Vous êtes sur la page 1sur 2

Huwag Manigarilyo Sa Harap Ng Iba

By Dr. Willie T. Ong (SHARE and TAG a friend)


Isang bad habit ng Pinoy na puwedeng makaapekto sa kalusugan ng iba ay ang paninigarilyo. Sa
Pilipinas, may 56% ng kalalakihan at 12% ng kababaihan ang naninigarilyo. Kapag nalanghap
ng ibang tao ang usok mula sa iyong sigarilyo, puwede itong magdulot ng sakit. Ang tawag dito
ay passive smoking.
Ayon sa pagsusuri, ang paninigarilyo ay nakababawas ng 6 na taon sa buhay ng naninigarilyo. Sa
mga taong nakalalanghap ng usok ng iba, mababawasan din sila ng 2 taon sa kanilang buhay.
Itoy dahil sa taglay na mga lason mula sa sigarilyo.
Epekto ng Passive Smoking:
Halos pareho din ang mga sakit na makukuha ng mga naninigarilyo at mga nakalalanghap ng
usok ng iba. Ito ay ang sakit sa puso, kanser sa baga at mga sakit sa baga. Sa mga buntis, ang
paglanghap ng usok ng sigarilyo ay puwedeng magdulot ng maagang panganganak, maliit na
bata, at abnormal na bata.
Sa mga bata naman, ang paglanghap ng sigarilyo ay puwedeng magdulot ng hika, allergy at
panghihina ng pag-iisip. Madali din silang kapitan ng mga impeksyon tulad ng pulmonya,
bronchitis at tuberculosis. Kaya sa mga tatay, huwag nang manigarilyo sa harap ng iyong mga
anak. Baka gayahin pa nila ang bisyong ito.
Clean Air Act:
Dahil sa kasamaan ng passive smoking sa kalusugan ng madla, kailangan nating ipatupad ang
batas. Ayon sa Clean Air Act (R.A. 8749), bawal manigarilyo sa loob ng pampublikong gusali at
pampublikong sasakyan. Bawal ding manigarilyo sa kahit anong pampublikong lugar na
nakakulong, tulad ng restaurant, bar at sinehan. Kailangan ay gumawa ng hiwalay na smoking
area para sa mga naninigarilyo.
Ngunit kahit may batas na tayo ay tuluy-tuloy pa rin ang paglabag dito. Marami pa ring
restaurant ang pumapayag na manigarilyo ang kanilang customers. At kapag sasabihan mo na
itigil muna ang paninigarilyo ay magagalit pa sila sa iyo.
Ayon din sa batas, responsibilidad ng LGU ang pagpapatupad sa Clean Air Act. Sumunod po
tayo sa batas. Puwede naman kayong manigarilyo sa loob ng kuwarto ng iyong bahay. Huwag na
sanang magpahamak pa ng iba.

Vous aimerez peut-être aussi