Vous êtes sur la page 1sur 15

Panalangin para sa mga Pari Amang makapangyarihan at mapagmahal, nagpupuri at nagpapasalamat kami sa µYo dahil sa mga dakilang bagay

na ginawa Mo sa amin.

Sa likod ng kawalan at kahinaan ng aming mga pari ay tinawag at hinirang Mo sila upang makihati sa ministeryo ng Iyong Anak na si Hesus, ang Dakilang Pari, at ginawang lingkod ng Iyong sambayanan.

Ang katapatan nila sa pagkapari ay nakasalalay sa walang-hanggang biyaya at lakas na kaloob ng Iyong Banal na Espiritu.

Itulot Mong maipagkaloob nila nang ganap ang kanilang sarili, ang kanilang loob, ang kanilang kaisipan at kanilang kakayahang sa µYo rin nagmula,

at ang kanilang panahon upang walang pasubali at walang parangyang mapaglingkuran nila ang kawang ipinagkatiwala Mo sa kanila na walang hinahanap kundi ang Iyong kapurihan at kabutihan ng Iyong Simbahan.

Huwag Mong ipagkait ang kinakailangan nilang katapatan, lakas at kalusugan sa patuloy na paglilingkod.

Idinadalangin namin ang bawat isang pari ng aming Diyosesis ng San Pablo, lalo na ang mga may karamdaman, ang mga nabibigatan sa kanilang pasanin,

ang mga nanlulupaypay at nagiging maligamgam sa kanilang ministeryo at buhay espiritwal. Nawa¶y si Kristo, ang Mabuting Pastol, ay maging kadluan ng kanilang lakas at pag-asa.

Idinadalangin din namin ang mga paring namatay na. Pagkalooban Mo po sila ng walang-hanggang kapayapaan at tumanglaw sa kanila ang liwanag magpakailanman.

Idinadalangin din namin ang patuloy na paglago ng bokasyon sa pagpapari at sa buhay konsagrado dito sa aming diyosesis.

Pukawin Mo po ang isipan at kalooban ng aming mga kabataan upang tumugon sila sa Iyong pagtawag.

Bigyan Mo po ng katatagan ang aming mga seminarista at lahat ng nagsasanay sa buhay na ganap na paglilingkod sa Iyong Simbahan.

O Maria, Ina ni Hesus at Ina ng lahat ng pari, patuloy mo nawang ipanalangin sila para sa kanilang kapakanan at madama ang iyong maka-inang pagkakandili.

San Pablo, Unang Ermitanyo, Patron ng Diyosesis ng San Pablo, tulungan mo kami.

Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa pangalan ni Hesukristo na nabubuhay at naghahari kasama Mo, at ng Espiritu Santo. Amen.

Vous aimerez peut-être aussi