Vous êtes sur la page 1sur 8

5/10/2016

1stPresidentialDebatetranscript:RoundOne| InquirerNews

LATEST NEWS STORIES

HEADLINES

NATION

REGIONS

METRO

WORLD

CITIZEN'S JOURNALISM

CDN

PART 2 OF 5

1st Presidential Debate transcript: Round One


SHARES:
VIEW COMMENTS

@inquirerdotnet

INQUIRER.net
11:00 AM February 25th, 2016

RECOMMENDED
Follow@inquirerdotnet

Duterte, Leni maintain lead

POPULAR

Manila race tight; Binay


leads early vs Pea

Marcos, Robredo kids


take poll battle to
Twitter

Manilas voting dead


surprise living

May10th,2016

Missing names, faulty


machines top complaints
Lets support the winner
Joma to President Duterte:
Lets talk peace
7 killed in Cavite election
day massacre
Peaceful polls leave 13 dead
Digong last voter; foes leave
fate to God
Senate race: Villanueva
surprises at top spot

Whos leading?
Mayors of Metro
Manila

PresidentialcandidatesVicePresidentJejomarBinay,Sen.MiriamDefensorSantiago,DavaoMayorRodrigo
Duterte,Sen.GracePoeLlamanzaresandManuelMarRoxasIIduringthePresidentialDebates2016heldin
CapitolUniversityinCagayandeOroCity.
INQUIRERPHOTO/LYNRILLON

May9th,2016

Roxas to make an
announcement at 10
a.m. Tuesday, says
spokesman

Mike Enriquez: Nagbabalik ang PiliPinas Debates 2016.


Jessica Soho: Sa punto pong ito, sisimulan na natin ang ating debate. Ang lahat po ng mga tanong at

May10th,2016

paksa sa presidential debate na ito, dumaan sa COMELEC.

Whos who in
Dutertes inner circle

Mike Enriquez: At may mahigpit po tayong mga panuntunan na susundin sa debateng ito ngayong
hapon. Pakinggan niyo po ito.

May9th,2016

Sa bawat round, may mga pares na maghaharap.


Tatanungin ang unang kandidato at may 90 seconds
para sumagot. May 60 seconds naman ang

LATEST VIDEOS

pangalawang kandidato para mag-komento sa sagot


ng unang kandidato. Sa huli, bibigayan ng 30 seconds
ang unang kandidato para sagutin ang mga komento.
Maririnig ang tunog na ito <buzz> sa huling sampung
segundo ng timer at muli, kapag naubos na ang oras.
Jessica Soho: Simulan na natin ang Round One. Ang
ating tatalakayin ang track record at performance ng
mga kandidato pati na ang mga isyung kanilang
kinakaharap.
Mike Enriquez: Alphabetical po ang tapatan ng mga kandidato natin sa Round One na ito, kaya ang una
pong maghaharap ay sina Bise Presidente Jejomar Binay at si Senadora Miriam Defensor-Santiago. Mr.
Vice President, ito po ang tanong. Meron po kayong 90 seconds, Mr. Vice President.
Sa panayam kung inyong natatandaan sa DZBB, pinaliwanag niyong karamihan sa inyong mga real
estate na mga pagmamay-ari ay minana ninyo mula sa inyong ina at sa magulang. Pero sa inyong SALN,
dalawa lang sa labintatlong (13) real estate properties ang inilista ninyo bilang inheritance o mana.
Paglilinaw ng inyong kampo, Mr. Vice President, maaring tinatawag na Land Area ang pinagbasihan
ninyo sa inyong sagot at hindi po ang bilang. Pero ang hindi pa rin nasasagot, kung hindi po minana,
saan po nanggaling ang iba po ninyong labing-isang (11) ari-arian at paano po lumago ang inyong
yaman sa loob ng mahigit tatlong dekada bilang isang opisyal ng gobyerno. Mr. Vice President, meron

http://newsinfo.inquirer.net/768434/1stpresidentialdebatetranscriptroundone

1/8

5/10/2016

1stPresidentialDebatetranscript:RoundOne| InquirerNews
yaman sa loob ng mahigit tatlong dekada bilang isang opisyal ng gobyerno. Mr. Vice President, meron
po kayong 90 seconds.
VP Jejomar Binay: Alam mo, Mike, tatlong dekada ha? Ang haba ng panahon na yan, ha. Pero hindi ko
natatandaan na sinabi ko na yung aking mga lupa ay puros mana. Yung iba naman doon nabili namin,
at may kakayahan naman kaming makabili eh. Hindi naman porke kami ho ay nasa pamahalaan ay wala
na ho kaming magagawa para makabili ng mga pag-aari. Hindi po totoo na ako ho eh maraming lupa.
Ito ho ay either namana ko o ito ho ay nabili ko. At hindi lang ho sa nanay ko iyon, pati po sa tatay ko.
Mike Enriquez: Okay. Salamat po, Mr. Vice President. Senadora Miriam, ano naman po ang reaksyon
niyobilang isang opisyal ng gobyerno na mahaba ring nanungkulan, Madame Senator, sa tingin ninyo
ba ay tinatawag na matter of public interest ang yaman at ari-arian ng isang opisyal ng gobyerno? May
SALN, di ba ho, Senadora?

Pilipinas Debates 2016: Binay vs Santiago on VP's wealth

Sen. Miriam Defensor-Santiago: Yeah. Thats no longer a matter for a debate because it has already
been embodied in a law. Kahit na ayaw, kailangan talaga iladlad namin ang lahat ng pag-aari namin.
Nagyon ang pagtatanong ko ay ito ho bang mga pag-aari ni Vice Mayor (sic), nakuha niya o nabili nya o
nabigay sa kanya bago sya naging opisyal sa Makati o pagkatapos naging opisyal na sya?
Mike Enriquez: Mr. Vice President, gusto nyo po sagutin yung tanong ni Senadora?
VP Jejomar Binay: Miriam, yung iba ay namana ko. Pasensya ka na kung Miriam ang tawag ko sa yo,
magkaibigan naman tayo at magkasama kami sa Student Council eh. Yung namana ko, namana ko pa
yun bago ako nalagay sa puwesto. Ako ho eh nanungkulan 1986 at bago po ako nanungkulan, nakapag-

praktis naman ho ako ng law at ang misis ko naman ho eh nakapag-praktis ng pagka doktora. So, doon
ang panggagalingan o ang pera na dapat namin mabilpero uulitin ko, yung mga propiyedad na iyon
ay propiyedad na namana ko na bago pa ho ako napunta sa panunungkulan.
Mike Enriquez: Salamat po, Mr. Vice President.
Vice Pres Jejomar Binay: Salamat din po.
Jessica Soho: Maghaharap naman po ngayon sina Senadora Defensor-Santiago at Si Mayor Rodrigo
Duterte. Senadora Defensor-Santiago, narito po ang tanong para sa inyo.
NEWS

OPINION

SPORTS

LIFESTYLE

PREEN

ENTERTAINMENT

BUSINESS

Senator Defensor-Santiago, kayo po ay nag le ng qualied medical leave noong 2012 dahil sa chronic

TECHNOLOGY

GLOBAL NATION

fatigue syndrome at nagpatuloy ito noong kayo ay na-diagnose na may stage IV lung cancer. Sa
nakalipas na 16th Congress, mula 2013 hanggang 2016, wala pa hong sampung beses kayong nakadalo
sa mga Plenary Session. Kung sa Senado po ay naging mahirap na para inyo ang makapasok sa trabaho,
bakit pa po ninyo hinahangad ang mas mabigat pang trabaho ng pagiging pangulo ng bansa? Ano po
ang inyong motibasyon sa pagtakbo sa gitna po ng inyong karamdaman? Ninety seconds po, Senator
Santiago.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Hindi mo ba alam na ang sakit tumataas o bumababa o nawawala?
Magtatanong ka, bakit may sakit ka, bakit tumatakbo ka? Idiretso ko yan. Karapatan ko yan sa ilalim ng
ating under our constitution. Wala namang constitutional provision that if you get sick of something,
you are disqualied. Ano pa yung iba niyong gustong malaman?
Jessica Soho: Ang sabi po ay, iilang beses lang daw po kayo nakadalo sa Plenary Session.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: I was at the height of cancer stage IV. Stage IV is the last stage. Nagaantay akong mamatay, eh hindi ako pinatay ng guardian angel ko eh. <Laughter> <Applause>
Jessica Soho: Paano raw po yan, eh mas mabigat daw pong trabaho ang pagiging pangulo sa ating
bansa.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Mabigat na mabigat, pero kung tutuusin mo, ang senador ay halos
kapantay lang o sobra pa ang trabaho. Kung ginagawa niyang tama ang kanyang trabaho, ang
tatrabaho ng presidente kasi kung minsan nilalabanan niya, ang lahat ng senador laban sa kanya. Hindi
kamukha ng presidente na lahat sa paligid niya nagha-hallelujah sa kanya.
<Laughter>
<Applause>

http://newsinfo.inquirer.net/768434/1stpresidentialdebatetranscriptroundone

2/8

5/10/2016

1stPresidentialDebatetranscript:RoundOne| InquirerNews
<Applause>
Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Defensor-Santiago. Mayor Duterte, ano po ang masasabi
ninyo sa pahayag ng Senadora? You have 60 seconds.

Pilipinas Debates 2016: Santiago says she waited for death to come but...

Mayor Rodrigo Duterte: I will not go into an argument or debate with Maam Miriam. Shes telling you
the truth and the truth is very important. I do not see Senator Santiago passing away within the next 20
years, so whats the problem?
<Applause>
Jessica Soho: Senadora, you have a chance to answer. May counter-rebuttal po kayo kay Mayor Duterte?
Thirty seconds, po.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Thank you. My only purpose is to serve out the rest of my life. Im
already 70 years old, plus a six-year term as President, I wouldve served my country until 76. I do not
want to spend the next six years lying in bed, feeling sorry for myself. In fact, I did not lie in bed. I did
not feel sorry for myself. I felt sorry for my country because graft and corruption is endemic and
everybody speaks out but nobody has done very much except Mayor Rudy Duterte, thats all.
<Applause>
Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Defensor-Santiago.
Mike Enriquez: Okay. Ang magtatapatan na po ngayon naman ay si Mayor Rodrigo Duterte ng Lungsod
ng Davao at si Senadora Grace Poe. Mayor Duterte, ito po ang tanong para po sa inyo. Unang tanong, sa
inyong talumpati noong Nobyembre, dalawaput dalawang beses po kayo nagmura, Mayor. Minsan niyo
na ring inaming naharap kayo sa reklamong acts of lasciviousness, sa makatuwid at noong nainterview ko po kayo, sinabi nyo rin kayo po ay pala-mura, kayo po ay babaero, kayo po ay nakapatay na
ng kriminal. Sa inyo po bang palagay, Mayor, dapat po ba kayong tularan ng mga kabataang Pilipino? At
ito ba sa tingin ninyo ang kaugalian na kailangan ng isang mamumuno po ng Pilipinas? Mayor, meron
po kayong 90 seconds, sir.
Mayor Rodrigo Duterte: Yes, most of it are true. Most of it are true. Criminals, well, I go after them. As
long as I do it in accordance with the Rules of Law, I will continue to kill criminals, and a president can
order the killing as long as it is, I said, in the side of performance of duty in accordance with law, I will
use the military and the police to go after criminality and drugs. Its ooding the country. Hindi ako
papayag ng ganun. Totoo yun. Wala I do not deny anything.
Mike Enriquez: Sa pangalawang bahagi po nung tanong, sa palagay nyo ba dapat kayong tularan ng
mga kabataan Pilipino <over talk> Mayor?
Mayor Rodrigo Duterte: No, extrajudicial killing? Of course not, it never happened. But killings, yes. If I
become president, it will be bloody because I will order the killing of all criminals, ang mga durugista at
drug lords.
Mike Enriquez: Opo, yung inyong kasong acts of lasciviousness sa mga kababaihan, Mayor?
Mayor Rodrigo Duterte: Wala akong kaso na ganun.
Mike Enriquez: Girlfriend?
Mayor Rodrigo Duterte: I do not know who invented it but I said, meron lang akong inakbayan noon.
Mike Enriquez: Okay.
Mayor Rodrigo Duterte: Ang nanay ko ang nagalit.
Mike Enriquez: Nagalit? Isa pang Mayor, sabi nyo meron mga girlfriend kayo
Mayor Rodrigo Duterte: Totoo.
Mike Enriquez: Dapat bang tularan yan ng mga kabataan?
Mayor Rodrigo Duterte: Well, kung hiwalay ka sa asawa, anong gagawin mo sa sarili mo? Eh anong
there are some anong gagawin ko itong karga-karga ko? Hindi ko naman ipagbili to. Hindi mo

http://newsinfo.inquirer.net/768434/1stpresidentialdebatetranscriptroundone

3/8

5/10/2016

1stPresidentialDebatetranscript:RoundOne| InquirerNews
there are some anong gagawin ko itong karga-karga ko? Hindi ko naman ipagbili to. Hindi mo
masangla eh. Gamitin mo dapat, kung di, mamamatay ka.
Mike Enriquez: Salamat po, Mayor. Salamat, malinaw. Senadora Grace Poe, bilang isang babae at
kandidato sa pagka-Presidente, dalawa lang po kayo ni Senadora Miriam, ano po ang pananaw ninyo sa
ganyang istilo na yan ni Mayor Duterte?

Duterte clari\es vow on killing criminals; Poe cautions Rody on kissing spree

Sen. Grace Poe: Alam niyo, si Mayor Duterte, malakas ang appeal, irresistible sa mga ibang babae,
subalit matagal rin nating pinaglaban at alam ko si Mayor Duterte ay magalang sa kanyang nanay
kaya kahit na papaano, sa tingin ko, kung ikaw ay malakas ang dating sa mga babae, konting pigil
sapagkat, siyempre, malay mo yung mga lumalapit sa yo may asawa o kayay may boyfriend o kung ano
pa man. Sa mata ng bata ang mali ay nagiging tama kung ginagawa ng matanda. At least, alam natin si
Mayor Duterte minsan sinasabi naman niya yung mga hindi niya nararapat na nagawa noon. Pero
pareho lang naman kami, tao rin, nagkakamali. Pero isusulong ko palagi ang pag respeto anuman ang
iyong kasarian, babae ka man, lalaki, LGBT, lahat po tayo meron konting paggalang sa isat-isa.
Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Mayor, meron po kayong 30 seconds para wag magpigil. Sige po.
Mayor Rodrigo Duterte: Lahat naman ito you know, sa kwarto yan. Hindi mo naman ginagawa sa so
whats the problem? Hindi mo naman you dont aunt it in public. And I said, if you have to do it, I said
Im separated from my wife, at yung isang asawa ko, nasa Amerika, yung nurse. So, far and wide, in
between those years its biology. Actually, it is biology.
Mike Enriquez: Salamat po. Salamat po, Mayor.
Jessica Soho: Makakaharap po naman ngayon ni Senator Poe si dating DILG Secretary, Mar Roxas.
Senadora Poe, narito po ang inyong tanong. Sa lahat ng mga kandidato sa entablado ngayon, kayo po
ang may pinakamanipis na rsum pagdating sa government service; dalawang taon bilang MTRCB
Chairperson at nangangalahati pa lang po kayo sa inyong termino bilang senador. Sa tingin nyo ba ay
may napatunayan na kayo sa larangan ng serbisyo publiko para maging pangulo ng ating republika?
Sen. Grace Poe: Jessica, alam mo, talagang hindi ko pinagkakaila sa lahat sa kanila, ako ang pinakabago
rito, pero sa ating mga kabataan, alam ko alam ninyo ang kanta ng Gloc-9. Kayong mga naka-upo,
subukan niyo naman tumayo para maramdaman nyo ang aming kalagayan, ang kinalalagyan ko. Sa
tingin ko, sa lahat sa kanila, ako nga ang may pinakamaikli na karanasan, pero nakikita ko bilang isang
nanay kung anong pangangailangan ng isang pamilya. Sa aking maikling karanasan sa gobyerno, ako po
ay nakapaghawak ng isang executive position na may management requirement at mismo na rin si
Senator Miriam ang nagsabi na ang Senado ay pwede talagang mas mahirap pa na trabaho kung
talagang ginagawa mo ang iyong trabaho. Ako po ay nabigyan ng prebilehiyo na maka debate si Senator
Miriam kaya nga napasa namin sa Senado ang Freedom of Information. Yung mga batas na aming
itinulak ay pagkain para sa mga bata. Yung mga batas o yung mga budget pala, na aming tinulak pangpagkain para sa mga bata, para sa magsasaka, at higit sa lahat, pag-iimbestiga na walang kinikilingan,
kaibigan man o kaaway. So para sa akin, ang aking karanasan bilang isang teacher, bagamat minamaliit
ng iba, hindi po tayo makakarating sa puntong ito kung hindi dahil sa isang guro na nagmalasakit at
nagturo sa atin kung anong tama at mali at kung anong naaayon para sa ating mga paksa. Kaya po sa
ating mga kababayan, pare-pareho lang naman ang problema ng Pilipinas, eh. Pare-pareho ang
nandyan. Wala pong proof na pag matagal ka na sa pwesto, mas magaling ka.
Jessica Soho: Secretary Roxas, ano po ang reaksyon nyo sa sinabi ni Senator Poe. It should be recalled
that you once asked her to be your running mate or your vice presidential candidate.

Poe: Thick resume isn't everything; Roxas: Presidency no place for OJT

http://newsinfo.inquirer.net/768434/1stpresidentialdebatetranscriptroundone

4/8

5/10/2016

1stPresidentialDebatetranscript:RoundOne| InquirerNews

Sec. Mar Roxas: Tama ka diyan, Jessica. Inanyayahan natin si Senadora Poe na sumama dahil nga sa
pagkilala na tulad ng sinabi ninyo ay manipis yung kanyang karanasan sa pamumuno. Siguro,
ipagpaumanhin ng aking kaibigan na si Senadora Grace Poe, na ang pagiging pangulo ay hindi OJT.
Kinabukasan, buhay, kaunlaran ng isang daang milyong Pilipino ang nakasalalay dito, kaya may tamang
panahon para sa lahat. At para sa akin, yung karanasan ay isa sa pinakamahalagang katangian para sa
pagiging pangulo. Papaano mo malalaman kung binobola ka o hindi? Papaano mo pipillin kung anong
rekomendasyon ang dalawang magkaibang rekomendasyon ng mga cabinet secretaries ay iyong
pagdedesisyunan? Ito yung mga malalaking desisyon na kakailanganing gawin ng susunod na pangulo
at mahalaga yung tamang karanasan, malinis na karanasan para diyan.
Jessica Soho: Senadora Poe, ang iyo pong counter-rebuttal. Meron po kayong 30 seconds.
Sen. Grace Poe: Jessica, Mike, alam ko naman kung binobola ako o hindi kahit na maikli ang aking
panunungkulan sa gobyerno. Unang-una, tama si Secretary Mar, nakatatlong administrasyon na siya
diyan, nabigyan na ng ilang mga responsibilidad sa gobyerno. Pasensya na rin po, pero marami din
akong inimbestigahan katulad ng DILG at yung sa DOTC at sa MRT. At sa tingin ko naman, hindi mo
kailangan ng napakahabang karanasan para malaman na kulang ang tulong ng gobyerno sa
transportasyon sa ating bayan at kulang ang tulong ng mga gobyerno para magkaroon tayo ng
kapanatagan.
Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Poe.
Mike Enriquez: At ngayon naman, ang one-on-one po nina dating Secretary Mar Roxas at Bise
Presidente Jejomar Binay. Secretary Roxas, ang tanong para sa inyo.
Sa inyong mga panayam, ipinagmamalaki ninyo ang mga nagawa ng Daang Matuwid, katulad ng
pagpapatayo ng mga silid-aralan o mga classrooms, programa ng DepEd, ang Pantawid Pamilyang
Pilipino Program na pinamumunuan ng DSWD. Pero sa inyo namang panunungkulan bilang secretary
ng DOTC at DILG, iniuugnay at nangyari daw ang mga kapalpakan sa pangangasiwa ng MRT at sa mga
umanoy mabagal na pagkilos bilang hepe ng DILG tulad nung tumama ang super bagyong Yolanda.
Base sa inyong track record sa DOTC at DILG, paano po ninyo patutunayang kayo ay may kakayahan
maging isang epektibong Presidente ng Pilipinas? Meron po kayong 90 seconds, Mr. Secretary.
Sec. Mar Roxas: Salamat, Mike. Simulan natin sa DOTC. Noong ako po ay nasa DOTC, mahigit isang
daang (100) kontrata sa halagang mahigit-kumulang isang daang bilyon (100,000,000,000) ang napabid namin na walang anomalya, walang alingaw-ngaw, walang kontrobersiya. Yan, nangyari lahat yan.
Ports, airports, ibang mga imprastraktura na nangyayari at ginawa hanggang sa ngayon. Pangalawa, sa
MRT. Bakit ko tinanggihan ang proposal ng pribadong sektor na magpatuloy ang kanilang kontrata sa
MRT? Dahil gusto nilang pahabain ito ng labinlimang dagdag na taon, itong ma-anomalyang kontrata na
ngayon ay sanhi ng problema natin; plus, dadagdagan pa nila yung singil sa ating mga pasahero. Kayat
tinanggihan ko yan. Dyan nagsimula yung ating paghahanap ng makabagong paraan para magkaroon
tayo ng mga tren. Ang mga tren ay nandyan na, parating na, at ngayon sa susunod na mga buwan ay
mapapakinabangan na ng ating mga kababayan. Pagdating naman sa DILG. Ang Yolanda ang
pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo. Ang buong gobyerno ay nandun. Nandun ako bago,
habang, at pagkatapos ng bagyo. Hindi ako bumitiw hanggang nag-stabilize ang sitwasyon at hindi ako
tulad ng iba na dumating, nag-helicopter, nagturista, umalis, at marami na ngayong sinasabi.
Mike Enriquez: Maraming salamat po, Secretary. Babalikan po natin si Vice President Binay. Mr. Vice
President, sang-ayon ba kayo sa sinabi ni Secretary? Matagal kayong naging miyembro ng kabinete,
kasama nyo siya. Sige po, Mr. Vice President.

Roxas defends DOTC record, Yolanda work: Binay disagrees

VP Jejomar Binay: Eh alam po ninyo, hindi ho mangyayari kung ako ho ang napalagay dun sa pwesto ni
Secretary Roxas, yun bang analysis-paralysis. Ako ho is a decisive and eective leader. Hindi ho ako

http://newsinfo.inquirer.net/768434/1stpresidentialdebatetranscriptroundone

5/8

5/10/2016

1stPresidentialDebatetranscript:RoundOne| InquirerNews
paulit-ulit, walang dinedesisyunan. Yung PPPP, iisa pa lang o dadalawa pa lang, eh kailangang-kailangan
ho natin yung PPPP na yun, para magkaroon ho tayo ng pagbabago sa ating mga infrastructure needs.
Kung ako ho ang pinatutungkulan ni Secretary Roxas dun ho sa pagkaka-helicopter, aba, eh yung
helicopter, marami akong nakita. Siya? Eh nasaan ho siya? Pagkatapos ho nung lumindol at mangyari
yung lahat sa Leyte, nawala na sya. Kaya naman ho, grabe ang galit sa kanya ng mga taga-Leyte dahil sa
kapalpakan niya sa paghawak sa problema ng Yolanda.
Mike Enriquez: Secretary Roxas, meron po kayong 30 seconds pa ho. Sige po.
Sec. Mar Roxas: Andun po ako labing-anim na araw. Hindi ko binitiwan, hindi ko kinalimutan, at
hindi ko phinoto-op o pinulitika ang ating mga kababayan. Nandun ako simula bago pa dumating ang
Yolanda at ginawa ko ang lahat. Matitingnan kita, Mike, at kahit sino sa ating bansa, mata sa mata, at
sabihin lahat na maaaring magawa sa kapanahunang yon ay nagawa.
Mike Enriquez: Maraming salamat po, Mr. Secretary. Dyan po nagtatapos ang Round One pa lang po
ito. Mas mainit sa Round Two dahil ang susunod nating tatalakayin, mga kapuso, ay ang kahirapan at
ang pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.
Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.
Mike Enriquez: Magbabalik po ang PiliPinas Debates 2016.
Jessica Soho:Samantala, makikita po ninyo ngayon ang ating Twitter heatmap. Kapag mas marami pong
bilog na pula sa lugar, mas marami po ang tweets na nagmumula riyan. At makikita po natin na
umuulan na ang mga tweets tungkol sa debate sa Metro Manila. Umiinit na rin ang diskusyon sa Twitter
sa Cagayan de Oro City mismo, kung saan po tayo naroon. Ayan po ang ating Twitter heatmap.
RELATED STORIES

1st Presidential Debate transcript: Opening Statements


1st Presidential Debate transcript: Round Two
1st Presidential Debate transcript: Round Three
1st Presidential Debate transcript: Closing Statements
#VotePH2016: The Inquirer multimedia coverage of the 2016 national and local elections in the Philippines
provides to voters the latest news, photos, videos and infographics on the candidates and their platforms, as
well as real-time election results come May 9, 2016. Visit our special Elections 2016 site here:
http://www.inquirer.net/elections2016.

YOU MIGHT ALSO LIKE

PingLacsononDuterte
presidency:Godhelpus

Dutertehasdollaraccount,
Roxasconfirms

DutertetoRoxas:Whyareyou
pointingatus?

15millionplayersarealready
addicted!

5BestFreeTeamManagement
Tools

StocksWillBeSlaughteredin
2016,EconomistWarns

ForgeOfEmpires

Webiot

TheSovereignInvestor

FROM AROUND THE WEB

Recommendedby

LATEST

http://newsinfo.inquirer.net/768434/1stpresidentialdebatetranscriptroundone

6/8

5/10/2016

1stPresidentialDebatetranscript:RoundOne| InquirerNews

Palace ready, willing to work with Duterte

LOOK: What Roxas did after conceding to Duterte

Still no Manuel for Aces in PBA Finals game 3

http://newsinfo.inquirer.net/768434/1stpresidentialdebatetranscriptroundone

7/8

5/10/2016

1stPresidentialDebatetranscript:RoundOne| InquirerNews

Man gets arrested after teaching girlfriends dog to perform Hitler salute

Disclaimer: Comments do not represent the views of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments which are
inconsistent with our editorial standards. FULL DISCLAIMER

View Comments
Watch Full TV Episodes

Stream Latest Episodes Of Top TV Shows With TelevisionFanatic App!

TAGS: CDO debate, Comelec, Elections 2016, Grace Poe, Jejomar Binay, Jessica Soho, John Nery, Mar
Roxas, Mike Enriquez, Miriam Defensor-Santiago, Politics, presidential debates, Rodrigo Duterte,
transcript
Forfeedback,complaints,orinquiries,contactus.

The INQUIRER Channels

Services

The INQUIRER Company

Follow Us

Partners

Copyright 1997-2016 INQUIRER.net | All Rights Reserved

http://newsinfo.inquirer.net/768434/1stpresidentialdebatetranscriptroundone

8/8

Vous aimerez peut-être aussi