gramatikal na ginamit at isulat
patlang bago ang bilang kung ito ay Anapora o Katapora.
12

_____ 1. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
_____ 2. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng
Lourdes.
_____3. Ang mga kababaihan ngayon ay hindi pahuhuli sa pagsabay sa
pagbabagong bunsod ng modernisasyon, silay namamayagpag sa ibat ibang karera
katulad ng mga kalalakihan.
_____4. Iyan ang mga kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay, sipag at tiyaga
talaga ang karaniwang susi sa pagtatagumpay.
_____5. Mamamayan ang buhay ng isang bansa kayat tayoy nagsisipag sa
paghahanap-buhay.
Pagsasanay 2. Subukin Mo!
Basahin ang mga pahayag. Punan ng wastong kohesiyong gramatikal ang patlang sa
pamamagitan ng inilaan na WORDART sa ibaba. Tukuyin kung ito ay anapora o
katapora.

1. Matutuwa ______ dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-aaral.
2. Nagwika _____ na Kabataan ang Pag-asa ng Bayan, ipinaliwang ni Jose Rizal ang
tungkuling ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.
3. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian, ____ay
taglay niya hanggang kamatayan.
4. Maraming natutuhan ang mga kabataan gamit ang ICT, _____ nila nakukuha ang
mga mahahalagang impormasyon kailangan sa pag-aaral.
5. Sa panahon ng ________ pag-aaral, matinding pagsusunog ng kilay ang kailangan
upang makamit ng mga mag-aaral ang inaasam na diploma.
Pagsasanay 3. Hanapin Mo!
Piliin ang mga pahayag o diyalogo sa dulang Munting Pagsinta na ginamitan ng
kohesiyong gramatikal. Gayahin ang pormat sa kasunod na graphic organizer at gawin
ito sa sagutang papel.
Pahayag/Diyalogo

Kohesiyong Gramatikal (Anapora o


Katapora)

G. Paglalahat:
Pagnilayan at Unawain
Sagutin mo ang mga tanong sa kasunod na graphic organizer ng kaliwanagan
KALIWANAGAN
Paano mabisang makabubuo ng pahayag
o diyalogo ng dula?

Bakit mabisa ang dula sa paglalarawan sa


karaniwang buhay ng tao?

Ikaapat na araw
ILIPAT
13

I. Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalapat ang mahahalagang konseptong natutuhan.
II. Paksang-Aralin
Paksa:
Panitikan
Gramatika
Teksto :
Sanggunian
Kagamitan
Konsepto

Dahil sa Anak
Dula: Pilipinas
:
Kohesiyong Gramatika
Naglalarawan
:
Panitikang Asyano 9, ph. 148-170
:
LCD, laptop, Sagutang-papel
:
Ang dula ay hango sa kasaysayan ng buhay ng tao,
mayaman ito sa mga makatotohanang pangyayari
na ating nasaksaksihan sa pang- araw-araw na
pamumuhay.
Ang cohesive device reference o kohesiyong
gramatikal na pagpapatungkol ay mga salitang
nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga
salita.
Mga halimbawa:
ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)

Pamantayang Pagganap: Naitatanghal ang isa pang dulang naglalarawan ng


karaniwang pamumuhay ng mamamayan at relasyon
ng magulang at anak.
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa dula gamit ang teknolohiya at
paglalapi upang mailarawan ang karaniwang
pamumuhay ng mamamayan ng bansang pinagmulan
nito
III. Yugto ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin.
2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral.
3. Pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan.
4. Pagtatala ng mga liban sa klase.
B. Pagganyak
1. Pagsasagawa ng MAPA o Malayang Pagsasalita ng mag-aaral gamit ang panghalip o
kohesiyong gramatikal.
D. Pagbabalik-aral.
E. Paglilipat
(Panitikang Asyano, pahina 164-165)
Ito ang yugto kung saan magkakaroon na ng bunga ang pagtitiyaga mo sa pag-aaral ng
dula at kohesiyong gramatikal. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyong
natutuhan. Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, mainam na
magtanong ka sa iyong guro o balikan mo ang mga naunang yugto ng pagkatuto.
14

Miyembro ka ng kilalang grupo ng performing artists ng bansa. Naatasan kayong


magtanghal ng isang dula mula sa Silangang Asya na sumasalamin sa karaniwang
pamumuhay ng alinmang bansang pinagmulan nito. Itatanghal ninyo ito sa Cultural
Center of the Philippines (CCP) bilang isa sa mga atraksyon sa unang gabi ng
pagbisita ng mga dignitaryo mula sa Hapon, Korea, Taiwan, Tsina at Mongolia.
Upang makatiyak na maiibigan ang inyong pagtatanghal, tiyaking mayroon itong
kahusayan sa pagganap, orihinalidad ng iskrip, kaangkupan ng mga elemento, at
makatotohanan.
Tunghayan ang rubric kung paano mamarkahan ang nilikhang produkto:
Pamantayan
Pagkamakatotohanan
Kahusayan Sa Pagganap
Orihinalidad
Kabuuang Pagtatanghal
Kabuuang Marka
Marka:
Nagsisimula
Mahusay-husay
Mahusay
Napakahusay

Bahagdan
10%
30%
30%
30%
100%
-

74%-pababa;
80 - 75%;
90 - 81%;
91 - 100-%

15

Vous aimerez peut-être aussi