Vous êtes sur la page 1sur 18

I.

LAYUNIN:
Nasusuri ang kinalaman ng pag-unlad ng transportasyon at
komunikasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Na ang kahalagahan ng transportasyon at komunikasyon sa
pamumuhay ng mga Pilipino.
Natutukoy ang mga bagay kung ito ay may kinalaman sa pag-unlad
transportasyon o komunikasyon.
Pagpapahalaga: Pagiging masikap at malikhain,
Pakikiisa at Pakikipagtulungan.

II.

PAKSA: Ang Kaugnayan ng Pag-unlad ng Transportasyon at


Komunikasyon sa Pamumuhay ng mga Pilipino.
Sanggunian:

PELC II B.2 p.6 BEC-PELC III. B4


Ang Pilipinas sa Ibat-ibang Panahon pp.136-138
Batayang Aklat sa HEKASI 5
Pamana pp. 161-162

Kagamitan:
tugtugin/sound effects.
III.

Electric speaker, mga larawan, makabagong

PAMAMARAAN:
Gawaing Guro

Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1.1 Pamukaw Sigla
Magandang Umaga Mga Bata!
Ngayon mga bata ay may inihanda
akong awit para sa inyo. Ang awit na ito
ay may pamagat na Masaya Kung
Sama-Sama.

Magandang umaga po Teaxcher Vladi!

Opo/ Hindi po.


Alam ba ninyo ang awit na ito?
Ako muna ang aawit pagkatapos ay
tayong lahat naman.

Masaya Kung Sama-Sama


Masaya kung sama-sama ang
( Sabay-sabay na aawit ang mga magmagkakaibigan.
aaral)
Masaya kung sam-sama at may tawanan
Kay inam ng buhay kung
nagmamahalan
Masaya kung sama-sama at may
tawanan.

Nagustuhan ba ninyo ang awit?

Opo.

Magaling mga bata! Maaari nang


umupo ang lahat.
Pagganyak
Ngayon ay sisimulan natin ang
ating aralin sa isang laro. Sino sa inyo
ang nakakaalam ng larong 4 pics 1
word?

Ngayon ay maglalaro tayo nito.


Mayroon kayong makikitang apat na
larawan na may iisang ipinapahiwatig at
mula dito ay bubuo kayo ng salita gamit

(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral


kung sino sa kanila ang nakakaalam ng
laro)

ang mga letrang inyong nakikita. Handa


na ba kayo mga bata?

Opo.

Simulan na natin.

T
A

A
R

R
T

S
Y

N P
O S

O
N
TRANSPORTASYON

K M O U N I

A S

K O Y N
KOMUNIKASYON

P
H

N
S

A
O

A
N

PANAHON

A
I

E
N

M
A

R
E

K
O

Magaling! Sa palagay ninyo mga bata,


ano kaya ang tema ng ating aralin
ngayon?

Tama! Ang Paksang Aralin natin ay


Ang Kaugnayan ng Pag-unlad ng
Transportasyon at Komunikasyon sa
Pamumuhay ng mga Pilipino.
Sino ang may gustong malaman kung
ano ang kaugnayan ng pagunlad ng
transportasyon at komunikasyon sa
pamumuhay ng mga Pilipino?

Tungkol po sa Transportasyon at
Komunikasyon noog panahon ng
Amerikano

Kung ganoon, pupunta tayo ngayon sa


panahon kung saan sinakop tayo ng mga
Hapones. Humanda ang lahat sa ating
paglalakbay.
Okay, magsitayo ang lahat.
(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)
(Maglalakbay ang guro at mag-aaral
papunta sa Panahon ng mga Hapon)
Ito na ba ang panahon ng mga
Hapon?
Mga bata mukhang nagkamali
ang ating machine. Hindi ito ang
panahon ng mga Hapon. Ano kaya ang
panahong ito?
Tama! Kaya maglalakbay ulit tayo
papunta sa panahon ng mga Hapon.
Ito na ba mga bata ang panahon ng
mga Hapon?

Hindi po!

Panahon po ng mga Kastila.

Panlinang na Gawain
Paglalahad/ Pagtatalakayan
Ngayon ay narito na tayo sa
Opo.
panahon kung saan sinakop tayo ng mga
Hapones.
Mga bata ano kaya ang mayroon sa
panahong ito?

Ito po ang panahon kung saan ang mga


Tama! Habang tinatalakay natin ang
Pilipino ay nakaranas ng malaking hirap
mga pangyayaring naganap sa panahong sa kamay ng mga Hapones.
ito ay nais kong maging aktibo ang
lahat. Magkakaroon ng puntos ang
bawat grupo kung masasagot ng bawat
miyembro ang aking mga katanungan.
Handa na ba ang lahat?
Opo.

Para sa unang puntos, ano ang nakikita


ninyo sa larawan?

At sino kaya ang mga taong ito?


Magaling! At ano kaya ang kaugnayan
nito sa pananakop ng mga Hapones sa
ating bansang Pilipinas?

May kinukuha pong mga kagamitan ang


mga taong nasa larawan.
Sila po ay mga mangangalakal.

Tama! At ganito ang nangyari.


(Ipapakita ng guro ang larawan ng isang
Hapones na nagbibigay paanyaya na
makiisa ang mga Pilipino sa kanilang
programa.)

Ang mga Hapones po ay nagpanggap


bilang mangangalakal ng kanilang mga
produkto sa ating bansa.

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Mga bata ang taong ito ay si Arita, ang


ministro na panlabas ng Japan. At ang
taong iyon ay mga Pilipino. Ako ang
gaganap bilang si Arita at kayo naman
ang mga Pilipino. Dito sinabi ni Arita
Inaanyayahahan ko kayong makiisa sa
aking programang Sama-samang
Kasaganaan sa Kalakhang Silangang
Asya. Ngunit biglang nagbulungan ang
mga Pilipino at sinabing hindi.

Ang taong nasa gitna ay napapalibutan


ng maraming tao maaaring ito ay isang
lider.

Ngayon mga bata, ano sa tingin ninyo


ang dahilan ng ating mga ninuno kung
bakit sila tumanggi sa paanyaya?
Dahil hindi po sila naniniwala sa pang-

Magaling!

aakit na ito at dahil ayaw nilang


mapasailalim pang muli sa mga
dayuhan.

May ipapakita ako sa inyong isang


bagay. Ano kaya ang mga ito?
Tama! Para naman sa ikalawang puntos,
tingnan ko nga kung maipapakita ninyo
sa akin kung ano ang mangyayari kapag
may nangyaring pagsabog sa inyong
lugar.
(Maghahagis ang guro ng bomba sa
bawat grupo)

Magaling! Ngayon ay panuorin ninyo


ito. (Ipapakita ng guro ang isang video
tungkol sa pangyayaring naganap sa
Pearl Harbor)

Iyan po ay mga bomba.

(Ipapakita ng mga mag-aaral ang


kanilang reaksyon kapag nasabugan ng
bomba ang kanilang lugar.)

(Panunuorin ng mga mag-aaral ang


pagsabog na naganap sa Pearl Harbor)

Ngayon para sa ating ikatlong puntos,


sino sa inyo ang makapagsasabi kung
anong lugar ang inyong napanuod?

Ito po ay ang Pearl Harbor.

Tama! Ito nga ang Pearl Harbor sa


Hawaii. Alam nyo ba noong Disyembre
7, 1941 ito ay binomba ng mga
Hapones! At ito ang naging hudyat ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
Pasipiko.
Sa tingin ninyo bakit kaya nasangkot
ang mga Pilipino sa digmaan?

Dahil ang Pilipinas po ay nasa ilalim ng


Amerika noon.

Tama! Ano kaya ang ginawa upang


maiwasan ang higit pang malaking
pamiminsala at pansamantalang matigil
ang paglusob ng mga Hapones?

Magaling! Dahil dito madaling


nakapasok ang mga Hapones sa
Maynila. Ano kaya ang ginawa ng mga
Hapones nang pasukin nila ang
Maynila?

Ipinahayag ni Heneral Douglas


MacArthur na bukas na lungsod ang
Maynila.

Sinira nila ang mga radyong shortwave,


inagaw nila ang mga sasakyan, tirahan
at pagkain ng mga Pilipino.
Nilapastangan at pinagmalupitan nila
ang mga mamamayan.

Magaling! At dahil sa mga


pangyayaring ito ay maraming hirap ang
naranasan ng ating mga ninuno sa
kamay ng mga Hapones.
Para sa ikaapat na puntos, sino ang
makakapagsabi kung sino siya?

Siya po si Manuel L. Quezon.

Tama! Alam ba ninyong bago pa


ipinahayag na Open City ang Maynila
ay inilipat na niya sa Corregidor ang
Pamahalaang Commonwealth noong
Disyembre 30, 1941.
Lubusang nasakop na ng mga Hapones
ang Maynila.
Ngayon sinong anim na mag-aaral ang
gustong mag volunteer na pumunta dito

(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

sa unahan?
Ngayon ay may isusuot silang headband (Aayusin ng mga mag-aaral ang pwesto
na may letra. Aayusin ninyo sila para
ng bawat isang nasa unahan para mabuo
mabuo ang tamang salita.
ang tamang salita gamit ang mga letrang
ipinapakita)

N A T B AA
BATAAN
Anong salita ang inyong nabuo?
Sino na ang nakapunta sa inyo sa lugar
na ito?

Okay, alam ba ninyo mga bata na mula


dito ay umurong ang mga sundalong
Pilipino at Amerikano patungo sa kuta
ng Corregidor. At mula naman sa
Corregidor ay inilikas ni Manuel L.
Quezon ang pamahalaang
Commonwealth pati na ang kanyang
pamilya sa Amerika noong Pebrero 20,
1942. Ano kayang paraan ang ginawa ni
Manuel L. Quezon para makatakas sa
mga Hapones?

(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral


kung sino sa kanila ang nakapunta na sa
Bataan)

Sila ay sumakay sa isang submarine


upang matakasan nila ang mga
nakaharang na Hapones.

Tama! Eh sino naman kayang grupo ang Siya po si Heneral Jonathan


nakakakilala sa kanya? (Ipapakita ng
Wainwright.
guro ang larawan ni Heneral Jonathan

Wainwright)
Magaling! Ano kaya ang naging
tungkulin niya sa ating bansa?
Tama! Ngunit sa kanyang pamumuno
mga bata ay naging matindi ang
labanan, at maraming Amerikano at
Pilipino ang namatay. Dahil dito, ano
kaya ang ginawa ni Heneral
Wainwright?
Bakit kaya pinili niyang sumuko sa mga
Hapones? Dahil ba hindi niya kayang
gampanan ang kanyang tungkulin na
ipagtanggol ang ating bansa sa kamay
ng mga Hapones?

Siya po ay naatasan bilang kapalit ni


Heneral MacArthur na ipagtanggol ang
ating bansa.

Pinili niya na sumuko sa mga Hapones.

Hindi po, mas pinili po niya ang


sumuko kaysa maubos lahat ang
kanyang mga tauhan sa labanan.

At ang pagsukong iyon ang siyang


naging dahilan ng pagbagsak ng Bataan
noong Abril 9, 1942.

Para sa ikalimang puntos, mayroon ako


ngayong dalawang larawan. Kapag
pinagsama ninyo ang salita sa una at
ikalawang larawan ay makakabuo kayo

Death March o Martsa ng Kamatayan

ng isang panibagong salita. Ano kaya


ang salitang ito?
Magaling! Mga bata, ano ang pumasok Paghihirap, Pang-aapi, sugatan etc.
sa inyong isipan nang marinig ninyo ang
salitang ito (Martsa ng Kamatayan)?
Okay, Abril 9, 1942 nang pasimulan ng
mga Hapones ang nakapanlulumong
Death March. Inilipat ang mga
sumukong sundalo sa Kampo ODonnel
sa Capas Tarlac. Sinu-sino kaya ang
mga taong kabilang dito?

Sila ang mga sundalong bihag,


mahihina, may-sakit at sugatan.
Sila ay pinalakad mula Bataan hanggang
Tarlac.

Ano kaya ang ginawa sa mga taong ito?

Na-iimagine nyo ba mga bata kung


gaano ito kalayo at ang iba pa ay mga
sugatan na habang nilalakad ito? Kaya
naman ang iba ay namatay na sa sakit o
sugat, ang iba naman ay pinatay sa
saksak habang lumalakad ng walang
Magtatangka pong tumakas.
pahinga, walang pagkain at walang
inumin.
Kung tayo kaya ang nasa kondisyon nila
noon ano kaya ang ating gagawin?
Siguro iyan din ang gagawin ni teacher.
Ngunit nang magtangkang tumakas ang
ilan sa kanila ay agad itong pinagbabaril
ng mga Hapones. Kaya wala talagang
makaliligtas sa kanila.
Nakapunta po ako sa Corregidor sa
Bataan.

Kanina ay nabanggit ninyo na kayo ay


nakapunta na sa Bataan. Anong lugar
naman sa Bataan ang inyong
napuntahan?
Okay, Alam nyo ba mga bata ang
pangyayaring naganap sa Corregidor?

Isang linggong walang tigil na


pagbobomba ang ginawa ng mga
Hapones sa Corregidor. Walang tigil na
pag-ulan ng bala at kanyon ang
isinagawa.

Tama! Ngunit sa kabila ng lahat ay


ibinuhos pa rin ng mga sundalong
Pilipino at Amerikano ang lahat ng
kanilang makakaya sa pagtatanggol ng
Corregidor subalit nagapi pa rin sila ng
mga Hapones. Sa pagsuko ng
Corregidor noong Mayo 6, 1942 ganap
nang bumagsak ang buong bansa sa
kamay ng mga Hapones. Ngunit kahit
na sumuko ang sundalong Pilipino,
hindi pa rin nagwakas ang digmaan.
Matibay ang hangarin ng mga Pilipino
Opo.
na makamit ang kalayaan. Nagpatuloy
ang mga Pilipino sa paglaban bilang
mga gerilya.
Naunawaan ba ninyo mga bata ang ating
aralin ngayon?
Pangwakas na Gawain
Paglalahat
Isaayos ang mga pangyayari ayon sa
wastong pagkakasunud-sunod ng mga
ito. Lagyan ng bilang 1 hanggang 10.

_____ Binomba ng mga Hapones ang


Pearl
Harbor
_____ Ipinagpatuloy ng mga Pilipino
ang laban bilang gerilya.
_____ Pinasok ng mga Hapones ang
Pilipinas bilang mangangalakal.
_____ Inanyayahan ng mga Hapones
ang mga Pilipino na makiisa sa kanilang
programang Sama-samang Kasaganaan
ng Kalakhang Silangang Asya.
_____ Inilikas ni Pangulong Manuel L.
Quezon ang Pamahalaang Komonwelt
sa United States.
_____ Hindi pumayag ang mga Pilipino
dahil nagsuspetsa sila sa tunay na
layunin ng mga Hapones.
_____ Binomba ng mga Hapones ang
ibat ibang lalawigan sa Pilipinas, pati
na ang Maynila. Ang mga lugar na ito
ay napasok nila.
_____ Pinalakad ng mga sundalong
Hapones ang mga sundalong Pilipino sa
Death March mula Bataan hanggang
Tarlac.
_____ Matapos ang madugong labanan,
napilitang isuko ng mga sundalong
Pilipino at Amerikano ang Bataan.
_____ Bumagsak ang Corregidor sa
mga Hapones matapos ang sunud-sunod
na pagbomba rito at tuluyang
napasailalim ang bansa sa kamay ng
mga Hapones.
Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, Paano ninyo

maipapakita ang pagmamahal sa ating


bayan?

Paglalapat
Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang
role playing. Igugrupo ko kayo sa apat.
Bawat grupo ay magpapakita kung
anong hirap ang natamo ng kapwa natin
Pilipino sa kamay ng mga Hapones.
Unang Grupo- Ipakita ang hirap na
natamo ng mga Pilipino noong
nakapasok ang mga Hapones sa
Maynila.
Ikalawang Grupo- Ipakita ang pagsuko
ni Wainwright sa mga Hapones.
Ikatlong Grupo- Ipakita ang
pangyayaring naganap nang pasimulan
ng mga Hapones ang nakapanlulumong
Death March.
Ikaapat na Grupo- Ipakita ang
pangyayaring naganap sa Corregidor.

Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Bilang isang mag-aaral, maipapakita po


namin ang aming pagmamahal sa bayan
sapamamagitan ng paggalang sa
watawat at at sa masusing pag-aaral ng
kasaysayan nito.

1. Ano ang ginawa ni Hen. MacArthur upang hindi masira ang Maynila sa
pagpasok ng mga kaaway?
a. Pinabakuran ito ng mataas.
b. Idineklara itong Open City.
c. Pinaalis lahat ang naninirahan.
d. Pinabantayan ito sa mga sundalo.

2. Kailan nagsimula ang digmaan sa Pasipiko?


a. Disyembre 7, 1941
b. Mayo 2, 1941
c. Abril 9, 1942
d. Mayo 2, 1942

3. Sino ang Pangulo ng Pilipinas nang sumiklab ang Digmaan sa Pasipiko?


a. Sergio Osmea, Sr.
b. Manuel L. Quezon
c. Manuel Roxas
d. Jorge Vargas

4. Saan ang base military ng mga Amerikanong unang binomba ng mga Hapones?
a. Nichols Air Base
b. US Navy Yard
c. Clark Air Base

d. Pearl Harbor

5. Saan dinala ang mga sundalo sa Death March?


a. Tarlac
b. Bataan
c. Pampanga
d. Pangasinan

6. Bakit dumating ang mga sundalong Hapones sa ating bansa?


a. Para paalisin ang mga Amerikano
b. Para makakuha ng kayamanan
c. Para sakupin ang bansa
d. Para manirahan dito

7. Ano ang pinatunayan ng mga Pilipino nang dumating ang mga Hapones?
a. Masunurin sila.
b. May diwa silang alipin.
c. Wala silang malasakit sa kalayaan.
d. Wala silang takot makibaka sa pagtatanggol sa kalayaan.

8. Saan itinatag muli ang Pamahalaang Komonwelt matapos masakop ng mga


Hapon ang Pilipinas?
a. Sa Bataan

b. Sa Maynila
c. Sa Australia
d. Sa Estados Unidos

9. Bakit lumaban ang mga Pilipino sa mga Hapones?


a.Para makasama sila sa pagpunta sa bansang Hapon
b. Para mapatunayan ang kanilang kagitingan
c. Para mapaalis ang mga Amerikano
d. Para hindi masakop ang bansa

10. Anong ugali ng mga Pilipino ang nasubok nang lumaban sila sa mga Hapones?
a. Pagkamasayahin
b. Pagkamatakutin
c. Pagkamatiisin
d. Pagkaalipin

Takdang Aralin
Ipaliwanag.
Bakit hindi sumuko ang mga sundalong Pilipino sa mga Hapones gayong natalo
sila sa labanan?
Kung magkakaroon ng digmaan sa ating bansa, ano ang gagawin mo?

Vous aimerez peut-être aussi