Vous êtes sur la page 1sur 17

Love,

Your
bestfriend
BY: Mars Tubalinal

gaano nga ba kahirap ang mahalin ang bestfriend mo?

Love, Your Bestfriend


Chapter 1
The BFF
Nakatanaw si Mica sa labas ng bintana ng kanilang classroom, hinihintay na matapos ang
kanilang klase. Huling klase na nila ito sa araw na ito. Gusto na niyang makita ang boyfriend
niya na si Dylan. At hindi na nagtagal ay narinig na niya ang bell na kanina pa niya gustong
marinig.
Agad-agad niyang niligpit ang gamit niya at lumabas siya. Agad naman niyang nakita ang
boyfriend niya na nakatayo sa corridor at nakadungaw sa ibaba.
Tara na. Ang sabi ni Mica dito. Agad namang sumunod si Dylan pero halatang malalim ang
iniisip nito. May problema ba? agad na tanong ni Mica dito. Kailangan nating mag-usap.
Ang tanging sagot ng kasintahan niya sa kanya. Hinila nito ang kamay niya at dinala siya sa
garden ng kanilang eskwelahan. Ano ba yun, Dylan? Kinakabahan ako sayo eh. Ang sabi ni
Mica sa kanya habang nakatalikod ito. Magbreak na tayo. Sabay harap kay Mica. Hindi alam
ng dalaga kung nagbibiro ito o hindi. Mica, seryoso ako. Hindi na kita mahal. Im sorry. At
tuluyan nang umalis si Dylan. Pag-alis nito, ay dumating naman ang bestfriend niya na si
Xander.
O, ano nangyari Mica? Bakit ka iniwan ng kumag na yun? Ang tanong nito. Xander,
nakipagbreak siya sa akin. At doon na tuluyang tumulo ang luha ng dalaga. XAnder,
nakipagbreak na siya sa akin. At sumandal na ang dalaga sa dibdib ng binata habang patuloy
ang pagtulo ng kanyang luha.
Matagl nang magkaibigan si Mica at Xander. Halos sabay na silang lumaki. Hindi na rin ito
nakapagtataka dahil matalik na magkakaibigan ang parents nila. Halos sa lahat ng bagay ay
magkasundo silang dalawa. Kapag may nagugustuhan si Xander na babae, ay kinakaibigan at
kinikilatis muna ito ni Mica bago ligawan ni Xander. Samantalang kapag may nagkakagusto
naman kay Mica, ay todo bantay naman si Xander sa mga ito. Para na nga silang
magkapatid,pero kung titignan mo sila ng malapitan ay aakalain mong higit pa doon ang turingan
nila.

Wag ka na nga umiyak dyan. Wag mo nang iyakan ang gagong yun. Reresbakan na ba natin?
Pabirong sabi ni Xander
Kung hindi siguro dahil kay Xander ay nagpakamatay na si Mica. Matagal na niyang
nararamdaman na hindi na siya mahal ni Dylan, pero nabubulag siya ng pagmamahal niya para
dito.
Katulad ng nakagawian na nilang gawin, nagpunta sila sa isang special place na para lang sa
kanilang dalawa- ang kanilang tree house sa isang bakanteng lote sa loob ng subdivision nila.
Ang tree house na ito ang naging saksi sa lahat ng mga nangyari sa buhay nila. Lahat ng happy at
sad moments nila together ay nakita at nasaksihan na ng tree house nito. Mababakas sa mga
dingding nito ang kalumaan. Hindi na rin ito ganoon katibay dahil sa dami ng bagyo na
dumating. Pero, tulad ng pagkakaibigan nila,pinatibay nila ito at lalo pang pinaganda. Minsan
sumagi sa isip nila kung balak bang patayuan ng may-ari ng lupa ng bahay o hahayaan nalang ito
na ganun. Doon, walang tigil ang paghagulgol ni Mica at wala ring tigil ang pagpapatahan ni
Xander dito.
Xander, hindi ko lubos maisip na nagpakatanga ako sa kanya. Ang gago gago ko talaga. Alam
ko namang doon din ang punta namin, bakit hindi ko pa siya pinangunahan? Patuloy na
paghagulgol ni Mica.
Mica, ano ba?! Tumigil ka na nga. Hindi dapat ikaw ang umiiyak ngayon kundi siya. Dapat
pinagsisisihan nya ang araw na ito. Ang araw kung kailan ka niya iniwan. Kapag nakita ka
niyang umiiyak, lalo ka lang niyang pagtatawanan. Cmon, stand up at gumawa ka ng way para
magsisi yang Dylan na yan. Dahil sa mga sinabing ito ni Xander, parang binuhusan ng isang
baldeng tubig si Mica.
Tama ka Xander. Hindi dapat ako ganito. Salamat talaga ng marami. At tumayo si Mica at
hahalikan dapat si Xander sa cheeks,but she accidentally kissed him on his lips. They are both
shocked on what had happened.
Sorry Mica. Hindi ko sinasadya pero imbes na sumagot ay tumayo nalang si Mica at lumabas.
Ito ang kinatatakutan ni Xander. Ang gusto kasi ng bestfriend niya ay makuha ang first kiss nito
sa araw mismo ng wedding niya. Pero unexpectedly siya ang nagbigay nun sa kanya.

Sinundan ni Xander ang kaibigan pero hindi na siya nito pinapansin. Hanggang sa school nila ay
iniiwasan siya nito. Hindi siya sanay ng ganito.Hindi alam kung bakit pero parang nasasaktan
siya sa tuwing may hindi sila pagkakaintindihan ng kaibigan niya. Hinihintay niya araw-araw si
Mica sa isang part ng school nila umaasang babatukan siya o di kayay tatakpan ang mga mata
niya. Ang isang linggong hindi nila pag-uusap ng kaibigan niya ay pakiramdam niyay

napakatagal na. Palagi niya rin namang kasama si Bettina ang girlfriend niya, pero pakiramdam
niya ay parang may kulang sa buhay niya.
At one day, dumating na ang time para makapagsorry na siya at makapagpaliwanag kay Mica.
Nasalubong niya ito sa hallway habang papunta siya sa next class niya.
Mica, sandali at hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. Hindi niya maintindihan pero parang
nakuryente siya ng hawakan niya ang kamay ng kaibigan. At pagtingin sa kanya ni Mica, ay
parang may mga nakapaligid na mga butterfly dito at para bang napakaganda nito. Para ngang
narinig niyang kumakanta ang mga angel sa langit.
Xander, ano ba? May klase pa ako. May sasabihin ka ba? nawala ang lahat ng nakita at narinig
ni Xander ng magsalita si Mica.
Ha? A gu-gusto ko lang magsorry sa nangyari nung Its ok. Wag mo nang ipaalala pa. I
just over reacted. Sana wala nang iba pang makakaalam. And besides bestfriend tayo right? Kaya
balewala lang yun. Hindi maintindihan ni Xande ang kirot na naramdaman niya ng sinabi ni
Mica ang mga yun. At ito ang naging dahilan kaya nabitiwan niya ang kamay nito.
Sige, Xander mauna na ako. See you later. At ngumiti pa si Mica sa kanya. Ang tingin ni
Xander sa kanya ay isang anghel na bumaba sa langit.
Hanggang pag-uwi ay ito parin ang nasa isip ni Xander. At napansin ito ni Bettina, Hon, whats
wrong? Kanina ka pa tulala diyan ah. May problema ba?
Ha? Ah. Wala. Wala ito. Wag mo nalang akong pansinin. Hon, I have something for you nga
pala at inilabas ni Bettina ang kanina pang nakatago sa bulsa niya. Isang maliit na kahon at nang
binuksan niya, nandoon ang dalawang singsing na may nakaukit na pangalan nilang dalawa at
ang espesyal na araw para sa kanila.
Happy anniversary Hon. I Love You at hinalikan niya ang nobyo. Nagulat si Xander.
Nakalimutan niya na anniversary nila ngayon. Hon, sorry ha. Nakalimutan ko kasi. Babawi
nalang ako. Alam mo naman na At pinutol ulit ni Bettina ang sasabihin ng nobyo ng halik.
Hon, its okay. I understand. Basta wear this ring at wag na wag mong huhubarin. Tatanggalin
lang natin ito kapag break na tayo. Pero sana it wont happened. I love you hon. At hinalikan
muli niya ang nobyo sa labi.

Chapter 2
DYLAN
Isang araw na naman ang natapos. At halos dalawang linggo na mula nang maghiwalay kami ng
babaeng minahal ko nang ganito- si Mica. Ako si Dylan. Isang gagong lalaki na sinaktan ang

nag-iisang babaeng minahal ko. Alam ko nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. Pero kung alam lang
niya kung ano ang totoo kong nararamdaman. Na nagseselos ako sa kanila ng bestfriend niya na
si Xander. Masisi niyo ba ako kung ganito ang nararamdaman ko? Ramdam ko na hindi talaga
ako ang mahal ni Mica. Pansin ko rin naman na mas masaya siya na si Xander ang kasama kesa
sa akin. Kaya ano pa ang silbi ko sa buhay niya kung sa simula palang ay nakita na niya ang
taong magpapaligaya sa kanya. Paano nga ba humantong sa ganito ang lahat?
Una kong nakita si Mica sa cheering team ng school namin. To tell you frankly hindi siya
maganda tulad ng mga artista. She was just a plain girl at the top of the pyramid. But what really
captures my heart is her simplicity. Sa mga corny kong mga jokes I could make her laugh. After
our intramurals, nakipagkilala ako sa kanya. Common friend kasi namin ang girlfriend ni Xander
na si Bettina. Simula nun, getting to know each other na kami. Lumalabas, laging magkasama,
pero palagi namang may chaperon. Si Xander. Hayy Minsan nga pakiramdam ko ako ang
chaperon nilang dalawa. I know at that point inlove na sila sa isat isa pero until now, hindi parin
nila alam.
At one day, nasabi ko na sa kanya ang matagal ko nang itinatago. Mica, can you be my girl? at
sinabi ko ito sa ilalim ng mga nagkikislapang mga bituin. Pakiramdam ko, isa siyang bituing
bumaba sa langit para lang maging akin. At isa lang ang naging sagot niya sa tanong ko, Isang
mahigpit na yakap. I love you Dylan. At hinalikan niya ako sa pisngi. It was the sweetest kiss
Ive ever had.
Pinakilala niya rin ako sa parents niya at pinakilala ko rin siya sa parents ko. Wala namang
naging tutol sa relationship namin. Pero, kahit na kami na, palagi parin silang magkasama ni
Xander. May mga important happenings sa buhay niya na si Xander ang kasama niya.At isang
araw hindi ko na mapigilan at aisumbat ko sa kanya iyon.
Mica, tinatanong kita. Ano ba? Mahal mo ba siya? mahinahong sabi ko sa kanya.
Dylan. Ano bang klaseng tanong yan? Syempre,ikaw ang boyfriend ko. Ang tanging sagot
niya.
Then,lumayo ka na kay Xander. Ang sabi ko sa kanya.
What?! Are you kidding? Nagseselos ka sa bestfriend ko? at isang malakas na tawa ang
sumunod.
Dylan ano ka ba? Alam mo namang ganoon na kami ni Xander dati pa. No need to worry. Ikaw
ang mahal ko. Ikaw at wala nang iba. And she kissed me on my cheek.
Masaya ako dahil nasa akin ang babaeng matagal ko nang gusto. Pero everytime na nakikita ko
sila ni Xander na magkasama, pakiramdam ko ay parang kinukurot ang puso ko.

Tumagal ng halos isang taon ang relasyon namin ni Mica. Until dumating na nga ang araw ng
break-up namin. Umalis agad ako nang sabihin ko sa kanyang hindi ko na siya mahal dahil baka
yakapin ko lang siya ulit at bawiin ang mga sinabi ko. Pero dib a sabi nila kung mahal mo ang
isang tao, titiisin mo ang lahat para sa kanya? Eh diba tao lang naman ako. May damdamin.
Nasasaktan. Hindi ako manhid at mas lalong hindi ako bulag para hindi pansinin ang mga
nangyayari sa amin.
Im wondering, bakit kaya may mga taong martir? Im not against them. Pero ang akin lang kung
hindi na nagwowork ang isang relasyon, bakit niyo pa pilit na pinapatakbo? Kung baga sa isang
appliances, nakailang repair na, pero ganoon parin ang problema. Bakit hindi nalang palitan?
Bakit ka pa magtitiis sa isang bagay kung marami ka namang options? O, isa rin sa option mo
ang lokohin ang mga sarili niyo?
At isa pa, bakit ba may mga tao na kapag may problema sila, lalo na sa pagdating sa pag-ibig,
eh kung kani-kaninong tao humihingi ng payo? Pake ba nila sa problema mo? May sarili naman
silang problema na dapat problemahin? At manghihingi ka pa ng payo, samantalang payo mo
lang rin naman ang susundin mo? Whats the use of asking and answering? Sayang lang sa
panahon. Dahil sa totoo lang, alam talaga natin ang sulusyon sa mga pinoproblema natin, ang
kaso ayaw lang nating gawin.
Ilang araw kaming ganito. Palagi ko siyang nakakasalubong sa hallway, pero hindi ko kayang
tignan ang mga mata niya. Palagi ko rin siyang nakikitang kasama si Xander. As usual,masaya
siya, parang walang problema. Kahit masakit,makita ko lang siyang masaya ay masaya na rin
ako.
Ang ilang araw na hindi ko pagpapansin sa kanya, pakiramdam ko ay kalahati ng buhay ko ang
nawala sa akin. Hindi ko talaga kayang tiisin na hindi siya makasama. Desidido na
ako,makikipagbalikan ako sa kanya. Nagtanong tanong ako kung nasaan siya. Isa sa mga
classmate niya ang nakapagsabi sa akin na magkasama sila ni Darren at nakita daw sila
naumakyat sa rooftop ng school. Nakaayos na ako. Dala dala ang favorite bunch of flowers niya,
ay halos takbuhin ko ang rooftop. Hinahabol kko ang hininga ko nung marating ko ang pintuan
ng pinakatuktok ng school building namin. Pero napatigil ako nang marinig ko na may naguusap. Hindi nga ako nagkamali, binuksan ko ng kaunti ang pinto at nakita kong nagdampi ang
labi ni Xander at Mica. I heard Mica spoke.
Xander, wag. Baka may makakita satin.
Mica, akala ko ba mahal mo ako? halos may pagtatampo na ang tinig na sabi ni Xander sa
kanya.
Hindi sumagot si Mica sa tanong ni Xander.
Mica, please. Alam ko na pareho lang tayo ng nararamdaman. Alam kong mahal mo rin ako.

Xander tried to kiss Mica. Pero, masyado nang masakit ang mga susunod ko pang makikita. My
instincts are right. They are really inlove with each other.

Chapter 3
BETTINA
Alam mo ba yung feeling na alam mo na wala namang problema, opero sa mga kilos niya,
pakiramdam mo may mali? Yan ang nararamdaman ko ngayon. Alam kong pagmamay-ari ko si
Xander, but it feels like hes too far away from me. Totoo kaya yung sinasabi nila na kapag
matagal na daw kayo, eh mawaawala na ang lahat ng sweetness ninyo sa isat isa? Mahal na
mahal ko si Xander and I cant afford to lose him. Ikamamatay ko kapag naghiwalay kami.
Fresh padin sa memories ko kung paano siya nagpropose sa akin. Actually, crush ko siya dati pa.
Im just a plain girl in the campus. Hindi katulad niya, na halos magtilian ang mga babae kapag
dumadaan siya. Until one day, I met his best friend Mica. Naging magkagroupmates kami sa
isang project.
Hi, your Bettina Right? Hi, im Mica. Una niyang bati sa akin.
Hello. Matipid ko lang na sagot sa kanya.
From that day, naging close kami ni Mica. Until nadulas ako at nasabi ko sa kanya ang feelings
ko for her best friend.
OMG!! Crush mo ung mokong na bestfriend ko? halos natatawa nang sabi ni Mica sa akin.
Eh c-crush lang naman ee. Naiinggit nga ako sayo kasi super close kayo. Ang sabi ko naman
sa kanya.
But after that incident, nagbago ang lahat. Unti unti na akong pinapansin ni Xander. It feels like
heaven. Kuntento na ako na close kami until that day

Bettina, will you be my girl? ang tanong niya sa akin habang naka microphone pa at rinig na
rinig sa buong campus. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Masaya, na kinikilig, na.
pakiramdam ko napipilitan siya.
YES!! ang sagot ko. From that day on, naging boyfriend ko na ang lalaking dating
pinapangarap ko lang.
Close din kami ng boyfriend ni Mica na si Dylan. Minsan ay naikukwento ko sa kanya ang mga
nararamdaman ko about my relationship with Xander.

Tina, parehas lang tayo ng nararamdaman. Kinumpronta ko na rin si Mica about it, and isa lang
ang sinabi niya, na ako ang mahal niya.
Dahil sa sinabi ni Dylan naging kampante ako at dapat hindi mawala ang trust ko sa kanya. Pero,
lalong lumalakas ang hinala ko na inlove sila sa isat isa lalo na nung ikinuwento ni Xander sa
akin ang pag-aaway nila ni Mica.
Tina, ayoko na magalit sa akin si Mica. Ano gagawin ko? Halos mangiyak ngiyak na sabi ni
Xander sa akin.
Kausapin mo kasi siya. Ano ba ang reason bat siya nagalit sayo?
Tumahimik bigla si Xander sa tanong ko. Kakausapin ko lang siya hon. At iniwan na naman
niya akong nag-iisa. Palagi naman siyang ganyan. Basta pagdating kay Mica, ako ang palaging
naiiwan. Ang sakit sakit kasi hindi niya kayang iwan si Mica para sa akin.
Malapit na sanang tumulo ang luha ko nang biglang dumating si Xander.
Bettina,ok ka lang ba? ang tanong niya sa akin. Ilang araw na ring malamig ang pakikitungo
niya sa akin. Ayaw ko naman siyang kumprontahin dahil alam ko namang break- up lang ang
kasunod nun.
Yes, of course hon. Ok lang ako. Pagsisinungaling ko. Lalapit n asana ako sa kanya para
halikan siya pero, umiwas siya sa akin
Lets talk seryoso niyang sabi.
Kinakabahan ako sa susunod na pwedeng mangyari. I hope mali ako ng hinala.
Sige. Tungkol saan ba? kinakabahang tanong ko sa kanya.
Tungkol sa atin
Bakit may problema ba tayo?
Oo. Matipid pero masakit na sagot niya.
Lets stop this. Dugtong pa niya
Lets stop this
Lets stop this
Lets stop this
Parang sirang plaka na paulit ulit na nagpiplay back ang mga salitang binitiwan niya. Pero hindi
pa pala yun ang pinakamasakit

Ba-bakit?
I fell inlove with somebody-
PAK!!!...
Dumampi ang palad ko sa pisngi niya.
Ang kapal ng mukha mo Xander. Bakit? Kulang pa ba ang pagmamahal ko para sayo? Bakit
kailangan mo pang humanap ng iba? Whos the other girl? Si Mica ba? That bitch!!
Dont dare to say things like that. Hindi siya ganon!
So tama nga ako Xander. Si Mica nga. Isinusumpa ko, hindi kayo sasaya. At umalis na ako.
Hindi ko kayang mapunta siya sa kamay ng iba. Masyado kong mahal si Xander para ibigay
nalang ng basta basta sa babaeng yun. Gagawa ako ng paraan para hindi sila lumigaya.
Chapter 4
Xander
Medyo masakit ang sampal sa akin ni Bettina pero ayos lang atleast magkakasama na kami ni
Mica. Medyo natakot lang ako sa sinabi ni Bettina na hindi daw kami sasaya ni Mica. Pero,
kakayanin kong ipaglaban siya hanggang sa huling hininga ko. Agad akong pumunta sa mall
para bumili ng lahat ng kakailanganin ko sa proposal ko para kay Mica. Flowers, check. Teddy
bear, check. Favorite chocolate, check. Si mica nalang ang kulang.
I waited hanggang sa makita ko siyang dumating. Kinuntsaba ko na rin si Tita na sabihin kay
Mica na puntahan ako dito sa treehouse namin. Alam na rin ng parents namin about my proposal
for her at wala silang tutol dahil sa wakas daw ay natauhan na ako. Kinakabahan ako pero
masaya. Maya-maya ay narinig ko na siyang umaakyat.
Xander, sabi ni mama gusto mo daw akong makausap ang sabi niya habang umaakyat. Ako
naman nakaupo sa sulok at saktong pagtungtong ng paaniya sa sahig ng tree house ay sinimulan
ko nang tugtugin favorite song niya ganit ang gitara na bitbit ko.Nagulat siya kasi hindi naman
ako marunong maggitara. Ang hindi niya alam ay isang linggo akong nagpaturo sa kaklase ko
para matutunan ang song. Habang kumakanta ako, kitang kita sa mga mata niya ang halo halong
emosyon. Alam ko na shock padin siya sa mga nangyayari. Hanggang sa tumulo ng tuluyan ang
mga luha niya.
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating
Na ikaw lamang ang siyang aking

Iibigin
Pagkatapos kong kantahin ang kanta ay niyakap ko siya ng mahigpit at sabay bulong ng I love
you sa much Mica.
Xander, paano si Bettina? sabay bitaw sa akin. But, I just kissed her. Pero umilag siya.
I broke up with her kanina lang. lumuhod ako at Will you be my girl? Habang nakatingin
ako sa mga mata niya na punung-puno ng luha. Yes, I will. Tumayo ka na nga diyan para ka
nang tanga Sabi niya habang natatawa. At tomayo na ako at hinalikan ko siya sa labi. Sobrang
saya namin dahil parang kumawala ang lahat ng damdamin namin para sa isat isa.
Hindi nagtagal,kumalat na rin sa school ang tungkol sa relationship namin. At tulad sa showbiz,
marami ang naiinis at marami rin ang natutuwa. Pero, ang hindi ko kinaya sa lahat ay nang
marinig ko ang mga babae na nag-uusap.
Girl, si Mica at Xander na daw. Kawawa naman si Bettina.
Oo nga girl. Akala mo kung sinong napaka inosenteng babae ni Mica. SULUTERA pala.
Oo nga. At si Xander TWO TIMER. Kawawa talagang Bettina.
Halatang pinarinig nila sa akin ang mga iyon. Mga kaibigan kasi sila ni Bettina. Nilapitan ko sila
sabay sabing,
Excuse me girls, kung wala kayong magawa, better yet lumayo kayo rito.
At umalis na ang mga tsismosang iyon.
Hindi ko hahayaang marinig ni Mica ang mga ganoong usapan. Kaya sa abot ng makakaya ko ay
ilalayo ko siya sa mga ganoong tao.
Halos isang buwan na kaming magkarelasyon. At alam ko sa sarili ko na siya na ang babaeng
gusto kong makasama habang buhay. Bumili ako ng singsing. Gusto ko na siyang maging akin
nalang. I want her to be the last girl in my life.
Sinundo ko siya sa school. Mukhang galit pa ata sa akin.
Bat ka absent kanina? ang tanong niya.
Happy monthsary baby. Sabay halik sa kanang pisngi niya.
Happy monthsary din. Malamya niyang sagot sa akin.
tara, maglakad-lakad tayo sa mall. Ang yaya ko sa kanya.
Xander, uwi na tayo please. Pagod na ako. Ang sagot niya sa akin. Hahawakan ko sana ang
kamay niya pero bigla siyang naunang maglakad.
Nakarating na kami sa bahay nila. Tuloy-tuloy siyang pumasok hanggang sa kwarto niya. Hindi
manlang niya pinansin ang mommy niya.

Oh Xander, andyan na pala kayo. Anong problema? Magkagalit ba kayo? Litong tanong sa
akin ni Tita.
Galit po ata kasi hindi ako pumasok kanina. Ang sabi ko naman.
Oh sige, kausapin mo na siya. Sabi ni tita saba talikod sa akin.
Nakakahiya kay tita. Mamaya sabihin niya pinapaiyak ko si Mica.
Mica, buksan mo naman ang pinto. Mag-usap tayo. Bakit ka ba galit sa akin?
Narinig kong binubuksan niya ang pinto. Nakasilip siya sa akin at kitang kita ko ang mga mata
niyang umiiyak.
Dahan dahan kong itinulak ang pinto para makapasok ako. Sorry na. at niyakap ko siya.
Naririnig ko parin ang mga hikbi niya. Naupo kami sa kama at dinukot ko sa bulsa ko ang
singsing na binili ko.
Marry me. Seryosong sabi ko sa kanya. Natigil siya sa kakaiyak.
IS this a joke? sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
No. Actually dapat mamaya ko pa ibibigay sayo, kaso iyak ka ng iyak eh ang sabi ko sa kanya.
Pero Xander, si Bettina. tama na nga. Puro nalang si Bettina ang iniisip mo. Ikaw ang
mahal ko
Buntis siya Xander. Natigilan ako sa mga narinig ko. Bigla akong naguluhan. I remember nung
lumabas kami, may nangyari sa amin, pero matagal nay un at hindi na naulit.
Sinasabi ko na nga ba, ikaw ang ama. Lets stop this. Ayoko makasira ng pamilya. Tatay ka na
Xander. Panagutan mo si Bettina. Ang sabi niya sa akin na halos mangiyak-ngiyak na.
No, hindi ako ang ama ng dinadala niya. At kahit ako pa, hindi ko siya papakasalan. Ikaw ang
mahal ko Mica. Ikaw lang. Please wag mo namang gawin to sa akin. I dont want to loose this
chance again. Susustentuhan ko nalang ang anak namin. Please Mica I dont want to let you go.
Xander, pupunta na ako sa America. Doon na ako mag-aaral. Please. Tama na. Siguro hanggang
magkaibigan lang talaga ang papel natin. Umiiyak na si Mica and I hate to see those tears.
Hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako. Please, wear this ring. Patunay na kahit na
anong mangyari, ikaw lang ang taong mamahalin ko. At isinuot ko sa kanya ang singsing.
Sabay halik sa kanya.
Last request? Pwede bang dito nalang muna ako sa kwarto mo? Please?
Tumango si Mica. Halos buong magdamag kaming magkatabi sa kama. Nagpaalam na ako sa
mama niya na dito ako matutulog. Malaki daw ang tiwala niya sa akin kaya pumayag siya. Ang
hirap ng sitwasyon namin. Magkatalikuran kami sa kama at nakikiramdam sa isat isa.
Ke-kelan ka aalis? ang tanong ko.

sa Saturday.
Bakit?
Anong bakit?
BAkit ka aalis?
Hindi na ako kayang pag-aralin ni Mama. KAya sabi ni tita doon nalang daw ako sa America.
Tumahimik na naman. Ang bilis naman. Hindi ko pa siya pwedeng ihatid dahil finals ko sa
Saturday.
Anong gagawin mo kay Bettina? ang tanong naman niya
Ewan ko.
Buntis siya Xander.
Alam ko.
Bakit hindi mo nalang siya pakasalan?
Hindi ko nga alam kung ako ba talaga ang ama ng dinadala niya eh.
Hindi naman siya ganopng klaseng babae ah.
Alam ko.
Eh anong plano mo?
Susustentuhan ang anak niya at hihintayin ang pagbabalik mo.
Tumahimik na naman. At narinig ko na nama siyang humihikbi. I want to comfort her. Pero hindi
ko alam kung paano.
Best Ouch ang sakit. Back to being friends na naman kami.
Bakit?
Goodnight.
Goodnight din
Mabilis na lumipas ang mga araw. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw ng pagalis ni Mica.
Ma, aabsent nalang ako sa school. Sabi ko kay mama.
Anak, hindi pwede. Kabilin bilinan ni Mica na papasukin daw kita. At isa pa finals mo daw
ngayon.
Anak, nasabi na sa akin ni Mica ang tungkol kay Bettina.
I dont want to talk about it.
At tumayo na ako para pumasok. Nakakainis. Wala naman talaga akong plano sa babaeng yun
eh.
Ahhh. Yung ulo ko sumasakit na naman.

Chapter 5
Mica

Its been five years simula nang umalis ako. Namimiss ko na si Mama pati na rin si Xander.
Marami na ang nangyari sa akin dito sa America. Pero kahit na ganoon, hindi ko parin
nakakalimutan si Xander lalo na ang mga salitang sinabi niya sa akin nung huli kaming
magkasama.
hihintayin ang pagbabalik mo hanggang ngayon kapag iniisip ko yun kinikilig ako. But it
would just be a memory. Maya-maya dumating na si Dylan.
Maybe youre wondering kung bakit nandito si Dylan. Nung umalis ako sa Pinas, eh sinundan
niya ako. Naging close ulit kami at eventually niligawan niya ako. Ngayon malapit na kaming
magpakasal.
Hon, sigurado ka ba na sa Pilipinas mo gusting magpakasal? tanong sa akin ni Dylan.
Oo naman. Syempre para maka attend ang mga kamag-anak natin. At
At para maging best man ko si Xander? Hanggang ngayon ba siya parin?
Syempre hindi na Hon. Ikaw na ang pakakasalan ko kaya wag kanang magselos pa ok?
Ok. I love you so much Mica. Sabay yakap sa akin.
I love you too.
Nagpabooked na kami ng flight pabalik sa manila. Sobrang excited ko dahil makikita ko na rin si
mama at si Xander. Kamusta na kaya sila? Miss na miss ko na kasi sila. Simula kasi ng pumunta
ako dito sa America ay hindi na ako nakauwi. Mabilis na dumaan ang mga araw. Sa wakas uusi
na kami ni Dylan. Matagal tagal din ang byahe papuntang pinas. Hindi ko na idedetalye ang mga
nangyari.
Paglapag na paglapag ng eroplano, kinuha namin kaagad ang mga bagahe namin.Agad agad
kong hinanap sila mama.
MICAAA!!! narinig ko ang boses ni mama.
MAMAAAA!!! at patakbo akong pumunta sa kanya at niyakap ko siya.
Miss na miss na kita ma. Umiiyak na ako habang kayakap si mama.
Ma, kasama ko po si Dylan. At lumapit si Dylan samin.
Good afternoon po tita ang bati niya.
Good afternoon din iho. Halika na at malayo pa ang byahe pauwi. At sumakay na kami sa van
na dala nila mama.
Ang dami nilang tanong sa akin at kay Dylan. Halatang miss na miss nila kami. Kasama kasi ni
mama sa pagsundo sa amin ang mama ni Xander.
Pagdating na pagdating sa bahay, binigay ko kagad ang mga pasalubong namin para sa kanila.
Tita, si Xander po? Ibibigay kop o kasi tong pasalubong ko sa kanya. Ano po ba ang anak nila
ni Bettina?
Natahimik silang lahat sa tanong ko. Nagkatinginan pa sila mama at tita. Kinabahan ako bigla.
Ma-may hindi po ba ako alam?

Iha, nasa ospital si Xander.


Po? Bakit? Ano nangyari sa kanya? napatayo ako sa sinabi ni tita. Anong sakit ni Xander?
Magaling naman na siya diba?
Iha, remember the brain tumor na sinasabi ng mga doctor nung mga bata pa kayo?
Opo. Pero diba tinanggal na po yun?
Yun dun ang akala namin Mica. Pero, 3 years ago, nalaman namin na may bagong tumor na
naman sa brain niya. And masyado na daw malaki. Its either operahan daw siya pero 50/50 daw
ang chance niyang mabuhay. O.. tuluyan nang umiyak si tita.
O ano tita? umiyak na din ako ng tuluyan.
Hahayaan nalang natin siya mamatay si mama na ang nagtuloy sa sinasabi ni tita.
NO!! saang ospital siya? sinabi ni mama ang ospital at ang room number.
Kahit pagod ako, dumiretso parin ako sa ospital. Binuksan ko ang pinto. Nakita ko siya na
nakahiga at natutulog. Gusto ko siyang yakapin. Umiyak. Pero hindi ko kayang makita si Xander
na naghihirap.
Ma, ikaw na ba yan? Gising pala si Xander at nakikiramdam lang. Lumingon siya s akin.
Kitang kita sa mga mata niya ang pagkabigla.
B-best. Nakauwi ka na pala. Sa mga salitang yun ako humagulogol patakbo sa kanya.
Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ano nangyari sayo? Please wag mo ako iwan.
Sunod- sunod na sabi ko sa kanya. Dahan dahan niyang hinaplos ang buhok ko.
Shhh. Wag ka na umiyak. Ikakasal ka na hindi ba? Dapat masaya ka.
I still love you. Nagulat ako sa nasabi ko. Natigilan din si Xander sa paghaplos sa buhok ko.
Tinignan ko siya.
Ako rin. Mahal parin kita. At hinaplos niya ang pisngi ko. Lalo akong naiyak dahil miss na
miss ko siya. Wag ka nang umiyak. I hate to see you cry. Pinunasan niya ang mga luha sa mata
ko.
I stayed there hanggang gumabi. Nagkwentuhan kami. At bumalik ang lahat sa amin. Ang
friendship, ang love, Ang happy moments.
Kamusta na kayo ni Bettina? Asan na siya? Ang tanong ko.
Iniwan niya ako nang malaman niyang may sakit ako. At hindi siya buntis nung umalis siya.
Pinalabas niya lang yun para maghiwalay tayo. Sabi pa niya ayaw daw niyang mag-alaga ng may
sakit.
Hinawakan ko ang mga kamay ni Xander.
Ako handa kitang alagaan habang buhay.
Mica napatingin kami ni Xander sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Dyan
na nakatayo sa pinto.
Dylan.
umuwi na tayo.

pero kailangan ako ni Xander. Bigla akong hinila ni Dylan.


UUwi na tayo.
Dylan. Amoy alak ka. Aray! Nasasaktan ako.
Pre, nasasaktan si Mica. Let her go.
P***** ina hindi ka kasali dito. UUWi na tayo Mica Kinaladkad niya ako palabas ng kwarto ni
Xander.
PAgkalabas ng kwarto, pilit kong tinanggal ang kamay ni Dylan sa braso ko.
Hindi ako uuwi. Kailangan ako ni---
Xander! Xander! Puro ka nalang Xander. Ako ang boyfriend mo. Hindi ba kita kailangan?
Akala ko ba hindi mo na siya mahal? Akala ko ba ako na? mali pala dahil hanggang ngayon siya
parin!
Ayokong makipag-usap sayo. Bukas na natin pag-usapan to.
Siya o ako? Kapag pumasok ka diyan siya ang pinipili mo. If you love me you will stay here.
Dylan ano ba para kang bata. May sakit ang bestfriend ko. Kailangan niya ako.
Subukan mo lang na pumasok diyan
Tama na Dylan. Siya ang pinipili ko. Oo hanggang ngayon siya parin ang mahal ko. Itigil na
natin to Dylan. Ayoko nang magpakasal sayo. At pumasok ako sa loob.
Ok ka lang? Ang tanong no Xander sa akin. Tumango ako
Lika nga dito. Yayakapin kita. Lumapit ako sa kanya at ihiniga ko ang ulo ko sa dibdib niya.
Totoo ba yun? Aalagaan mo ako?
Oo.
Nakatulog kaming dalawa. Simula ng dumating ako, hindi na ako umalis sa ospital. Dinadalhan
nalang ako ni Mama ng damit. Masaya kami kahit na ganito kami.
Marry me ang sabi sa akin ni Xander habang nanunuod kami ng TV.
Of course, I will marry you! Sabay yakap sa kanya.
Gusto ko na ihanda mo ang lahat ng details sa wedding natin. Gusto ko perfect ang lahat para sa
dream wedding mo.
Pero, hindi mo kakayanin Xander.
Kaya ko. Please. I want to see you in the best white gown in town. Wala na tayong panahon
Mica. Please
Naiyak ako sa mga sinabi niya. I kissed him in his lips. Alam niya kasi ang dream wedding ko.
Yun na nga ang ginawa ko. I prepare everything for the wedding. Mula sa mga gown ko
hanggang sa reception. I know alam ni Xander na malapit na siyang kunin.
Dumating na ang araw na pinakahihintay namin. Our wedding.
Anak, ikakasal ka na naiiyak na sabi ni mama sa akin.
Yes ma. And I will marry my best man. Nagulat si mama sa sinabi ko

Hahaha. Ma, what I mean is, nung bata pa kasi kami ni Xander, pangarap ko na siya ang best
man sa kasal ko. Pero ngayon siya ang pakakasalan ko
Hay anak, akala ko naman kung ano na. O sya bilisan mo na diyan.
At lumabas si mama ng kwarto. Excited na ako at may halong kaba. Im gonna marry the boy I
want to marry.
Nagbyahe na kami papunta ng simbahan. At nagsimula na ang wedding. I saw him at the end of
the altar. Namumutla siya. Kinakabahan ako dahil baka bigla nalang siyang bumagsak.
Pero, sa awa ng diyos natapos ang wedding na walang nangyayaring masama sa kanya.t
Dumiretso kami sa hotel after the reception.
Matulog ka na Xander.
No I want to stare at you the whole night.
Xander talaga. Marami pa tayong panahon para gawin yan.
Bigla akong niyakap ni Xander.
I love you.
Tumulo ang luha ko.
Unti unti kong naramdaman na lumuwag ang yakap sa akin ni Xander at.
BLAG!!
XANDER!!

Epilogue
Lola, ang ganda talaga ng kwento ni Mica at Xander
Oo nga lola. Ano po ba ang nangyari sa kanila?
Tumingin sa malayo ang matandang babae na kausap ng dalawang bata.
Namatay si Xander. At si Mica ay tumandang mag-isa.
Lola, ikaw po ba si---
Luis, Courtney. Tinatawag na kayo ng mommy niyo. Tawag ng yaya ng dalawang bata.
Ah sige po lola. Bukas nalang po ulit. Bati ng batang babae at lumapit ang batang lalaki sa
Matanda.
Lola, ikaw po ba si Mica? Ngumiti ang matandang babae sa kanya at tumango. Isang malaking
ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at hinalikan ang pisngi ng matanda.
Nakita ni Mica na lumabas ng gate ang dalawang bata.

Xander, magkakasamana tayo.

Message from the writer


Falling inlove with your bestfriend is the most amazing thing that can happened to you, but the
most painful one. Bakit? Dahil alam mo na in your best and in your worst nagawa kang
tanggapin at mahalin ng bestfriend mo. Masakit kasi once you fell inlove, you have to coose,
either your friendship or the love. At ang pinakamasaklap sa lahat ay ang mawala pareho.
Your bestfriend will always be your true love, your soulmate kahit di kayo meant to be. Masaya
kapag sa kanya ka na fall pero masakit.

Vous aimerez peut-être aussi