Vous êtes sur la page 1sur 3

Si Rosang Taga-Bundok

Raifa Rosa

Arestrima and Joey - Directors

Diezebel Amo

Rowena and Manilyn Pabebe Girls

Fharhan Aso/Leading Man

Baby Gell Sisang Baliw

1st Scene (sa Bahay)


Amo: Rosa, bago ko nga pala makalimutan, maghanda ka na ng pananghalian para sa mga bata, ah.
Prituhin mo yung hotdog. Ilagay mo na lang sa lunchbox na nasa ibabaw ng mesa.
Rosa: Ano nga ho ulit yung lulutuin maam?
Amo: Hotdog.
Rosa: Hot-dog?
Amo: Oo, hot-dog.
Rosa: Sige maam. Makakaasa po kayo.
Amo: Oh sya. Sige, aalis na ko. (aalis na)
Rosa: (mag-iisip) Teka, ano yung lunchbox? Nasa mesa daw. (Lalapitan ang mesa, makikita ang
lunchbox) Ah, eto pala yun. Pero, pano ako makakaluto ng hotdog? (Lalabas ng bahay at matatanaw
ang aso ng kapitbahay na si Floydie. Aakma si Rosa na lalapitan ito pero hahabulin siya ng aso.
Makakagat siya nito. Dali-dali siyang papasok sa bahay at mamomroblema dahil hindi alam kung paano
gagamitin ang telepono. Pipindutin niya ito ng pipindutin at luckily, masasagot ng kanyang amo ang
kanyang tawag.)
Amo: Hello? Rosa, bakit ka napatawag?
Rosa: Maam? Hindi po kita maintindihan! Ang hina po ng boses mo!
Amo: Hello?? Ibaliktad mo, Rosa.
Rosa: Llo-he? Maam?
Amo: Rosa, hindi ganyan, Diyos ko!
Rosa: Maam, llo-he.
Amo: (pasigaw) Ang ibig kong sabihin, ibaliktad mo yung telepono para marinig mo ako ng maayos.
Rosa: Ayyy. (Ibabaliktad ang telepono) Pasensya na po maam. Laking bundok po kasi ako. Keypad lang
po ang alam kong gamitin. Wala pong ganito sa amin.
Amo: Anong sasabihin mot tumawag ka?
Rosa: Maam, eh, iba na lang po ang ipaluto nyo!
Amo: Bakit?
Rosa: Kasi po yung dog na pinapaluto nyo, nakagat ako kanina!
Amo: Paano ka kakagatin nun eh nasa ref yun?
Rosa: Wala po sa ref. Nandun po sa bakuran ng kapitbahay natin kanina, huhulihin ko sana para
makatay ko nat maluto.
Amo: Juskupo, Rosa! Hotdog! Hindi dog! Buti na lang may anti-rabies vaccine na yang si Floydie.
Gamutin mo na yan tapos bumili ka na lang ng tilapya dun sa palengke. Yun na lang ang prituhin mo.
Siguraduhin mong presko ah.
Rosa: Sige po maam. (ibaba ang telepono) Hotdog at dog? Parehas lang naman yun ah. Iinit yung aso
kapag luto na. Hayy naku! Ang hirap magkaroon ng among mahina ang utak! Makapunta na nga sa
palengke. (hihipan lang saglit ang kagat ng aso at pupunasan ito, pagkatapos ay lalakad na)

2nd Scene (sa Palengke)


(Madadaanan ni Rosa ang baliwng si Sisa, maririnig ng baliw ang music na pinapatugtog ni Rosa sa
cellphone nito. Imbes na malungkot si Sisa, sasayaw ito nang bonggang bongga habang
nagmamaktol.)
Rosa: Bakit parang hindi ka yata masaya, ale?
Sisa: (sasayaw habang nagsasalita) Kase, sasakupin na daw ng aliens ang bansa natin kapag nanalo si
Mar Roxas!
Rosa: (magtataka) Aliens? Ano yun?
Sisa: Ayy, wala.. (titigil sa pagsayaw, magbo-bobo sign sa manonood, magpapatuloy sa pagsayaw)
Kapag nanalo naman daw si Binay, papalitan na ang pambansang pagkain!
Rosa: Ano? Papalitan nila ang balot?
Sisa: Oo! (sasayaw pa rin)
Rosa: Ng ano?
Sisa: Uling! Uling na daw ang pambansang pagkain kapag nanalo si Binay. Kase, yun ang sikreto niya
kaya seductive ang skin nya at ng kanyang pamilya.
Rosa: Hayy naku! Wala akong maintindihan sa sinasabi mo! Maiwan na nga kita jan!
(Aalis si Rosa at mapupunta sa mga nagkukumpulang tao)
Pabebe Girls: Magaling po kaming umarte, direk! Pero kung ibang timpla ang gusto nyo, bahala kayo!
Aalis na kami at wala na talagang makakapigil sa min!
Guy Director: Tama na.. Tama na yan (pabebe)
Pabebe Girls: Wala na talagang makakapigil sa min!
Girl Director: Manahimik kayo! NEXT!!!
(maiipit si Rosa sa kumpol ng mga tao at eksaktong pagsigaw ang direktor ng NEXT!!!! ay malalagay
siya sa gitna)
Girl Direktor: Bakit mo gustong mag-artista?
Rosa: Ha?
Girl Direktor: (maiinis kaya bubulyawan si Rosa) Bingi ka ba?
Guy Direktor: Tama na yan. Kung gusto mong makakuha ng artista, magpakabait ka (pabebe
voice)
Girl Direktor: Hayy. O sige, hija. Ipakita mo sa min ang kung pano ka umakto pag naging artista ka
na. Narito ang script. Basahin mo. (ibibigay ang script kay Rosa at ituturo rito ang babasahin nito)
Rosa: (Babasahin ang script without feelings) Inay, patawad po Inay. Hindi ko po sinasadya. Patawarin
nyo po ako Inay. Iiyak at luluhod sa kanyang Inay. Sasampalin siya ng
Guy Direktor: Tama na yan..
Girl Director: Hindi ganyan! Wag mong isali yung nasa loob ng parenthesis!
Rosa: Pa-rent? Hindi ko po isasali yung Inay?
Girl Direk: Hindi yan!! Ang ibig kong sabihin, wag mo itong isasali! (ituturo ang parteng hindi isasali ni
Rosa)
Rosa: (tatango at babasa ulit without feelings) Inay, patawad po Inay. Hindi ko po sinasadya. Patawarin
nyo po
Guy Direk: Tama na yan..

Girl Direk: Dapat yung may feelings ang bawat linya!


Rosa: Inay, patawad po Inay, peelings! Hindi ko po sinasadya, Inay, peelings! Patawarin nyo po ako,
Inay, peelings!
Guy Direk: Tama na yan
Girl Direk: (bwisit na bwisit na) Hay naku!! Ikaw na! Pasok ka na!! At ayun ang leading man mo!
(ituturo ang leading man)
(Mala-love at first sight si Rosa sa kagwapuhan ng kanyang leading man. Lalapit ang leading man sa
kanila at matutulala si Rosa dahil may diperensya pala ang leading man nya)
Rosa: NYE!!!!!

WAKAS

Vous aimerez peut-être aussi