Vous êtes sur la page 1sur 23

Aralin 1 Pakikinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

I Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental


para sa pamilya at sa pamayanan
II Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental para sa Pamilya at sa
Pamayanan
Sanggunian:

K-12 EPP4AG-Oa2 (1.2)

Kagamitan:tambiolo (kahon na may binilot na papel na may nakasulat ng mga


paksa)
III- Pamamaraan
A. PAGGANYAK (WORD RELAY )
Ihanda ang mga salita gaya ng pagkakakitaan, nagpapaganda ng kapaligiran,
nagbibigay ng lilim at sariwang hangin, at sumusugpo ng polusyon. Isulat ang
bawat isang salita sa papel na ilalagay sa tambiolo. Tumawag ng bata at pabunutin
sa tambiolo. Bibigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral ang nabunot na paksa.
Maaring hindi lahat ng bata ay makapagbibigay ng wastong sagot ngunit maari
itong tanggapin.
B. PAGLALAHAD
Ipabalik ang mga binilot na papel sa tambiolo. Pangkatin ang mga mag-aaral at
pabubunutin sa tambiolo ang lider. Bigyan ng 15 minuto ang bawat pangkat
upang mapag-usapan ang paksa at ipabahagi ito sa buong klase.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipaliwanag ang mga kapakinabangan na makukuha sa pag- tatanim ng mga
halamang ornamental ayon sa ibinahagi ng mga mag-aaral.
D. PAGSASANIB
Pagiging responsable (Responsible). Ang mga halaman ay bahagi ng ating
kalikasang kaloob ng Maykapal. Dapat natin itong alagaan, pahalagahan, at
pagyamanin.
E. PAGLALAHAT
Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay isang kawili-wili at
nakalilibang na gawain.
Maraming kapakinabangan ang nakukuha rito na makakatulong sa pamilya at
pamayanan.
IV.

PAGTATAYA:

Ipasagot kung Tama o Mali ang sumusunod na tanong:


1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay
ng malinis na hangin.

2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa pamilya at


ibang tao sa pamayanan.
3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na halamang ornamental.
4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang pagtatanim ng mga
halamang ornamental.
V

TAKDANG GAWAIN:

Pagawain ang mga bata ng album ayon sa kapakinabangan na makukuha ng


pamilya at pamayanan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental.

EPP

Aralin 2: Pagsasagawa ng Survey Gamit ang Teknolohiya


I Nakagagamit ng teknolohiyang internet sa pagsasagawa ng survey at iba pang
pananaliksik upang matutuhan ang makabagong pamamaraan ng pagpapatubo ng
halamang ornamental
II - Pagsasagawa ng Survey Gamit ang Makabagong Pamamaraan sa Pagpapatubo
ng Halamang Ornamental
Sanggunian: K-12 EPP4AGOb-3
Kagamitan:
manila paper, pentel pen, kuwaderno, lapis
III.
PAMAMARAAN:
A.

PAGHAWAN NG BALAKID

B.

1. teknolohiya
2. internet
PAGGANYAK

3.
4.

pananaliksik
survey

Magsa-survey ang bawat pangkat sa pamayanan tungkol sa ibat ibang uri ng


halamang ornamental at mga paraan ng pagpapatubo nito. Itanong sa mga magaaral ang:

Anong paraan ang gagamitin ninyo upang mapadali ang gagawing pagsasurvey?

Bigyang kahulugan ang mga salitang teknolohiya, internet,


pananaliksik, at survey.
C.
PAGLALAHAD
Maghahanda ang guro ng isa-survey ng bawat pangkat upang maging
matagumpay ang pananaliksik gamit ang internet.
Pangalan ng Uri ng
Halamang
Halamang
Ornamental Ornamental
Fortune Plant
Marigold
Espada
Zinnia
Adelfa
Sunfower
Ilang-ilang
Gumamela
Bougainvillea
D. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Lugar kung
Saan Dapat
Itanim

Paraan ng
Pagtatanim / Pagaalaga

Idikit sa pisara ang mga nagawang survey ng bawat pangkat at talakayin ang mga
ito. Isa-isahin ang makabagong pamamaraan ng pagpapatubo/pagtatanim ng mga
halaman/punong ornamental.
E. PAGSASANIB
ICT web surfing
F. PAGLALAHAT
Dapat natin tandaan na napakaraming halamang ornamental na maaring
patubuin, ngunit dapat na isaalang-alang ang tamang paraan ng pagtatanim ng
mga ito.
Upang maging madali at mabilis ang pagsa-survey ng kahit na anong
halamang ornamental, gamitin ang computer upang makatulong sa
pagsasakatuparan sa mga ito. Maaring mas makikilala ang mga halaman kung
makikita ito sa internet.
IV.

PAGTATAYA:

Magpasulat sa bawat kasapi ng pangkat ng isang maikling sanaysay tungkol


sa isinagawang pagsa-survey.
V.

TAKDANG- ARALIN:

Pahanapin ang mga mag-aaral sa pamilihan ng mga halamang ornamental na may


mura pa ang sanga at may matigas na sanga. Alagaan ang mga ito at subukang
gamitan ng materyal sa pagtatanim. Ipasulat ang resulta kung ito ay tumubo o
hindi makalipas ang ilang araw. Ipabahagi sa klase ang naging resulta.

EPP

Aralin 3: Pagtukoy ng mga Halamang Ornamental Ayon sa


Pangangailangan
I Nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang mga halamang ornamental ayon sa
ikagaganda ng tahanan, gusto ng mamimili, panahon, pangangailangan, at kita ng mga
nagtatanim
II- Pagtukoy ng mga Halamang Ornamental Ayon sa Ikagaganda ng Tahanan, Gusto ng
Mamimili,
Panahon, Pangangailangan, at Kita ng mga Nagtatanim
Sanggunian:
K-12 EPP4AG-Oc-4
Kagamitan:
kuwaderno, ballpen, manila paper, pentel pen
III.PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Itanong sa mga mag-aaral kung nagkaroon na sila ng pagkakataong makapasyal sa mga
lugar na kung saan may mga nagtitinda ng mga halamang ornamental. Itanong din kung
nagkaroon na ba sila ng karanasan na magtanim, mag-alaga, o magtinda ng mga
halamang katulad nito.
B. PAGLALAHAD
Pumili ng mga bagong lider ng pangkat at bigyan sila ng pagkakataong pumili ng kanikanilang kasapi. Gabayan ang mga mag- aaral ng bumuo ng mga katanungan sa gagawing
pagsa-survey sa pamayanan. Ipasagawa ang pagsa-survey pagkatapos ng klase.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ang mga halamang ornamental ay itinatanim upang magkadagdag kagandahan sa tahanan,
paaralan, hotel, restaurant, at parke. Nagbibigay ganda ang mga ito lalong lalo na kung
malulusog, malalago, makulay, at maayos ang pagkakalagay.

Iba-iba rin ang katangian ng mga halamang ornamental. May namumulaklak, hindi
namumulaklak, malalaki, malalapad ang dahon, at mayroong mababa lamang. Ang
iba ay mabilis tumubo, may mabagal, may nabubuhay sa tubig, at sa lupa. Ang
mga bagay na ito ay dapat nating isaalang-alang kung magtatanim o mag-aalaga
ng halamang ornamental.
D. PAGSASANIB
Communication skills/maayos na pakikipagtalastasan. Paalalahanan ang mga magaaral ng mga panuntunan ng maayos na pakikipag-usap at pagtatanong sa mga
tao ng napiling pamayanan.
IV.
PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Ano ang ginamit ninyong pamamaraan ng pagkuha ng mga kaalaman?
2. Anong pamamaraan ang isinasagawa sa gawaing survey?
V.
TAKDANG - ARALIN
Pasulatin ang mga mag-aaral ng isang journal tungkol sa kanilang karanasan sa
pagsasagawa ng survey sa tindahan ng mga halamang ornamental.

Petsa:

EPP

________________________________

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 4: Intercropping ng Halamang Ornamental sa Halamang


Gulay
I Makagagawa ng survey upang matukoy ang pagbabago sa kalakaran ng pagpapatubo
ng halamang gulay na kasama sa halamang ornamental
II. Intercropping ng Halamang Ornamental sa Halamang Gulay
Sanggunian: K-12EPP4AG-Oc-4, Internet (edible landscaping),Google
Kagamitan: larawan, tsart, computer unit
III.PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Magpakita ng larawan ng isang lugar na may tanim na halamang ornamental na may
kasamang halamang gulay. Itanong ang sumusunod: Ano ang napapansin sa larawan?
Maaari bang ipagsama sa isang lugar ng taniman ang mga halamang ornamental at
gulay?
(Mungkahi: Gumamit ng computer unit sa silid-aralan o tignan ang mga larawan ng
vegetable landscape sa ICT class.)

B. PAGLALAHAD
Muling ipagawa sa mga pangkat ng mga mag-aaral ang pagsa- survey. Patunguhin sila sa
lugar na mayroong mga tanim na halamang ornamental. Sabihin sa kanila na masusing
magmasid at magtanong kung maaaring isama ang mga halamang gulay sa pag-aalaga ng
mga halamang pampalamuti.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Talakayin sa klase ang mga nakalap na kaalaman ng bawat pangkat. Kunin ang may
pinakamalapit na tugon sa pagtukoy ng pagbabago sa kalakaran sa pagtatanim ng mga
halamang gulay na kasama ang mga halamang ornamental.

D. PAGSASANIB
Pagkamapamaraan / Pagkamalikhain, ICT thru internet Google
E. PAGLALAHAT
Ang bagong kalakaran sa pagpapatubo ng mga halamang gulay na kasama sa mga
ornamental ay isang kaaya-ayang gawain. Maraming pakinabang ang nagagawa nito.
Nakapagpapaganda ito ng kapaligiran at nakapagbibigay ng pagkain dahil sa ibinubunga
nitong sariwang gulay. Mga herbs ang karaniwang itinatanim dahil sa taglay nitong
magagandang hugis at kulay ng dahon, hindi ito gaanong tumataas, at maaari itong itanin
kahit sa bakuran lamang ng tahanan. Payak at madaling maiayos ang edible landscape.
Dahil dito mas madali tayong makakukuha ng dagdag na gamit sa pagluluto.
IV. PAGTATAYA:
Pabuuin ang mga bata ng salita sa bawat kahon. Papiliin ng sagot sa sumusunod: cosmos,
sunflower, fortune plant, palmera, at kamatis.

1.

2.

3.

B. PANGWAKAS NA PAGTATASA:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang nasa ibaba:
Isulat sa puwang kung anong uri ng halaman ang sumusunod.Ipasulat kung gulay o
ornamental.
1. Kamatis
2. Pechay
3. Gumamela
4. Santan
5. Talong
V. TAKDANG GAWAIN
Magdala sa paaralan ng mga punla ng damo, portulaca, dahon ng murang sibuyas, at
kintsay

Petsa:

________________________________

EPP

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 5: Pagtukoy sa Disenyo o Plano ng Pagtatanim ng


Pinagsamang Halamang Ornamental at iba pang Halamang Angkop
Dito.
I Nagkagagawa ng survey upang matukoy ang disenyo o plano ng pagtatanim ng
pinagsamang halamang ornamental at iba pang mga halamang angkop dito
II- Pagtukoy sa Disenyo o Plano ng Pagtatanim ng Pinagsamang Halamang Ornamental at
Iba Pang mga Halamang Angkop Dito.
Sanggunian:
K-12 EPP4AG-Oc-4
Kagamitan:

kuwaderno, ballpen, kartolina, lapis, pentel pen, crayola/watercolor

III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Magpakita ng dalawang larawan ng halamanan na naka- landscape na naiplano na at hindi
pa. Mayroong mga tanim na mga halamang ornamental kasama ang ibang halaman gaya
ng halaman/ punong gulay o halaman/punong prutas sa nakaplano. Hayaan naman kalat
ang mga tanim sa hindi nakaplano.
Itanong sa mga mag-aaral. Bakit mahalaga ang pagpaplano sa pagtatanim ng mga
halamang ornamental na may kasamang ibang halaman o puno gaya ng halaman/punong
gulay at halaman/punong prutas?
B. PAGLALAHAD
Magsagawa ng survey o pagtatanong sa mga eksperto upang
malaman kung paano nakagagawa ng disenyo ng pagtataniman sa pinagsamang halamang
ornamental at iba pang halamang angkop sa edible landscaping.
Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang survey questions o katanungan para sa gawain.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Pangkatang Gawain
Mag-uulat ang bawat pangkat tungkol sa pagpaplano ng disenyo sa gagawing
landscaping sa taniman. Sa pangangalap ng mga kaalaman, ang mga mag-aaral ay
makabubuo ng maayos na disenyo ng taniman sa pamamagitan ng pagguhit o krokis ng
mga pinagsamang halamang ornamental at iba pang halamang angkop dito. Ipagawa sa
mga mag-aaral ang pagguhit ng simpleng landscape gardening sa isang malinis na papel.
D. PAGSASANIB
* Artwork
* Pagkakaisa

E. PAGLALAHAT
Kapag napag-aralan na ang mga pisikal na kaanyuan ng lugar ng isasagawang landscaping
sa tahanan, alamin kung alin sa mga nakatanim na halaman o puno ang dapat alisin.
Mayroong maaring paiksiin o pananatilihin sa lugar ng pinagtaniman. Alamin din ang
kalagayan ng kapaligiran, kung saang lugar sa pagtataniman ang may malakas na ihip ng
hangin. Kung sa panahon ng tag-bagyo, alamin din ang lugar na may matinding sikat ng
araw, ang padaluyan ng tubig-baha, at ano pa mang mga salik na maaaring makaapekto sa
wastong pagtubo ng halamang aalagaan.
IV. PAGTATAYA:
Bibigyan ng iskor ang natapos na guhit ng simpleng landscaping na ginawa ng bawat
pangkat ayon sa pamantayan.
Kriterya
Iskor
Nilalaman ng paksa/guhit
Pagkakaisa
Balance and Harmony (uri ng halaman,
hugis at kulay ng mga dahon)

40%
35%
25%
100%

V. TAKDANG - ARALIN
Humanap ng larawan ng mga halamang ornamental at iba pang mga halaman gaya ng
punong gulay at punong prutas na angkop dito. Iguhit sa isang ikawalang bahagi ng
illustration board ang pagsasagawa ng mga ornamental, herbal, at tree landscaping.
Sundin ang maaayos ng pagsasama ng mga halaman upang magandang tingnan. Kulayan
at idikit sa dingding ng silid-aralan.

Petsa:

EPP

________________________________

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 6: Pagtukoy sa Paraan ng Pagtatanim at Pagpapatubo ng


Halamang Ornamental
I Nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang wastong paraan ng pagtatanim at
pagpapatubo ng mga halamang ornamental
II- Pagtukoy sa Paraan ng Pagtatanim at Pagpapatubo ng mga Halamang Ornamental
Sanggunian:
K-12 EPP4AG Oc-4 (1.4.5)
Kagamitan:
larawan at tsart
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Dalhin ang mga mag-aaral sa narseri ng mga halamang ornamental sa paaralan. Maaari
din na pumunta sa pinakamalapit na narseri ng mga halaman sa pamayanan.
Sabihan sa mga mag-aaral na maaaring itala o isulat nila ang mga napagmasdan sa lugar,
ang mga nakitang paraan ng pagtatanim, mga lagayan ng mga tanim, at iba pa. Gawin
itong paksang pag- uusapan bago maglahad.

B. PAGLALAHAD
Bago mag-umpisa ang klase sa agrikultura atasan ang mga mag- aaral na mag-survey.
Magtatanong ang mga ito sa nagtatanim ng mga halaman o sa nagla-landscape ng tungkol
sa wastong paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental, gulay, at prutas.
Ipatanong sa kanila kung papaano ang pagpapasibol, pag-aalaga, at iba pang ginagawa
sa mga tanim. Ipalahad ito sa klase.
Ipaliwanag ang pagpapasibol ng mga butong pantanim sa dalawang paraan, ang di-tuwiran
at tuwirang pagtatanim. Ipaliwanag din ang paggamit ng mga sanga sa pagtatanim at ang
paraan ng pagpapasibol sa pamamagitan ng buto at sanga.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Kalimitan nagmumula sa buto at sanga ang mga halamang ornamental. Dapat bigyangpansin ang pagpapatubo ng mga ito dahil dito magmumula ang ikagaganda ng tanim.
Tiyaking walang ligaw na mga halaman gaya ng damo ang tutubo sa kamang taniman.
Kapag malaki-laki na ang mga punla, bungkalin nang marahan ang paligid upang
makahinga ang mga ugat nito at lumaki kaagad.
D. PAGSASANIB
Pagkamapamaraan
E. PAGLALAHAT
Isaalang-alang palagi ang paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental. Kung sa
kahong punlaan pinasibol ang mga punla, siguraduhing maarawan ang mga ito, upang
maging maganda ang pagsibol ng mga tanim. Kapag sa sanga pinasibol, ang mga bagong
punla ay maaring takpan ng plastic cover o dalhin sa loob ng narseri upang hindi
masikatan ng matinding sikat ng araw na siya nitong ikamamatay. Pagkalipas ng ilang
araw, unti-unti itong inilalantad sa araw.
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aarala ang sumusunod:
Isulat sa puwang ang titik TP kung ang sagot ay tuwirang pag- tatanim at DTP kung ang
sagot ay di-tuwirang pagtatanim.
1. Gumamela
3. Zinnia
5. Sampaguita
2. Cosmos

4. Sunflower

V. TAKDANG - ARALIN
Ang bawat pangkat ay gagawa ng kahong punlaan na may sukat na30 sm x 45 sm x 7.5
sm. Dalhin ito sa klase

Petsa:

EPP

________________________________

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 7: Paggawa ng Disenyo ng Pagtatanim ng mga Halamang


Ornamental
I.Nakagagawa ng disenyo ng halamang ornamental sa tulong ng basic sketching at
teknolohiya
II.Paggawa ng Disenyo ng Halamang Ornamental sa Tulong ng Basic Sketching at
Teknolohiya
Sanggunian:
K-12 EPP4AG-Oc5 (1.5)
Kagamitan:
computer, typewriting paper, lapis, manila paper,illustration board,
pentel pen, crayola
III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Ipakita ang mga larawan ng mga disenyo ng halamang ornamental. Gabayan at ipaliwanag
sa mga mag-aaral kung ano-ano ito.
B. PAGLALAHAD
Ipaliwanag ang ibat ibang disenyo ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa
tahanan at pamayanan. Magbigay ng mga ideya upang ang mga mag-aaral ay makapagoutline ng tanawin sa pagpapaganda ng tahanan at pamayanan.
Ipaliwanag na mahalaga ang outline sa padidisenyo ng pagtatanim ng mga halamang
nabanggit. Dito makikita ang ideya kung ano ang maaring itanim sa tahanan at
pamayanan. Gamit ang computer, mag-sketch ng outline ng landscaping sa pagtatanim
ng
mga halamang ornamental.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipangkat at gabayan ang mga mag-aaral. Pag-uusapan ang gagawing outline ng disenyo
para sa mga itatanim.
D. PAGSASANIB
* Pagkamalikhain at pagkamatiyaga *Industrial Arts: Basic sketching
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
Sa naisagawang outline o disenyo sa manila paper o illustration board, ipapa-rate muna
ang natapos na gawain sa ibang pangkat at mag- papalitan silang mag-rate ng kanikanilang gawain ayon sa pamantayan.
Pamantayan

Bahagdan

1. Nilalaman

- 45%

2. Kaanyuan

- 20%

3. Balance and Harmony

- 35%
100%

V. TAKDANG ARALIN
Mahalaga sa gawain ang paghahanda ng outline para sa gagawing pagdidisenyo ng
landscaping ng mga halamang ornamental lalo na kung ito ay naka-sketch gamit ang
computer dahil nagiging maliwanag ang ideya ng pagtatanim para sa tahanan o
pamayanan. Iayon ang pag-aayos sa katangian ng bawat uri ng halaman o punong
ornamental.

Petsa:

EPP

________________________________

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 8: Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental


I Naipakikita ang wastong pamamaraan sa pagpili ng itatanim na halamang ornamental
II. Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental
Sanggunian:

K-12 EPP4AG-Od-6

Kagamitan: larawan, tsart, typewriting paper, masking tape, gunting


III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Pag-isipin ang mga mag-aaral. Magla-landscape gardening ang isang mag-anak ngunit
hindi nila maisip kung anong halaman/punong ornamental ang itatanim, paano mo sila
tutulungan upang makapili ng tamang halaman.
B. PAGLALAHAD
Pangkatin ang mag-aaral sa apat. Mahanda ng mga larawan sa pisara, papiliin ang mga
mag-aaral ng halaman/punong itatanim. Ipasulat ito sa papel at ipadikit ito sa kahon na
nasa pisara.

Sa pagsusuri sa mga napiling halaman/punong ornamental, ipaliliwanag ng bawat pangkat


ang kanilang gawain. Sa pagkakataon pareho ang kanilang napili, hayaan lang, at hingin
ang kanilang opinyon na kung bakit iyon ang napili nila at hindi iyong iba.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Balikan ang nagawang talaan ng mga halaman/punong ornamental. Kumuha ng
typewriting paper at gumawa ng dalawang hanay, piliin kung anong halaman/punong
ornamental ang maaaring ipagsama ayon sa naipaliwanag na pagsasagawa sa pagtatanim.
D. PAGSASANIB
Pagtutulungan at pagkamapanuri

E. PAGLALAHAT
Sa pagpili ng mga halaman/punong ornamental na itatanim para sa paggawa ng landscape
gardening, dapat isaalang-alang ang lahat ng mga bagay na makakatulong sa ikauunlad ng
gagawing proyekto. Maging mapanuri sa lahat ng mga bagay na dapat gawin nang sa
gayon ang kalalabasan nito ay tiyak na magiging maganda at kaakit-akit sa paningin.
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral.
Itugma ang halamang ornamental na naaayon sa mga salita sa hanay A at B. Isulat
ang titik sa puwang.
A
1. Pine tree
2. Orchids
3. Rosas
4. San Francisco
___5. Waterlilly

B
a. mahirap buhayin
b. di namumulaklak
c. halamang puno
d. nabubuhay sa tubig
e. namumulaklak f. gumagapang

V. TAKDANG ARALIN
Magtala ng tig-limang halamang ornamental na maaaring itanim na may kasamang ibang
halaman.

Petsa:

EPP

________________________________

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 9: Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Taniman ng


Halamang Ornamental
I-Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman
II- . Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Taniman ng Halamang Ornamental
Sanggunian: K-12 EPP4AG-Od-6 (1.6.2 )
Kagamitan: larawan ng mga kasangkapang panghalaman, rubrik
III PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Tanungin ang mga mag-aaral. Sino sa inyo ang may mga halaman at punong ornamental
sa bakuran ng inyong bahay? Matagal na ba itong nakatanim? Naisip ba ninyo itong
baguhin upang makabuo ng panibagong simpleng landscape gardening?
B. PAGLALAHAD
Ano ang dapat mong gawin kapag ang uri ng lupa sa pagtataniman ay tuyo, matigas, at
bitak-bitak, kung ito ay malagkit at sobrang basa? Ano-anong kasangkapan ang gagamitin
upang maayos ang lugar na pagtataniman?
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Naayos na ang lupang tataniman, ano ang maaring magandang gawin upang maging
maayos ito bago taniman? Kapag malawak naman ang lugar, anong mga palamuti ang
nababagay na isama sa mga tanim na halaman o punong ornamental upang maging
kaakit-akit ito tingnan? Kung hindi naman gaanong kalakihan ang lugar, maaari bang
lagyan ng mga palamuti ito?
D. PAGSASANIB
Pagkamasipag at matiyaga
E. PAGLALAHAT
Sa paghahanda ng taniman para sa mga halamang ornamental, maganda ang disenyo
kapag may nakaangat na lupa at may ibat ibang hugis ng bato sa panabi ng taniman. Sa
malalawak na lugar, maaaring maglagay ng pergola, fish pond, garden set, at grotto, at sa
di gaanong malalawak, simpleng kaayusan lamang ang nararapat.

IV. PAGTATAYA:
Performance Test
Lalabas ng silid-aralan at isasagawa ang paghahanda ng lupa. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng lugar kung saan magtatanim ng mga halamang ornamental.
Pamantayan

Oo

Hindi

Di-Gaano

1. Gumamit ba ng angkop na
kasangkapan sa paghahanda ng lupang
taniman?
2. Naisagawa ba nang maayos ang
paghahanda ng taniman?
3. Napanatili ba ang kalinisan ng
kapaligiran at ng sarili?
V. TAKDANG - ARALIN
Maghanda ng mga halaman/punong ornamental na gagamiting pantanim upang
makagawa ng isang simpleng landscaping sa paaralan.

Vous aimerez peut-être aussi