Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
LALAKI ANG MAGIGING apo ni Janice de belen kay Igi Boy, kung saan by May ay
manganganak na ang babaeng pinakasalan ni Igi. “Well, pangalawang apo ko na ‘yan. Una ‘yung
aso, pangalawa ‘yang magiging anak nga ni Igi Boy,” tumatawang panimula ni Janice nang
makausap namin sa awards night ng Pasado awards.
Alejandro umano ang magiging pangalan ng anak ni Igi Boy. Hindi naman daw pinakikialaman
ni Janice ang buhay ng kanyang anak, dahil hindi niya naman daw pinangarap na maging
pakialamerang ina.
Masayang kausap si Janice noong gabing iyon na biglang nairita nang mapadako kay John
Estrada ang aming usapan, sa nakatakda nang magpakasal sa kasintahang si Priscilla Meirelles.
“Huwag na natin siyang pag-usapan. Tama na!” ‘Yun lang ang kanyang sinabi na obvious na
hindi natuwa sa sumunod naming katanungan.
NAGULAT SI BEA Alonzo sa reaction ng mga fans ni Sarah Geronimo matapos magalit ang
mga ito dahil naungusan ni Bea ang singer aktres sa last issue ng Yes Magazine.
Ayon kay Bea, hindi raw siya nakikipag-away sa mga fans ni Sarah, dahil una at higit sa lahat,
hindi siya nakikipag-away dito. “Hindi naman ako ang may kasalanan. Wala naman akong
kinalaman du’n. Nakita ko na lang ‘yun nu’ng mabasa ko ‘yung magazine. Nagulat din ako dahil
kilala at alam kong sikat si Sarah pero kung may nagagalit sa akin, sana naman po e, huwag.
Kasi hindi naman ako ang namili sa sarili ko na ilagay du’n. Dahil kung ako ang masusunod,
siguro du’n sa number one ko ilalagay ang sarili ko,” pagdidiin ni Bea sa Parazzi.
SA BIRTHDAY PARTY ni Angel Locsin, nakausap namin ang aktres. “I agree na umiinom
ako, pero never akong naging wasted.” Matapang na pahayag iyon ni Angel kaugnay sa balitang
lasenggera na siya.
“Sobrang love ko si Chito (Miranda) at unfair para sa kanya na sabihing bad influence siya sa
akin. Yes, nag-apologize ako sa kanya dahil sunud-sunod ang negative na lumalabas. At sabi
niya sa akin, wala naman daw akong dapat ihingi ng sorry sa kanya. Ganu’n kabait si Chito
bilang kaibigan.”
Samantala, isang “memories” ang ibinigay ni Luis Manzano kay Angel. “Du’n sa regalo ni Luis
sa akin, puwede kang mag- store ng mga kung anu-ano. Actually, natuwa ako at masaya ako sa
regalo niya sa akin. Okey kami ni Luis, walang problema.”
Tungkol naman sa sinasabing hinamon niya ng suntukan ang dati niyang manager na si Tita
Becky Aguila, “Actually naloloka na ako sa mga balitang ganyan. Si Tita Becky, hahamunin ko
ng suntukan? Sana, siya na lang ang magpaliwanag sa isyung iyan, dahil kahit sino hindi
matutuwa,” pahayag pa ng dalaga.
Pikang-pika na si Angel sa mga negatibong balita tungkol sa kanya pero higit na hindi natutuwa
ang dalaga sa isyung parang lumalabas na wala siyang utang na loob kay Tita Becky at wala
siyang respeto rito dahil sa isyung hinamon niya ito ng suntukan. “Sana tigilan na natin ang
ganyang balita. Sana naman maging masaya na tayo sa kung anuman ang meron tayo, nasasaktan
ako,” pagwawakas ni Angel.
More Luck
by Morly Alinio