Vous êtes sur la page 1sur 4

Mga tauhan at buod ng El Filibusterismo

• Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y


tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Crisostomo Ibarra na nagbalik
upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
• Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
• Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
• Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang
sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
• Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
• Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
• Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
• Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng
suliraning pampaaralan.

• Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.


• Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
• Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
• Padre Florentino - ang amain ni Isagani
• Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
• Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila
• Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa
kilalang angkang may dugong Kastila
• Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng
kagipitan.
• Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga
mag-aaral
• Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina; tiyahin ni Paulita.
• Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

• Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa


Pilipinas.
• Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
• Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
• Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni
Juli.
• Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
• Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
• Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
• Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa
kanyang panlabas na anyo.
• Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
• Gertrude - mang-aawit sa palabas.
• Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
• Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

Buod
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang
sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong
taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya


si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra.
Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong
lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat
niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si
Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng
Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng
Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang
mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng
karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang


umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi
naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa
kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto.
Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga
prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari:
Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na
ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga
pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay
ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na
kanyang kasintahan.

Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang
tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na
tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang
nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng
kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa


negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa
niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa
kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos,
ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun.


Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni
Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang
ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang
magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita.
Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na
ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na
liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang
mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang
Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong
kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay
malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan
ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat


ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin
niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay
sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni
Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si
Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang
binatang ito.

"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na


loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay
nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan.
Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang
malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,

uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang
tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng
kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong
taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na
mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng
isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang


naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari
Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan
ni Simoun.

Vous aimerez peut-être aussi