Vous êtes sur la page 1sur 3

Ang Hiling ni Nanay

.
..
Pabalik-balik ako sa paglalakad. Hindi mapakali. Nakatingin sa akin ang malamig na tasa ng kape sa
gilid ng lamesa, nagmamakaawang sayarin ko na ang laman.
"oh kamusta si nanay?" bati ko kay Celso, ang nakakabata kong kapatid, pagkaluwa sa kaniya ng
pinto ng kwarto ni nanay.
"malubha na kuya." naluluha niyang tugon. "ayaw ko man harapin ang katotohanan at ayaw ko 'tong
paniwalaan, pero....."
Tumigil siya sa paglalahad. Naudlot din ang aking paghinga.
"naghihingalo na siya kuya."
"dalhin natin siya sa hospital! Walang problema sa gastos! Madami akong pera! Kayang-kaya natin
siya ipagamot sa mga magagaling na espesiyalista!"
"ayaw na niya pumunta sa hospital kuya. Hindi na niya raw matiis ang dami ng karayom na tinutusok
sa kaniya." malumany niyang sagot, ngunit dama ang pagkadalamhati sa kaniyang boses. "meron
siyang isang hiling sa'yo kuya."
"ano iyon?" tila huminto sa pagkabog ang puso ko.
Binuksan niya ang pinto ng kuwarto ni nanay. Tumambad sa akin ang tuyo't payat na payat niyang
katawan. Nakakapangalambot sa tuhod ang dulot ng kaniyang imahe.
"simple lang kuya." panimula niyang usal sa katanungan ko. "gusto niyang maramdaman ang yakap
mo sa huling pagkakataon."
Nanikip ang dibdib ko. Nagtampisaw ang luha sa aking mga mata.
"kailan ka ba uuwi ng pinas kuya?" dugtong niya, habang nakikipagtitigan sa akin sa monitor ng k

umpyuter

Vous aimerez peut-être aussi