Vous êtes sur la page 1sur 10

MALAY

Tomo XX Big. 2 April 2008


Pamantasang De La Salle-Maynila

Ang Mag-ina sa Panahon ng Feminisasyon


ng Lakas Paggawa
Myla M. Arcinas
Pamantasang De La Salle-Maynila, Filipinas

Parami nang parami ang mga Filipinang kabilang sa migrasyong global. Bagamat ang kanilang
pag-alis ay nagbibigay-suporta sa kabuhayan ng Filipinas sa pangkalahatan, gayundin, sa
kabuhayan ng kani-kanilang pamilya sa partikular, nakababahala ang mga epekto ng paglisan ng
mga ginang-ina. Sa ngayon, ang tawag sa kanila ay mga transnasyonal na ginang-ina, sila na
piniling magtrabaho sa ibang bansa para matugunan ang mga pangangailangang pinansiyal ng
kanilang pamilya, gayunman, kasabay na pinagkakaitan ng pisikal na pakikipag-ugnayan sa
kanilang mga mahal sa buhay. Ang sumuiat ay nagsagawa ng isang pananaliksik kung paano
naaapektuhan ng ganitong sitwasyon ang mga babaeng anak ng mga inang transnasyonal;
napansin din niyang nagkakaroon na ng generational pattern ang feminisasyon ng diasporang
Filipino.
The participation of Filipino women in global migration continues to rise significantly.
While their departure from the homeland will boost the Philippine economy in general
and the living conditions of their respective families in particular, the impact of the
increasing number of absentee wives-mothers is alarming. Now referred to as transnational
wives-mothers, these women have opted to work abroad to meet the financial needs of the
family but have deprived themselves of physical bonding with their loved ones. The
writer has conducted a research on how daughters of transnational mothers cope with
such a situation, noting an emerging generational pattern of the feminization of the
Filipino diaspora.
Mga susing termino: feminisasyon ng migrasyon, transnational mothering, mga patern ng migrasyon,
kultura ng emigrasyon

ng isyu ng migrasyong global O paglabas ng

programang overseas employment ating

bansa ng mga overseas Filipino worker


(OFW) ay hindi na bago sa atin. Bawat taon, ang
Filipinas ay nagpapadala ng mahigit isang milyong
manggagawa palabas ng bansa sa ilalim ng

pamahalaan. Bagamat may mga Filipinong umaalis


ng bansa upang permanenteng manirahan sa
bansang pupuntahan, nakararami pa rin sa mga
lumalabas ang nais magtrabaho. Ayon sa

28

M.M. ARCINAS

estimasyon ng Bangko Sentral ng Filipinas (BSP),


ang mga OFW ay inaasahang makapagpapadala
ng mahigit sa US$14.7 bilyong remitans sa 2007,
mas mataas sa US$14 bilyon noong 2006 (BSP,
2006; People's Daily Online, 2007). Ang mga
remitans na ito ay masasabing kaylaking tulong
kapwa sa pamilya ng mga OFW at sa ekonomiya
ng bansa.
Ayon sa Intemational Organization for Migration
(IOM), tinatayang noong taong 2003 ay may 175
milyong migrante sa mundo, at higit sa kalahati ng
bilang na ito ay kababaihan (Padilla, 2006). Ang
51 porsiyento ng mga migranteng ito ay makikita
sa nakaririwasang rehiyon o bansa, katulad ng
Estados Unidos, Europa, Canada, Australia,
Gitnang Silangan, at ang mga industriyalisadong
bansa sa Asya, tulad ng Hong Kong, Japan at
Singapore. Sa pag-aaral nina Asis (1995) at
Padilla (2006), ang partisipasyon ng kababaihang
Fuipino sa migrasyong global ay itinuturing na isang
behikulo upang maiangat ang estado ng kabuhayan
sa lipunan at hindi lamang ng sarili at ng pamilya.
Sa datos ng IOM, ang Filipinas ang may
pinakamataas na bilang ng mga labour migrant
sa buong mundo, at karamihan (60 porsiyento) ay
babae (Padilla; Parrenas, 2005).
Hindi na bago ang isyu ng intemational labor
migration sa Filipinas. Ang nakatatawag-pansin
lamang sa ngayon ay ang partisipasyon ng
kababaihan na patuloy pang tumaas nitong mga
unang taon ng ika-20 siglo. Bagamat, ang
partisipasyon ng kababaihan ay sinasabing
nagpapalakas ng ekonomiya ng Filipinas, ang
kondisyong ito ay nakaaalarma pa rin. Kasabay
ng pagganda ng ekonomiya sanhi ng mga remitans
ng mga OFW ang pag-usbong ng mga bagong
kondisyon at problemang nakaaapekto sa
pamilyang Filipino. Sa paglisan ng mga babae,
hindi lamang literal na naiiwan ang mga anak, lalo
na ang mga babaeng supling, kundi maging ang mga
responsibilidad na kaugnay ng pagiging asawa at
ina.
May dalawang layunin ang papel na ito: (1)
ang maipakita ang estado at ang mga datos ng
pagtingkad ng partisipasyon ng kababaihan sa
feminisasyon ng migrasyong global, (2) ang
TOMO XX BLG. 2 ABRIL 2008

malaman ang pananaw ng mga babaeng anak na


naiwan tungkol sa paglisan ng kanilang ina at ang
epekto nito sa kanila at sa hinaharap.
Dalawang pangunahing mtodo ang ginamit sa
pag-aaral na ito. Upang mapasok ang mundo ng
feminisasyon ng migrasyong global, kinailangan ang
pagrebyu ng mga dokumentong nagpapakita ng
datos ng paglabas ng bansa ng kababaihan. Upang
mabatid ang pananaw ng mga babaeng anak na
naiwan, 80 anak na babae (edad 7-12,
kasalukuyang nag-aaral sa elementarya, at
naninirahan sa Maynila) ang kinapanayam. Isang
open-ended interview questionnaire ang ginamit
sa panayam.
Feminisasyon ng migrasyon
Mahaba ang kasaysayan ng migrasyon sa
Filipinas. Ang migrasyong global sa bansa ay
nagsimula pa noong pananakop ng mga Amerikano.
Noon, may dalawang daloy ng migrasyon ang
nakita: (1) lumalabas ang mga Filipinong
manggagawa bilang tagapagtanim ng pinya sa
Hawai'i at sa ibang parte ng Estados Unidos, at
(2) lumalabas ng bansa ang mga Filipinong
intelektwal at mag-aaral para sa gradwadong
edukasyon at espesyalisasyon. Sa panahon ng
dating Pang. Ferdinand Marcos, nagkaroon ng
pangatlong daloy ang migrasyon: lumalabas ng
bansa ang mga manggagawa bilang mga
kontraktwal, ang mga overseas contract worker
(OCW). Ang pagiging OCW noon ay ipinakilala
bilang interim strategy upang matugunan ang
dalawang pangunahing problema ng bansa: ang
kakulangan ng trabaho, at ang pangangailangang
mabayaran ang utang panlabas. Hanggang sa
administrasyong Corazn C. Aquino, Fidel V.
Ramos, at Joseph Ejercito Estrada, ang mga OCW
ay naririyan upang tugunan ang pareho pa ring
problema. Kinilala na sila bilang mga bagong
bayani dahil sa pagtugon sa mga pangangailangang
nabanggit. Sa ilalim ng administrasyong Gloria
Macapagal-Arroyo, ang OCW ay naging OFW.
Ang perang nireremit nila para sa kanilang pamilya
ay malaking tulong hindi lamang sa kanuang pamilya
kundi maging sa ekonomiya ng bansa. Kaya gayon

ANG MAG-INA SA PANAHON NG FEMINISASYON NG LAKAS PAGGAWA

na lamang ang suporta ng pamahalaan sa paglabas


ng bansa ng mga Filipino. Kapalit kasi ng pag-ahs
ang mga benepisyong nakatutulong sa bansa.
Gayumpaman, sinabi ni Lane (1992:24, saTigno,
1993) na:
The willingness of the migrants to work
overseas is necessary but not sufficient
condition for international migration... but
labor exporting governments still
enthusiastically support overseas contract
work since it is a major source of foreign
capital. Migration is not only a personal
decision but [is] also due to the failure of
the development policies to provide
adequate living and employment structures.
Mula pa man noong dekada 90, bagamat
sinasabing ang pangingibang-bansa ay altematibong
aksyon, ang kakulangan ng tamang patakaran at
istruktura na makapagbibigay ng disenteng
hanapbuhay sa mga Filipino ay malaking dahilan
ng paglisan ng maraming manggagawa. Noong
1991-1995, sa datos ng Department of Labor and
Employment (DOLE) sinasabing may 3.5 milyong
Filipinong OCW lamang. Sa bilang na ito ay 2
libo ang legal na pinoproseso sa bansa, at 60
porsiyento rito ay kababaihan. Sa pagtatapos ng
1999, umabot na ng 7.29 milyon ang mga OCW.
Nakakalat sila sa 187 bansa at destinasyon. Ayon
sa datos, 66 porsiyento ng mga OCW ay nasa
Estados Unidos (2,083,517). Han sa mga bansa
kung saan may maraming OCW ay Saudi Arabia
(855,230), Malaysia (594,682), Canada
(302,172), Australia (202,223), Japan (197,701),
Hong Kong (160,484), Taiwan (141,505), Italy
(121,319), at Singapore (120,154). Nitong 2005,
ang 10 bansang may pinakamaraming OFW ay ang
Saudi Arabia (993,991), Hong Kong (94,553),
United Arab Emirate (81,707), Taiwan (46,714),
Japan (42,586), Kuwait (40,248), Qatar (31,418),
Singapore (27,599), Italy (21,261), at United
Kingdom (16,799). Sa report ng Philippine
Oversea Employment Agency (POEA, 2006) at
ng OFW (2006), ito rin ang mga bansa kung saan
nakararami ang babaeng OFW.

29

Sa datos ng DOLE (1999), nagpatuloy ang


pagtaas ng bilang ng mga babaeng OFW mula sa
12 porsiyento noong 1975 tungo sa 47 porsiyento
noong 1987 tungo sa 58 porsiyento noong 1995,
at 64 porsiyento sa 1999. Mahaharaya natin ang
bilang ngayong 2007. Ayon kay Go (1997),
patuloy pang tumataas ang bilang ng kababaihang
OFW dahil sa mataas na pangangailangan sa mga
trabahong pangkasambahay sa pagpasok ng ika20 siglo. Ayon sa Philippine Overseas Employment
Administration (POEA), sa bawat araw ay may 3
libong OFW na lumalabas ng bansa at 65-70
porsiyento rito ay babae. Ayon pa rin sa report ng
POEA, noong 2005, sa 47,493 OFW na tumungo
sa Europa, 75 porsiyento ay kababaihang nasa
edad 25-29. Ang mga datos na ito ay nakaaalarma,
lalo na't pataas nang pataas ang bilang ng umaalis,
lalo na kung iisiping ang kalalakihan ang
nakasanayang umaahs.
Sa mas intensibong pag-aaral na ginawa ng
POEA (2005), ang pagtaas ng partisipasyon ng
kababaihan sa migrasyong global ay sinasabing
produkto ng sumusunod na sitwasyon: (1) ang
opisyal na patakaran sa migrasyon ng gobyemo
ng Fihpinas kung saan aktibong nanghihikayat ang
mga ahensya ng pamahalaan at ang mga
recruitment agency sa kababaihan; (2) ang gender
stereotyping sa kababaihan sa mga trabahong
kinakailangan sa merkado, tulad ng caregiving at
entertainment; (3) ang pagdami ng mahihirap sa
maraming kanayunan bunga ng mga structural
adjustment program na nagtutulak sa kababaihan
na makilahok sa labor force; (A) ang pagtaas ng
bilang ng mga pamilyang pinamumunuan at
itinataguyod ng isang babae; (5) ang kakulangan
ng oportunidad sa mga kanayunan para makakuha
ng magandang hanapbuhay na tutugon sa
pangangailangang pampamilya; (6) ang pagdami ng
pamilyang umaasa sa kapamilyang babae; (7) ang
pagtaas ng demand ng mayayamang bansa sa mga
trabahong pambabae, tulad ng pagiging
kasambahay at nars; (8) ang economic boom o
pagganda ng ekonomiya sa mga patutunguhang
bansa; at (9) ang paglawak ng pananaw ng

personal

economic

independence

sa

kababaihan.
MALAY

30

M.M. ARCINAS

Sa Europa, bukod sa mga nars sa ospital, ang


nakararaming babaeng OFW ay mga kasambahay.
Ito ay bilang pagtugon sa mga pangangailangang
kasambahay ng mga bansang Italy, Spain, France
at Britain dahil sa tatlong pwersa ng pagbabago sa
kanilang lipunan: (1) ang pagdami ng gitnang uri;
(2) ang pagtaas ng partisipasyon ng lokal na
kababaihan sa lokal na ekonomiya; at (3) ang
pagkakaroon ng mga migranteng kasambahay na
may mababang sahod na siyang gagawa ng mga
gawaing gaya ng pag-aalaga sa mga bata at
matanda.
Noong 2005, tinatayang mahigit 8 milyong
Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa 193
bansa at destinasyon sa mundo. Ang bilang na ito
ay kumakatawan sa 10 porsiyento ng
pangkalahatang populasyon ng Filipinas. Ngunit,
sinasabing aabot ng 10 milyon ang bilang dahil
tinatayang may 1.6 milyong walang legal na
dokumento kaya wala sa opisyal na talaan (http://
www.geocities.com/cpbdhor2/fif/fnfofw.pdf).
Ayon sa World Bank, noong 2005, ang Filipinas
ay nakatanggap ng US$12 bilyong remitans mula
sa mga OFW, pang-apat sa may pinakamatataas
na remitans sa buong mundo na pinangunahan ng
India, China at Mexico (Padilla, 2006). Sa mga
datos na ito, maasabing ang migrasyon ng mga
Filipino na isang panandaliang solusyon lang sana
noong dekada 60 ay isa nang pangunahing
estratehiyang pang-ekonomiya pagkaraan ng
kalahating dantaon.
Silang mga naiwan
Noong 2000, sa 2.65 milyong pamilyang OFW
na kasama sa sensus, may 1.45 milyong inang nasa
labas ng bansa kumpara sa 1.2 milyong ama
(Census on Population and Housing, 2000;
Philippine National Statistics Office, 2000). Kung
gayon, kung ang bawat pamilya ay may average
na tatlong anak, base sa 2.45 milyong pamilyang
nasensus, tinatayang 8 milyong kabataan ang
namumuhay nang malayo sa kanilang ina o ama.
Sa datos na ito, may 4.35 milyong anak ang
namumuhay nang walang ina. Sa rekord ng POEA
(2001), 44 porsiyento ng mga babaeng OFW
TOMO XX B L a 2 ABRIL 2008

noong taong 2000 ang ina. Kung isasama pa ang


1.6 milyong inang hindi naidokumento, dala ng pagoverstay o pagkapaso ng visa, ilang anak pa kaya
ang naiwan?
Sa paglisan ng mga ina dahil sa hatak ng
migrasyong global, umusbong ang tinatawag na

transnational

mothering

na ayon kina

Hondagneu-Sotelo at Avila (1997) ay isang


prosesong nagbibigay ng bagong kahulugan sa
pagiging ina sa konteksto ng migrasyong global.
Ang kahulugang ito ay ang pagganap ng isang babae
sa kanyang papel na ina sa kanyang mga anak sa
gitna ng pisikal na separasyon kapalit ng
paniniwalang ang pagtatrabaho sa labas ng bansa
ay magbibigay ng mas mariwasang buhay sa kanila.
Sinasakop ng konseptong ito ang pagkita ng salapi
ng isang ina upang matugunan ang pangangailangan
ng mga anak, partikular ang pang-araw-araw na
pag-iral at ang edukasyon.
Sa pangingibang-bansa ng mga ina, ilang pagaaral ang nagpapakita ng epekto ng paglisan ng
ina sa mga anak. Sa pag-aaral ni Astrado-Conacio
(1996), sa 700 batang isinangkot sa pag-aaral,
lumabas na walang matinding negatibong epekto
sa emosyonal na pagkatao ng mga bata, gaya ng
agresibong pag-uugali, ang paglisan ng ina.
Gayumpaman, lumabas pa rin sa pag-aaral na ang
pagkawala ng ina ay may nakababahalang epekto
sa pananaw at buhay ng mga bata. Ganito rin ang
lumabas sa pag-aaral ni Parrenas kung saan 228
anak ng OFW ang kinapanayam. Sa pag-aaral na
ito, ninais na makita ang kondisyon at pananaw ng
mga anak na babae sa pangingibang-bansa ng
kanilang ina. Mga batang babae ang piniling
kalahok sa pag-aaral dahil nais makita ang
maaaring epekto ng pananaw ng mga bata sa
pagpapatuloy ng kultura ng feminisadong migrasyon
sa bansa.
Sa pag-aaral na ito, 80 kabataang babaeng may
edad 7-12 ang kalahok sa interview survey. Mga
anak na babae ang pinag-aralan dahil mas makikita
ang pagpapatuloy ng feminisasyon ng migrasyon
sa bansa. Mahalaga ang kanilang pagsang-ayon
at hindi pagsang-ayon sa partisipasyon ng kanilang
ina sa kaayusang global. Kalahati ang nasa edad

ANG MAG-INA SA PANAHON NG FEMINISASYON NG LAKAS PAGGAWA

7-10, gayundin ang nasa 11-12. Ang mga


kinapanayam ay nasa elementarya: 37 ang nasa
baitang 1-3 at 43 ang nasa baitang 4-6. May 40
ang nag-aaral sa pampublikong paaralan at 40 rin
ang nasa pribado. Ang 28 ay panganay, 36 ay
panggitna, at 16 ay bunso. May 56 na naninirahang
kasama ang kanilang ama at mga kapatid saka
kamag-anak na babae ng kanilang ina o ama, na
maaaring tiyahin ng magulang (2), kapatid ng
magulang (18), o kanilang lola (36). Silang lahat
ay naninirahan sa Maynila. Tingnan ang
Talahanayan 1.
Katangian ng mga Kalahok
Edad

Antas

Paaralan

Order

Kasama

F (n = 80)

7-10

40

11 - 1 2

40

Baitang 1 - 3

37

Baitang 4 - 6

43

Publiko

40

Pribado

40

Panganay

28

Panggitna

36

Bunso

16

Ama at mga kapatid

23

Ama, mga kapatid, at mga


kamag-anak ng ina/ama
Nakikitira sa kamag-anak

Talahanayan 1.

56
1

Katangian ng Kalahok

Sa mga panayam, lumalabas na malaki ang


ginagampanan ng mga kamag-anak na babae sa
pang-araw-araw na pangangailangan at edukasyon
ng mga bata. Bagamat kasama ang ama sa
tahanan, ang mga personal na pangangailangan ng
mga batang babae tulad ng pagkain, paliligo,
pagbibihis, maging pag-aaral ay pinupunan ng mga
babaeng ito. Sila ang gumaganap na ina.
Dalawampu't tatlo (23) sa mga batang
kinapanayam ay naninirahang kasama lamang ang
ama at mga kapatid, bagamat paminsan-minsan ay
may kamag-anak ng ina na bumisita na kardla upang
tingnan ang kanilang kalagayan. Isang kalahok
lamang ang nagsabi na iniwan sila ng kanilang ina
sa isang kamag-anak dahil wala rin ang kanilang
ama sapagkat may iba na itong pamilya.

31

Batay sa mga pahayag sa panayam, malaki ang


papel na ginagampanan ng kamag-anak na babae
sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga
bata, lalo na sa personal na pangangailangan sa
pagdadalaga. Bagamat kasama ang ama sa
tahanan, ang mga personal na pangangailangan ng
mga batang babae tulad ng pagkain, paliligo,
pagbibihis, pag-aaral, at maging ang
pagpapaliwanag sa pagbabagong pisikal o
emosyonal ay pinupunan ng mga babaeng ito.
Unti-unti ring nalalayo ang attachment ng mga
bata sa tunay na ina dala ng pisikal na pagtupad ng
mga pinag-iwanan sa gampanin ng tunay na ina.
Ayon kay Tesa, "Si Lola ang mahal ko, hinahatid
(sic) niya ako sa eskuwela, tinuturuan sa mga
assignment ko. Siya ang nag-aalaga sa akin,
nagpapaligo. Binibili niya ang mga gusto kong
pagkain, at nagsisine kami 'pag may pera."
Nagkakaisip din ang bata sa uri ng ugnayang
pangkasarian. Nagdudulot ito ng lalong
pagtanggap sa pisikal na absensya ng ina. Wika
nga ni Anya, "Si Tita Jeng ang namimili ng mga
damit at gamit ko. 'Di naman marunong si Daddy...
pero si Jun (kapatid na lalaki), si Daddy ang
kasama niya. Kapag nagmo-mall sina Tita Jeng,
pinasasama ako ni Daddy para daw mas maganda
ang mabiU ko. Mabait si Tita Jeng... pati nga crush
ko kilala n'ya." Nagiging malapit ang bata sa
humaliling ina, umabot pa ito sa puntong
ipinagkakatiwala niya ang kanyang mga lihim.
Nadidiin naman ang kawalan ng ina sa mga
pisyolohikal na sandali, gaya ng nabanggit nang
pangangailangan ng pagdadalaga. Ani ni Lora,
".. .nang una akong magkaroon [ng regla], natakot
ako. Nagpunta ako kay Lola kasi 'di ko masabi
kay Papa. Nahihiyaako. 'Di ko nga alam kung
alam ni Papa na dalaga na ako. Wala lang.
Nahihiyaako kahit sa mga kapatid kong lalaki. Si
Lola ang puntahan ko 'pag meron ako, kasi tinuturo
(sic) niya kung ano ang gagawin ko."
Patern ng migrasyon
Sa mga kinapanayam, nakararami ang may
inang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan (23),
partikular sa Saudi Arabia, sinundan ng 20 sa Asya
(partikular sa Hong Kong, Japan, Taiwan at
MALAY

32

M.M. ARCINAS

Brunei), 16 sa iba't ibang lugar ng Estados Unidos,


14 sa Europa (partikular sa Italy), at pito sa
Australia at New Zealand. Lumalabas na
maraming ina ang nagtatrabaho sa linya ng service
work, tulad ng pagiging kasambahay (kasama na
dito ang pagiging yaya, kusinera, caregiver at iba
pang gawain sa bahay) sa Saudi Arabia, Hong
Kong at Italya. Pumapangalawa sa patern ang
pagiging propesyunal (kasama dito ang pagiging
nars, teacher-tutor,
clerical work, at
accountant). Sumunod ang pagiging entertainer
at waitress sa Japan at Brunei. May apat namang
nagtatrabaho bilang/aciory worker sa Taiwan.
Tingnan ang Talahanayan 2.
Malinaw sa mga bata ang dahilan ng
pangingibang-bansa ng kanilang ina68 ang
nagsabing para sa mas magandang buhay ng
pamilya, 63 para sa kanilang edukasyon at sa
kanilang mga kapatid, 36 para makapag-ipon at
makabili ng bahay at sasakyan, apat para makaipon
ng kapital sa negosyo ng kanilang ama o ina o ng
pamilya, at dalawa para maranasan ang magandang
pamumuhay sa ibang bansa. Lumabas sa mga
panayam na ang pagnanais na makaranas ng mas
magandang buhay para sa pamilya, at edukasyon
ng mga anak ang pangunahing dahilan ng
pangingibang-bansa ng mga ina. Sabi nga ni Elena,
"Wala akong ideya na aalis si Nanay, ngunit sabi
ng Lola ko, kailangang mag-abroad ni Nanay para
makaahon kami sa hirap at makapag-aral kaming
magkakapatid." Sa paulit-uht na pagsasabi sa mga
bata ng mga taong nakapaligid, napapanday sa isip
ng mga bata na ang kahirapan ang pangunahing
dahilan ng paglisan. Sa pag-ahong ito, itinatanim
sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon. Bagamat
marami sa mga kinapanayam ang kasama ang
kanilang ama, sinabi nilang hindi sapat ang kita nito
para matustusan ang kanilang pangangailangan.
Ayon kay Maru, "Wala kasing masyadong pera si
Papa, nagda-drive siya ng jeep, ngunit sabi ni
Mama, kulang daw ang kita ni Papa para sa amin."
Ayon naman kay Jynn, "Di pa kasi nakakakuha ng
trabaho si Tatay, kaya si Nanay ang napilitang
magtrabaho. Pero, 'pag may trabaho na si Tatay,
uuwi na si Nanay dito sa Filipinas." Sa kaso naman
ni Leann, "Dati, si Papa ang nasa Saudi, ngunit
nang umuwi na si Papa, si Mama naman ang umalis
kasi wala nang kita si Papa."
TOMO XX BLG. 2 ABRIL 2008

Bagamat nakararami (48) ang nagpahayag na


umuuwi ang kanilang ina taon-taon, marami ang
nagbanggit ng pagkasabik sa ina. "T'wing Pasko
at Bagong Taon, ndito siya (ang ina). Mas
matagal na wala siya sa bahay. Minsan nga, isip
(sic) ko na sana... laging Pasko at Bagong Taon,"
wika ni Edna. Sa mga panayam na hindi taunan
ang uwi ng ina, higit ang pangunguhla ng mga bata.
"Nagtatampo na nga ako," sabi ni Rose. Ayon
naman kay Jan, "Dalawang taon na sa abroad si
Inay. 'Di naman siya makauwi kasi ayaw daw ng
amo niya; pero kapag pinayagan daw siyang uuwi
(sic)..."
Patern ng migrasyon

F
(n = 80)

Bansa

Gitnang Silangan
Asya
Estados Unidos
Europa
Australia/New Zealand

23
20
16
14
7

Trabaho

Service work (kasambahay,


atiba pang katulad)
Propesyunal
Factory worker

48
28
4

Dahilan

Maiahon sa hirap ang pamilya*


Edukasyon ng mga anak*
Makaipon para sa bahay,
at iba pang materyal*
Makaipon para sa negosyo
Makaranas ng magandang
buhay sa ibang bansa

Interval ng
pag-uwi
Kada anim na buwan
Isang beses sa isang taon
Kada dalawang taon
Tatlong taon pataas
Hindi pa nakakauwi

68
63
36
4
4

11
48
10
8
3

*maraming sagot

Talahanayan 2. Patern ng Migrasyon ng


mga Inang OFW

Sa nglan ng ina at ng anak


Lahat ng kinapanayam ay may regular na
komunikasyon sa kanilang ina sa iba't ibang
paraan, tulad ng tawag sa telepono (52), texting

33

ANG MAG-INA SA PANAHON NG FEMINISASYON NG LAKAS PAGGAWA

O tawag sa cellphone (43), liham (36), internet


(email at/o chating) (24), audio recording o tape
recording (21), at video recording (11). Tingnan
ang Talahanayan 3. Sinabi ng mga bata na may
mga pagkakataong kombinasyon ng iba't ibang
moda ng komunikasyon ang ginagarnit ng kanilang
ina upang makausap sila, lalo na sa tuwing mga
espesyal na araw. Kapansin-pansin sa datos ang
paglawak ng paggamit ng modemong teknolohiya
na siyang paraan ng mga ina upang maramdaman
ng mga anak ang kanilang pagmamahal at upang
maibsan ang pangungulila sa pisikal na presensya.
Ito ang tinatawag na transnational mothering.
Ayon kay Iya, "Nakakausap ko si Mama sa
internet, para ngang narito lang siya kasi palagi
naman kaming nagcha-chat." Ayon naman kay
Ada, "lagi kong tinitext si Mommy. Tinitext din
niya kami ni Kuya. Noong huling uwi niya, itong
cellphone ang bigay niya sa akin." Sa mga
panayam sa mga mas bata (edad 7-9), ang paguusap sa telepono ang mas binanggit na paraan ng
komunikasyon. Sabi ni Era, "Laging tumatawag si
Mama, pinakakausap sa akin ni Lola."
May 36 na nagsabing araw-araw nilang
nakakausap ang kanilang ina gamit ang iba't ibang
moda ang komunikasyon. Dalawampu't tatlo (23)
naman ang nagsabing isang beses lang nila
makausap ang ina, 19 ang nagsabing 2-3 beses sa
isang linggo, 14 ang 4-5 beses sa isang linggo, at
tatlo ang nagsabing minsan lang nila makausap sa
isang buwan ang kanilang ina. Bagamat lumalabas
sa datos ang regular na komunikasyon ng ina at ng
kanilang anak, 68 sa kanila ay tuwirang
nagpahayag ng pangvmgulila sa ina. Sabi nga ni
Lora, "Nami-miss ko na si Mommy, matagal pa
s'yang uuwi, 'di ko na nga alam bilangin kung ilang
tulog pa." Labing-dalawa (12) sa kanila ang nasa
murang edad pa nang lumisan ang ina kaya wala
silang kahnawan sa deskripsyon ng pangungulila.
Higit din silang malapit sa kanilang kamag-anak
na babaeng nag-alaga sa kanila. Apatnapu't tatlo
(43) ang nagpahayag ng pag-unawa, sa murang
edad, sa pag-alis ng ina gayong nagpahayag din
ng pagnanais na makasama ang ina sa mga espesyal
na okasyon tulad ng kaarawan, Pasko o ng mga
importanteng programa sa eskwelahan kung kailan

kailangan ang pisikal na presensya ng ina. Sabi ni


Eloisa, "Minsan, gusto ko sanang nandito si Mama.
Noong birtdey ko, maraming handa ngunit iba pa
rin kung nandito siya." Si Andrea naman ay
nagpahayag na, "Naiinggit ako sa mga kaklase ko
na nandito ang Mommy. Kasi, kapag may mga
program sa school, kasama nila ang Mommy nila.
Masaya sila. Ako, palaging Lola ko ang kasama
ko. Iba siyempre na si Mommy ang kasama ko,
lalo na kung sasabitan ako ng ribbon. Kung 'di si
Daddy ay si Lola ang naglalagay ng ribbon ko.
Sana sa graduation ko ay umuwi si Mommy."
Labing-isa (11) sa mga bata ang nagpahayag ng
inis o galit sa pag-aHs ng ina. Anim ang nagsabing
mas gusto nilang narito ang ina at magkakasama
sila, kaysa nakikitira silang magkakapatid sa
kamag-anak. Ayon kay Edna, "Wala si Mommy
para alagaan kami. Ayaw ko dito sa mga kamaganak ng Mommy. 'Di ako masaya dito. Naiinis
ako. Gusto ko sa bahay namin kasama ang
Mommy ko." Para naman kay Gina, "Kung ayaw
ni Mommy dito, ayaw ko rin sa kanya, si Daddy
lang ang kasama namin ni Kuya."
Patern ng komunikasyon

F (n = 80)

Moda ng Komunikasyon*
Telepono

52

Cellular phone (tawag o texting)

43

Sulat

36

Internet (email aVo chatting)

34

Audio recording

21

Video recording

11

Dalas ng Komunikasyon
Isang beses sa isang iinggo

36
23

Araw-araw
2-3 beses sa isang linggo

19

4-5 beses sa isang linggo

14

Isang beses sa isang buwan

*maraming sagot

Talahanayan 3.

Patern ng Komunikasyon
ng Mag-ina

Animnapu't dalawa (62) bata ang nagpahayag


ng kagustuhang sumunod sa yapak ng ina, ang
MALAY

34

M.M. ARCINAS

maging OFW, sa paniniwalang ang pangingibangbansa ay makapagbibigay ng mas magaang buhay.


Sa 62 na ito, 27 ang tuwirang nagsabing nais nilang
sa kanilang paglaki ay sa ibang bansa manirahan,
45 ang nagsabing magtatrabaho sila sa abroad
ngunit uuwi rin ng Fihpinas. Samantalang 10 sa 80
ang nagsabing hindi sila mag-a-abroad, habang
walo ang hindi pa sigurado sa kung ano ang gusto
sa kaniling paglaki. Sabi nga ni Glo, "Paglaki ko,
pauwiin (sic) ko na si Nanay, ako na lang ang maga-abroad para marami akong pera at paaralin (sic)
ko ang dalawa ko pang kapatid." Ayon naman
kay Honney, "Mag-a-abroad ako para mabili ko
ang lahat ng gusto ko at ng pamilya ko. Ibibili ko
sila ng bagong bahay. Ibibili ko ng sasakyan si
Papa." Para sa mga bata, ang magandang buhay
ay repleksyon ng mga materyal na bagay na
mabibili ng kanilang kikitain sa abroad. "Sa mga
pictures na padala ni Mama," sabi ni Sasa, "iyong
mga kuha sa Italy, doon na ako titira paglaki ko
kasi maganda doon, saka yayaman ako doon."
Nang tanungin ang mga kalahok kung ano ang
nais nilang trabaho sa ibang bansa, 33 ang
nagsabing gustong maging nars, 12 ang caregiver,
anim ang entertainer, lima ang guro, at tatlo ang
doktor. Bagamat kalahati sa mga inang OFW ng
mga nakapanayam ay mga kasambahay, tatlo
lamang sa mga batang babae ang nagsabing
maninilbihan din sila bilang domestic helper.
"Susunod na ako kay Mama doon sa abroad,"
ayon kay Lina, "kasi malaki ang sweldo doon.
Tagaalaga ng bata si Mama doon ngunit malaki pa
rin ang kita kaysa dito. Sabi ng Mama ay yayaman
ako doon." Sabi naman kay Arian, "Mag-aaral
akong mabuti kasi gusto ni Mommy na makatapos
ako ng pag-aaral bilang nars o kaya ay titser, tapos
mag-a-abroad ako. 'Yan daw kasi ang kailangan
sa abroad ngayon. Ayaw ni Mommy na maging
domestic helper ako kagaya niya kasi daw mahirap
ang trabaho niya doon. Mahal na mahal ko si
Mommy, kahit na katulong siya doon, okey lang
sa kanya kasi daw para sa edukasyon naming
magkakapatid kung bakit siya nagtitiyaga. 'Pag
nakatapos na ako ng pag-aaral, mag-a-abroad na
din ako."
Sa mga panayam na ito ay masasalamin ang
patuloy na pagtanggap sa paghsan ng kababaihan.
TOMO XX BLG. 2 ABRIL 2008

Sa mga mata ng bata, mas magandang buhay ang


maibibigay ng pangingibang-bansa. Kitang-kita dn
ang unti-unting pagkondisyon sa sitwasyon ng
maraming ina tungkol sa mga kadahilanan ng
kanilang pag-alis habang ang bansa ay naghihirap
at ang mga anak ay naiiwan sa kalinga ng ama o ng
kahit na sinong kamag-anak.
Normal na kuwento na lamang sa bansa ang
mga inang umaalis. Nakasanayan na ito bilang
kampanya ng gobyemo sa pagtugon sa kahirapan.
Ang pangingibang-bansa ay oportunidad para
umunlad ang buhay ng mamamayan, anuman,
marahil, ang kabayaran. Sa pagbubukas ng ika20 siglo, tumingkad ang partisipasyon ng
kababaihan sanhi ng patuloy na pagdami ng
pangangailangan ng mayayamang bansa sa mga
trabahong nakaangkia sa kababaihan. Bagamat
malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng bansa at
sa pagpapabuti ng estado ng pamilya ng mga
babaeng OFW, hindi maisasantabi ang mga usapin
ng naiwan.
Sa pangingibang-bansa ng ina, hindi
matatawaran ang papel na ginagampanan ng mga
kamag-anak na babae (ina, kapatid, tiyahin) upang
maging kahaliling ina nang matugunan ang pangaraw-araw na pangangailangan. Upang mapunan
ang kawalan, nagiging instrumento ng mga nawalay
na ina ang teknolohiya upang mapaunawa sa mga
anak ang mga pwersang nagtulak para mangibangbansa at upang mailinaw ang mga pangarap na
kailangang abutin. Mahirap na bagay ito tiyak sa
mga ina, lalo na kung titingnan ang pagtanggap ng
mga anak sa kawalan ng pisikalidad ng babae
bilang asawa at ina, silang mga transnational wife
at transnational mother.
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga ina
sa isipan ng mga bata. Malayo man, ang
impluwensya ng ina ay hindi matatawaran. Sa
pagkondisyon ng mga ina sa kagandahan ng buhay
mula sa pangingibang-bansa, nahuhulma ang patem
ng migrasyong global. Ang pag-engganyo sa mga
anak na babae na mangibang-bansa ay pag-uulit
ng kultura ng pag-alis at pagbalik, isang siklo ng
pagsagot sa pangangailangan ng globalisasyon
ang kababaihan at paggawang pambabaena
tinutugunan ng feminisasyon.

ANG MAG-INA SA PANAHON NG FEMINISASYON NG LAKAS PAGGAWA

TALASANGGUNIAN
Asis Maruja. "Overseas Employment and Social
Transformations in Source Communities:
Findings froni the Philippines." Asian Pacific
and Migration Journal 2-3 (1995): 327-46.
Bangko Sentral ng FiUpinas. "OFW: Remittances."
www.bsp.gov.ph/news/2003-04/news04112003b.htm.
"OFW:
Remittances."
www.bsp.gov.ph/news/2003-04/news04112003b.htm.
Battistella G. and Ma.Cecilia Astrado-Conacio.
Impact of Labor Migration on Children Left
Behind. Manila: Episcopal Commission for the
Pastoral Care of Migrants and Itinerant People,
1996.
Bureau of Labor and Employment Statistics.
Development of a Design for theConduct of
National Migration Survey, 2000.
Commission on Filipinos Overseas. Migration:
Patterns and Trends, 2002.
Department of Labor and Employment.
Department of Labor and Employment
Performance Report, 1999.
Flynn, Don & Eleonore Kofman. "Women, Trade
and Migration." Gender and Development
12.2 (2006): 66-72, http://www.id21.org/
id21ext/s6aeklgl .html.
Hogsholm Filomenita. Views of Filipino Migrants
in Europe, 2007.

35

National Statistics Office. Philippine Yearbook,


1995.
Philippine Yearbook, 2000.
Philippine Yearbook, 2001.
Philippine Yearbook, 2002.
Overseas Filipino Workers. "Facts and Figures."
http://www.geocities.com/cpbdhor2/fif/
fnfofw.pdf.
Padilla Malu. "Women Changing our Lives, Making
HERstory: Migration Experiences of Babaylan
Philippine Women's Netwrok in Europe."
Parrenas Rachel. Children of Global Migration:
Transnational Families and Gendered Woes.
Quezon City: Ateneo de Manila University
Press, 2005.
People's Daily Onhne. "Filipino overseas workers
remittances rise by 26 pet in March," 15 May
2007.
Phihppines Overseas Employment Administration.
Performance Report, 2000.
Performance Report, 2003.
Performance Report, 2005.
"The Philippines: Misogyny, Microeconomics,
Migration, and Mistreatment."
http://
cyber.law.harvard.eduA'AW02/mod3-lc.htm.
Tigno, Jorge. "Migration, the Market and Society:
Issues in Philippine Labour Flows to Japan."

Philippine Sociological Review 51.1-4


(1993): 57-78.

MALAY

Copyright of Malay is the property of De La Salle University Manila and its content may not be copied or
emailed to multiple sites or posted to a listserv without the copyright holder's express written permission.
However, users may print, download, or email articles for individual use.

Vous aimerez peut-être aussi