Vous êtes sur la page 1sur 1

Ang Batang Pilipino

Ako, ikaw mga batang Pilipino


Kutis at kulay kayumangging totoo
Isinilang sa bayang sinisinta ko
Taglay ang ugaling maka-Pilipino
Turo sa akin nina ama at ina
Mahalin sina bunso, ate at kuya
Lahat ay magbigayan at magkaisa
Upang maging matagumpay bawat isa
Ang turo naman nina lolo at lola
Po at opoy gamitin sa tuwi-tuwina
Magmano tanda ng respetot pagsinta
Saan ka man magpunta kalulugdan ka
Ang turo sa akin ng mahal kong guro
Watawat igalang, bigyang pugay ito
Lupang Hinirang awitin ng taus-puso
Bilang simbolo ng pagka-Pilipino
Kaya sa Maykapal ay may hiling ako
Lumaking taglay mga katangiang to
Upang maipagmalaki nila ako
Na isang batang Pilipinong totoo!

Vous aimerez peut-être aussi