Vous êtes sur la page 1sur 5

Suring basa

Kwento ni mabuti
Mga tauhan
Mabuti- isang guro sa pampublikong paaralan. Hindi mabuti ang
tunay niyang pangalan, nagging mabuti lamang ang tawag sa
kanya sapagkat ito ang palagi niyang sinasabi sa klase sa simula
at katapusan, kung minsan ay sinabi niya rin ang salitang mabuti
kapag wala na siyang masabi o nalailimutan niy a ang dapat
sabihin.
Si mabuti ay tapat sapagkat hindi siya nagbabago ng katauhan.
Fe ang studyante ni mabuti sa kwento kung saan siya ang
batang nadatnan ni mabuti sa sulok ng silid aklatan.
S fe ay bilugan sapagkat dati ay negatibosiya mag-isip, simpleng
problima pakiramdam niya siya na ang may pinaka mabigat na
problima sa buong mundo. Ngunit nang makikila niya si mabuti ,
na sa kabila ng problima nito ay mabuti, nagging positibo n ang
paningin niya sa buhay.
Tagpuan:
Sa paaralan
Ang uri ng paglalarawan ng tagpuan ay pahiwatig sa pagkat hindi
direktang sinabi sa akda nasa ganitong lugar ginanap ang istorya.

Tunggalian:
Tao sa sarili

Para sa akin ito ay tao sa sarili sapagkat si fe lang naman mismo


ang nagtakda sa kanyang sarili na alamin kung ano ang suliranin
ni mabuti.

Suliranin ng kwento:
Suliranin ni Fe na alamin ang suliranin ni Mabuti.
Banghay:
Ito ay tinatawag na paikot-ikot o circular sapagkat nagsimula ang
kwento s gitna na tinatawag nating in media res
Paningin:
Unang tauhan
Unang tauhan, sapagkat inilagay ng may akda na si Genoveve
matute ang kanyang sarili sa isa sa mga tauhan at ito ay si fe ,
bilang patunay ito ang unang pangungusap sa akda hindi ko
siya nakikita ngayon.

Uri ng Maikling kwento ayon sa kabalangkasan:


Katauhan- sa pagkat tinitinggnan natin ang katauhan ni Mabuti
sa kwento.

Teorya:
Humanism s pagkat ipinakita nito ang kabutihang tinataglay ni
mabuti sa kabila ng kanyang mga problima.

Suring basa
Walang panginoon
Tauhan:
Marcos- siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punong-puno
ng galit sa asenderong si Don teong.
Don teong- ang mayaman na asendero na sinisisi ni marcos sa
pagkamatay ng kaniyang ama, dalawang kapatid at ni anita.
Ina ni marcos- siya ang palaging nagpapakalma sa galit na
nararamdaman ng kaniyang anak para kay don teong.
Tagpuan :
Kabukiran
Lupang tinitirahan nina marcos at kaniyang ina na pilit inaangkin
ni don teong.
Tulad sa ibang kwento ang kabukiran ay lupang sinasaka ng
mga kadalasang magsasakang bida, ayon sa aking pagsususri,
ang kabukiran ito ay kuma katawan sa ating bansa kung saan ang
buhay ng mga mahihirap at mayayaman ay nagkakasalubong, sa
mga bagay na nangyayari sa ating bansa, mas naapektohan ang
mga mahihirap at ang mga mayayaman naman ay hindi ganon
kaapektado.

Tunggalian

Tao laban sa kapwa


Kahit na ang mismong nakakatalo at nakapatay kay don teong
ay ang kalabaw, ang tunggalian parin sa kwentong ito ay tao
laban sa kapwa . sa simula pa lamang ng kwento alam na agad
natin ang tunggalian sa pagitan nina marcos at don teong, upang
makaganti si marcos sa lahat ng masamang nagawa ni don teong
nag isip siya ng paraan kung paano niya patutumbahin ito na
hindi siya napaparusahan.at yon ang naisip niyang gamitin ang
kaniyang kalabaw at sa inaasahang nagawa ito ng maayos ng
kalabaw.

Uri ng kwento:
Pangkatauhan
Ang kwento ay pangkatauhan dahil ang ugali at katangian ng mga
tauhan ay nagbigay ganda sa kwento . ang pagiging agresibo ni
marco; pagiging mapang api ni don teong; at pagiging matimpi
ng ina ni marcos.
Ang mga ugali at katangian ng bawat tauhan ay nagsimula sa
pang-api ni don teong , hanggang sa magalit na talaga itong si
marcos at ang patuloy na pagtitimpi ng kanyang ina..

Kakintalan :
Bisa sa isip- hindi ko lubos maisip kung paano taon nangyari kay
don teong dahil hindi naman ganon kaliko ang sungay ng
kalabaw para ito ay makapanuwag ng tao, napakalakas naman
ata ng kalabaw na iyon upang masuwang niya ang isang tao at
nakayanan pa nitong sambutin ito gamit pa ang isang sungay.

Bias sa damdamin
Ang bawat isa talaga sa atin ay may nararamdamang poot at
galit sa ating mga puso na kinakailangan ilabas upang gumaan an
ating nararamdaman.

Bisa moral
Dapat tayong matutong magpatawad, kung ang diyos nga
nagpapatawad tayo pa nga mga tao,isipin natin ang magiging
kalalabasan ng ating mga desisyon at mga gagawin sa buhay.

Vous aimerez peut-être aussi