Vous êtes sur la page 1sur 3

ANG HULING EL BIMBO

Naaalala ko noong nagkukwento si Eleandre sa akin tungkol kay Mariana. Lagi niyang sambit sa
akin na naaalala niya si Paraluman kapag nakikita niya ito. Sabi niya rin lagi na ang galinggaling nitong sumayaw. Simula nang dumating si Mariana sa aming paaralan, wala nang
bukambibig si Eleandre kundi ang kaniyang pangalan. Hindi ko naisip noong mga panahong
iyon na may iba na palang pagtingin ang aking kaibigan sa babaeng ito. Napagtanto ko lamang
ito noong kamiy tumanda nat nagkakwentuhan tungkol sa mga nakaraan.
Sa isang muling pagsasama-sama noong nakakwentuhan ko si Eleandre tungkol kay Mariana.
Ang tropa namiy matagal nang hindi nagkita dahil iba-iba ang kolehiyong pinasukan namin. Si
Eleandre at Raymund ay nag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas, si Macky at Zabala namay nagibang bansa. Akoy nag-aral sa isa ring prestihiyosong unibersidad na may kaunting kalayuan sa
pinag-aralan nina Eleandre at Raymund. Lahat kamiy nagtatrabaho na.
Naalala ko nang maitanong ko kay Eleandre kung may mga balita siya sa aming mga naging
kaibigan at kamag-aral noong hayskul. Si Raymund ang nagbahagi ng napakaraming kwento. Sa
aming pag-uusap, nalaman kong si Raymund ang laging dumadalo sa taon-taong pagsasama ng
aming pangkat noong hayskul. Nagtawanan kami ni Eleandre nang sinabi ni Raymund na lagi
kaming hinahanap sa selebrasyon.
Habang kumakain at habang kamiy nagkukwentuhan, nagpaalam si Raymund na kailangan na
niyang umalis dahil hinahanap na siya ng kaniyang asawa. Nagmamadaling umalis si Raymund
at tinanong ako ni Eleandre, May asawa ka na rin ba?
Tumawa akot sumagot, Syota pa lang. Kaso nasa Bataan.
Uminom si Eleandre ng kaniyang alak at sinabing, Sakin, nawala.
Ha?
Oo, nawala.
Magkwento ka nga. Kami lang ni Raymund nagkukwentuhan kanina eh.
Kaya nagkwento si Eleandro.
Kinwento niya mula sa simula.
Simula nang makita niya si Mariana.
Nag-iba ang mundo ni Eleandre noong pumasok sa aming paaralan si Mariana. Malaki
ang pagkahalina ni Eleandre kay Paraluman noong hayskul, at nakikita ni Eleandre si Paraluman
kay Mariana. Parehas silang may marikit na balat, matangos na ilong, may kalimbahing mga
labi, at may kaakit-akit na mukha. Ang pinakagusto niya raw ay kapag nakikita niya si

Marianang sumasayaw. Lahat ng klase ay sinasayaw niya: Boogie, Chacha, at iba pa. Pero ang
hindi niya raw makalimutan at ang paborito niya ay ang pagsayaw nito ng El Bimbo. Ito raw ay
nakakaindak, nakakaaliw, at nakakatindig balahibo.
Noong nagkakilala ang dalawa, dumidiretso raw si Eleandre sa bahay ni Mariana
pagkatapos ng mga klase at nagpapaturo ito ng El Bimbo. Habang kinekwento ni Eleandre ang
mga nangyari sa mga panahong tinuturuan siya ni Mariana, nadarama ko ang saya ng aking
kaibigan. Ganito niya inilarawan ang mga nangyari noong tinuturuan siya ni Mariana.
Kapag umiikot na ang plaka, naninigas ang buong katawan ni Eleandre. Hindi
siya makagalaw ng ayos. Ngunit, sinasabayan niya ang mga galaw ni Mariana. Buhat sa kembot
ng bewang hanggang sa galaw ng mga braso. Unti-unting namamatay si Eleandre tuwing
nakikita ang pagpungay ng mga mata ni Mariana, ngunit lumiliwanag naman ang kaniyang
buhay kapag silay magkaakbay. Dahan-dahang dumudulas ang kaniyang mga kamay sa makinis
na braso ni Mariana.
Sa paghawak ng kanilang kamay, walang kamalay-malay na tinuruan din ni
Mariana ang puso ni Eleandre na umibig na tunay.

Naging kayo ba ni Mariana? tanong ko.


Uminom muli si Eleandre. Hindi.
Bakit naman?
Saglit lang, hindi pa kasi tapos ang kwento ko... Sagot niya, sabay tawa.
Nangyari ang pagtuturo ng El Bimbo noong huling taon ng hayskul, at nag-aral daw sa
isang malayong unibersidad si Mariana. Naging magkaibigan ang dalawa ngunit hindi
magkalapit. Hindi rin sila naging magkasintahan. Wala silang komunikasyon sa isat isa noong
tumuntong na kami sa kolehiyo.
Isang araw, galing sa paghahanap ng trabaho, naglalakad sa kalsada ng Ermita si
Eleandre. Napadaan siya sa isang karinderya upang bumili ng meryenda. Hangad niya ay isang
turon, at nang sumilip siya sa karinderya, nakita niya ang isang Marianang kasing-edad niya,
may batang akay sa kaniyang mga braso.
Napatulala si Eleandre ngunit hindi niya ito pinahalata. Hindi ni Mariana nakikilala si
Eleandre, kayat sa pagkuha ng turon ay daliang nagbayad at umalis ang binata.
Pagkauwi, kinausap ni Eleandre si Raymund. Tingin niyay may alam si Raymund
tungkol sa kalagayan ni Mariana, kaya naisip niyang padalahan ito ng mensahe.

Hindi agad nakasagot ng mabilis si Raymund. Lumipas ang buwan bago nakasagot ang
kaniyang kaibigan. Sa mga buwang iyon naman, naging okupado ang buhay ni Eleandre dahil
nakahanap agad siya ng trabaho. Nakalimutan niya agad ang kaniyang nakita sa Ermita. Sa sagot
ni Raymund, tumigil ang mundo ni Eleandre.
Sabi ni Raymund, totoong may anak na si Mariana. Bagamat may anak, siya namay
walang asawa. Walang makapagsabi kung sino ang ama ng kaniyang anak. Binubuhay ito ni
Marianang mag-isa sa Ermita. Siya raw ay isa ring hamak na tagahugas ng pinggan doon sa
kanila.
Sa ibaba ng kaniyang mensahe ay may pahabol na sulat:
Noong isang gabi raw ay nasagasaan si Mariana sa eskinita ng Ermita. Hanggang
bukas na lamang ang burol niya. Doon siya sa Ermita nakaburol, habol ka na lang kung kaya
mong humabol. Pasensya nat nahuli ang sulat na ito.

Nagsisisi ako, Nikki. Sabi ni Eleandre, nang tinapos niya ang kwento niya.
Hindi ko alam ang isasagot ko, dahil nagulat ako sa aking nalaman, kaya sabi ko, Makakahanap
ka rin diyan ng isa pang Mariana.
Sana nga.
May sandaling katahimikan. Uminom naman ngayon ng tubig si Eleandre.
Matapos ko matanggap yung sagot ni Raymund, natunaw lahat ng pangarap ko.
Dumaan ulit ang katahimikan.
Si Marianasa panaginip ko nalang pala maisasayaw.

ni Nikki Matta
hango sa kanta ng Eraserheads na Ang Huling El Bimbo
PLEIADES

Vous aimerez peut-être aussi