Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
(Hango sa aklat na Stop Walking On Eggshells 2 Edition, Chapter-2, isang aklat na isinulat para sa mga taong
may mahal sa buhay na may BPD.)
Pahina 1
Ayon sa DSM-IV-TR (2004): Tanda ng BPD ang malaganap na pagiging "unstable" na mga
relasyon, pananaw sa sarili, mood, at ang madalas na pagiging padalos-dalos sa mga
desisyon at kilos. Sa mga sumusunod na pamantayan, kapag lima (5) o higit pa sa mga ito ang
naipapamalas ng isang indibidwal, malaki ang posibilidad na siya ay may BPD.
hindi siya iniiwan. Ang may BPD ay sadyang mapaghinala, laging naghahanap ng mga senyales
na magpapatunay na sila ay hindi mo mahal, at kalaunay bigla ka na lang iiwan. At kapag ang
kanyang hinala ay nag-aanimoy kumpirmado, maaring siya ay:
magwala
mambintang
magpakalugmok
maghiganti
magtaksil
Kaya ganoon na lamang ang misteryo sa likod ng BPD: Ang mga mayroon nito ay
desperadong naghahanap ng pagtanggap at pagmamahal. Ngunit ang kanilang paraan ng
pagkuha nito, madalas, ay mas lalong nakakapagtaboy pa sa ibang tao. Kung mahirap para sa
isang taong walang BPD ang makamdam ng pagiisa, paano na lamang sa isang taong may
BPD? Sa pagharap ng ganitong pagsubok, mas madaling makalimot ang isang taong walang
BPD - maaring idaan lang niya ito sa pag-aaliw sa sarili, pamamasyal, panonood ng sine at iba
pang gawain upang makalimot. Sa isang BPD, ito ay mas mahirap dahil ang takot na ito ay
halos buong araw nilang naiisip.
Ano ang Splitting?
Ang mga may BPD ay madalas nagpapalipat-lipat lamang sa magkabilang sukdulan ng
idealization (mataas/mabuti na pagkilala) at devaluation (mababa/masamang pagkakilala).
Ito ang tinatawag na "splitting.
Sa paningin ng isang may BPD, dalawa lang ang maaring pagkilala niya sa iyo kung
hindi ka kakampi, ikay kalaban; bida, o kontrabida; anghel o demonyo. Kapag nabibigay mo
ang kanyang gusto, ikaw ang superhero niya. Ngunit sa oras na, sa kanilang pananaw, silay
iyong binigo, ikaw naman bigla ang kontrabida.
Dahil hirap ang may BPD na pagugnayin ang mabuti at hindi-mabuting katangian ng isang
tao, ang pangkasalukuyang pananaw o pagkilala niya sa taong ito ay nakasalalay lang sa
kanilang naging huling interaksiyon na animoy nawawalan siya ng short-term memory.
Ganito ipaliwanag ni Jerold J. Kreisman, ang sumulat ng I Hate You Dont Leave Me:
Understanding the Borderline Personality (1989) at Sometimes I Act Crazy (2006):
Ang mga normal na tao ay may kakayahang unawain ang pagsasabay ng dalawang
estado ng pagiisip; ang mga may BPD ay palipat-lipat lang sa dalawang estadong ito.
Tuluyang niyang nalilimutan ang kabilang emosyon habang nasa kabila. Hindi kayang
unawain ng isang may BPD ang katotohanang ang bawat taoy may pinagsamang
maganda at hindi magandang katangian. Sa bawat pagkakataon, para sa kanya, ikaw ay
mabuti lang o masama walang gitna.
Pahina 3
Dahil sa splitting ang mga may BPD lalo na sa mga nakaranas ng pagka-abuso sa
kanilang kabataan ay hirap na hirap magtiwala sa iba. Ang kawalan ng tiwala na ito ay
nagiging sanhi ng pagkasira ng mga relasyon. Halimbawa, kapag tingin niya sa iyo ay masama,
agad ka niyang aakusahan ng pangangalunya, o kayay pagbibintangan ka na hindi mo na siya
mahal.
Sa ganitong sitwasyon, kadalasan, ang taong may relasyon sa may BPD ay lalong
Pahina 4
nagsisikap na magpakita ng katapatan, ngunit sa huliy nabibigo pa rin. Itoy dahil ang kawalangtiwala na ito ay nakaugat sa may BPD, at walang kinalaman sa mga kilos ng taong kerelasyon
niya.
ibat-iba ang sinusuot kong mukha, depende kung sino ang aking kaharap
nakasalalay lagi sa sasabihin ng iba, kung paano ako dapat kumilos o mag-isip.
Kapag akoy nag-iisa, pakiramdam koy wala akong halaga; parang walang namang
nakakakita sa akin
Dahil ditoy palaging nagsisikap ang may BPD na iwasan ang maging magpag-isa o ang
maiwan. Minsan, ang mga pagsisikap na itoy nauuwi sa pagpa-panic o desperadong pag-iwas
sa pagkainip.
Pahina 5
At dahil hirap ang isang may BPD na kilalanin ang kanyang sarili, madalas niyang
nararamdaman na siyay walang kwenta o hindi sapat
Sa mga may BPD:
Hinuhusgahan nila ang kanilang sarili gaya ng kung paano nila hinuhusgahan ang
iba; kaya kahit anong pagsisikap nila, hindi nila maramdaman na itoy sapat.
Laging tingin nila sa kanilang sarili ay biktima lang ng ibang tao kahit pa sila ay may
nagawang mali na nakaapekto ng malaki sa sitwasyong kanilang kinasangkutan.
pakiramdam ng ibang may BPD na ang pagiging biktima ang magbibigay sa kanila
ng hinahanap nilang identity
naiisip nilang ang pagiging biktima ang kanilang magagamit na dahilan upang hindi
maging responsible sa kanilang sariling aksyon.
chocolate, bumili ng bagong damit na may kamahalan, o ang maparami ng inom na alak dala
ng kasiyahan. Iba-iba ang ating kakayahan na magpigil o magtiis dahil alam din naman natin
ang maaring kahihinatnan: ang tumaba, ang kapusin sa pera, o hangover dala ng pagkalasing.
Ngunit ang pagiging padalos-dalos at pabigla-bigla ay mas makikita sa mga may BPD.
Maaring paraan ng mga may BPD ang mga gawaing ito upang mapunan ang
nararamdaman nilang kakulangan, at para makita nila ang hinahanap na identity.
Kung ang mahal mo sa buhay na may BPD ay lulong sa droga at alcohol, mas mahirap
matukoy kung ang kanilang behavior ay dala ng BPD o ng pagkalulong.
Paghihiwa sa sarili
Pagpaso sa sarili
Pahina 7
Pag-uuntog ng ulo
Pagtusok ng karayom
Pag-gasgas ng balat
Minsan, ang mga mapanganib at compulsive behaviors ay maituturing ring selfmutilation. Halimbawa ay ang labis na pagkain hanggang maging obese, o dili kayay and
paghahamon ng pisikal na away.
Ang pananakit sa sarili ay isang uri ng coping mechanism na ginagamit nila upang maibsan
ang nararamdamang sakit sa damdamin. Ang pananakit sa sarili ay nagdudulot ng pag-relase
ng sariling beta-endorphins ng katawan, na maihahantulad sa drogang nakakapagpagaan ng
pakiramdam.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan ng may BPD kung bakit nila sinasaktan ang
kanilang mga sarili:
Minsan ay hindi nila namamalayan ang ginagawa nilang pananakit o abuso sa sarili. May
iba na sinisikreto ang ginagawang pananakit sa sarili, habang ang iba namay hayagang
ipinapakita ito sa lahat.
Kadalasan rin, alam nila kung bakit ginagawa iyon sa kanilang sarili, ngunit katulad lang ng
iba pang adiksiyon, napakahirap din nitong pigilan.
Mahalagang maunawaan na hindi rin lahat ng may BPD ay nananakit ng sarili, o madalas
magtangkang magpakamatay.
pakikitungo sa kapwa. Ang mga may BPD ay hirap sa aspetong ito. Ang mood ng may BPD ay
maaring biglang magbago mula sa pagiging galit, hangang sa pagiging depressed. Ngayoy
sobrang lungkot, mayat-mayay iritable. Iritable ngayon, mamaya namay balisa. Ito ay sadyang
nakakapagod para sa mga taong malapit sa may BPD.
hanggang sa mas malala pang kaso ng multiple personality disorder, na mas tinatawag na
ngayong Disassociative Identity Disorder
Dinaranas ng mga BPD ang disassociation upang makatakas sa mga masakit na damdamin
o sitwasyon. Kung mas stressful ang sitwasyon, mas malamang na siya mag-disassociate. May
mga panahon pa nga na kapag mas matindi ang dinadanas na stress, tuluyang kumakalas sa
realidad ang may BPD sa loob ng ilang sandali. Kapag sinabi sa iyo ng may BPD na iba ang
pagkakatanda niya sa isang pangyayari, kumpara sa kung paano mo ito naalala, iyon na
marahil ang senyales ng disassociation.
Pagwawala
Paninira at paninisi
Codependency
Adiksiyon
Eating disorders
Dahil sa kanilang Lahat-o-wala na pag-iisip, ang mga may BPD ay maaring malunod sa
hiya, o itanggi at hindi tanggapin na sila ay nagdaranas nito. Ang matinding hiya ang core issue
sa maraming may BPD lalo na sa mga nananatili pa rin sa mapangabusong relasyon.
Pahina 10
May nakakagulat na kakayahan ang mga may BPD na basahin ang utak ng iba, at alamin
ang iyong mga kahinaan. Biro pa nga ng mga therapist, ang mga may BPD umano ay pagkapsychic o manghuhula.
Nababasa ng mga may BPD ang isip at kilos ng iba. Mahusay silang makiramay, makisama,
at madaling mapanatag ang loob ng kahit sino sa isang may BPD. Ginagamit ng mga may BPD
ang kakayahang ito upang makita ang kaloob-looban ng isang tao.
Ginagamit din ng mga may BPD ang kanilang social antenna na ito upang malaman ang
kahinaan ng iba at para magamit ito para sa kanilang sarili kapag kinailangan. Mismong mga
therapist ng may BPD ay nararanasan ito sa kanila nalalaman ng may BPD ang pakiramdam
ng kanyang therapist sa araw na iyon, at doon pa nauuwi ang kanilang usapan sa gitna ng
kanilang therapy session.
Situational Competence
Ilan sa mga may BPD ay sadyang maaasahan at in-control sa ilang piling mga sitwasyon.
Halimbawa, marami sa kanila ay napakahusay sa kanilang piniling propesyon, at mataas ang
nararating. Marami sa kanila ay matalino, malikhain at masining. Kaya madalas, itoy nagdadala
ng kalituhan sa kanyang mga mahal sa buhay. Nakakapagtaka nga namang makita ang taong
ito na puno ng tiwala sa sarili ngayon, ngunit maya-maya lang ay makikita mo itong lugmok sa
emosyon. Ang kakayahang ito na maging competent (maaasahan) sa mga piling mahihirap na
sitwasyon, ngunit hindi na maasahan sa kahalintulad (o mas magaan) na pagsubok ay ang
tinatawag na Situational Competence.
Ika nga ng isang may BPD, Alam namin sa aming mga sarili na kami ay sablay. Kaya
nagsisikap kaming kumilos ng normal dahil sa takot na kami ay hindi magustuhan ng ibang tao,
at tuluyang iwan. Ngunit ang competence na ito ay gaya ng isang espadang may dalawahang
talim. Dahil sa mata ng marami, silay napaka-normal kaya hindi nakukuha ng mga highfunctioning borderlines ang tulong na kailangan nila.
Narcissistic Demands (labis na pagpapahalaga sa sarili)
Madalas ibinabalik ng mga may BPD ang atensiyon sa kanilang mga sarili. Silay mabilis
mag-react sa mga bagay batay lamang sa kung paano sila maapektuhan nito. May ilan na
nakakakuha ng atensiyon ng iba sa pagdadaing dulot ng isang karamdaman; ang iba naman, sa
pagkilos ng hindi nararapat sa gitna ng maraming tao. Inilalarawan ng mga katangiang ito ang
tinatawag na narcissism. Ang kanilang mga narcissistic behaviors ay mabigat na pasanin para
sa kanilang mahal sa buhay, dahil madalas, hindi alam ng may BPD kung paano ito
nakakaapekto sa iba. 25% ng mga taong may BPD ay mayroon ring narcissistic personality
disorder.
Manipulasyon, o Pagiging Desperado?
Hindi maitatago ng isang tao ang pakiramdam na siya ay minamanipula at
pinagsisinungalingan ng mahal nila sa buhay na may BPD. Sa madaling salita, ramdam niya
ang pag-control at pangaabuso ng may BPD sa mga pagbabanta, pang-iipit, silent treatment,
pagwawala, at iba pang pamamaraan ng may BPD na hindi patas.
Sa pananaw ng isang WALANG BPD
Pahina 12
Sa kanyang aklat na Emotional Blackmail: When the People in Your Life Use Fear,
Obligation, and Guilt to Manipulate You (1997), inilarawan ni Susan Forward ang emotional
blackmail bilang isang direkta o hindi-direktang pananakot na parusahan ang isang tao, kapag
hindi nito ginawa ang iniuutos gawin. Iisa lang ang itinuturing na ugat ng emotional blackmail, na
ipinapakita sa maraming paraan: Kung hindi ka kikilos ayon sa kagustuhan ko, pagdurusahan
mo ito.
Paliwanag pa ni Susan Forward na ang mga taong gumagamit ng ganitong paraan may
BPD man o wala ay may kakayahang hindi ipahalata ang kanilang pagmamanipula sa iba,
kayat ganoon na lamang ang idinidulot nitong pagkalito.
Halos lahat ng taong apektadoy sinasabing pakiramdam nila, sila ay minamanipula ng
mahal nila sa buhay na may BPD. Kapag hindi mo sinunod ang gusto ng may BPD, siya ay
nagtatangkang makipaghiwalay, humingi ng saklolo, o magpakamatay.
Sa pananaw ng MAY BPD
Sinasabing sa likod ng bawat manipulation at emotional blackmail ay ang planado at
mapanlinlang na intensiyon. Ito ay maaring totoo para sa ibang tao. Ngunit para sa mga may
BPD na animoy manipulative, nagagawa lamang nila ito dala ng matinding takot, kalungkutan
at kawalang-pag-asa at hindi dulot ng anumang uri ng malisya. Ayon kay Marsha Linehan
(1993):
Malakas ngang manakot ang may BPD, maaring sa pamamagitan ng tangkang
pagpapakamatay, o sa pagpapahayag ng matinding sakit at bigat ng dinadamdam. Ngunit
ang totoo, ang mga ito ay hindi tanda ng manipulasyon. Dahil kung magkaganoon man,
para na rin nating sinabi na manipulasyon ang pagtawag ng tulong ng mga taong ito na
nasasaktan at may problema.
Ayon sa aming panayam sa Psychiatrist na si Larry J. Seiver:
Bagaman animoy manipulative ang mga may BPD, hindi ganoon ang tingin nila sa
kanilang sarili. Para sa kanila, tinutugunan lamang nila ang kanilang pangangailangan sa
paraang alam nila. Kailangang may magpahupa sa kanilang galit, pag-aalala o pagkabalisa
dahil kung hindi, mabilis na guguho ang kanilang mundo. Naghahanap lang sila ng tutugon
upang sila ay matahimik, at upang bumuti ang kanilang pakiramdam
Mga antas ng kamalayan (Degrees of Awareness)
Sa aming karanasan, iba-iba ang kamalayan ng mga may BPD sa kung sila nga ba ay
manipulative o hindi gaya lang din ng kahit sinong tao.
Mahalagang maunawaan mo ang pinagkaiba ng manipulation sa desperation. Ang paguugali ng may BPD ay tungkol sa kanilang sarili at walang kinalaman sa iyong sariling paguugali. Halimbawa, kapag sinusugatan ng may BPD ang kanyang sarili, mas makakatulong
kung iisipin mong nais lang niya parusahan ang kanyang sarili, at hindi upang ikaw ay
igapos sa loob ng inyong relasyon.
Pahina 13