Vous êtes sur la page 1sur 11

FACE TO FACE:

100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders


October 5-6, 2009
SGV Hall, 3rd Floor, AIM Conference Center Manila (ACCM), Makati City

TRANSCRIPT OF ONE ON ONE SESSION WITH NPC PRESIDENTIAL CANDIDATE


SEN. FRANCIS G. ESCUDERO
October 6, 2009, 9:00 a.m.-10:00 a.m.

Session was moderated by Provincial Board Member Jett Rojas of Iloilo.

Moderator presented the key reforms agreed upon by conference participants and asked Sen. Chiz
Escudero to comment on, or state his position on, the reforms.

Sen. Chiz Escudero: Una, naniniwala ako na dapat ang trabaho at function lang ng gobyerno ay
mga bagay-bagay na hindi kayang gawin o hindi kayang alukin ng pribadong sector sa abot-
kayang halaga. I have a firm belief that the only function and role of government should be to
perform a job that the private sector cannot or is not willing to provide at an affordable cost. In
relation to local government units, I believe in the principle of subsidiarity. We must bring to the
closest possible unit of government the services that our people need. Yung prinsipyo nag a-apply
sa pribadong sector. Gayon din dapat sa local na pamahalaan. Ang dapat na trabahong ginagawa
ng pamahalaan, national government, yun lama ng dapat yung hindi kayang gawin o kayang
gawin ng mas mabilis at mas mura ng lokal na pamahalaan. Noong ako ay nagtuturo sa College
of Law, Local Government ang naituro ko. At ang lahat ng prinsipyong saklaw ng nasabing batas
ay aming tinalakay sa loob ng classroom. Maraming mga teyorya, maraming mga konsepto na
nakasulat lamang sa libro at sa batas pero hindi napapatupad. Marapat at dapat bigyan natin ng
pagakakataon mapatupad ang mga probisyong iyon. At kung pumalpak at kung may
pagkakamali, ang solusyon ay hindi bawiin. Ang solusyon, ayusin. Itama ang mali. Idiretso ang
baluktot, idiretso din kung ano man ang gusot kaugnay ng pagpapatupad ng lokal na autonomiya
sa ating bansa.

Moderator: Thank you, Sen. Chiz Escudero. We assigned floor leaders from Luzon, Visayas and
Mindanao to help traffic the questions of our local champions. Now may I call on our floor leader
from Mindanao, Gov. Leo Ocampos of Misamis Occidental.

“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 1
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
Gov. Loreto Leo Ocampos: Mr. Senator, good morning po. The first question we will be asking
is about peace. And I’d like to call on Mayor Armando Mastura from the municipality of Sultan
Mastura, Maguindanao.

Mayor Armando Mastura: Good morning Mr. President-to-be. Given the chance to be the
president of the republic of the Philippines, how will you deal with the Mindanao problem to
ensure that genuine peace and development will finally reign in Mindanao? Do you have plans in
mind to continue the negotiations between the GRP and the MILF?

Sen. Chiz Escudero: Salamat sa inyong katanungan. Una, naniniwala ako na ang ugat ng
problema sa Mindanao ay kawalan ng hustisya, kahirapan at kakulangan sa edukasyon. Hangga’t
hindi natin na re-resolbahan ang ugat ng problema palaging babalik at mananatili ang problema.
At ano mang kasunduang pirmahan ng gobyerno at sino mang grupo, hindi pa tuyo ang tinta,
nagkakaroon na naman ng kaguluhan kung hindi natin re-resolbahan yung ugat ng problema.
Ano ang solusyon para ma-resolbahan yan? Ibigay sa Mindanao ang nararapat ibigay sa
Mindanao. Ang partikular na tinutukoy ko ay ang budget para sa Mindanao. Ang kontribusyon ng
Mindanao sa GDP ng ating bansa ay humigit kumulang 17.7% noong nakaraang taon. Pero ang
ibinibigay na budget ng national government sa Mindanao humigit kumulang 9-11% lamang.
Paano ba naman uunlad? Paano ba naman matutugunan ang mga problemang nabanggit ko
kaugnay sa kahirapan, edukasyon at kawalan ng hustisya kung wala naming tayong nilalagay na
pondo at pera para doon. Sa Maynila, kapag may sirang kalye ginagawa agad yon. At pay may
sirang tulay, ginagawa agad yon. Sa Mindanao ang pinag uusapan, walang tulay at walang kalye.
Pangalawa, kaugnay ng pakikipag usap o usaping pang-kapayapaan o peace talks, dapat ang
gobyerno palaging bukas sa anumang pakikipag-usap sa maski na sinong grupo. Palaging bukas
dapat yung pintuang yon at di dapat sasarahan. Pero anumang pakikipag usap dapat hindi lalabas
sa ating saligang batas at sa bandila at watawat na sumsagisag sa ating bansa. Kaugnay naman ng
ibang mga grupo na nakikipag usap sa kabilang banda pero kung ano-anong kalokohan ang
ginagawa sa kabila, dapat harapin, tugunan at iharap sa hustisya ang mga taong yan. Kung sila ay
gagawa ng acts of terrorism, walang puwang dapat na nakabukas kaugnay sa pakikipag-usap.
Isang bagay pa tungkol sa peace talks, puro peace talks tayo sa iba’t ibang grupo na ginagawa
natin. Siguro isang bagay na dapat tignan at subukan natin, pakikipag-usap naman sa pagitan ng
gobeyerno at iba’t ibang clan at tribe. Subukan natin ang localized na pakikipag-usap sa pagitan
halimbawa ng pamahalaan at ng Maguindanaon. Sa pagitan ng pamahalaan at ng Tausug. Sa
pagitan ng pamahalaan at ng iba’t ibang grupo dahil baka iba yung problema nila. Hindi naman
yan one size, fits all. Baka mamaya hindi pa tapos yung usapan mo sa isang grupo, may
panibagong grupo na namang tumatayo. Bukas dapat ang isip ng pamahalaan kaugnay sa options
na yan. At dapat nanggagaling sa inyo ang maraming suhestiyon at hindi galing sa pamahalaan
lamang. Nitong mga nakaraang buwan lamang marahil binigyan ng pagkakataon ang local
government units na makilahok sa peace talks. Observer lamang ang mga local government units
sa mga nagdaang peace talks. Rason para magkalabo-labo matapos mapirmahan ang kasunduan
na akala nila ay tapos na ang gulo. Mas lumaki pa tuloy ang gulo. Dapat may supisyenteng
konsultasyon at mga kasagutan na mangagaling mismo sa local na pamahalaan. Hindi diktado
lamang ng mga negosyador mula sa national government.

Moderator: Maraming salamat. Thank you. So this is essentially bringing peace to the
negotiating table. Atsaka applying what is good for one group and another to another group.

Sen. Chiz Escudero: Which might be different to another group…


“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 2
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
Moderator: Thank you Sen. Chiz Escudero. So may I call on our leader from Luzon, Gov.
Jonjon Mendoza.

Gov. Joselito Mendoza: Good morning Sen. Chiz Escudero. The next question from Luzon will
be coming from Vice-Mayor Marlene Magayanes of Daraga, Albay.

Vice-Mayor Marlene Magayanes: What development functions would you like to take back?
What additional functions being performed by the central government will you hand over to
LGUs? And how will you ensure that devolution rules are complied with?

Sen. Chiz Escudero: Tatlong bahagi po ang inyong katanungan. Una, anong function ang
babawiin ng national government? At pangalawa, ano ang ibibigay ng national government?
Sagutin ko po ng ganito. Anuman yung ibigay, dapat ibigay din yung pera. Anuman yung
babawiin, yun yung hindi binaba at binigay yung pera. Hindi tulad ngayon. Binigay yung trabaho
pero hindi binigay ng buo yung pera. Ayaw bigay yung trabaho pero nandoon minsan yung pera.
Anumang function o trabaho yun, sa palagay ko dapat kada local na pamahalaan, maaaring mag
iba. Depende sa kapabilidad no’ng local government unit at depende rin sa pangangailangan nung
local government unit. Tulad ng kasagutan ko kanina kaugnay ng peace process sa Mindanao.
Hindi naman pupuwedeng isang sagot sa lahat ng tanong. Hindi naman pupuwedeng one size fits
all. Hindi naman pupuwedeng trabahong tamad na kapagka may solusyon tayo sa isang problema,
yun na rin ang gagawin natin sa buong bansa. So magdedepende po subalit dapat kung may
ibibigay na trabaho, ibigay din ang pondo. Kaugnay ng huli ninyong punto…

Vice-Mayor Marlene Magayanes: How will you ensure that devolution rules are complied
with?

Sen. Chiz Escudero: Nakasaad at nakalagay po sa batas, particular sa local government code,
ang koordinasyon ng national at local government, particular na nasa Article 53 at 54. Nandoon
ang kapangyarihan kung saka-sakali ng national government, sa pamamagitan ng pangulo, sa pag
exercise diretso ng supervisions sa mga local government units, at sa pamamagitan ng probinsya
sa mas mababang local government units para matiyak…ayaw ba ng susunod na presidente yon?
Mas wala siyang trabaho at binibigay ang trabaho sa local government unit. Hindi tamang mag-
micromanage ang sino mang pangulo. Hindi niya angkin ang lahat ng talino at galing kaugnay sa
pagresolba ng problema. At hindi naman siya babad doon sa lugar para malaman din yon. Kayo
ang nasa lugar at mas alam kung ano iyon. Marapat at dapat, menos trabaho pa, ibigay sa local na
pamahalaan ang kaalaman at kapangyarihang yan.

Vice-Mayor Marlene Magayanes: Thank you very much, Senator.

Moderator: So pahirap ng pahirap tayo magpili kung sino yung maging next president of the
country. Lahat magaling ano? May I call on our leader from Visayas, Councilor Doris Obeña of
Catigbian, Bohol.

Councilor Doris Obeña: Maayong buntag. Another question from the floor po ay tungkol sa
calamity funds. Tawagin natin si Mayor Elvira Alarcon ng Batad, Iloilo.

“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 3
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
Mayor Elvira Alarcón: Good morning Mr. Senator. How will you give full authority to local
governments in the utilization of calamity funds? How will you effect transparency and
coordination in the utilization of local and national funds?

Sen. Chiz Escudero: Kaugnay po ng calamity fund, dineklara ng pangulo calamity area ang
buong Pilipinas para ma-authorize ang local government units na gamitin ang kanilang calamity
fund. Marami tayong rules kaugnay sa pagdeklara ng calamity fund at madalas yan ang
nagagamit sa pademanda ng mga local government officials sa paggamit o pagdeklara ng
calamity at calamity fund. Para po sa akin, ang pag harap sa kalamidad, ay shared responsibility
ng national at local government unit. Ang disaster identification ay trabaho ng local government
unit. Ang disaster prevention at mitigation, shared responsibility ng national at local government.
Partikular mas malaki ang parte ng national government dahil hindi naman kayang gastusan ng
local government unit ang marami sa mga dapat ginagawa para maiwasan ang kalamidad.
Halimbawa po, malalawak na waterway para may daluyan ang tubig at hindi nagbabaha ang mga
kabahayan. Ito tumatagos sa hindi lang isa kung hindi dalawa – tatlong munisipyo, or dalawa o
tatlong probinsya. Hindi po yan kakayanin ng LGU. National government ang dapat gumastos
niyan. Kaugnay ng pagkakaroon ng sanitary landfill o tapunan ng basura, hindi rin kaya sa IRA o
sa pondo ng munisipyo, although tinatalaga ng batas na magkaroon ng sanitary landfill ang bawat
munisipyo. Nakasaad sa batas na dapat may solid waste management plan ang kada munisipyo.
Pero hindi nangangahulugang kada munisipyo magkakaroon rin dapat ng isa, dahil puwedeng
pagbuklod-buklodin at pagsama-samahin halimbawa ang sampung munisipyo para magkaroon ng
isang sanitary landfill. At marahil hindi kakayanin yun ng pondo ng local government unit. Dapat
pumasok din ang national government. Kung ikukumpara po natin ang ginagastos natin sa
kalamidad, at ang ginagastos natin sa preventive measures, malayo po. Malayong mas malaki
ang calamity fund o funds na ginagastos matapos ang bagyo, kaysa ginagastos natin para iwasan
ito. May kasabihan po matagal na, hindi ba’t mas mura ang iwasang magkasakit o iwasan ang
problema, kaysa resolbahan ang problema at gamutin ang sakit. Yan ang sana dapat nating
pagtuunan ng pansin. Nasa dyaryo ngayon, 6 bilyong piso ang crop damage natin. Kung kahit
kalahati nun ginastos sana natin para sa tamang daluyan ng tubig, siguro hindi natin pag uusapan
ngayon ang calamity fund at paggastos ng calamity fund. I’m in favor of devolving to the fullest
extent discretion in so far as spending the calamity fund is concerned. But I will make sure that
the local officials are made accountable for it. Not only to the national government but to the
people whom they serve. Hindi naman ho lahat ay santo. May mga nag-aabuso ng calamity fund.
Tiyakin po natin na kapagka binigay natin ang kapangyarihang yan, may kaakibat na
accountability, transparency at pagpapanagot kung sino ang mag-aabuso.

Moderator: So prevention is better than cure. We need to have a long term program for calamity.
Thank you, Sen. Chiz Escudero. Now may I call on our leader from Mindanao, Gov. Leo
Ocampos of Misamis, Occidental .

Gov. Loreto Leo Ocampos: The next issue is the tug of war between the national government
and the local governments units pertaining to the budget. And I’d like to call on Mayor Benjie
Bagol of Balindong, Lanao del Sur.

Mayor Benjie Bagol: Good morning. If elected president, would you be willing to raise the
shares of the local government units in the Internal Revenue Allotment to 50 %? And what is
your basis for the additional 10%?

“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 4
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
Sen. Chiz Escudero: Sino man ang susunod na maging pangulo dapat yan ang gawin to the
minimum. Ibig sabihin mula 40% dapat itaas ng 50%. Kung tunay na partner ng national
government ang local government, hindi kumpetisyon o tug of war. Dapat hating kapatid at
partner din pagdating sa paggastos ng pondo. Marami tayong options kaugnay ng pag gamit ng
karagdagang 10%. Puwedeng across the board, idagdag lamang. Ibig sabihin 23% _ 23% sa
probinsya at siyudad, 34% sa munisipyo at 20% sa barangay. Puwede rin naman ihiwalay at ilaan
natin yung pondong yon bilang incentive sa mga local government unit na performing at nag pe
perform. Para ipakita natin na may kaakibat na gantimpala ang sino mang magpapakita ng
kakayanan at responsibilidad kaugnay sa paggamit at paggastos ng pondo. Pangatlo, kaugnay
pa rin ng IRA, marapat at dapat na ipaglaban ng mga local government units yung tamang
computation ng IRA. Halimbawa po at gagamitin ko na ding pagkakataon ito. Hindi isinasama
ayon sa aming pagkakaalam at isinualt na rin namin ito sa iba’t ibang organisasyon ng LGUs.
Hindi sinasama sa computation ng IRA yung VAT halimbawa na kinolekta. Noong tatlong taon
nakakalipas na kinolekta sa pamamagitan ng Bureau of Customs. Dahil ang VAT madalas
kinokolekta lamang ng BIR, yun ang kasama sa computation ng internal revenue. Dapat ipa-
compute po ninyo. Kasama ba o hindi yung VAT na kinokolekta ng customs bilang collection
agent ng BIR? Collection agent lamang yun at internal revenue pa rin yun. At dapat saklaw at
kasama yun sa partehan at hatian kaugnay ng just share ng local government unit. Isang bagay pa
kaugnay ng IRA, mula sa inyo at hindi ko aangkinin ang lahat ng talino at lahat ng kaalaman
kaugnay ng sagot sa lahat ng tanong, dapat balikan natin at suriin natin yung formula sa pag-
allocate ng IRA. Tama pa rin ba yung 23-23-34-20 between local government units? Tama pa rin
ba yung 50% population, 25% land area at 25 % equal sharing? Hindi ba dapat isa sa mga
kinokonsidera natin, sino ba ang mas may kailangan, gaaano karami ba ang mas naghihirap at
nananawagan ng tulong at ayuda mula sa pamahalaan. Wala akong particular na formula tungkol
dito. Pero bukas at malawak ang aking kaisipan para i-review at tingnan muli ito. Dahil hindi
naman naka-ukit sa bato yang sharing na yan na palagi yan na lamang ang susundin natin maski
naiba na ang panawagan ng panahon.

Moderator: Thank you. So now may I call on our leader from Luzon, Gov. Jonjon Mendoza.

Gov. Mendoza: The next issue from Luzon is with regard to accountability. The question will be
asked by Board Member Ronald Barcena of the First District of Antipolo City.

Board Member Ronald Barcena: Good morning. This is a question of public accountability vis-
à-vis the relationship of the national government and the local governments, especially those who
are members of the police force, DepEd officials, treasurers and the like. How will you strengthen
the accountability of national officials to local governments? Would you consider turning over
the appointment and performance oversight of these officials to local chief executives or to the
local governments in general?

Sen. Chiz Escudero: Hindi ako sang-ayon sa self-grading system na ginagawa sa ngayon. Na
tayo-tayo gegreydan natin ang sarili natin kung maganda ba yung trabaho natin o hindi. Tapos
ipapakita natin sa national government at sasabihin sa kanila maganda yung grade na binigay
namin, sa sarili namin. Naniniwala pa rin ako sa checks and balances pero dapat nakabatay yan sa
aktwal na kapabilidad ng isang local government unit pa rin. Sa kasalukuyan, sa ilalim ng batas
halimbawa, pagdating sa appointment ng pulis, mamimili kayo sa isa sa tatlo o isa sa lima.
Pagdating sa treasurer, wala kayong discretion at nilalagay lang yan diyan. Kausap ko ang ilang
opisyal ng Department of Finance at siyempre ayaw nila na LGU ang mag a-appoint. Siyempre
“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 5
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
gusto naman ng LGU na sila ang mag a-appoint. Pero matanong ko, kung pareho namang
maganda ang intensiyon at motibo ng national at local government, saan man nanggaling, sino
man ang naka-upo, sa paniniwala ko hindi naman dapat maging problema. Dahil kung
magnanakaw yung inilagay na treasurer, dapat lang alisin at palitan yun. Pero kung matino yung
treasurer at ang nagnanakaw ay yung national government o yung local government official,
siguro naman hindi dapat tanggalin o palitan yung treasurer. Naniniwala ako sa meritocracy
pagdating sa appointments ng gobyerno. Wala dapat at hindi dapat ang kumpetisyon sa pagitan
ng national at local government. Sa siyam na taon ko sa kongreso, puro away ang nakita ko
tungkol dyan sa iba’t iba kong kasamahan sa kongreso. Sa pag-appoint ng Superintendent, ayaw
ng governor pero gusto ng congressman. Sa pag-appoint ng Provincial Director o Regional
Director, gusto ng congressman, ayaw naman ng governor. Sa totoo lang, nakakalungkot na yun
ang nagiging situation. Nasa ngalan at dala ng pagkakaiba ng partido o interes, nagkakaroon ng
ganyang hidwaan. Sana tingnan lamang natin ito, basta ginagawa nila mga trabaho nila, sino man
ang kanilang kakampi ot tingin na kinakampihan, hindi dapat palitan at tanggalin yan. Pagka
hindi niya ginagawa ang trabaho niya, maski kakampi pa yan nino man, dapat palitan at
tanggalin. At kung ibibigay yan sa local government units, again case to case siguro. Kung
magpakita ng kapabilidad ang local government unit kaugnay sa pagiging responsible sa
paghahawak, halimbawa, ng pondo at sa pangangalaga ng kapayapaan, marahil dapat ibigay sa
kanila ang kapangyarihan. Hindi rin pupuwedeng one size, fits all na kung puwede sa isa, puwede
sa lahat. Kung bawal sa isa, bawal sa lahat.

Moderator: We are now on our second half of this job interview.

Councilor Doris Obeña: Ito naman po ay tungkol sa local physical management. Pakinggan po
natin si Governor Felipe Hilan Nava ng Guimaras.

Gov. Felipe Hilan Nava: Regarding physical economy, how will you provide LGUs with greater
physical autonomy such as independent transactions with the financial institutions and foreign
donors, public/private partnerships, taxing powers, and other means of generating revenue?

Sen. Chiz Escudero: Nakalagay po sa batas ang pgakakaroon po ng kapangyarihan ng LGU.


Pumasok at tumanggap ng mga donasyon sa mga foreign donors. Ang may limitasyon lamang ay
yung may national security implication na kailangan ng permiso ng national government bago ito
mapasukan. Pero pag hindi gumalaw ang national government sa loob ng 30 araw, parang ginrant
na rin po yun. Kaugnay po ng pagpili ng depository bank, pinagbotohan na po namin sa komite
at sa paniniwala ko sa plenaryo na rin, at pinaboran ko ang magbigay at pagbigyan ng kalayaan
ang LGU magsabi saan ba nila gusting i-deposito ang kanilang pera. Importante ito dahil kung
idineposito sa pribadong bangko, mas may kalayaan ang LGU na magkaroon ng access sa credit.
Kaysa palagi na lamang sa mga government banks ni-re require na ito’y ideposit. Lalong-lalo na
kung wala namang branch dun sa munisipyo o dun sa barangay kung saan matatagpuan yung
LGU. Pangatlo po, kaugnay pa rin ng paggamit ng pondo at physical autonomy kada LGU, naka
saad sa local government code ang taxing capabilities ng kada LGU. Hindi lang po ginagamit.
Kasi naman parang national government, napabigat at mahirap magtaas ng buwis. Ganon din po
ang local government unit. Napahirap magtaas ng buwis dahil magagalit palagi ang tao. Chicken
or the egg palagi iyan. Alin ang gusto nilang unang makita, yung pagkakaroon ng pondo or yung
proyektong paggagastusan ng pondo. The current taxing powers of the local government unit are
enshrined in the local government code, which I believe are enough at this point in time. Mayroon
lamang tayong kailangang liwanagin ilang bagay. Halimbawa po, puwede bang mag-impose ng
“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 6
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
fee at buwis sa branch ng bangko dyan sa inyong lokalidad? Papaano at ano ang rules ng situs of
taxation kaugnay ng mga pabrika at ang taniman na nandyan sa inyong local government unit.
Bigay po ako ng ilang ehemplo. May isang branch ng bangko sa inyong munisipyo pero
nagbabayad naman ng buwis sa pamamagitan ng head office nila sa Quezon City o sa Makati.
Pero may branch doon at ni walang parte ang LGU. Minsan away at debate pa sa pagitan ng LGU
at bangko kung saan at sinong nagbabayad. Pangalawa, may malawak na hacienda at taniman ng
isang kumpanya sa inyong local government unit. Pero yung head office, nandito pa rin sa
Makati. Ni piso o singkong duling walang binabayad sa LGU. Lahat napupunta sa head office
samantalang yung lupang ginagamit, yung lupang sinasaka, yung lupang pinapakinabangan,
nandon sa inyo. Yung kapangyarihan po magbuwis nasa LGU na. Ang kailangan natin liwanagin
sa local government code yung situs of taxation. Ibig sabihin, sino ang may kapangyarihan
magpataw ng buwis? Yung lokasyon ng head office o yung lokasyon kung saan nakukuha yung
income o revenue ng isang kumpanya? Dapat po tingnan natin ng maigi yung mga probisyon na
mga iyon para magkaroon ng mas malawak na base. Hindi ho magkaroon ng mas malaking
kapangyarihan, mas malawak na base sa ilalim ng kasalukuyang kapangyarihan ng LGU.

Gov. Loreto Leo Ocampos: We will talk about pork barrel. Maybe may pork barrel ka, Sir, i-
divide mo sa amin ngayon. I’d like to call on Mayor Raida Maglangit from Kapatagan, Lanao del
Sur.

Mayor Raida Maglangit: Kung kayo po ang manalo na presidente, itutuloy po ba ninyo ang
sistema ng pork barrel? Kung itutuloy po ninyo ito, ano pong mga reporma ang inyong gagawin
para maging accountable at participatory?

Sen. Chiz Escudero: Isang pinagpalang umaga din sa inyo. Gaya ng nabanggit ko kanina, mula
noong 2005, hindi na po ni-release yung aking pork barrel allocation. Congressman pa lang po
ako noon. Ngayon ay senador na ako. May importanteng aral na naituro sa akin yun. Kaya palang
mabuhay ng wala iyon. Puwede pa lang maging Congressman at Senador ng wala iyon. Ang
depinisyon ko po ng pork barrel ay ito lump sum allocations sa budget kung saan di natin alam
kung pupunta o pumupunta, lumalabas na lang at nakikita na lang bigla, minsan hindi pa. I am in
favor of abolishing the pork barrel system and institutionalizing line item budgeting. What you
see is what you get. Para makita ng kada munisipyo, probinsya at distrito, mgakano ba yung
nakalaan na pondo at para saan ba. We will be able to solve two problems associated with pork
barrel system. One of course is corruption because of the absence of transparency given the lump
sum allocation. Two, would be the absence or lack of focus when it comes to the untilization of
government funds. Iwasan na natin at tigilan na natin yung pitsi-pitsi. Ibig sabihin, 100 meters
dito, 50 meters don, kalahating tulay muna ngayong taon, sa susunod na taon na lang yung
kalahating tulay. Kalahating school building muna ngayon, tapusin natin next year.
Nakakalimutan natin na ang kalahating tulay parang walang tulay. Ang kalahating kalye, parang
walang kalye. Ang kalahating school building parang walang school building. This will enable us
to focus our resources and utilize it properly. Para tapusin ang kada proyekto. Hindi bitin.
Mabibigyan din tayo ng pagkakataon kung saka-sakali na i-marshal at i-pull ang resources natin
para doon sa pinag usapan natin kanina. Malawak at mahabang daluyan ng tubig para maiwasan
ang baha. Malawak at supisyenteng land fill…sanitary land fill na hindi puwedeng gastusan gamit
ang pera lamang ng local government unit. Sa aking paniniwala, ito’y mapapaliwanag at dapat
ipaliwanag sa kongreso. Dahil ang pinaglalaban naman nila ay allocation para sa kanilang
distrito. Nililiwanag lamang natin dito. At hindi na lump sum ang kanilang allocation. Line item
para malaman din ninyo para saan ba ito, magkano at kailan ba ito dapat matapos.
“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 7
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
Moderator: Thank you. Of course that will be very risky.

Question: What system will you institute so that good performance of local chief executives
would be rewarded, and under performance or poor performance will be sanctioned?

Sen. Chiz Escudero: Under performance or poor performance, ang extreme po noon, palpak,
hindi ginagawa ang trabaho at nagnanakaw. Yun po maliwanag, dapat papanagutin at
papaharapin sa batas. Kaugnay ng under performance at good performance, kukunin ko ang
opinion mula sa inyo kung ito ang gusto ninyong silbi o gamit ng dagdag na 10 % ng IRA. O ito
ba’y dapat kunin sa ibang pondo pa. Dahil kung reward system ang pag uusapan at pagkukunan
rin ng pondo ang hahanapin, itong karagdagang 10% ang puwedeng pagkunan o bahagi nitong
10% karagdagan sa IRA na ating ibibigay. Yung binanggit kop o kaninang 40 to 50%. Kaugnay
naman po ng pag identify ng good at bad performance, tulad po ng nabanggit ko kanina, hindi
puwedeng self-graded po iyon. Dapat po may patas, makatarungan, mayroong transparent na
proseso at sistema para malaman sino nga ba ang nagpe-perform at sinong hindi nagpe-perform.
Tiyakin lamang natin na may safeguard measure yon. Na hindi yon magagamit ng sino mang
pangulo para ipitin at gipitin sino mang local government official na kalaban niya sa pulitika o
ayaw sumunod sa kanya maski naman walang mali o walang masamang ginagawa.

Moderator: So after the election if you win as president, wala nang partido –partido?

Sen. Chiz Escudero: Whoever wins as president, wag lang ako. Pati sila… Whoever wins as
president naniniwala po ako na wala na siya dapat kabilangang partido. Dapat ang pangalan ng
partido ng susunod natin Pangulo, Pilipinas. At ang pangalan ng magiging ka-partido niya, lahat
ng Pilipino, ano man ang edad, ano man ang kasarian. Dahil hindi pupuwde na tinititigan niya
mga ka partido niya. Habang tinitignan lamang niya mula sa malayo yung mga hindi niya ka-
partido. Hindi puwedeng pinapakinggan na lamang niya na parang sila lang ang Pilipino yung
mga kapartido niya at parang hindi Pilipino yung hindi niya ka-partido. Sino man ang susunod na
maging presidente, siya ang presidente na ang bumoto sa kanya at ng hindi bumoto sa kanya, sana
isaisip yun ng susunod nating maging pangulo.

Moderator: Sama-sama. Working together after the elections.

Councilor Doris Obeña: May tanong po si Mayor Edward Hagedorn ng Puerto Princesa tungkol
po sa environment.

Mayor Edward Hagedorn: Alam niyo po Senator sa kabila ng napakaraming likas yaman ng
ating bansa. May mga pinangagalingan ng likas yaman na nananatili pong mahirap. Ang ibang
lugar po ay ginto pa ang hinuhukay, pero hindi pa rin umaasenso ang kanilang bayan. At sa kabila
po ng huge mineral deposits na mayroon tayo sa ating bansa, kasama na po ang Puerto Princessa
at Palawan, kaming mga namumuno ng local na pamahalaan ay binibigyan lamang ng
kapangyarihan na mag-approve at mag-manage ng small mining trades kagaya po ng gravel and
sand. Pero pagka mayroon pong pumasok na malalaking mina sa aming lugar at nasira yung
kapaligiran, kami po yung sinisisi ng ating mga kababayan. Kung pag upo niyo po bilang pangulo
ng ating bansa, maipapangako niyo kaya sa amin na bibigyan ninyo ng masusing atensyon ang
pagdadala ng reporma sa ating pagmimina? Kagaya po ng pag i-involve sa local governments sa
approval ng mga mining trades, sa co-management po ng operations at sa equal o equitable
“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 8
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
sharing ng revenues na manggagaling sa ating natural resources, kagaya po sa pagmimina sa
langis, sa natural gas at geothermal resources?

Sen. Chiz Escudero: Ayon po sa isang nabasa ko dalawang taon nang lumilipas, baka iba na ho
yung presyo ngayon, tumatayang humigit-kumulang 1 trillion dollars ang halaga ng mga mineral
deposits sa buong bansa kung yuon ay ma-e-extract. Ito ay likas na yaman na regalo sa atin ng
Panginoon. Ito ay capital na dapat at puwde nating magamit at hindi yung dayuhang kumpanya
lamang ang nakikinabang. Pabor po ako sa pag review ng Mining Act. Hindi po ako sang ayon
halimbawa, sa ginawa ng DENR. Na inangkin ang pag-issue ng mga permits sa pamamagitan ng
isang AO na tila na bale wala na yung issue ng OTP ng mga local na pamahalaan. Hindi lamang
po malaki, pati maliit kinakailangan na, kung maalala ninyo, ng permiso mula sa DENR mismo
at sa secretary mismo. Hindi rin po tama yon. Kung big brother na maituturing pagdating sa
pagmimina at pag abuso ng ating kalikasan, kaugnay ng pag mimina, dapat nandoon pa rin po ang
national na gobyerno para tignan kung sino naman ho yung nag aabuso dahil may nag aabuso
palagi. Nais kong ibigay sa local government unit yan para makita ko ang benepisyo sa local
government unit. Kung maalala ninyo yung nangyari sa ating bansa, kaugnay halimbawa ng
Marcopper noon, napabayaan at imbes na benepisyo, disgrasya ang napunta sa ating mga
kababayan. Dapat tiyakin natin na may mas malawak na kapangyarihan ang LGU dahil kayo ang
mananagot sa inyong mga nasasakupan kung may kapalpakan na mangyayari dyan. Pero tinitiyak
ko rin ho na kailangnan ninyo ang tulong ng national government dahil mga dayuhang kumpanya
ito na malalaki at baka mahirap ho na labanan kung saka-sakali kung wala ang tulong ng national
government. Mayor, para sa akin, wala kayo o akong karapatan ubusin ano mang likas na yaman
na mayroon tayo. Marapat at dapat po sana ipasa natin sa salinlahi yung kalikasan at mundo na
minana natin sa ating mga ninuno. Gamitin lamang natin kung ano yung kailangan natin.

Moderator: Yes this is really very important because our local leaders know if they really have
to go into mining or not. Mining is really a high cost to our environment. Thank you, Sen. Chiz
Escudero. May I call on Gov. Leo Ocampos.

Gov. Loreto Leo Ocampos: There’s a raging debate now over the Visiting Forces Agreement
and people from Mindanao would like to look at it in the Mindanao perspective. For the issue on
VFA, may I call on Mayor Jun Balicao of Wao, Lanao del Sur.

Mayor Elvino Balicao, Jr.: If you win as president of thePhilippines, what is your stand on the
VFA in Mindanao?

Sen. Chiz Escudero: I am in favor and I already voted in the Senate for a resolution reviewing
the VFA on three grounds. Una, criminal jurisdiction. Dapat maliwanag yon at tayo ang dapat na
may jurisdiction. Kung Pilipino, halimbawa, na pumatay o nanggahasa, walang bail yun habang
hini-hearing, nakakulong sa kulungan. Bakit yung dayuhan, nakakulong sa air conditioned
kuwarto ng embahada nila? Ganoon din ba ang trato nila sa mga Pilipino doon sa bansa nila?
Dapat liwanagin natin yun pabor sa jurisdiction ng ating bansa. Pangalawa, ang hindi natin dapat
payagan na makilahok, ano man ang excuse, ang foreign forces sa actual combat operations.
Minsan kasi ang ginagawa, bawal naman talaga pero naghahanap ng gulo. Magpapatrolya sa
isang lugar na alam naman nilang may gulong naghihintay, tapos ang sasabihin nila
dinedepensahan lang namin umano ang sarili. Ano mang probisyon, dapat liwanagin yon. Bawal
sila makilahok sa combat operations at only in extreme cases, kung kailangan nilang depensahan
ang sarili nila, hndi sa combat zone. Kung hindi sa loob ng kampo sila puwedeng magdala ng
“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 9
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
armas. Training at capability building at joint exercises ang nakalagay sa… yun ang dapat nating
gawin. At pangatlo, ang pamagat po ng VFA ay “Visiting.” Matanong ko kayo Mayor, may kilala
ba kayong bisita na 365 days in a year ay nandito? May kilala ho ba kayong bisita na tila hindi
umaalis at parating nandiyan? At ang ginagamit nilang rason ay iba’t ibang sundalo naman yon.
So yung bisita hindi tungkol sa bansa. So yung bisita tungkol sa indibidwal na sundalo.
Liwanagin po natin dapat at i-renegotiate yung portion na yun. Kung visiting yan, ang tingin
visiting ng bansa. Puwersa ng bansa. At hindi visiting ng iba’t ibang indibidwal na sundalo. Wala
naman daw ho kasing sundalo na 365 days a year nandito. Ang duty nila three months-three
months, six months-six months. So bisita pa rin daw. Pero sa pangkalahatan ng taon, nandito ho
sila parati. We should review those three things in order to clarify some provisions of VFA so that
no confusion will ensue because of the implementation of these clauses.

Moderator: To date, Chiz has filed 204 bills and resolutions of significance. Thank you Chiz.
Gov. Mendoza…

Gov. Joselito Mendoza: Ang susunod na magtatanong ay si Mayor Sonia Lorenzo ng San Isidro,
Nueva Ecija regarding Charter Change.

Mayor Sonia Lorenzo: Ang isa pong napaka popular na tanong ngayon ng aming mga
kababayan ay tungkol sa Charter Change. Kayo po ba ay pabor sa Charter Change? At kung kayo
ay pabor, in what form? At kung sakali pong kayo’y magpapalit, ano po ba yung inyong
isusulong para naman makabuti sa mga local governments?

Sen. Chiz Escudero: Hindi po ako sang-ayon sa Charter Change kapag patapos na ang termino
ng maski na anumang administrasyon. So kung gagawin man po, pag uusapan yan. Dapat gawin
at pag usapan yan sa simula ng termino ng susunod na administrasyon. Maraming marunong at
magaling. Maraming nagasabing gusto, maraming nagsasabing ayaw. Kayo na po nagsabi mismo
Mayor, popular ito sa inyong lugar. Mas gusto ko pong proseso ay ganito. Ibato na natin at ibato
na natin sa publiko minsan lang, gusto ba ninyo ng Charter change? Kailan? Papaano? At ano ba
ang gusto ninyong baguhin? Depende kasi kung sino ang kausap mo. Oo o hindi ang sagot at iba’t
iba ang opinion. Alam niyo ba kung magkano ang nawawla at ginagastos natin sa pamamagitan
ng opportunity cost sa away at bangayang ito? Imbes na magpasa ng makabuluhang batas ang
kongreso, nagdedebate ng hanggang madaling araw tungkol sa cha-cha. Imbes na mag usap at
magkasundo kaugnay ng maraming bagay, nagdedebate ang senador at kongreso. Ang local na
pamahalaan at kongreso, ang civil society groups at simbahan at gobyerno. Let us settle it as we
settle things in a democracy through the ballot. Tanungin natin ang tao. Gusto niyo ba iyan o
hindi? Yes or no lang naman yun eh. Kailan nyo ba gusto? Bigyan natin ng pagpipilian. At kung
ang sasabihin ng tao ay oo, puwede ba makinig at makisama na ang mga ayaw? Dahil yan ang
gusto ng mas nakakarami sa ating bansa. Pag ang lalabas sa plebisito ay hindi, puwede ba
maghintay na lang at sumunod sa resulta yung mga may gusto. Gawin natin yan kada simula ng
termino ng bagong pangulo. Isang bagay pa po kaugnay ng Charter Change. Kung ito po ay
gagawin natin, kung babaguhin natin ang saligang batas, kung sabihin na nating oo ang sagot ng
tao sa plebisito, dapat po yung pag ratify ng pagbabago ng konstitusyon, individual na tanong.
Hindi puwdeng wholesale. Hindi puwedeng halos binago mo na yung buong konstitusyon. Tapos
ang tatanungin mo lang sa taong bayan pag ni-ratify, pabor ka ba o hindi? Take it or leave it.
Dapat isa-isa at hiwa-hiwalay na tanungin. Pabor ka ba na habaan yung term ng mga opisyal mula
tatlong taon papuntang apat na taon? Pabor ka ba na lumipat tayo mula presidential patungong
parliamentary? Pabor ka bang buksan ang pagmamay-ari ng mga negosyo sa dayuhan? Pabor ka
“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 10
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).
bang buksan ang pagmamayari ng dayuhan sa mga lupa sa bansa? Hiwa-hiwalay po na tanong at
hindi pupuwede yung pro and con kayo. Mas marami yung gusto ko kaysa sa ayaw, kaya yes na
lang. Mas marami yung ayaw ko kaysa sa gusto kaya no na lang. Hindi po pupuwedeng ganoon.
Kinompute na po namin. Mas maliit ang gastos para magpatawag ng plebisito kaysa mag away,
magbangayan tayo , magrally sa kalye ang tao magtra-traffic, at hindi tumakbo ng normal ang
negosyo sa ating bansa at magbigay ito ng impreso na unstable ang ating bansa dahil sa kaliwa’t
kanang kaguluhan. Pabor o kontra sa Charter Change. Kung may babaguhin man po ang dapat
nating seryosong tingnan, yung term ng mga opisyal, national man o local. Dapat po nating
tingnan papaano mas magiging angkop ang ating mga probisyon sa konstitusyon sa ekonomiya
dito at sa labas ng bansa. Pangatlo, tama pa bang bi-cameral tayo? O dapat bang unicameral na
lang para mas mabilis magpasa ng batas at mas mura pa? At dapat tingnan din po natin ang ilang
kapangyarihan at limitasyon sa kapangyarihan ng executive offices.

Mayor Sonia Lorenzo: Follow up question: Sa inyo po bang pananaw, ano po ba dito sa mga
changes na ito ang inyong ia-advocate?

Sen. Chiz Escudero: Ang paniniwala ko po kasi ay ito, wala sa batas ang problema natin. Nasa
pagpapatupad. Doon sa nagsasabing dapat maging parliamentary tayo, marami pong bansang
parliamentary na mahirap. May mga bansa ding mayaman. Maraming presidential na mayaman
pero mayroon ding mahirap. Doon sa nagsasabing dapat payagan natin ang dayuhan magmay ari
ng lupa sa Pilipinas, sa China bawal mag may ari ang dayuhan ng lupa pero pumapasok naman
ang mga negosyante roon. Ano ba yung mayroon sila at wala tao? I’m of the firm belief that we
should first give it a chance to run and be ran efficiently and honestly. If it does not work, then
that’s the time to change it. Hindi yung porke masama ang karanasan natin noon, gusto na naman
natin baguhin at palitan. Nais kong bigyan ng pagkakataon yun dahil naniniwala ako, wala sa
batas, kungdi sa pagpapatupad ng batas ang solusyon sa ating problema.

Sa muli po, pagbati sa inyong lahat at karangalan ko na humarap at makausap ang mga batikang
leader ng local na pamahalaan sa iba’t ibang parte ng ating bansa. Ako po ay nagpunta dito hindi
lamang para sumagot ng mga katanungan ninyo pero para matuto din mula sa inyo sa
pamamagitan po ng inyong mga katanungan, sa pamamagitan ng platapormang ibinigay base sa
inyong napag usapan kahapon, sa pamamagitan ng mga talumpati at dialogue, marami din po
kaming natutunan at napagalaman. Sana maging bukas palagi ang pagkakataong ito na
magkausap-usap, at pag usapan naman yung bansa. Wag na muna yung pulitika. Wag na muna
yung eleksyon. Wag na muna yung kulay na dinadala ng bawat isa sa atin. Kung ganito lamang
ay magagawa natin palagi para pag-usapan ang problema ng bansa. Naniniwala po ako na walang
problema at suliranin na di natin malalampasan bilang isang bansa at bilang isang lahi. Sa muli
po, maraming salamat.

END OF TRANSCRIPT

“Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders” convened the 11
most innovative and successful elected local officials in the Philippines. This initiative was
conceived by the Institute for Popular Democracy (IPD) and implemented in cooperation with
Synergeia Foundation, Galing Pook Foundation, Ateneo School of Government, and Local
Governance Support Program in ARMM (LGSPA) with funding support from the Friedrich
Ebert Stiftung (FES).

Vous aimerez peut-être aussi