Vous êtes sur la page 1sur 2

A GAY LOVE STORY

NI : DARYL R. PEREMNE
ED12FA1
Paano kung di ka nga talaga crush ng crush mo,naniniwala kapa ba sa forever , totoo pa
kayang may happily ever after ? Kaya mo pa bang magmahal ng mas matanda sayo o
kayanin mo pa kayang mag intay para sa taong mahal mo. Sabi nila pag puso daw ay
umiral hahamakin mo ang lahat kahit paulit ulit kapang saktan nito .Nilagay ang utak
para kontrolin ang puso at nilagay ang puso para magkaroon ng pakiramdam ang utak
.Alin kaya sa dalawa ang madalas nating ginagamit .Alin kaya ang mas matimbang .Pag
ginamit kaya natin ito ng sabay makukuha kaya natin ang hinahangad ng ating panloob at
panlabas na pakiramdam .Hmm ! The feels right.Alam ko isa sa inyo nakaranas na ng
ganitong pakiramdam pwera nalang kung bato ka wag kang SHONGA !
Minsan naniniwala na rin na ako na pag bakla daw ang na inlonve ibibigay mo talaga ang
lahat kahit mag mukha kang tanga o kayay maging sugar mommy ka niya .Pero wala ka
talagang pan laban pag babae ang nagustuhan niya, Pwede second choice. minsan nga
kakalimutan ka nalang talaga niya maaalala ka nalang niya kung may kailangan siya o
kaya pag wala siyang makausap .Gusto kong lumayo pero hindi ko kaya kasi gusto ko
siya .HI ! ako nga pala si Dareal pero sa gabi Daryela na .Pag kakakilala ko sa sarili ko
hindi ako isang tipikal na bakla o parang pang kanto lang kasi naniniwala pa rin ako na
kailangan akong igalang at irespeto sa mata ng bawat tao.Noong una hindi ko talaga pinag
tutuunan ng pansin yung nararamdaman ko sa isang tao or in short CRUSH. Kasi ayokong
masaktan, ayokong niloloko ako at higit sa lahat ayoko ng pinag mumukha akong tanga
.Pero minsan naiisip ko na kailangan ko rin ng break mula sa pagod sa pag aaral , pressure
bahay at expectation ng magulang.Pero pag hindi mo rin hinahanap yung gusto mo kusa
nalang siyang darating para ding love na pag di mo pinapansin papanain nalang ni kupido
ang dalawang nag iintay .Kaya nga nabago yung takbo ng buhay ko nung nakakita ako ng
isang lalaki yun si Timothy parehas kaming nag aaral sa iisang school pero mag kaiba
kami ng course kasi engineer siya education naman ako pero swerte kaklase ko siya sa
NSTP nakakatawa nga kasi yun yung mga araw na naiinis ako kasi bat may NSTP pa .Pero
nung nakita ko na nga siya bigla na kung ginanahang pumasok pero noon kasi kaya kong
pumasok sa school ng hindi nag susuklay ,nagpupulbos at tumingin sa salamin kaya nung
naging crush ko siya aba isa na ata ako sa mga taong hindi umaalis ng nakapustura ng
maganda, parang nagkaroon ako ng arte at landi sa katawan tinatabi ko yung uniform na
para talaga sa araw na magiging classmate kami ulit para naman mapansin niya na nag
ayos talaga ko sa para sa kanya. Lumipas yung mga araw, naging mag kaibigan kami sa
tulong rin kaibigan ko kasi nga alam nila na crush ko edi siyempre gusto nilang
mapaglapit kami kahit friends lang kung baga .Maganda naman yung takbo ng

pagkakaibigan namin.Minsan nag kikita kami ,Naguusap kami sa cellphone at nag


kakatecs din bago matulog , Tinuturuan ko siya sa assignment niya pag di niya alam ,
chenecheer ko siya pag bumababa yung confidence niya .Dito pansamantalang umikot
yung mundo ko parang dito ko nakawala sa hawla ng simpleng mundo .Naramdaman ko
yung bagal ng takbo ng araw minsan ayoko kong matulog pag hindi pa kami nag uusap
.Hindi ako masaya pag hindi siya sumasagot sa mga pangangamusta,tanong ,tawag ko
.Minsan nga nasabi niya YOU ACT LIKE MY GIRLFRIEND .Sagot ko naman Sorry
ganun talaga ko pero alam mo na crush kita diba.Natanong ko pa nga siya noon kung ano
bang tingin niya sa akin isang bang istranghero na kumausap sa kanya o isang kaibigan
sabi naman niya friend edi yun friend kami pero sa tagal na magkaibigan kami
lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya mas lalo ko siyang nagugustuhan kasi marami
akong nalalaman at natutunan sa kanya .Kumbaga yung mga bagay na ginagawa ng
teenager na hindi usual na ginagawa ko nalalaman ko sa kanya .Kaya nga anlaking
impluwensiya niya sa akin.
Pero ito na talaga yung pinaka tumatak sa puso at isip ko na hindi talaga kami para sa isat
isa meron talagang taong nakalaan para kanya at sa para rin sa akin .Walang mang
nangyaring ligawan at hindi man naging kami ayos lang tanggapin ang katotohanan.
Habang tumatagal nga yung oras at bumabagal ang takbo ng araw parang nakakaramdam
ko at sinasabi na sa kin ng pusot isip ko na tama na sumobra kana ata hanggang dito
kanalang kasi mas lalo kang masasaktan .Kasi ito na yung mga araw na parang nawalan
na siya ng gana mas nag karoon na siya ng interest sa ibang tao at ibang bagay .Nag uusap
kami pero hindi na siya nakikinig . Madalas na ngang nakikita ko sa mga messages niya ay
SEEN kahit nag tetecs ako ng sunod sunod pero wala talaga siyang reply kahit sabihin
manlang na wag kanang mag tecs . Sa akin kasi kahit masakit ok lang kasi sandali mo lang
naman yun mararamdaman .Pinili na rin niya yung taong mas gusto niya kausapin at
samahan .Dito ko naramdaman yung sakit na hindi ko inaasahan. Lagi akong umiiyak
bago matulog .Tinatanong ko ang aking sarili na bat ko pa tinuloy alam ko namang
HOPELESS ROMANTIC lang to.Pinagdadasal ko nalang na sanay Makita niya ang sarili
niya at wag niyang hayaan na magpaiyak pa ng mga mag kakagusto sa kanya. Hindi ko
pinagtatanggol yung mga bakla minsan may pag kakamali din kami pero hindi kami
perpekto .
PARA SA IYO TALAGA ITO SANAY MAGUSTUHAN MO, MAHALIN MO ANG
SARILI MO WAG MONG UNAHIN ANG FEELINGS MO .
I LOVE YOU !!!

Vous aimerez peut-être aussi