Vous êtes sur la page 1sur 2

Kumusta ka na.Nabasa ko ang sulat mo.

Ipagpaumanhin mo kung bakit ang salitang


ginamit ko ay hindi english .Sanay makahanap ka ng taong magsasalin ng lahat ng
aking sasabihin.Ayaw kitang pahirapan wag kang mag-alala ngayon ko lang ito
gagawin sa iyo sa susunod english na gagamitin ko pangako ko sayo.Ginawa ko
lang ito ng sa ganun may taong makakaalam ng ating pag-iibigan hindi lang tayong
dalawa .Alam ko mahihirapan kang unawain itong sulat kop pag pasensyahan mo
na.Sanay makakilala ka ng taong marunong magsalita at makaintindi ng aming
wika.Bigyan mo ito ng panahon sapagkat lahat ng nasasaloob ng aking sulat ay
batay sa nararamdaman ko.

Bennie sa pasya mong nais mong bumalik sa Afghanistan or Iraq sobra akong nag-
aalala sayo.Ayokong may mangyari masama sayo kasi mahal kita.Alam ko gagawin
mo ito para sa kinabukasan natin at sa pagpapakasal natin.Nag aalala ako para
sayo,pero kung iyan ang solusyon para mapabuti ang buhay natin nasa iyo
iyun.Ikaw pa rin ang masusunod.

Alam mo bang labis akong nagagalak sa mga plano mo sa ating dalawa.bennie sa


maniwala ka man o hindi mula noong tayo'y nagkita kakaiba na ang naramdaman
ko sa iyo pero pinigil ko kasi alam ko kasintahan mo ang pinsan ko.Marahil
magtataka ka kung bakit sa isang katulad mo na ibang lahi ay tinamaan ako ng pag-
ibig sayo marahil totoo nga ang kasabihan na ang puso ay hindi natuturuan ngunit
kapag itoy tumibok sa isang tao maging anuman sya talagang tatamaan at iyon nga
nagkatagpo tayong dalawa.

Alam mo bang walang araw at gabi na hindi kita inisip.Kahit gaano ako kaabala sa
trabaho lagi kitang nasa sa isip at sa puso. Akala mo lang parang balewala ka sa
akin pero ang totoo nakaukit ka na dito sa akin at sa pagkatao ko.Alam mo bang
noong sinabi mo sa akin na maghanap nalang ako ng lalaking taga dito sa pilipinas
sobra akong nasaktan napaiyak mo ako.Pakiramdam ko noon balewala na ako sayo
hindi mo ako minahal sa kabila ng lahat ng sakripisyo ko gumagawa talaga ako ng
paraan makatanggap ka lang ng sulat na galing sa akin sabi mo nga gumaganda ang
araw mo kapag nakakatanggap ka ng sulat galing sa akin.Labis ko talagang
ikinalungkot ang sinabi mong iyon .Ayoko rin naman na mawala ka sa buhay ko
kasi nga minahal na kita,Wala akong pakialam sa sa sasabihin ng ibang tao o kung
sinuman na hahadlang sa pag-ibig ko sayo .Ang alam ko mahal kita.Naramdaman
ko rin naman na higit mo akong minahal kung kayat kailangan ko rin itong
tumbasan.Ang gusto ko lang sanay lahat ng mga sinabi mo ay pawang
katotohanan.Alam mo naman ang nakaraan ko kung kayat sanay maging tapat ka sa
akin.

Sanay maintindihan mo ang takot ko sa pagpunta ko dyan sa bansa nyo.Hindi mo


maikakaila na maraming taong manloloko.Maraming masasamang tao ang
naglipana sa buong mundo.Gusto ko lang maging masiyasat at mapanuri sa taong
mamahalin ko at makakasama ko habang buhay ng sa ganun hindi ko pagsisihan sa
bandang huli.Honey tapat akong magmahal kaya nga sa edad kong ito hindi pa ako
nag aasawa kasi iniisip ko ang kinabukasan ko at ng aking pamilya.Nagkamali
akong minsan sa pagpili ng mamahalin ayoko ng maulit pa.Kung talagang karapat
dapat ka para sa akin hiling ko lang ang iyong katapatan at pagiging totoo sa akin.
Hindi ko hinangad na maging marangyang marangya ang ating buhay ang mahalaga
makasama kita ang totoong ikaw.Alam ko naman na kung tayong dalawa ang
magtutulungan makakamit natin ang marangyang buhay.Hindi pa naman huli ang
lahat bata pa naman tayo.Ang minimithi nating rangya ng buhay makakamit natin
kung tayong dalawa ay magtutulungan.

Simple lang ang buhay ko dito sa Pilipinas.Sa buong kamag-anak ko kaming


dalawa lang ng kapatid ko ang nakatapos ng kolehiyo.Lumaki ako sa hirap.Ang
dami kong hirap na naranasan noong aking kabataan.Ang pag-aaral naming
magkapatid itinaguyod ng aking mga magulang ng sa ganun kami ay magkaroon ng
magandang kinabukasan .Habang ako ay nag aaral nagtatrabaho ako bilang
pandagdag sa pangangailangan ko sa paaralan.Nakita ko ang sakripisyo ng aking
mga magulang.Kung kayat lahat ng paghihirap ng aking mga magulang ay
kailangan ko tumbasan ng kaunting kaginhawaan sapagkat silay matatanda na.

Sa ngayon ako na lamang ang walang asawa sa aming tatlong magkakapatid kung
kaya sa akin iniatang ang pag aaruga ko sa kanila.Lahat ng gastusin inaako ko lahat
sa bahay sa tubig sa kuryente ay kung anu anu pa.Mas lalong nagpahirap sa akin
noong nawala ang savings ko .Pero kahit papaano nabibigyan ko sila ng kaaya aya
buhay kahit nahihirapan ako.Kahit sapat lang lahat ang kinikta ko naibibigay ko
pangangailangan nila hindi nga lang lahat.Pero nagpapasalamat ako at nariyan ka
upang takpan ang kalungkutan ko sa buhay ko.Maraming salamat sayo.Kahit sa
pamamagitan ng sulatan natin hindi man sa materyal na bagay napapasaya mo ang
buhay ko.

Alam mo bang nakakaramdam ako ng takot sa pagbabalik mo sa


labanan.Nababahala ako.Ilang bwan o ilang taon ka bang mananatili doon?Desidido
ka na bang talaga?Wala na bang ibang paraan.Pagdating mo ba doon mayroon ba
tayong kontak.Nakakabahala.Sa buong buhay ko ngayon lang ako nabahala ng
husto.Ang layo layo mo at buhay mo ang nakataya.Bennie kung sapat naman ang
kinikita mo dyan wag ka na lang bumalik.Natatakot ako para sayo at sa atin.Baka
minsan magising nalang ako na wala kana ayoko mangyari iyon.Pero ikaw pa rin
ang masusunod.Nag aalala lang ako sa kalalagyan mo duon.

Itong pagbisita mo dito labis kong ikinatutuwa gusto ko maramdaman natin pareho
ang ating nasasaloob at nararamdaman.Handa akong maghintay sa paghahanda ng
ating kinabukasan.Hangad ko lang ang katapatan mo.Mahal kita alam mo yan.Alam
ko at alam mo na napakahirap ng sitwasyon natin napakalayo mo pero handa akong
magtiis para sa ikabubuti natin pareho.

Mahal kita .Ipagdarasal ko ang tagumpay mo at kaligtasan mo.Wag kang magalala


nandito lang ako para sayo.

Nagmamahal,

Vous aimerez peut-être aussi