Vous êtes sur la page 1sur 1

LEGO, J-Ann Marie T.

Kasaysayan 2
HILAGANG ASYA: Pasturalismo 2.0

Mayroong dalawang uri ng pasturalismo sa Hilagang Asya ito ay ang


transhumance na pasturalismo at ang nomadikong pasturalismo.
Ang transhumance ay mayroong cyclical na paglilipat batay sa klima. Sila ay may
halos tiyak na migration routes kaysa sa nomadikong pasturalimo, subalit ay maaari
ring mag-iba paminsan-minsan. Ang mga naibanggit na paglilipat ng mga Kazakhs,
Kirghiz, Mongol, at ng mga nasa Altai Mountains tuwing tag-init at tagsibol ay mga
halimbawa ng paglalakbay ng transhumance na pasturalismo. Nakakapagtanim din ang
mga tao ng pasturalismong transhumance, sapagkat karamihan sa grupo ay naiiwan sa
sedentaryong pamumuhay. Kadalasan ay ang mga lider lamang ang sumasama sa
paglilipat ng mga alagang hayop. Ang mga nomadikong transhumance din ang mas
madalas na nakikipagkalakal sa iba pang sedentaryong lipunan (DiversEarth, 2013).
Ang nomadikong pasturalismo naman ay ang mga grupong palaging naglilipat
dahil sa pangangailangan ng kanilang mga alagang hayop. Walang tiyak na migration
routes ang mga nomadikong pastol subalit, sila ay nakakapaglakbay sa mga ibayong
lugar makahanap lamang ng pagkain para sa kanilang mga alaga (Shabait.com, 2012).
Buong pamilya ang sumasama sa mga paglalakbay, kaya hindi gaanong nagtatanim
ang mga nomadikong pastol sapagkat mas importante sa kanila ang alagaan ang
kanilang mga hayop (Pascal, n.d.).
References:
DiversEarth. (2013). Transhumance and Nomadic Pastoralism. Retrieved from Mediterranean Consortium for Nature
and Culture: http://medconsortium.org/projects/transhumance/
Pascal, A. (n.d.). Livestock in the Sahel and West Africa. Retrieved from
https://www.oecd.org/swac/publications/38402714.pdf
Shabait.com. (2012, December 14). LIVESTOCK PRODUCTION SYSTEM in Eritrea. Retrieved from
http://www.shabait.com/categoryblog/11902-livestock-production-system-in-eritrea

Vous aimerez peut-être aussi