Vous êtes sur la page 1sur 4

Kultura, sandigan ng kaunlaran ng sarili at sambayanan

Elora Joselle F. Cangco Posted on 09/09/2012 - 15:51


NANINDIGAN ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan na si Virgilio Almario na
ang pagkilala sa sariling kultura ay susi sa pag-unlad ng sarili at bayan.
Sa pagtutulungan ng Departamento ng Filipino, Varsitarian, at propesor ng Filipino sa Faculty
of Arts and Letters na si Imelda de Castro, isang pagpupulong ang naganap sa AMV-College
of Accountancy Hall noong Agosto 29 bilang pangwakas na programa sa Buwan ng Wika.
Pinamagatang Sagisag Kultura: Lundayan ng Programang K-12, Filipino Bilang Wika ng
Edukasyon, sinabi ni Almario na ang pagkilala ng atin ay isang karangalan na bubuo sa
national creativity ng bansa.
Ang kultura ay kapangyarihan dahil nakapagsisimula ito ng pridepride of country and of
selfat makakapagsimula ito ng national creativity. Ipinakilala ni Almario ang ilan sa 800 na
mga sagisag ng kultura upang mas maunawaan ng mga Pilipino ang halaga ng sariling
atin.
Ang sagisag kultura ay ang pagbuo ng isang kaisipang Pilipino. Binubuo ito ng mga sagisag
na mula pa sa ibat ibang lugar sa Pilipinas. Ito ay larawan ng lahat ng mga Pilipino at dito ay
matutuklasan natin na ang ating kultura ay mahalagadapat ay memoryahin, ingatan, at
kung maaari, ay isakripisyo ang buhay para rito.
Binigyang-diin ni Almario na limitado ang cultural literacy ng mga Pilipino lalo na ang mga
kabataan kaya dapat itong mas palawigin pa.
Malimit nga ay di natin alam kung ano nga ang tinatawag nating Pilipino. Napakalimitado ng
ating cultural literacy. Kung hindi man ay napakababaw ang alam [natin] tungkol sa sarili
bilang Pilipino. Parang mga Pilipino ay mayroong Rice Terraces Syndrome, isang
karamdaman sa hindi natin pagkilala sa mga simpleng pangalan na nasa wikang Filipino.
Taglay ng mga Pilipino ang isang malubhang sakit na atin na nga hindi pa natin kinikilala,
Wala tayong interes na kahit sa pangalan lang, di pa natin puspusang pinag-aaralan kung
ano talaga ang pangalan natin. Hindi man daw umabot sa panahon kung kailan ang ating
mga ninuno ay nagpapatayo ng malalaking palasyo, mayroon pa rin naman daw tayong
intangible heritage na maipagmamalaki.
Yung intangible actually ang mas mahalaga kasi iyon ang hindi mamawala sa atin. Ngunit ito
ay unti-unting mawawala dahil hindi naman natin pinag-aaralan, ipagpapatuloy niya ang
pagpapalaganap ng wikang pambansa dahil dapat itong ikarangal.
Kailanman ay hindi mamamatay ang wikaang 150 plus na wika na nagtataglay ng
karunungan at mga karanasan na nagmula pa sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Nang tanungin kung sang-ayon ba siya sa paglalagay ng Mother Tongue-Based Multi-Lingual
Education sa bagong kurikulum sa mga paaralan ngayon, sinabi ni Almario na matagal nang
ginagamit ang katutubong wika bilang medium of instruction at naisapormal na lamang ito
sa kasalukuyan.

Noong panahon ng mga Amerikano ay monolingual lang ang ginagamit, ani Almario.
Ngunit nang ipinadala nila ang Monroe Commission noong 1925 upang mag-survey ng
sistema ng edukasyon sa bansa, nalaman nilang nahirapan ang mga bata na mag-aral ng
Ingles dahil ang Ingles ay ginagamit lamang nila sa silid-aralan at paglabas ay hindi na.
Pumili sila (mga opisyal) ng mga katutubong wika dahil sa academic valuebilang medium
of instruction na madaling maiintindihan ng mga mag-aaral. Sa huli, ang kultura ang
magpapaunlad sa ating bansa. Sa halip na gumaya sa iba, dapat maunawaan ng mga
Pilipino ang kahalagahan ng sariling atin. Mayroon tayong ipagmamalaking sariling kultura.
Yung kultura na yon ay susi sa ating pag-unlad. Hindi tayo uunlad kung gaya-gaya tayo at
hindi man lang natin natututunan ang atin. Ang pagmamalaki ng sarili nating kultura ay
magpapasimula ng ating national creativity.
Labingdalawang taon na ang nakakaraan at marami nang sistema ang napalaganap sa
Internet. Hindi siguro akalain ni Tim Burners-Lee kung gaano kalaki ang kanyang magiging
kontribusyon sa pandaigdigang lipunan noong naimbento niya ang World Wide Web. Ang
Internet Relay Chat (IRC) ay isang sistema kung saan ang mga manggagamit (user) ay
makakapagkausap sa katakot-takot na iba pang manggagamit na naka-Online sa panahong
din iyon. Ano ang ginagawa ng tipikal na teenager na biniyayaan ng kompyuter at ng
Internet connection? Nahihiwalay sa ibat ibang channels na nakabatay na rin sa interes mo
at kung ano ang gusto mong pag-usapan.

_________________________________
Reaksyon:
Malaki ang ginagampanan ng teknolohiya sa paghabi ng kultura, lalo na sa kabataan. Ang
kulturang popular ay nakabatay sa pagdisimina ng ibat ibang bagay gamit ang isang
midyum. Hindi natin maikakaila na ang Internet ay isang penomena na naging kaakibat ng
isang makabagong kultura. Totoong, Ang kultura ay kapangyarihan dahil nakapagsisimula ito
ng pridepride of country and of selfat makakapagsimula ito ng national creativity. Ang
kulturang ito ay nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang henerasyon sa pamamagitan ng wika.

Kulturang Pilipino: Impluwensiya ng Iba't ibang Kulturang Dayuhan


Ni: Jenice G. Orpeza Thursday, September 29, 2011

Ang kultura ay salamin ng kasaysayan ng isang bansa. Isa rin ito sa kanyang
pagkakakilanlan. Hindi ba't ang bawat bansa ay nagtataglay nito upang makilala sa buong
mundo? Mula sa pananamit hanggang sa kilos at galaw ay may kanya-kanyang orihinalidad.
Malaki rin ang papel na ginagampanan nito sa iba't ibang larangan-- ekonomiya, edukasyon,
medisina, agrikultura maging sa politika. Mapalad tayo sapagkat mayamang kultura ang
ipinamana sa atin ng ating mga ninuno.
Tumpak nga ang depinisyon ni Edward Tylor, isang anthropologist sa kultura. Ayon sa
kanya, ang kultura ay sumasaklaw sa karunungan, pamahiin at paniniwala, sining, batas,
kakayahan, pag-uugali at pagpapahalaga, tradisyon, damdamin at iba pang abilidad ng tao

na kanyang nakamit at nalinang na maipamamana sa mga susunod na henerasyon sa


pamamagitan ng wika at pagkakabuklod-buklod ng mga miyembro ng isang lipunan.
Noon pa man ay mayaman at maunlad na ang kultura nating mga Pilipino. Hindi mabilang
ang ating pamahiin at paniniwala. Gayundin, magkakabigkis ang ating pag-uugali at
pagpapahalaga kahit pa nga mayroon tayong iba't ibang prinsipyo at disiplina sa buhay.
Maaaring ito ay dulot na rin ng impluwensiya ng mga dayuhan na nakipagkalakalan sa ating
mga ninuno bago pa man tayo napasailalim ng mga mananakop.
Halimbawa sa mga kulturang banyaga na ating tinanggap ay ang paggamit ng paputok
tuwing may pagdiriwang at paggamit ng kulay bilang tanda ng estado sa buhay ng mga
Tsino. Namana naman natin sa mga Hindu ang pagbibigay ng dote sa magulang ng babaeng
pakakasalan at pagsaboy ng bigas kapag may kasal. Napakarami pang gawain at paniniwala
ang naisalin sa ating kultura ng mga banyagang mangangalakal.
Samakatuwid, maituturing na ang kulturang Pilipino ay ang pinagsama-samang kultura ng
mga karatig na bansa. Hindi ba't wala namang isang purong Pilipino dahil tayo ay produkto
ng iba't ibang lahi tulad ng mga Ita, Indonesyo at Malayo? Gayunpaman, sila ang mga unang
mamamayan ng Pilipinas na nagtamasa at nagpamana sa atin ng kulturang mayroon tayo
ngayon.
Hindi man nananalaytay sa atin ang dugo ng purong Pilipino, maipakikita at
maipamamalas naman natin ang ating pagmamahal sa Pilipinas. Dahil dito, tayo ay tunay na
Pilipino sa isip, sa puso at sa gawa.
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga
katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.
Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng
mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino,
na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila.
Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at
iba pang lokal na seremonya.

Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng
malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga
distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang
lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga
bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay
mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

____________________________________________

Reaksyon:
Tunay na ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng
mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito
noon. At totoong Ang kultura ay salamin ng kasaysayan ng isang bansa. Ang kultura ay ang
pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay
hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-unay sa kanila at
nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw,
kaugalian, at adhikain. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa
kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang
maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay
tungo sa makabulohang buhay.

KULTURA
Santos,
Nicole
Alexis J.
BSA 1-23
Prof.
Cecilia
Austero

Vous aimerez peut-être aussi