Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
Sa pangangalaga ng wika at
kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan..... Ano ano ang
kasaysayaWant to know more?
PAKSA:
Saan higit na natututo ng disiplina
ang bata: sa tahanan o sa paaralan?
MGA MAMBABALAGTAS:
Panig ng TAHANAN > ELVIE V. ESPIRITU (Nueva Vizcaya)
Panig ng PAARALAN > GONIE T. MEJIA (Tarlac)
Papel ng LAKANDIWA > RAFAEL A. PULMANO (Laguna)
MULA SA PINAGSAMANG PANULAT NINA:
Elvie V. Espiritu (Panig ng TAHANAN)
Gonie T. Mejia (Panig ng PAARALAN)
Rafael A. Pulmano (Papel ng LAKANDIWA)
PARA SA:
KSAI Radio Program Pag-usapan Natin
May 8, 1995
LAKANDIWA
Unang Lunes na tipanan kamiy di man nakarating
Ngayon namay handa kaming magbayad ng tuwat aliw
Kayo na po ang bahalang sa amiy magpaumanhin
Huli man daw at magaling ay maihahabol pa rin.
Sa di pa nakababatid, si Ralph Pulmano po ini
Sa balanang nakikinig, malugod na bumabati
Maganda po itong paksang tatadtarin ngayong gabi
Sa sangkalan ng katwiran ng makatang pogit seksi
Kay Ginoong Max Santiago, salamat po nang marami
Sa padala ninyong paksang ganito ang sinasabi:
Sa tahanan o eskwela, saan nga ba mag-aani
Ng higit na disiplina iyang batang lumalaki?
Alam ko pong kayoy merong inyo-inyong kurukuro
Ngunit upang itong paksay lalo nating mapaghulo
Salubungin na po natin ng palakpak na magulo
Ang dalawang magsasabong sa gitna ng entablado!
TAHANAN
Sa bayan po ng Santa Fe, probinsiyang Nueva Viscaya
PAARALAN
Ang karunungan ay lunas sa sakit na kamangmangan
Ang talino ay hagdanan sa tugatog ng tagumpay
Disiplina ay sandata sa tatahakin mong buhay
Paaralay institusyon sa ganiyang kaalaman.
Sa tahanan ay di sapat ang dapat na matutunan
Ng anak na hinuhutok sa disiplinang kailangan
Lalot magulang ng bata kapwa mayrong hanapbuhay
Ang panahon ng pag-ugit sa anak ay sadyang kulang.
Sa tahanay mawiwikang una yaong kaalaman
Pagkat ditoy amat ina sa anak ang nangangaral
Halaga ng pagtuturo ng guro sa paaralan
Ay ginto rin pagkat ito ay propesyong sinumpaan.
Kung ang ina nitong batay tsismosa at bungangera
At halimbawang ang ama ay batugan at pabaya
Sa tahanan bang nabanggit, anong uring disiplina
Ng anak ay mapupulot, ng anak ay nakukuha.
Nagtatanong lang po ako, hindi ako nang-aasar
Iyan namay nagaganap sa iba pong pamamahay
Di gaya sa paaralan, guroy mahirap magkulang
Pagkat iyay katungkulan na kanilang gagampanan.
LAKANDIWA
Kung baga po sa sinaing ay malapit nang kumulo
Sa apoy ng pagtatalo itong paksang niluluto
Ako muna ay tatabi upang akoy di mapaso
At mamaya magbabalik kapag handa nang maghango.
TAHANAN
Tila ko ba napapansing kahidwa koy isang bulag
Bulag pagkat nalilihis sa tunay na nagaganap
Mali na isang bahagdan ng magulang ay nasulyap
Siyam na put siyam na mabuti, itatangging agad-agad.
Mas maluwag ang panahon ng anak ay ilalagi
Sa tahanan na kapiling ang sa kanyay nagtatangi
Matuwid na bunga nitoy doon higit nangyayari
Ang aktwal na halimbawa sa disiplinang nasabi.
Ang silid ng paaralan ay silid ng karunungan
At sa compound ng eskwela, pag-aaral, lipaw-lipaw
Ang impluwensiya sa ibang kamag-aral ay di alam
TAHANAN
Pati pala ang matuwid ng kalaban ay ulikba
Dahil kaya siyay bagabag ng maling paniniwala
Magulang ang hinahangad ang anak ay mapagpala
Dugoy higit na matimbang, iyan bay maitatatwa?
Halaga ng disiplinang nababatid sa tahanan
Ay hindi lamang magkano, hindi kayang matawaran
Pagkat ditoy obligasyon ang sabi mong katungkulan
At iyan namang katungkulan laan doon sa suwelduhan.
PAARALAN
Ang dilag bay nagtataka o siya ay nagtatanong?
Akin na ding lilinawin nang hindi siya nagmamaktol
Mga guro ay suwelduhan sa serbisyo ang katugon
Pagkat silay gumagaganap sa tinapos na propesyon.
Ako, ikaw, kahit sila, na may anak na iniwan,
Ang obligasyong mangaral sa anak di maibigay
Dahil tayoy nasa dayo, di kapiling sa tahanan
Sa ting mga pagkukulang, nagpupunoy paaralan.
TAHANAN
Kahit isa ang dumayo sa dalawang mag-asawa
Mayron pa ring magsisilbi sa tahanay magpapala
Kakayahan ng iniwang kapilas bay bale wala
Upang anak ay hutukin sa nasabing disiplina?
PAARALAN
Di ko naman sinasabing silay walang kakayahan
Tinuran koy halimbawa na tayo ay kakulangan
May layunin kaya itong kahidwa kong paraluman
Na kami ay pag-awayin ng reyna ko sa tahanan?
TAHANAN
Takusa man ang kalaban, wala akong pakialam
Mahalagay ang panig koy sa kanyay nakakalamang.
PAARALAN
Sa boksing pag nang-aasar, kalabay mahina na
Gayon din sa balagtasan, wala din pong pinag-iba.
TAHANAN
Di masama ang mangarap kahit walang pagkatupad.
PAARALAN
RALPH
Akala koy biru-biro ang labanan ng dalawa
Kung nahuli pala akoy baka merong nadisgrasya
Magkamayan muna kayot ang hinahoy ibalik na
Kababayang minamahal, palakpakan natin sila!
Si Elvie po ang may sabing sa bahay mas nakakamit
Ng bata ang disiplina, pagkat dahil sa pag-ibig,
Ang magulang sa anak nya ay lubos ang malasakit,
Laging handang umantabay at masuyong nagtutuwid.
Ani Gonie, disiplinay bahagi ng kaalaman
Na higit na nakukuha ng bata sa eskwelahan
Lalo anya kapag amat inay kapwa nagkukulang
Guro ang syang gumaganap sa tungkulin ng magulang.
Sang-ayon sa isang kwento, sa langit ay nakapila
Duktor, narses, inhinyero, arkitekto, at iba pa
Sila noong nasa lupa ay mayroong disiplina
Kaya sa kabilang buhay, nakamtan ang gantimpala.
Bawat isa sa kanila ay mayroong sumalubong
Buong tuwang nagsasabi kay San Pedro, Anak ko yon!
Ngunit isa ang lumapit at sa kanya ay nagbulong,
Lahat sila nung musmos pa, akong guro nila noon!
Disiplinay sa tahanan unang dapat matutuhan
Disiplinay sa eskwela dapat bigyang-katatagan
Paaralan at tahanan ay pandayan nitong asal
Nagtutulong na ihanda ang bata sa wastong buhay.
Iyang murang kaisipan ng bata ay nahuhutok
Nang ayon sa nakikitat naririnig sa palibot
Sa tahanan at eskwelay may mabuting napupulot,
Masasamang impluwensya ay doon din sumusulpot.
Sa magulang po at guro, itoy isang paalala
Upang bata ay matuto ng tunay na disiplina
Tayo mismong nangangaral ang dapat na magpakita
Ng kanilang gagayahing mabubuting halimbawa.
Sa panig na pinagtanggol ng dalawang makata po
Patas sila ng katwiran, parehas po na may punto
Kaya naman ang hatol ko, silay tabla, kaya kayo,
Palakpakan sanang muli si Elvira at Gorgonio!