Vous êtes sur la page 1sur 3

MAY ISANG LIBONG TAON

Alam mo ba na bago dumating ang paghuhukom


Ang Panginoon1, maghahari muna ng isang libong
taon.
Sa panahong iyon, sakdal na ang mga tinipon;
Mana na ipinangako, siksik, liglig, umaapaw na
doon.
Kailangang tahakin muna natin.
Ang pitong taong pahayag ni Daniel2 sa atin.
Ang unang kalahati ay batbat ng kabagabagan,
Ang ikalawang kalahatiy magtatapos sa
kawasakan3.
May dakong pinaglaanan sa atin ang Panginoon.
Sa kawasakan, walang bisa ang sakit at nukleyar
doon.
Kailangang mangyari muna ang paglilinis
Gamit ang apat na elemento, loob at labas, aalisin
ang madungis!
May tanda kung kailan Siya darating,
Sa tamang panahon, Ang Anak ng Tao-hinulaang
sasa-atin.
Isisilang Siya ng Kaniyang mahal na Ina.
Hawak Niya ang pamalong bakal sa kamay Niya.
Ang mahal na Ina pagkapanganak Niya
Ililipad Siya ng dalawang Agila
Upang arugahin sa loob tatlong taon at kalahati
Sa dakong ang Panginoong Diyos mismo ang
pumili!
Huling Elias ang itatawag sa Anak ng Ina.
1 Panginoong Jesucristo
2 Daniel na Propeta
3 Hindi kawakasan

Jove-Rex-Al naman sa iba.


Nagbalik si Rizal4? Si Apo5? Ang Majadi6? Si Budha7?
Spiritual Wonder Boy8?-tumutukoy lamang naman
sa Iisa.
May isa pa na tinitiyak sa atin
Si Miguel Arkanghel-titindig upang magtanggol sa
atin.
Ang bundok sa labas, yan ay mapapatag
Ang tumagilid na bundok, hindi na matitinag.
Magkakaroon ng panibagong pagtatala
Yan ang udyok ng langit dito sa lupa.
Ang mga nangalat na mga hinirang Niya.
Titipuning muli at ang Eufrates ay tutuyuin na.
Kapag maunlad na ang Silanganan
Tatangkaing sakupin ng mga nasa kadiliman.
Sila ang mga nakapasok ng lihim sa Kawan
Hindi ba? Sila ay nadoktrinahan naman?
Hindi papayag ang Panginoon natin
Na ang Bayan Niya ay muling sakupin.
Bababa ang langit, aangat ang Bagong Lupa
Ang isang libong taon dito magpapasimula.
Ang dalawang saksi na pinaslang nila,
Kasama sa unang bubuhayin pagdating Niya
Mga buhay na inabutan mapalad nga
Hindi na makakaranas ng pagkalagot ng hininga.
Malalaglag ang mga suwail sa pag-angat ng
Bagong Lupa.
4 Hinihintay ng mga Rizalista
5 Hinihintay ng mga Loyalista
6 Hinihintay ng mga mananampalatayang Islam
7 Hinihintay ng mga Budista
8 Hinihintay ng mga transaksiyonista

Sa apoy sila mabubulid, yan ang parusa sa kanila.


Isang libong taon, kasama natin ang Cristong
Panginoon.
Ipagpapalit mo ba ito sa sandaling kahirapan
ngayon?
Pagkatapos ng isang libong taong Divino Imperyo 9,
Pakakawalan na ang nakakadenang diablo
Upang kubkubin, ang banal na kampamento
Siya ay mabibigo, parurusahan na siya sa
impiyerno.

9 Tinatawag ding Christs Millenial Kingdom

Vous aimerez peut-être aussi