Vous êtes sur la page 1sur 2

Mga Katanungan:

For Couples:
1. Tapusin ang pangungusap: Ang aking partner ay biyaya ng Diyos
sapagkat ________________________________________________.
2. Ilarawan ang pananampalataya ng iyong kabiyak
3. Ano ang maituturing na handog o sakripisyo na naibigay at maibibigay
pa sa iyong kabiyak?
4. Paano nagpapadama ng paglalambing o pagmamahal ang iyong
kabiyak?
5. Kompletohin ang pangungusap: Akoy tapat at magiging tapat sa iyo
__________________________________________________________.
6. Buuin ang pangungusap: Hindi ako matatakot na mahalin ka habang
buhay sapagkat _____________________________________________.
7. Ano ang maari mong mga hakbang upang lalo pa kayong lumago,
maging sakdal o mag mature bilang mag-asawa?
Sa mga Kabataan:
1. Ano ang mas pinaniniwalaan mo Love is Blind o Love is Gods
Gift?
2. Ano ang mas attractive para sa iyo Pogi o may
Pananampalataya?
3. Sa palagay mo mga anong edad ka handa sa tinatawag na Sacrifice for
Love? Gaya ng pagkakaroon ng trabaho, kakayahang magpanatili ng
tahanan, maglinis, magluto, maglaba, mamalantsa, magpakain, magpuyat
sa pagbabantay ng sanggol.
4. Paano mo nasasabing feeling loved?
5. Ano ang kahulugang sa iyo ng love is faithfulness?

T H E
F O U N D A T I O N
Ang Pundasyon
February 14, 2016

A Call To Worship
(Panawagan Sa Pagsamba)
Ang Diyos ang Pinakamataas Na Hari
(Awit 97)

v1Ang PANGINOON ay naghahari! Magalak ang lupa;


ang maraming pulo ay matuwa nawa!
v2Nasa palibot niya ang mga ulap at pusikit na kadiliman;
ang saligan ng kanyang trono ay katuwiran at kahatulan.
v3Apoy ang nasa unahan niya,
at sinusunog ang kanyang kaaway sa buong palibot.
v4Nililiwanagan ng kanyang mga kidlat ang sanlibutan;
nakikita ng lupa at ito'y nayayanig.
v5Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit
Sa harapan ng PANGINOON,
sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
v6Ipinahahayag ng langit ang kanyang katuwiran,
At namasdan ng lahat ng bayan ang kanyang kaluwalhatian.

Foundation Studies
Pundasyong Aral Tungkol Sa Pag-ibig
Foundations on Love
Mahalaga Ngunit Ngunit Nalilimutan
1 John 4

Ang Diyos ay Pag-ibig


v7Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat
umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. v8Ang hindi umiibig ay hindi
kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. v9Inihayag ng Diyos ang

kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak
upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. v10Ito ang pag-ibig: hindi sa
inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak
upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.
v11Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din
tayong magmahalan. v12Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung
tayo'y nag-iibigan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pagibig.
v13Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat
pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. v14Nakita namin at pinapatotohanang
isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan. v15Ang
nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananahan sa Diyos, at ang Diyos
nama'y nananahan sa kanya. v16Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos
tayong nananalig sa katotohanang ito.Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na
umiibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. v17Ang
pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't hindi natin kinatatakutan ang Araw ng
Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito. v18Walang
kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang
pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot
ay kaugnay ng parusa.
v19Tayo'y umiibiga sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin

v20Ang nagsasabing "Iniibig ko ang Diyos," subalit napopoot naman sa kanyang


kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya
magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? v21Ito ang
utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa
kanyang mga kapatid.
Reader: Ito ang Salita Ng Panginoon
Lahat: Basbasan Ng Diyos Ang Kanyang Salita

Foundations of Love
I. Love is Of Grace/Gift of God Ang Pag-ibig Ay Biyaya Ng Diyos

2. Love is Of Faith Ang Pag-ibig Ay May Pananampalataya

3. Love is Of Sacrifice Ang Pag-iibig Ay Paghahandog o Pag-aalay

4. Love is An Action / Must be Demonstrated Ang Pag-ibig Ay Kilos At


Pagpapahayag

5. Love is Faithfulness Ang Pag-ibig Ay Pagiging Tapat at Pananatili

6. Love Cast-out Fear Ang Pag-ibig Ay Nag-aalis Ng Takot

7. Love is Completeness/Maturity Ang Pag-ibig Ay Kasakdalan

Vous aimerez peut-être aussi