Vous êtes sur la page 1sur 1

Ano ang Filipino?

Sa unang dinig o tingin ay tila napakadaling


sagutin nito. Ano nga ba ito? Napaisip tuloy ako. Halos araw-araw ko rin
itong inaaral at sinasalita pero tila wala pa rin itong tiyak na depinisyon
para sa akin. Napakalawak kasi ng sakop nito. Kung bilang asignaturay
para itong History na inaaral din yung kasaysayan. Pwede rin naman
siyang Values dahil sa mga aral na turo nito. Ang maganda rito ay yaong
praktikal ito. Hindi siya yung tipong inaral mo ng pagkahirap-hirap tapos
hindi mo rin pala gagamitin. Kadalasan kahit Pilipino na tayoy hindi pa rin
natin alam yung kultura natin. Kailangan pa natin ng asignaturang ito
upang ipaalala sa atin ang tunay na tayo upang hindi natin malimot ang
sariling tayo. Kung sa wika namay mas lalong mahalaga ito. Minsan pa
ngay ni sariling wikay hindi kayang salitain. Alam mo, kahit akala mong
alam mo kapag hindi mo ito ginagamit ay nakakalimutan mo rin, ganun
ang wikang Filipino. Naiinis nga ako sa sarili ko kung minsan dahil may
mga salitang ginagamitan ko pa ng Google Translate dahil hindi ko alam
ang katumbas nito sa Filipino.
Sa tingin koy ang Filipino ay ang
pagkakakilanlan natin. Kapag inalis natin itoy parang inalis na rin natin
ang kasaysayang nananalaytay sa ating mga ugat. Kapag inalis natin itoy
baka tuluyan ng malimot ng mga susunod na henerasyon ang pagiging
Pilipino. Baka kulang na lang at maalis ang salitang Philippines sa mapa
dahil hindi naman na ito bansa. Ang bansay may sariling pagkakakilanlan
at kung aalisin natin ang Filipinoy inaalis din natin ang ating bansa. Ang
haba ng sagot ko baka tinatamad na kayong basahin ito.
Ito na naman ako, ano nga ba ang natutunan ko? Simple lang,
magpakatotoo ka lang. Kung maarte ka, sige lang basta wala kang dalang
perwisyo. Kung maldita ka, sige lang basta bay wala kang inaapakang
iba. Ilabas mo lang ang tunay na ikaw bastat nasa tamang lugar ka.
Siguro ito yung tinatawag na attitude, dapat alam mo yung tiyempo.
Mali naman siguro yung habang buhay kang maldita dapat ilugar mo
naman. Medyo magkasalungat yung mga binaggit ko pero nakuha niyo
naman yung punto ko diba?
Hindi ko alam kung tinatamad akong mag-isip pero sa katunayan ay
wala akong masabing mali. Siguro may mga pagkakataong nagrereklamo
ako dahil mahirap pero hindi naman lahat ay madali diba? Siguro may
mga pagkakataong natatakot ako sa inyo Ginang Domingo ngunit lahat
naman ng taoy nauubusan din naman ng pasensya, hindi ba? Kung sa
asignaturay talagang gusto ko ang estilo niyo ng pagtuturo. Hindi ko
mailarawan basta ang alam koy gusto ko ang pamamaraan niyo.
Nakapagpapatawa ito na hindi kailangang may nilalait at ginagaya. Hindi
ko mahiling na bawasan ang paghihigpit sa grado kasi ang dami niyo pang
pinautang sa amin na hindi pa namin nababayaran. Ang dami niyo na ring
binatong tsansa na hindi namin nasalo. Ito na lang siguro, kung kaya niyo
pang magturoy wag muna kayong magretiro. Alam kong kung minsay
nakakapagod pero kailangan pa naming mga bata ang mga katulad ninyo.

Vous aimerez peut-être aussi