Vous êtes sur la page 1sur 3

Mga Puna sa Kard

Narito ang ilang batayang halimbawa ng Ulat na Pasalaysay (Narrative Report) na maaring paghanguan ng mga
guro sa kanilang pag-uulat sa Report Card ng bawat mag-aaral sa bawat Pamanahunang Markahan.
1.
Nagpamalas ng maganda at kasiya-siyang panimula. Ipagpatuloy kung hindi man mapaunlad pa ito.
2.
Masiglang nakikibahagi at nakikilahok sa mga pagtatalakayan sa klase.
3.
Kasiya-siya ang ipinakitang pag-unlad sa pag-aaral.
4.
Kapuri-puri ang ipinamamalas na kahusayan/kakayahan sa Asignatura.
5.
Nagpamalas ng pagpupunyagi upang mapaunlad ang kakayahan.
6.
Kainaman ang pag-unlad niya sa mga aralin.
7.
Masigasig sa paggawa at pagtulong sa mga gawain sa silid-aralan at paaralan.
8.
Ipagpatuloy ang pagiging laging handa sa mga takdang-aralin sa araw-araw.
9.
May magandang gawi sa pag-aaral kung kayat laging handa sa mga pagtatalakayan sa klase.
10. Laging nagpupunyanging paunlarin ang kakayahan. Panatilihin ito.
11. Kalugud-lugod ang ipinamalas na ugali at disiplina sa paaralan.
12. Mahusay at marunong makibagay sa kapwa-bata sa loob at labas ng silid-aralan.
13. Higit na mapauunlad/mapatataas ang mga marka kung iiwasan ang mga dimakabuluhang pakikipag-usap sa
katabi sa oras ng klase.
14. Sikaping bigyan ng higit na pagpapahalaga ang pag-aaral.
15. Magkaroon ng higit na pagnanais na mapaunlad ang mga marka.
16. Bigyan ng higit na pansin at pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga asignaturang may mabababang
marka.
17. Iwasan ang mga bagay na nakahahadlang sa mabuting pag-aaral/pagkatuto.
18. Sikaping makibahagi sa mga talakayan sa klase sa tuwi-tuwina.
19. Ugaliing makinig sa guro habang nagtuturo sa klase.
20. Pag-ukulan ng higit na pansin ang mga gawaing pagbabasa at pagsusulat,
21. Pagtuunan ng higit na pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga bilang Matematika.
22. Magkaroon ng wastong paraan/pamamaraan sa pag-aaral upang umunlad.
23. Iwasan ang mga bagay na nakahahadlang/sagabal sa ikauunawa ng mga aralin.
24. Sikaping mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa lalo na sa Wikang Ingles.
25. Ugaliing laging maging handa sa mga takdang-aralin sa araw-araw.
26. Pag-ukulan ng matamang pansin ang mga araling kinahihirapan.
27. Sikaping higit na mapaunlad at mapataas ang mga marka.
28. Dagdagan ng higit na interes at pagpapahalaga ang mga gawaing nauukol sa asignaturang kinahihirapan.
29. Sikaping higit na maihanda ang sarili sa lalong mabigat na gawain/pag-aaral sa susunod na baitang/pagaaral.
30. Sikaping maihanda ang mga gawaing-bahay o takdang aralin sa pagsisimula sa klase.
31. Magkaroon ng kanais-nais na gawi sa pag-aaral upang umunlad ang mga marka.
32. Sikaping makilahok sa mga gawaing pampaaralan.
33. Ipagpatuloy ang pagsasanay sa mga aralin/sa pagbasa/ sa pagsulat kahit na nasa bahay lamang.
34. Pag-ibayuhin ang pagpupunyagi sa pag-aaral sa susunod na baitang.
35. Iwasan ang pagiging malilibangin sa oras ng klase.
36. Ipagpatuloy ang ipinamalas na kasiglahan sa pag-aaral.
37. May sariling kusa sa paggawa ng mga gawain sa paaralan.
38. Kinapansinan ng angking kakayahan sa pamumuno.
39. Mapagkakatiwalaan sa mga iniatas na gawaing pampaaralan.
40. Isang malugod na pagbati sa magandang ugaling ipinamalas sa buong taon ng pag-aaral.
41. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang mga gawain sa pag-aaral.
42. May angking interes at tiyaga sa pag-aaral. Ipagpatuloy ito.
43. Kinapansinan ng angking talino sa larangan ng ________.
44. Nangangailangan ng higit na pagsubaybay sa pag-aaral.
45. Binabati kita!
I. MGA KATANGIANG PANGKAISIPAN
1) May mataas na pag-iisip
2) May likas na talino.
3) May angking talino
4) May mabilis na pang-unawa
5) Listo.
6) Madaling makaunawa ng turo at paliwanag.
7) Nakapangangatwiran ng matalino.
8) Madaling makauna ng mga bagong ideya.g ng buong isip sa pag-aaral.
9) Nakapaghahayag ng buong isip sa pag-aaral.
10) Ibinubuhos ang buong isip sa pag-aaral.
11) Lubusang hinaharap ang anumang gawaing ng walang namamahala.
12) Madaling matuto.

13) May magaling na memorya.


14) May kakayahang mag-alaala.
15) Napapanatili ang natutuhan.
16) Bukas ang isip sa mga mungkahi.
17) Mapg-usisa at mapagtanong.
18) Handing tumanggap ng mungkahi.
19) Nagpapakita ng pag-unlad sa pag-aaral.
20) Isinasaalang-alang ang mga bagong ideya.
21) Maingat sa pagbibigay ng kuro-kuro.
22) May sariling kusa.
23) Humihikayat sa mga mag-aaral sa mga gawaing pampaaralan.
24) Malikhain.
25) May mapalikhaing kaisipan.
26) Naghahandat tumatanaw sa hinaharap.
27) May kakayahang malaman ang hinaharap.
28) Nakakikita sa mga maaring mangyari.
29) Isinaalang-alang ang kinabukasan.
30) Madali at mahusaya manggaya.
31) Nakapagsasagawa ng mga bagay sa sariling paraan.
32) Maparaan.
33) Mapagmasid.
34) Nakapagsusuri.
35) May mapanuring isip.
36) Nakapagbibigay ng matalinong hinala.
II. MGA KATANGIANG PANDAMDAM
1) Laging masaya.
2) May masayahing kalooban.
3) Hindi nagsisimangot, laging nakangiti.
4) Kawili-wili at kalugod-lugod.
5) Ubod ng sigla.
6) Mabait at magiliw.
7) Puno ng sigla at lakas.
8) Hindi madaling masiraan ng loob.
9) Maawain.
10) May angking lakas at tapang.
11) May tiyagang pagsisikap.
12) Palaasa sa mabuti.
13) Tapat at prangka, tahasang ipinahahayag ang niloloob.
14) Matapat at mapagkakatiwalaan.
15) Matapat sa pakikitungo sa kapwa.
16) Tahimik at hindi palakibo.
17) May ngalang mapagtawa.
18) Mapagtawa.
19) Makatao.
20) Mapagbigay.
21) Mapagkumbaba.
22) Masunurin.
23) May tiwala sa sariling kakayahan.
24) Mapag-alaala.
25) Hindi madaling magalit, may kahinahunan.
26) May pagpipigil sa sarili.
27) Hindi maramdamin.
28) Hindi pabago-bago ang isip.
29) Hindi sumpungin.
30) Mapagdamay.
III. MGA KATANGIANG PANLIPUNAN
1) Madaling pakitunguhan.
2) Kinagigiliwan ng marami.
3) Kaibigan ng marami.
4) May mabuting pakikipagkapwa.
5) Nakikisalamuha.
6) May pagpapahalaga sa kapwa.
7) Nakikipagtulungan sa kapwa.
8) Palatulong at matulungin.
9) Nakakasundo ng lahat.
10) Mapagmalasakit sa kapwa.

11) Sinisikap na mapabuti ang Gawain.


12) Maluwag sa kalooban na tinatanggap ang pananagutan.
13) May kahusayan ang paggawa.
14) Maingat at malinis na inililigpit ang mga kagamitan.
15) Laging mag-aral.
16) Maagap sa pagpasok sa klase.
17) Palaging pumapasok sa paaralan.
18) Laging naghahanda ng takdang aralin sa lahat ng asignatura.
19) Ibinibigay sa takdang panahon ang gawaing pasulat na kailangan.
20) May malinis at nababsang sulat kamay.
21) Malinaw at mabilis sumulat.
22) Matalinong binabadyet ang panahon.
23) Matalinong ginugugol ang panahon.
24) May hilig sa pag-aaral.
IV. IBA PANG PUNA
1) May panahon para umunlad.
2) Bigyan ng ibayong atensyon ang pag-aaral.
3) Sikaping mapabuti ang mga marka.
4) Nagpapakita ng pagsisikap sa pag-aaral.
5) Pag-ibayuhin pa ang pagsisikap sa pag-aaral.
6) Kailangan pang ipagpatuloy ang pagsasanay sa pagbasa.
7) Magsanay sa pagbasa.
8) Pagpilitang palaging makapaghanda ng takdang aralin.

Vous aimerez peut-être aussi