Vous êtes sur la page 1sur 8

ANG PARUSA

Noong unang panahon ay hindi lamang ang mga tao ang nakapagsasalita. Ang mga
halaman, ang mga hayop at mga punongkahoy ay nakakapagsalita rin. Tulad ng mga tao at mga
hayop ay nakapaglalakad din ang mga halaman. Nakapaglilibot sila sa paligid. Ang lahat ay
Masaya sapagkat personal na nakikita ang kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan sa
anumang oras na naisin nila.
Kung ang Haring Leon ang pinuno ng mga hayop, si Haring Molave naman ang pinuno
ng mga punongkahoy at mga halaman. Nakatira siya sa tuktok ng kabundukan. Bumababa lang
siya sa bundok kapag may mahalagang pakay. Matikas ang kanyang tindig at mayroon siyang
natatanging lakas. Mabait si Haring Molave pero matapang at istrikto rin. Isang araw ay inutusan
ng hari ang Acacia.
“Ipaalam mo sa lahat na nagpapatawag ako ng pulong. May importanteng bagay akong
tatalakayin,” ang sabi niya. “Tiyakin mong makararating sa lahat mga puno at mga halaman ang
aking pasabi.”
Hindi nag-aksaya ng panahon ang Acacia. Noon din ay isa-isa nitong pinuntahan ang
mga puno at mga halaman para ipaalam ang pulong na ipinatawag ni Haring Molave.
Sa araw nang pagpupulong, maaga pa sa takdang oras ay naghihintay na si Haring
Molave sa designadong lugar. Ugali ng hari na mauna sa kanyang nasasakupan. Ibig rin niyang
magsilbing huwaran sa mga ito sa pagdating sa takdang oras ng usapan. Ang isa kasi sa mga
ugaling ayaw na ayaw niya ay ang maghintay at papaghintayin.
Nakita ng hari kung paanong halos mag-unhan at magtakbuhan ang mga puno at mga
halaman para makarating agad sa kanyang kinroroonan. Matalas ang mata ng hari at matalas din
ang kanyang isip. Alam niya na may isang halaman na hindi dumating sa pulong. Ito ang buri.
Nagdesisyon siya na huwag bumalik sa tuktok ng bundok hangga’t hindi nakikita ang buri.
Nainip na ang hari ay hindi talaga dumating ang burin g araw na iyon. Ilang araw pa ang
nakaraan bago humarap ang buri kay Haring Molave. Noon naman ay galit nag alit na ang hari sa
pagwawalang bahala ng halaman sa kanyang pagpapatawag.
“Pasensiya nap o at naaliw ako sa aking paglalakbay,” sabi ng buri sa hari.
Pero galit nag alit na ang hari. “Dahil binalewala mo ang aking utos at sinayang mo ang
aking oras sa paghihintay ay parurusahan kita! Mula sa araw na ito, hindi mo na makikita kahit
kalian ang iyong magiging mga anak at mga kamag-anak, dahil mamamatay ka kapag nagsimula
nang tumubo ang iyong mga buto!”
Hindi nakahuma ang buri nang marinig ang parusa ni Haring Molave. Ibig man niyang
magsisi sa pagbalewala s autos nito ay huli na ang lahat. Kahit maglumuhod siya sa harap nito ay
hindi na maaaring bawiin ang ibinigay nitong sumpa.
Mula noon, namamatay ang burin a hindi na nakikita pa ang kanilang mga supling.

ANG KAYAMANAN

Sina Jose at Ana ay mag-asawa. Mahusay ang kanilang pagsusunuran. Mahal na mahal
nila ang isa’t isa. Sa kabilang ng kahirapan ay hindi sila naghahanap ng yaman. Para sa kanila
ang pagmamahal ng bawat isa ay sapat na. Ang tangi nilang pinagkukunan ng kabuhayan ay
isang maliit na lupain sa likod ng kanilang bahay. Marami silang tanim sa kapag inani ay
ipinagbibili.
Dumating ang pagsubok sa dalawa. Nagkasakit si Jose. Kahit nang gumaling ito ay
nagging mahina na ang katawan. Hindi na ito makapagtrabaho nang mabigat. Ang pagbubungkal
ng lupa sa kanilang likod-bahay ay naatang na rink ay Ana.
Isang umaga ay problemado si Ana. Wala na silang bigas at wala rin siyang perang
pambili. Mabigat ang loob na napunta siya sa bukid para tanggalan ng damo ang mga tanim na
halaman. Laking gulat niya nang mapansis ang isang tumpok na mga barya. Kinuha niya iyon at
binilang. Umabot ng limampung piso ang mga barya. Agad siyang pumunta ng tindahan. Bumili
siya ng dalawang kilong bigas at ilang piraso ng tuyo. Inilihim niya sa asawa kung saan
nanggaling ang perang ipinambili sa pagkain.
Kinabukasn ay muli siyang bumalik sa bukid. Nagbakasakali siya na makapulot muli ng
pera. Naglalakad siya sa pagitan ng mga tanim nang makarinig ng tinig. Anang tinig ay bibigyan
siya ng kayamanan sa kundisyon na hindi iyon ipagsasabi kahit kay Jose. Mula noon ay lagi na
siyang nakapupulot ng pera sa bukid.
Isang araw, itinuro sa kanya ng boses na humukay sa isang bahagi ng bukid. Sumunod
siya sa tinig. Ang sumunod ay isang malaking sorpresa kay Ana. Isang munting baul ang nakita
niya. Nang buksan niya ay nakitang puno iyon ng mga butyl ng ginto. Kumuha siyan ng ilang
butyl at muling ibinaon ang munting baul.
“Huwag na huwag mo itong ipaalam sa iba, kahit na sa iyong asawa,” ulit ng tinig kay
Ana.
Palibhasa ay mabuting asawa, ipinagtapat ni Ana kay Jose ang tungkol sa kayamanan.
Ipinakita pa niya rito ang ilang butyl ng ginto na dinala niya. Sa sobrang katuwaan ni Jose ay
kung kani-kanino ipinamalita ang tungkol sa kayamanan.
“Maniwala kayo. Nakahukay ng isang munting baul ng ginto ang asawa ko! Mayaman na
kami!” pagmamalaki pa niya.
Subalit hindi nagkatotoo ang pagyayabang ni Jose. Nang hukayin kasi nila ang
kinatagpuan ni Ana ng munting baul ay wala na ito roon. Bukod doon, maging ang mga butyl ng
ginto ay kinuha roon ni Ana ay tila bigla na lamang naglaho.
ANG MAYABANG NA MGA ALIMANGO

Sa isang malinis na dalampasigan nakatira ang mga alimango. Maputi ang pinong mga
buhangin ng dalampasigan. Maaga pa lang bago sumilay ang sikat ng araw ay nakahilera na ang
mga alimango para magpainit at marelaks. Isa lang ang bagay na ikinaiinis ng mga alimango.
Iyon ay ang malakas na pag-awit ng mga alon. Maraming reklamo ang mga alimango tungkol sa
mga alon.
“Naku, hindi ako makapagtrabaho nang tuluy-tuloy dahil sa ingay nila,” reklamo ng isang
ginang na alimango. “Kapag kasi narinig ng maliliit kong mga anak ang kanilang pagkanta ay
nagigising sila at nagsisiiyak. Kaya sa halip makagawa pa ako ng mga gawaing bahay ay
nauubos ang oras ko sa pagpapatahan sa kanila.”
“Ako naman ay hindi makapagpahinga nang maayos,” reklamo ng isang matandang
alimango. “Paano’y masyado silang malakas umawit. Hindi ako makatulog kapag may naririnig
akong ingay.”
“Hindi rin ako makatulog sa gabi dahil ayaw nilang huminto sa pagkanta!” reklamo ng
isang maliit na alimango.
Dahil sa rami ng mga reklamo ay ipinabatid nila iyon sa pinuno nila. Madali namang
umaksyon ang pinuno. Pinuntahan nito ang mga alon at pinakiusapan.
“Kung maaari sana ay hinaan ninyo ang pag-awit. Naiistorbo ninyo kaming mga
alimango,” ang wika ng pinuno.
“Imposible ang hinihiling ninyo,” sabay-sabay na sagot ng mga alon. “Ang pag-awit ay
bahagi ng aming buhay. Natural na dumadaloy ang awit namin lalo at hinahampas kami ng
hangin.”
Umuwing bigo ang pinuno ng mga alimango. Nagpatawag ito ng pulong para mag-ulat sa
kapwa mga alimango tungkol sa resulta ng lakad niya.
Maaga pa kinabukasan ay halos mapuno ang lugar na pagdarausan ng pulong. Interesado
ang lahat kung ano ang kinhinatnan ng pakikipag-usap ng pinuno sa mga alon.
“Ipinatawag ko kayo para ipaalam na ayaw pumayag ng mga alon na huminto sila sa pag-
awit,” simula ng pinuno.
Umugong ang mga galit na bulungan. Inis ang mga alimango dahil walang konsiderasyon
ang mga alon sa kalagayan nila.
“Gusto kong kunin ang inyong mga suhestiyon kung paano natin mapatitigil ang mga
alon sa pag-iingay,” wika ng pinuno. “Maaaring may maisip kayo na mas epektibong paraan.”
Maraming suhestiyon ang lumabas sa pulong. May nagsabi na bawalan nila ang mga alon
sa pag-iingay.
“Susunod kaya sila? Hindi ba at kinausap na nga sila n gating pinuno pero wala ring
nangyari,” asar na sabi ng isang alimango.
“Ang tagal na nating nagtitiis!” sigaw ng isang galit nag alit.
“Panahon na para labanan natin sila!” pakli naman ng isa pa.
“Giyerahin natin ang mga alon!” suhestiyon ng isa.
“Tama! Giyerahin natin ang mga alon!”
Nagkaisa ang mga alimango na aawayin nila ang mga alon dahil nakukulili na ang tenga
nila sa ingay ng mga ito. Napagkasunduan nila na noon din ay pupunta sila sa dalampasigan para
ideklara ang giyera nila laban sa mga ito.
Inayos nila ang kanilang hanay. Sa unang hanay ay ang mga lalaking alimango ang
nakalinya. Sa sumunod ay ang mga babae naman. Sa hulihan ng linya ay naroon ang mga
matatanda. Bawat isa kasi ay nais na magkaroon ng bahagi sa digmaang iyon.
Tanging ang maliliit na mga alimango ang naiwan sa kanilang tirahan dahil wala pang
kakayanang lumaban ng mga ito.
Isang malaking hipon ang nasalubong ng grupo nang papunta na sila sa giyera. Tinanong
sila nito kung saan patutungo.
“Gigiyerahin naming ang mga alon!” halos sabay-sabay nilang sinabi.
“Aawayin naming ang mga alon para sa iyo!” anang isang lalaking alimango. “Dahil
kinakawawa ka nila! Tingnan mo, baluktot na ang iyong katawan dahil sa kahahampas nila!
Hindi ka na makalakad nang tuwid.!”
Sa halip mkisimpatiya ay natawa ang hipon sa narinig. Hindi ito naniniwala na
makakayang gapiin ng mga alimango ang mga alon. Nagalit naman ang mga alimango. Sinipit
nila ang hipon hanggang mangako ito na tutulungan sila.
Kasama ang hipon ay dumiretso na sila sa dalampasigan.
Napansin ng mga alimango na kakaiba ang pagkakalagay ng mga mata ng hipon. Nasa
magkabila itong bahagi ng mukha. Tinukso nila ito at pinagtawanan. Anila ay paano ito
makikipaglaban gayong may pagkaabnormal ang posisyon ng mga mata nito.
“Mayroon akong sungot. Iyon ang panlaban ko,” mababa ang loob na sabi ni hipon.
Noon nakita ng hipon ang parating na malaking alon. Hindi ito nakita ng mga alimango
dahil nakatingin ang mga ito sa buhanginan. Sandali pa ay dumating na ang malaking alon at
tinangay ang unang hanay ng mga babaing alimango at ang mga matatanda. Naubos ang
mayayabang na mga alimango.
Ilang panahon pa, daan-daang maliliit na mga alimango ang dumarating sa dalampasigan.
Lagi silang pinagmamasdan ng hipon habang tila pasugod nilang lalabanan ang mga alon. Kaya
kitang-kita ng hipon kung paanong pagdating ng mga alon ay patakbong babalik sa
dalampasigan ang mga alimango. Mula noon, ang mga alimango ay hindi makatira sa gat at hindi
rin makakatira sa lupa.
ANG GAGAMBA AT ANG LANGAW

Matagal na matagal na panahon na ang nakararaan. Ang gagamba at ang langaw ay


namumuhay sa isang malayong komunidad.
Mahusay na negosyante ang gagamba. Minana niya sa mga ninuno ang katangian niyang
ito. Matagumpay ang kanyang negosyo pero nananatili siyang mababang loob. Respetado ang
gagamba ng halos lahat ng mga insekto sa lugar na iyon. Lahat ay humahanga sa galling niya sa
paghahabi.
Kilalang-kilala ang gagamba lalo na sa sikulo ng mayayaman. Ang mga mayayamang
insekto ay sa kanya nagpapagawa ng mga damit at mga kurtina. Nag-uunahan ang mga ito sa
kanyang mga bagong disenyo.
Isa lang ang hindi humahanga sa gagamba. Ito ay ang langaw. Naiinis ang langaw dahil
sa ipinakikitang sobrang paghanga ng mga insekto sa negosyanteng gagamba.
Lingid sa kaalaman ng langaw ay lihim na umiibig dito ang gagamba. Walang araw at
gabi na hindi ito laman ng isip. Hindi alam ng gagamba kung paano ipaaalam sa langaw ang
damdamin sa iniibig na insekto. Nagkakasya na lamang siya sa pgtingin dito tuwing makikita
itong lumilipad malapit sa kanyang tindahan at patahian.
Hindi mapakali ang gagamba. Natatakot siya na isang araw ay malaman na lamang na
may iniibig nang iba ang langaw.
“Kapag hindi ko ito ipinaalam kay Langaw na may pagtingin ako sa kanya ay lalo akong
walang kalaban-laban. Mas mabuti pa ang mabigo na naipaalam kong mahal ko siya,” sabi ni
Gagamba sa kanyang sarili.
Nilakasan ng gagamba ang kanyang loob. Isang gabi ay dinalaw niya ang langaw.
Maraming dalang pasalubong ang gagamba bukod sa mga regaling tela na personal niyang
hinabi.
“Magandang gabi, Langaw!” nakangiting bati ng gagamba nang pagbuksan ng pinto ng
Langaw.
Umismid agad ang langaw nang Makita panauhin. Ni hindi rin nito inabot ang mga
regalo ng gagamba.
“Ano ang kailangan mo?” pasupladang tanong ni Langaw. “Kung aakyat ka ng ligaw ay
wala kang aasahan. Wla akong bilib sa iyo at hindi ako nasisilaw kahit ikaw pa ang
pinakamayamang insekto sa mundo.” Matigas ang bawat salita ng langaw na talaga naming
tumusok sa puso ng gagamba. Nasaktan siya.
“Sige na. Makaaalis ka na,” pagtataboy pa ng langaw. “Naiistorbo mo ang aking
pamamahinga.”
Labis na nainsulto ang gagamba sa narinig. Para tuloy itong itinulos sa kinatatayuan.
Hindi agad siya nakapagsalita at hindi rin nakakilos. Masakit na masakit ang kibdib niya.
Hindi doon natapos ang pangmamaliit ng langaw sa gagamba. Nang makitang hindi pa
rin ito tumitinag sa kinaroroonan ay kumuha ito ng timba ng kumukulong tubig. Binuhusan nito
ang gagamba. Nalapnos ang katawan ng gagamba at hindi na tinubuan pa ng buhok.
“iyan ang bagay sa iyo,” ang sabi pa ng langaw.
Hindi na nakaya ng gagamba ang pang-iinsulto sa kanya ng langaw. Sobrang
pangyayapak na iyon sa kanyang pagkatao.
Sa galit ng gagamba ay sumumpa ito. “Mula sa araw na ito, magiging magkaaway na an
gating mga lahi. Hanggang sa kahuli-hulihang miyembro ng akong angkan ay gaganti sa ginawa
mong pang-iinsulto sa akin!”
Napangisi pa ang langaw nang umalis ang nasaktang gagamba na nagmamadali.
Pero nagkatotoo ang sumpa ng gagamba. Dahil mula nga noo, ang mga langaw ay
umiwas na sa bahay ng gagamba. Kapag kasi nagkamali silang maligaw sa malapit sa bahay ng
gagamba ay sasaputan sila nito hanggang sa mamatay.
ANG DALAWANG BABAE AT ANG DIWATA

Isang lalaki ang nakapag-asawa ng isang babaing hindi kagandahan. Mabait naman ang
babae at walang mairerekalamo ang lalaki. Lahat ay ginagawa ng babae upang maibigay sa
asawa ang lahat ng pagsisilbi na kailangan nito. Mahusay magluto at maasikaso rin ang babae sa
bahay.
Dumaan ang panahon na naramdaman ng lalaki na nawawalan na siya ng interes sa
babae. Palibhasa ay napakaordinaryo ng anyo sa mukha nito. Hindi nakuntento ang lalaki sa pag-
aaruga ng babae. Isang araw ay umalis ang lalaki at hindi na umuwi. Ang dahilan; naghanap ito
ng isang magandang babae na ipapalit sa asawa. Hindi naman ito nabigo. Ilang buwan lang ay
nakakita na siya ng makakahalili ng asawa sa puso. Alam ng ikalawang babae na may asawa na
ang lalaki pero binalewala nito ang katotohanang iyon. Paanoay maaaring ibigay ng lalaki ang
kaginhawaan na hinahanap naman nito.
Labis na nasaktan ang unang asawa ng lalaki. Mahal na mahal niya ang kabiyak.
Pakiramdam niya ay kalahati ng kanyang buhay ang nawala. Araw at gai ay umiiyak ang mabait
na babae. Hindi niya matanggap na imposible nang bumalik pa ang mahal na asawa sa kanyang
piling. Panay ang dasal niya na magbago ang isip ng lalaki at bumalik.
Minsan ay kumuha ng tubig sa balon ang babae. Nang nasa balon na ay bigla niyang
naalala na kapag naliligo ang asawa ay siya ang tagakuha nito ng tubig. Ngayon, naisip niya, ay
iba na ang gumagawa noon para sa lalaki. Parang may isang malaking baton a idinagan sa
kanyang puso. Nabitawan ng babae ang timba. Pasalampak na umupo sa gilid ng balon.
Pagkatapos ay umiyak na siya nang umiyak.
“Ano ang dahilan at umiiyak ka,” tanong ng isang malamig na boses.
Umangat ang mukha ng babae. Luhaan nitong tinitigan ang may-ari ng boses. Isa pala
iyong diwata na napadaan sa balon.
“Ang sabi ko, bakit ka umiiyak?” ulit ng diwata.
“Dahil iniwan ako ng akin asawa…” garalgal ang tinig ng babae. “Ipinagpalit niya ako sa
iba.”
“Pero bakit? Mabait ka at mapagsilbi?”
Lumakas ang iyak ng babae. “Dahil hindi ako maganda. Iniwan niya ako dahil nagsawa
na siya sa mukha kong pangit.”
Naawa ang diwata sa babae. Alam niya na nagsasabi ito ng totoo. Ilang beses na tiong
napadaan sa lugar na iyon. Madalas niyang nakikita na sumasalok ng tubig ang babae para
ipampaligo ng asawa. Nakikita rin niya ito habang masayang naglalaba ng mga gamit ng lalaki.
“Gusto mo bang bumalik ang asawa mo?” tanong ng diwata.
“Ang gusto ko po ay bumalik siya pero mas gusto ko ang maging maligaya siya kung
magsasama kami,” sagot ng babae.
Humanga ang diwata sa kausap. Alam nito kung gaano kamahal ng babae ang asawa.
Alam din ng diwata kung gaano ito nagdurusa dahil sa pag-iwan ng lalaki. Sa kabila ng lahat ay
hindi ang sarili ang unang inisip ng babae sa paghingi ng hiling. Ang kaligayahan ng lalaki ang
una sa mga prayoridad nito.
Hinipo ng diwata ang mukha ng babae. Nginitian at saka nagpaalam, “Kailangan ko nang
umalis,” ang sabi ng diwata.
Malungkot na umuwi ang babae. Pagpasok pa lamang niya sa bakuran ay nagtaka na siya.
Bigla kasi siyang tinhulan ng alagang aso. Lumapit lamang ito nang makarinig kanyang tinig.
Wla sa loob na hinawakan ng babe ang mukha. Naalala niya na hinipo iyon ng diwata. Lumapit
siya sa salamin na nakasingit sa dingding. Tiningnan niya ang mukha. Namangha siya sa nakita.
Isang napakagandang babae ang rumehistro roon. Hindi siya makapaniwala na ang
napakaordinaryo niyang mukha ay napalitan ng isang kagandahang tila sa isang prinsesa.
May mga mangangahoy na nagawi sa bahay ng babae. Nakita nila ito na walang
kasingganda. Ipinamalita nila sa iba ang nasaksihan. Maraming mga tao, lalaki at babae sa buong
bayan at sa mga karatig na lugar.
Nakarating ang paglakad ng balita sa dating asawa ng babae. Hindo ito nakapaniwala
kaya minabuti nito ang bumalik sa dating bahay. Ibig niyang ang sariling mga mata ang
maksaksi sa natanggap na balita.
Hindi nakahuma ang lalaki nang Makita ang napakagandang babae. Gayunman ay hindi
nawala sa isip niya ang pagtataka kung bakit may nakatirang magandang babae sa kanilang
bahay. Nagtataka rin siya kung nasaan ang kanyang asawa. Agad na umibig ang lalaki sa
kagandahang nakita. Niligawan nito ang babae.
Ito ang sabi ng babae. “Kapag iniwan mo ang babaing kanakasama mo ay tatanggapin
kita.”
Tumalima ang lalaki. Nakipaghiwalay ito sa pangalawang asawa at umuwi sa dating
bahay sa piling ng ngayon ay napakandang asawa.
Labis na nagalit ang pangalawang asawa ng lalaki. Lalo itong nagalit nang malaman na
ang magandang babae ay ang dating asawa ng lalaki. Nalaman niya sa kumalat na balita na isang
diwat ang nagbigay ng kagandahan dito. Inalam ng pangalawang asawa kung paano matatagpuan
ang diwata. Inabangan nito ang diwata sa pagdalaw sa balon. Hindi ito nabigo. Isang araw ay
dumating ang diwata. Nagkunwari sa pag-iyak ang babae ng makita ito.
“Bakit ka umiiyak? Ang tanong ng diwata.
“Iniwan kasi ako ng aking asawa. Sumama siya sa isang magandang babae.”
“Huwag kang mag-alala. Babalik siya sa iyo” anang diwata at hinipo ang mukha ng
babae.
Nang marinig ng babae ang sinabi ng diwata ay agad itong nagtakbo pauwi. Ni hindi na
ito nagpaalam sa diwata na basta iniwan sa balon. Nagtaka siya nang makasalubong ang isang
bata. Nagtatakbo kasi itong palayo na tila takot na takot. Isang aso rin ang nakasalubong niya.
Bahag ang buntot at umiiyak na nagtatakbo rin palayo ang aso. Takang-taka siya. Nang
makarating sa kanilang bahay ay patdang tinitigan siya ng sariling ina.
“Sino ka? Ano ang kailangan mo?” hintakot na sabi ng matanda.
“Ina , ako ito ang inyong anak!” ang sabi ng babae.
“k-katulad mo ang boses ng aking anak pero hindi ikaw ang anak ko! Wala kang
kasimpangit!” tila nandidiring sabi ng ina.
Agad kumuha ng salamin ang babae. Nihindik siya sa nakita. Bukul-bukol ang kanyang
mukha at may tumubong itim na balahibong tila sa baboy-ramo. Humaba rin ang kanyang ilong
na may tungkil sa dulo. Ang mga mata niya ay lumaki pero lumalim. Hindi nga siya makilala ng
sariling ina dahil siya mismo ay hindi nakilala ang sarili. Maging siya ay natakot sa kanyang
anyo.
Samantala, sa bahay ng unang asawa, maligayang nagsama ang magandang babae at ang
kabiyak nito.

Vous aimerez peut-être aussi