Vous êtes sur la page 1sur 9

Aralin 3.

Ang alaga
Ni Barbara Kimenye

I.Buod
Isang itim na biik ang regalo sa kaniya ng Apo na labis na ikinatuwa ni Kibuka plano
niyang dalin ito kay miriami upang ihanda sa hapunan ngunit nagdalawang isip si
Kibuka dahil sunod nang sunod ang biik at sa bawat pag-upo niya laging asa paanan
niya ang biik at di umaalis sa tabi niya.
Inalagaan niya ito at pati ang mga kapitbahay niya ay nagbibigay ng pagkain para
sa biik. Ito lamang ang biik na napakalinis dahil naaalagaan ito ng maayos at
pinapayagan ni Kibuka na matulog sa paanan niya ang biik. Lumaki ito sa maayos
na kapaligiran at higit sa lahat napamahal na ito kay Kibuka
Kwento
Nakasanayan na rin nila na maglakad lakad tuwing umaga para na rin makapag
ehersisyo si Kibuka at kahit na sumasakit na g mga kalyo niya tinitiis niyaito dahil
nakikita niya ang kaniyang alaga na masaya
Ngunit makalipas ang ilang linggo, maraming problema ang dumating habang
lumalaki ang baboy halimbawa, kailangan na ng mas maraming pagkain maging si
Kibuka ay naninimot na ng kaniyang pagkain para lang sa kaniyang alagang baboy,
hindi na rin makatulog ng maayos si Kibuka dahil sa napakalakas humilik ng baboy
isang mabigat na desisyon na hindi magtatagal ay itatali na ito sa puno
Kwento
Si Kibuka isang pensyonadong tao at retiro na siya bilabg kawani sa Ggogombola
Headquarters at dahil di niya matanggap ang pagkawalan niya ng trabaho at dahil
dito dinamdam niya ng lubos ang pangyayaring ito naisip niyang tapusin nalang sng
ksanyang buhay dahil kaawa awa na ang turing sa kanyang sarili. Ngunit isang
tunog ng kotse ang kanyang narinig at dalidaling sinalubong ang kanyang apo na
may dalang regalo para sa kanya.

II. Talasalitaan
Panuto:hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na
talasalitaan.
1. Naninimot - nagtitipid
2. Nagtatampisaw - nagbababad
3. Namamayani - nangingibabaw, namumuno
4. Tumilapon - nahagis, umitsa, nabalibag
5. Naghahalukay - naghuhukay, naghahanap, nagkukutkot

III. Mga Tanong

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.


1.Saan niya nakuha ang alagang baboy?
2.Bakit siya nagretiro sa trabaho?
3.Bakit namatay yung alaga niyang baboy?
4.Anong ginagawa nila sa dalampasigan?
IV.Pagtataya
A.Panuto:sagutin ang mga sumusunod na tanong piliin sa kahon ang
sagot.

A.Kibuka B.Yosefu Mukasa C.Kabzanda D.Matoke


E.Daudi Kulubya F.Nathaniel Kiggundu
G.Ggogombola Headquarters
H.Kalansanda I.Miriamu J.Musisi

1.Dito kumalat ang balita na may alagang baboy si kibuka?


2.Isang Lugar kung saan nagtatrabaho dati si Kibuka?
3.Siya ang matalik na kaibigan ni kibuka?
4.Drayber ng motorsiklo na nakabungo kay kibuka?
5.Taong nagmamalasakit at pila yang kanyang lakad?
6.Dito naliligo o nagtatampisaw ang mga tao?
7.Ang nagkatay o nagluto ng alagang baboy ni kibuka?
8.Ang hepe ng Ggogombola Headquarters?
9.Ang nagbigay kay kibuka ng baboy?
10.SIya ang nag aalaga sa babohy?

B.Enumeration
1-6. Ang mga tauhan sa kwento na ang alaga.
7-10. Mga lugar na pinuntahan ni kibuka.

Aralin 3.6

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali


Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan Kon Fatta
ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang
mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang
makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamat na
Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkat pitong
taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakang
mapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador.Namatay si Haring Maghan
Kon Fatta kayat hinirang ng kaniyang unang asawang si Sassouma Brt ang sariling
anak na si Dankaran Touma na tagapagmana ng trono ng ama. Madalas silang
naninibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina, kayat ipinatapon niya ang mag-anak sa
likod ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhay na isang kahig isang tuka.
Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng Inang
Reyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng nayon. Sa taniman,
nagagalak siya na pagmasdan ang mga tanim na ubas at gnougous. Isang araw,
kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upang magmakaawa ng
kaunting dahon ng baobab.
Tingnan mo ang iyong sarili, wika ng mapanghamak na si Sassouma. Ang
aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin,
mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga
dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak
ay hindi makalalamang sa aking anak. Siyay nanunudyong humalakhak nang matinis
na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan.
Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may puwersang
napakalakas. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan. Sa labas ng
kanilang kubo, si Mari Djata ay nakaupo sa kaniyang walang silbing mga binti at walang
pakialam na sumusubot tangan-tangan ang calabash. Hindi napigilan ni Sogolon ang
kaniyang sarili, siyay napahikbi at dumampot ng kaputol na kahoy, hinagupit niya ang
anak.
Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa iyong
pagkukulang akoy nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking buhay! Ano ang
aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?

Dinampot ni Mari Djata ang kaputol na kahoy at matiim na tumitig sa ina,


Inay, anong problema?
Manahimik ka, walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.
Ano ba yaon?
Si Sassoumay pinahiya ako dahil lamang sa dahon ng baobab. Sa edad
mong iyan, ang kaniyang anak ay nakapipitas na ng dahong iyon para sa kaniyang ina.
Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.
Hindi. Itoy sobra na. Hindi maaari.
Mahusay, kung gayon, akoy maglalakad sa araw na ito, sabi ni Mari Djata.
Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal.
Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyo
ang buong puno?
Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko
ng punot ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.
Nang oras na iyon
ay naroroon si Balla Fassk, humangos siya sa pinakamahusay na panday, si
Farakourou, upang magpagawa ng tungkod na bakal.
Umupo si Sogolon sa harapan ng kanilang dampa. Siyay tahimik na
lumuluha habang sakbibi ng kalungkutan. Binalikan ni Mari Djata ang kaniyang pagkain
na tila walang nangyari. Mayat maya niyang sinusulyapan ang kaniyang ina na
bumubulong, Ibig ko ang buong puno, sa harap ng aking dampa, ang buong puno.
Walang ano-ano, sumambulat ang isang malakas na tinig na humahalakhak
mula sa likod ng kubo. Itoy likha ng buktot na si Sassouma na nagsasalaysay sa
kaniyang utusan tungkol sa panghihiyang ginawa kay Sogolon, sinasadya niyang
madinig ito ng huli. Mabilis na pumasok si Sogolon sa kaniyang silid at tinakpan ang ulo
ng kumot upang hindi masilayan ang pabayang anak na abalang-abala sa kaniyang
pagkain kaysa sa ano pa mang bagay. Walang tigil sa pananangis si Sogolon. Nilapitan
siya ng kaniyang anak na babae, Sogolon Djamarou, at tumabi sa kaniya, Tahan na
ina. Bakit ka umiiyak?
Nasimot ni Mari Djata ang kaniyang pagkain at pilit na kinaladkad ang
katawan, umupo sa malilim na dingding ng kubo sapagkat nakapapaso ang sinag ng
araw. Kung ano ang nanunulay sa kaniyang kamalayan, tanging siya ang nakaaalam.

II.Talasalitaan
Panuto: Bigyan kahulugan ang mga sumusunod na talasalitaan.
1.Salamangkero
2.Mangangaso
3.Panday
4.Mahiwaga
5.Anting-anting

6.Kawal
7.Manghuhula
8.kapangyarihan
9.namamana
10.mananalaysay

III.Tanong
1.Ano-ano ang katangian ni sundiata na kahanga-hanga?
2.Mayroon bang suliranin o mga suliranin nangibabaw sa epiko?
3.May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan?
4.Sa iyong tingin, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng
Africa?
5.Tama baa ng ginawwa ni sundiata sa lungsod ng sosso?

IV.Pagtataya
A.Panuto: pumili ng letra ng tamang sagot
1.Sino ang anak ni haring maghan kon?
a.dakilang alexander b.maghan sundiata
2.Sino asawa ni maghan kon?
a.sassouma b.sogolon kadjou
3.Sino ang anak ni maghan kon?
a.sogolon b mari djata
4.Sino ang matapang mandirigma?
a.dakilang alexander b. mari djata
5.Sino ang makapangyarihang pinuno?
a maghan kon b. dakilang alexander
B.Enumeration
1-10. Sino-Sino ang mga tauhan sa kwento?

Aralin 3.7

Paglisan(Buod)
ni Chinua Achebe
Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga
Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan
si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia
hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang
katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang
ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay
ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan
ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa
mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay
na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa
kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan
niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa,
nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag.
Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito,
siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon
upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo
sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni
Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.
Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang
pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang tagaUmuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag
makialam sa planong ito si Okonkwo. Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon

ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,


wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo.
PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang
bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay,
sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang
bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga
katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata
sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni
Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa.
Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng
malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi
na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong
siya rin naman ang may pagkakamali kayat upang maibsan ang kapighatian at huwag
matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si
Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng
loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling
din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay
noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw
ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi
Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang
pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng
yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban
sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at
makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at
mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang
ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga
naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan
nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si
Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting
pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran.
Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at
muling magbalik sa kung saan siya nagmula.

II.Talasalitaan
Panuto: Piliin sa pares ng salita ang bawat bilang ang angkop na
kahulugan ng salit
1.palamutia.abubot b. dekorasyon
2.ipinabatid- a.pinaalam b.isinangguni
3.napagwagihan- a.napagtagumpayan b.nalampasan
4.magpatirintas- a.nagpasalapid b.nagpapusod

5.kagimbal-gimbal- a. kagulat-gulat b.kataka-taka

III.Tanong
1.Sino ang tatay ni Okonkwo?
2.Sino ang matapang na mandirigma?
3.Ilang taon gulang na si okonwo nang natalo niya si amanlinze?
4.Sino ang anak ni unoka?
5. Bakit galit si Okonkwo sa mahihinang tao?

IV.Pagtataya
A.Panuto:Sagutin ang mga gabay na tanong
1.Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong nabasa?
2.Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo?
3.Makatuwiran baa ng ginawa ni Okonkwo kay ikemefuna?
4.Karapat dapat bang maging mandirigma si Okonkwo?
5.Paano pinakita ni Okonkwo ang kanyang katatagan?
B.Enumeration
1-5 Sino-sino ang natalo ni Okonkwo?
6-10 Sino-sino ang mahihinang mandirigma na sinabihan ni
okonwo?

Vous aimerez peut-être aussi