Vous êtes sur la page 1sur 23

Ano ang Asia-Pacific Economic Cooperation

at bakit ito itinatag?


Itinatag ang Asia-Pacific Economic Cooperation, o APEC, noong 1989.
Nagsimula ito bilang isang impormal na pangkat kung saan nagdidiyalogo sa
ministeryal na nibel ang 12 miyembro nito: Australia, Brunei Darussalam,
Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand, Pilipinas,
Singapore, Thailand, Canada, at United States.
Nag-umpisa ito bilang taunang pagpupulong ng mga ministrong
pangkalakalan ng mga bansang nabanggit sa itaas tungkol sa pagpapanatili
ng momentum ng pagbubukas ng merkado at kooperasyong pangekonomiya na mahalaga sa pagkamit ng kaunlaran at kasaganahan sa AsyaPasipiko.
Ang APEC ay naitatag sa pagnanasang magkaroon ng mga forum na
magbibigay-daan para mapabuti ang ekonomiya ng mga bansang kasapi
dito. Nangangahulugan ito ng pagpapabilis ng kaunlaran, pagsulong ng
kooperasyon sa pagitan ng mga miyembro nito, liberaisasyon ng kalakalan at
pagbibigay ng pagkakataon na makapamuhunan sa komundan ng AsyaPasipiko.

Sinu-sino ang mga bansang miyembro ng APEC? At


ibigay ang pangalan ng kasalukuyang pinuno ng
nasabing mga bansa na dumalo sa summit?
Sa kasalukuyan, binubuo ang APEC ng 21 miyembrong
ekonomiyana may iba-ibang kakayahang pang-ekonomiya.
Kabilang sa mga ito ang developed at developing countries
mga bansang mauunlad at papaunlad pa lamang. Ang 21
miyembrong ekonomiyaay ang Australia, Brunei Darussalam,
Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand,
Pilipinas, Singapore, Thailand, Canada, United States, Chinese
Taipei, Peoples Republic of China, Hong Kong, Mexico, Papua
New Guinea, Chile, Peru, Russia, at Viet Nam.
Member economies ang tinatawag sa mga kasapi ng APEC
sapagkat ang pangunahing layunin ng organisasyon ay tungkol
sa mga isyung pangkalakalan at ekonomiya.

Mga dumalong pinuno ng mga member economies

AUSTRALIA

MALCOLM TURNBULL

BRUNEI DARUSSALAM

SULTAN HASSANAL BOLKIAH

CANADA

PRIME MINISTER JUSTIN TRUDEAU

CHILE

PRESIDENT MICHELLE BACHELET

CHINA

PRESIDENT XI JIN PING

HINGKONG

CHIEF EXECUTIVE CY LEUNG

INDONESIA

TRADE MINISTER THOMAS


TRIKASIH LEMBONG, VICE
PRESIDENT JUSUF KALLA,
REPRESENTATIVES OF PRESIDENT
JOKO WIDODO

JAPAN

PRIME MINISTER SHINZO ABE

SOUTH KOREA

PRESIDENT PARK GEUN-HYE

MALAYSIA

PRIME MINISTER NAJIB RAZAK

MEXICO

PRESIDENT ENRIQUE PENA NIETO

NEW ZEALAND

PRIME MINISTER JOHN KEY

PAPUA NEW GUINEA

PRIME MINISTER PETER ONEILL

PERU

PRESIDENT OLLANTA HUMALA

PHILIPPINES

PRESIDENT BENIGNO AQUINO III

RUSSIA

PRIME MINISTER DMITRY


MEDVEDEV, REPRESENTATIVE OF
PRESIDENT VLADIMIR PUTIN

SINGAPORE

PRIME MINISTER LEE HSIEN LOONG

CHINESE TAIPEI

VINCENT SIEW, SPECIAL


REPRESENTATIVE OF PRESIDENT
MA YING-JEOU

THAILAND

PRIME MINSTER PRAYUTH CHANOCHA

UNITED STATES OF AMERICA

PRESIDENT BARACK OBAMA

VIETNAM

PRESIDENT TRUONG TAN SANG

Ano ang nais makamit ng APEC?


Pangunahing layunin ng APEC na mabigyan ng mga
paraan ang mga kasapi nito para magkaroon ng
pangmatagalang kaunlaran at kasaganahang pangekonomiya. ANg layuning ito ay naipakita sa Bogor
Goals of 1994 na nagsususlong ng Malaya at bukas na
kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon. Nakikinita ng
APEC na makakamit ito sa taong 2010 para sa
developed economies at taong 2020 naman para sa
developing economies.

. Paano isinasakatuparan ng APEC ang mga layunin?


Para makamit ang Bogor Goals ng malaya at bukas na kalakalan at pamumuhunan,
bumuo ang mga ekonomiya na kasapi ng istratehiyang magagamit para makamit
ito.
Ang mga pangkalahatang prinsipyo sa pagpapaganda ng proseso ng liberalisasyon
at pasilitasyon ng APEC ang sumusunod:
Comprehensiveness sa pagtugon sa lahat ng balakid sa pangmatagalang mithiin ng
bukas at malayang kalakalan.
WTO-consistencyo pagiging konsistent ng mga prinsipyo nito sa mga adhikaing isinusulong ng
WTO.
Comparatibilityo pagkakahawig ng member economies pagdating sa liberalisasyon at
pasilitasyon. Hanggat maaari, hindi dapat magkalayo ang antas ng developing economies sa isat
isa; gayundin ang develop economies kumpara sa isat isa.
Non-discriminationo walang kinikilingan sa pagbabawas ng mga hadlang sa kalakalan, na
ipatutupad para sa lahat ng ekonomiyang APEC at di-APEC.
Transparencyo pagiging bukas at tapat ng mga batas, regulasyon, at administratibong
pamamaraan ng lahat ng APEC member economies.
Standstillo hindi paggawa ng mga hakbang na maaaring magpataas ng proteksiyonismo.
Simulataneous start, continuous process and differentiated timetables o sabay-sabay na
pagsisimula, patuloy na proseso at magkakaibang talaorasan sa pagsasagawa ng liberalisasyon,
pasilitasyon, at kooperasyon tungo sa pagkamit ng Bogor Goals.
Flexibilityo kakayahang makiangkop sa sitwasyon, sa pagpapatupad ng mga proseso ng
liberalisasyon at pasilitasyon.
Cooperationo aktibong pinagsusumikapan ang kooperasyong pang-ekonomiya at
panteknolohiya.

Iniuulat ng APEC member economies ang kanilang progreso sa


pagkamit ng Bogor Goals sa pamamagitan ng pagpapasa ng
Individual Action Plans (IAPs) at Collective Action Plans (CAPs).
Regular na isinusumite ang mga ulat na ito sa APEC Secretariat.
INDIVIDUAL ACTION PLANS
Ang Individual Action Plan (IAP) ay ang pangunahing mekanismo
sa pagpapatupad ng agendang liberalisasyon at pasilitasyon ng
kalakalan at pamumuhunan. Sa simpleng salita, ang IAP ay isang
talaan ng mga isinasagawang aksiyon upang makamit ang
layuning malaya at bukas na kalakalan at pamumuhunan.
Isinusulong ng IAP ang transparency o katapatan sa pag-uulat ng
APEC member economies ng kani-kanilang indibidwal na progreso
sa pagsasakatuparan ng pangakong liberalisasyon sa
pamumuhunan.

Nakabatay ang pag-uulat ng IAP sa sumusunod na mga bagay :

Tariff, o taripa

Intellectual property, o
pagmamay-aring
intelektuwal

Non-tariff measures, o mga


batas laban sa malayang
kalakalan bukod sa taripa

Services, o mga serbisyo

Competition policy, o
polisiyang
pangkompetisyon

Government procurement,
o pamimili ng gobyerno

Investment, o
pamumuhunan

Standards and conformance,

o mga pamantayan at
pakikiisa sa mga
pamantayang ito

Customs procedures, o mga


pamamaraan ng Adwana

Deregulation/regulatory
review, o
deregulasyon/pagsusuri ng
mga regulasyon
WTO Obligations (including
rules of origin), o mga
obligasyon ng WTO
Dispute mediation, o
pamamagitan sa mga dipagkakaunawaan

Mobility of business people,


madaling pagkilos ng mga
negosyante
Official websites that gather
economies information,
mga opisyal na website na
tinitipon ang mga
impormasyon tungkol sa
mga ekonomiya
Transparency, o
katapatan/pagiging bukas
at walang itinatago
Regional Trade
Agreements/Free Trade
Agreements (RTAs/FTAs), o
Kasunduan ng Kalakalang
Panrehiyon/Kasunduan ng
Malayang Kalakalan

Ano-ano ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng APEC?


Blang isang multilateral forum, binibigyan ng APEC ang
mga miyembro nito ng pagkakataon para pag-usapan
ang mga isyung nakakaapekto sa kalakalan. Binibigyan
ang mga ito ng isang lugar at panahon para magpalitan
ng mga ideya, opinion at plano tungkol sa pagpapalakas
ng hinaharap na kaunlaran ng rehiyon.
Ang developing countries ay binibigyan ng karagdagang
impormasyon at gabay tungkol sa pagpapahusay ng
pamamaraan, balangkas ng polisiya, at iba pang
sistema tungkol sa isyu.
Gamit ang maraming mga forum, may pagkakataon ang
lahat para matuto ng mga bagong kakayahan.
Parehong may oportunidad ang developed at developing
economies na magbigay ng agenda para sa forum.
Nagsasagawa rin ito ng isang epektibong forum kung
saan nagkokonsulta at binibigyan ang mga kalahok ng
pagkakataon na isulong ang kanilang nagkakaisang
interes at maipalaganap na ang mga interes na ito sa
mga mas malalaking multilateral na forum.

Ano-ano na ang mga napagtagumpayan ng APEC sa kasalukuyan?


Simula nang itinatag ang APEC, naging kapansin-pansin na ang mga
tagumpay nito at naging buhay na buhay ang ekonomiya sa AsyaPasipiko. Noong 2012, binubuo ng member economies ng APEC ang 40
porsiyento ng kabuuang populasyon ng mundo (2.8 bilyong katao). Kung
pagsanibin ang mga ekonomiyang ito, bubuuin nila ang 47 porsiyento ng
pandaigdigang kalakalan (USD 21 trilyon) at 57 porsiyento ng GDP (USD
41 trilyon).7Pinatototohanan ng mga numerong ito ang dinamismo ng
APEC.liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, nakamit na ng APEC
sa kasalukuyan ang sumusunod:
Nang itatag ang APEC noong 1989, 16.9 porsiyento ang average trade
barriers o hadlang sa kalakalan sa rehiyon. Pagdating ng 2010,
napakalaki ng ibinaba ng trade barriers na ito, na umaabot na lamang sa
5.8 porsiyento.
Ang kabuuang intra-APEC na kalakalan ng mga merchandise o paninda
ay lumaki mula $1.7 trilyon noong 1989 hanggang $9.9 trilyon noong
2012. Sa kabilang banda, lumobo rin ang kabuuang kalakal ng APEC
pagdating sa goods and services mula $3.1 trilyon noong 1989 hanggang
$16.8 trilyon noong 2010.
May pirmadong 140 free trade agreements sa kalahatan ang mga
miyembro ng APEC nitong Hunyo 2013, 51 rito ay nilagdaan kasama ng
isa pang miyembro ng APEC. Sa lahat ng nilagdaang free trade
agreements na ito, 134 ang ipinapatupad habang 49 ay nilagdaan kasama
ng isa pang miyembro ng APEC.
Ang Regional Economic Integration agenda, na isang programang tatagal

Sa loob ng ilang dekada, pinalaganap ng APEC ang pasilitasyon ng


kalakalan alinsabay sa globalisasyon ng pandaigdigang ekonomiya.
Layunin ng Trade Facilitation Action Plan (TFAP) ng APEC na
panatilihin ang mga pamamaraang pangkalakalan na simple,
madaling sundin, bukas at walang itinatago upang malayang
mapadaloy ang komersiyo sa pagitan ng mga ekonomiya. Dahil dito,
ipinatutupad ang pag-aalis ng red tape sa mga import at eksport
nang sa gayon ay maging episyente at matipid ang paghahatid ng
mga kalakal. Mula 2002 hanggang 2006, napagtagumpayan ng
APEC ang isang hakbang na binabawasan ang gastos ng
transaksiyon ng mga negosyo sa rehiyon ng 5 porsiyento. Mula
Ilang
mga inisyatibo
ipinatupad
na nakatulong
sa pagpapagaan
2007 hanggang
2010,ang
muling
nabawasan
ng TFAP ang
gastos ng
ng
kalakalan.
ditoNakatipid
ang sumusunod:
dagdag
pang 5Kabilang
porsiyento.
ito ng kabuuang USD 58.7
Ipinakilala
ng member economies ang elektronikong pagpoproseso
bilyon.
ng dokumento.
Sa paggamit ng Single Window Strategic Plan noong 2007,
isinusulong ang paglikha ng single window system o sistemang
pinapayagan ang mga importer at eksporter na isumite sa gobyerno
sa isang transaksiyon lamang ang mga kinakailangang
impormasyon imbis na sa napakaraming ahensiya ng gobyerno.
Madaling makikita ang mga impormasyon tungkol sa taripa at Rules
of Origin ng APEC member economies sa APEC webpage on Tariffs
and ROOs (WebTR). Inilunsad ito noong Nobyembre 2010.

Pinagsusumikapan ng APEC na gawing higit pang kaakitakit ang member economies nito sa mga nahuhumuhan.
Isinusulong ito sa pamamagitan ng Investment Facilitation
Action Plan of 2008.
Ginagabayan ang APEC member economies ng APEC
Privacy Framework sa pagpapatupad ng mga polisiya at
patakaran sa pagpoprotekta sa pribasya ng kanilang mga
impormasyon.
Sa pamamagitan ng APEC Business Travel Card (ABTC),
pinadali ang pagbibiyahe dulot ng pagpapahintulot sa mga
bona fide business traveler na magkaroon ng pre-approved
visa clearance at express lane transit sa paliparan ng mga
kasaping ekonomiya.
Tutugunan ang behind-the-border barriers to trade sa
pamamagitan ng Structural Agenda ng APEC. Tutuon ito sa
mga pandomestikong polisiya at institusyon na nakasasama
sa mga merkado, kasama na ang kapasidad ng mga negosyo
na magkaroon ng mga pagkukumparahan upang mas

ECONOMIC AND TECHNICAL COOPERATION (ECOTECH)


May kabuuang 1600 proyektong idinisenyo para sa pagdaragdag ng
kapasidad ng mga ekonomiya ang sinimulan noong 1993. Taon-taon, mga
100 hanggang 150 proyekto ang pinopondohan ng APEC. Sa katotohanan,
noong 2011 hanggang 2012, 73 proyekto sa kalahatan ang ipinatupad, 32
dito ang nakatuon sa pagsisiguro ng dekalidad na buhay bunsod ng
pangmatagalang kaunlaran, 9 proyekto ang para sa kaunlarang panlahat,
21 sa seguridad pantao, 2 sa repormang pang-estruktura, at 9 sa
integrasyong pang-ekonomiya sa rehiyon o regional economic integration.
Isa sa mga pinakakinikilalang kontribusyon ng ECOTECH ang pagbawas ng
digital divide o kaibhan sa antas ng teknolohiya ng industrialized and
developing countries. Noong 2000, pinangarap ng APEC ang isang rehiyon
kung saan may akses sa internet ang lahat, kung kaya pinunterya nitong
triplehin ang gamit ng internet sa rehiyon. Nakamit ang pangarap na ito at
kinilala ito ng 2008 APEC Ministerial Meeting on the Telecommunications
and Information Industry. Sa kasalukuyan, nagtakda ang APEC ng isa pang
mithiin na magkaloob ng unibersal na akses sa broadband ang buong
rehiyon pagsapit ng 2015, kahit na itinuring itong ambisyosong mithiin ng
mga Telecommunications Ministers sa Okinawa, Japan noong 2010.

Ang isa pang proyektong inaasahang makatulong sa pagpapaliit ng digital


divide ay ang pagtatatag ng isang network ng 46 na APEC Digital
Opportunity Centers (ADOC) na tumatakbo sa 10 member economies sa
kasalukuyan. Gumaganap ang mga center na ito bilang lokal na
information communication technology (ICT) resource center na
nagkakaloob sa mga mamamayan at negosyo sa rehiyon ng akses sa ICT,
edukasyon, at mga pagsasanay.
IBA PANG MGA TAGUMPAY
Pinagtuunan ng APEC ng pansin hindi lamang ang mga usapin hinggil sa
pasilitasyon ng malayang kalakalan at pamumuhunan, bagkus pati ang
iba pang napapanahong prayoridad ng rehiyon. Kabilang na rito ang
paglaban sa terorismo (Ang Shanghai Statement noong 2001 at ang
Counter-Terrorism Task Force), seguridad pantao (Health Working
Group), paghahanda sa mga oras ng kagipitan (Emergency Preparedness
Working Group), climate change, seguridad pang-enerhiya at kaunlarang
makakalikasan (Ang Sydney Declaration noong 2007 at ang APEC List of
Environmental Goods noong 2012), at huli, pandaigdigang krisis
pinansiyal (Ang Vladivostok Statement noong 2012).

Paano kumikilos ang APEC?


Kumikilos ang APEC bilang isang kooperatibo, multilateral na forum
pang-ekonomiya at kalakalan. Ito ang natatanging kinikilalang
international intergovernmental grouping sa mundo na naninindigan
para sa pagbawas ng mga hadlang sa kalakalan at pamumuhunan
nang hindi kinakailangan ipasailalim ang mga miyembro nito sa mga
isinabatas na kasunduan. Boluntaryo ang pakikilahok sa APEC at
hindi sapilitan ang mga desisyon nito.13Isinusulong ng APEC ang
diyalogo at pagpapasiya ayon sa pinagkasunduan ng lahat. Sa gayon,
napananatili ang pagkakapantay-pantay ng member economies nito.
Nagsasagawa ito ng mga aktibidad batay sa bukas na diyalogo at
magkakapantay na respeto sa pananaw ng lahat ng mga kalahok.

Sino ang nagtatakda ng agenda at plano ng


APEC?
Ginagabayan ang mga gawain ng APEC ng Economic Leaders at Ministers
ng member economies na nagpupulong sa kahabaan ng taon upang
tukuyin ang kinabukasan ng kooperasyong pangkalakalan at
pampamumuhunan sa Asya-Pasipiko. Sa APEC Economic Leaders
Meeting na ginaganap sa pagtatapos ng bawat taon, inilalabas ang isang
pahayag na iniisa-isa ang mga prayoridad ng APEC para sa susunod na
taon. Ang mga minister na kumakatawan sa ibat ibang portfolio, Senior
Officials at mga miyembro ng ibat ibang APEC forum ay nagkikita-kita sa
kahabaan ng taon upang maglunsad ng mga bagong inisyatiba, tukuyin
ang pag-usad ng mga umiiral na programa at magpatupad ng mga
direktiba mula sa economic leaders. Isinusulong ng APEC ang
pagkikisangkot ng developing at developed countries, maliit at malaki sa
buong proseso ng pagdedesisyon nito.

Sino ang tagapagdaos ng taunang APEC


Leaders Meeting?
Bawat taon, isa sa 21 APEC Member Economies ang gumaganap na host
o tagapagdaos ng APEC Meetings at nagsisilbing APEC Chair o
tagapangulo nito. Bilang tagapagdaos, ang member economy ang siyang
responsable sa pamumuno sa taunang Economic Leaders Meeting,
piling Ministerial Meetings, Senior Officials Meetings, at ng APEC
Business Advisory Council at APEC Study Centers Consortium.
Nagtatampok ang APEC ng taunang siklo ng pamumuno, kung saan
isang member economy ang gaganap sa tungkulin ng pagiging APEC
Chair nang isang taon. Magwawakas ang siklong ito sa pagdaraos ng
ministerial meeting at ng Leaders Meeting (APEC Summit).
Kritikal ang tungkuling ginagampanan ng APEC Chair sa pagimpluwensiya ng direksiyon ng pag-unlad ng APEC pagdating sa
nilalaman ng kooperasyon at natura ng proseso.16Dagdag pa, tinitiyak
ng paikot-ikot na karakter ng pagkapinuno na sasalaminin ng malawak
na sakop ng agenda ang magkakaibang interes ng mga member
economies nito.

Saan kinukuha ng APEC ang pondo para sa ibat ibang


isinasagawang aktibidad at pagpupulong?
Ang mga aktibidad ng APEC ay pangunahing pinopondohan ng
taunang kontribusyon mula sa APEC member economies, na
umaabot ng US$5 million sa kasalukuyan. Ginagamit ang mga
kontribusyong ito upang pondohan ang isang Secretariat sa
Singapore at samot-saring proyekto na sumusuporta sa mga
layuning pang-ekonomiya at pangkalakalan ng APEC. Nagbibigay
rin ang member economies ng boluntaryong kontribusyon na
sumusuporta sa mga proyektong nagsusulong ng liberalisasyon ng
kalakalan at pamumuhunan ng APEC, at pasilitasyon ng mga
mithiin, pati na ang pagtugon sa mga pangangailangan para sa
paglinang ng kakayahan, lalo na ng APEC developing economies.

Ano-ano ang mga prayoridad ng Pilipinas bilang host


economy ng APEC 2015?
Sa APEC 2015, pagsisikapan ng Pilipinas bilang host economy na
ialinsunod ang mga prayoridad nito sa agenda at mga polisiyang
pang-ekonomiya ng member economies sa Asya-Pasipiko. Ang
mga prayoridad na ito ay ang sumusunod:
Pamumuhunan sa Pagpapaunlad ng Yamang-Tao;
Pangangalaga sa Partisipasyon ng Small and Medium
Enterprises sa Panrehiyon at Pandaigdigang Merkado;
Pagbuo ng Pangmatagalan at Matitibay na mga Komunidad; at
Higit na pagpapahusay ng Regional Economic Integration
Agenda.

TEMA NG APEC
Ang tema ng APEC ay nakapokus sa pagsusulong ng
kaunlarang panlahat ng mga bansang kasapi nito.
Ang kaunlarang panlahat ay nahahati sa tatlong
antas:domestiko, panrehiyon at pangmalawakan.
May mga estratehiyang binuo para sa domestikong
kaunlaran gaya ng pagbibigay ng dagdag na trabaho sa mga
mamamayan.
Para sa panrehiyong mga estratehiya, nakapokus sila sa
pagpaparami ng mga opurtunidad para ang mga tao ay
maging produktibo.
At para sa pangmalawakan naman, nakasentro ang usapin
tungkol sa paraan kung paano mapapaliit ang distansiya ng
developed at developing countries batay s kanilang
ekonomiya.

MUNGKAHI
Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataong
magbigay ng tema para sa APEC 2016,
imumungkahi kong pag-usapan sa forum
ang tungkol sa paraan para mas mapaayos
ang sistema ng kooperasyon o tulungan ng
mga member economies para mas mabilis
makamtan ng developing countries ang
kaunlarang hinahangad bago pa man
dumating ang target na taong 2020.

GAWA NI : JEAN MARIE A. DAYAO


10 ARCHDIOCESE OF LIPA

APEC Primer | APEC Philippines 2015. (n.d.). Retrieved November 18,


2015, from http://apec2015.ph/about-apec/filipino/
About APEC - Asia-Pacific Economic Cooperation. (n.d.). Retrieved
November 16, 2015, from http://www.apec.org/About-Us/AboutAPEC.aspx

Vous aimerez peut-être aussi