Vous êtes sur la page 1sur 4

Padon. Kristen Mae L.

BSN III

March 31st, 2005


RADIKAL SI RIZAL, nila: Katherine Corteza at Dona Vidal
POSTED BY RIZALISSUES AT 04:43 PM ON MARCH 31, 2005 IN RIZAL-RADICAL?.
Jose Rizal: Isa Nga Ba Siyang Radikal?

 
“A conservative is a man with two perfectly good legs who, however, has never learned to walk forwards...A reactionary is a
somnambulist walking backwards...A radical is a man with both feet firmly planted—in the air.”
 

Franklin D. Roosevelt (1882 - 1945)


U.S. president.

 
                        Radikal nga ba si Jose Rizal, o isa lamang siyang repormista gaya ng sinasabi ng
marami?
 
                        Ilang daang taon na ang lumipas nang mabuhay si Rizal sa daigdig na ito, subalit
hanggang ngayon wala pa ring kasiguraduhan ang lahat ng Pilipino sa kanyang pagkatao.
Marami pa rin ang nagtatanong, kung ano nga ba ang ating pambansang bayani? Ayaw niya nga
ba ng rebolusyon at nanatili siyang naniwalang “the pen is mightier than the sword”?
 
                        Mahirap ikulong ang isang tulad ni Rizal sa iisang kategorya lamang. Depende sa
bumabasa sa kanyang pagkatao, marami ang punto de vistang lalabas, marami ang maggigiit, at
mas marami din naman ang magbibigay sintensya sa kani-kanilang haka-haka. Tulad na lamang
ni Agoncillo, aniya, ang gaya daw ni Rizal ay “Reformist middle class intellectuals called
ilustrados & the true revolutionaries were the masses”; at ayon naman kay Renato Constantino,
“the illustrados provide the masses the ideology of European liberalism”.
 
                        Ang papel na ito ay susubukang basahin si Rizal sa pamamagitan ng dalawang
libro: ang “A Nation Aborted” ni Floro Quibuyen at ang “Rules for Radical” ni Saul Alinsky.
Sa unang libro, ipapakita ang tantiya ni Quibuyen kay Rizal, na ayon sa kanya, si Rizal ay isang
radikal, anti-statist, at hindi basta repormista lamang. Susubukan naman naming sukatin ang mga
pahayag na ito gamit ang ‘rules for radical’ ni Alinsky.
Quibuyen: Radikal si Rizal
 
                        Paano nasabi ni Quibuyen na radikal nga si Rizal? Una, tignan muna natin kung ano ang mithiin ni
Rizal: isang bayan na buo, ethical community, a nation without borders. Pero upang makamit ito, hindi kinakailangan
ng dahas na kung saan ang mga alipin ng kasalukuyan ay magiging tirano ng kinabukasan. Matatandaan na sinabi
ito ni Jose Rizal kay Dr. Pio Valenzuela nang dalawin siya nito noong siyang nasa Dapitan. Aniya, hindi pa iyan ang
sagot sa ating problema, dahil hindi pa kayo handa – kailangan ninyo ng armas upang lumaban at kailangan ng
kahandaan sa anumang pakikipaglaban. Mula rito, mahihinuha natin na hindi sa ayaw ni Rizal sa rebolusyon, hindi
dahil sa sinabi niya na ayaw niya ng dahas ay ayaw na niya sa rebolusyon. Ayaw niya na maglunsad sa rebolusyon
nang hindi pa handa. Malaki ang pagkakaiba ng dalawang bagay na ito, at kung ating iisipin, kung talagang ayaw ni
Rizal sa rebolusyon, bakit niya papayuhan si Valenzuela tungkol sa magagawa nila upang paunlarin ang binabalak
nilang rebolusyon? At kung ating papansinin, ang tema na pumapaimbulog sa kabuuan ng Noli at El Fili ay ang
kaisipan na ang mga taong pinagkaitan ng lahat at pinagmamalupitan pa ng labis ay maaaring magkawatak-watak at
tuluyang mapipi ng lipunan, subalit kung nanaisin maaari silang magsama-sama sa pakikibaka nang sa ganoon ay
mabuo ang isang nasyon na kikilalanin nating sariling atin.
                        Sa buhay naman ni Rizal makikita natin ang kanyang panindigan tungkol sa rebolusyon noong 1887
hanggang 1888, nang umusad na ang kaso sa Hacienda ng mga Mercado (Rizal) sa Calamba. Sa kanilang alitan ni
del Pilar, lumilitaw na nanalig si Rizal na makakapit ng Pilipinas ang independiyensiya sa pamamagitan ng
mapayapang pakikibaka, ngunit isang malaking pagkakamali pa rin ang pangongolonya ng Espanya sa Pilipinas. At
matapos nga ng insidenteng iyon, nagtayo si Rizal ng La Liga Filipina kasama si Andres Bonifacio – isang hayag na
rebolusyonaryo (batay sa kung ano ang pagpapakahulugan ng nakararami sa kung ano ang isang rebolusyonaryo).
At dahil nga sa Calamba Hacienda Case, pinatunayan ni Buencamino (dating legal counsel nila Rizal) na tinutulak
daw ni Jose Rizal ang mga tao sa rebolusyon nang himukin ni Rizal ang mga kasama na huwag magbayad ng renta
sa lupa sa mga kinauukulan. At ayon kay Quibuyen, sa pagkakataong ito umiigting ang pagiging radical-separatist ni
Rizal.
                        Sa sulat naman ni Rizal kay Blumentritt, malinaw niyang ipinahayag dito na ang pagiging kolonya ng
Pilipinas (at pananatili nito sa ganitong kalagayan) ay nakasasama sa Bayan. At kung matatandaan rin, sa kanyang
sulatin na The Indolence of the Filipino People,  sinabi niyang ang katamaran at kabobohan na ibinibintang sa mga
Pilipino ay mauugat sa maling pamamalakad sa bansa ng mga kolonyalista.
 
Alinsky: Maaari na bang tawaging Radikal si Rizal?

                      Ayon kay Alinsky, ang isang radikal ay may sumusunod na katangian:

RADICAL;
- unique person & actually believes in what he says
- concerns àgood: greatest personal value
- genuinely & completely believes in mankind
- shares pain, injustices & sufferings of others
- every man’s struggle: his fight
- demo: working from bottom up
- human rights above: property rights
- kakayahan ng tao na kumpleto
- in constant conflict
- person out of symbols represents ideas or interest
- creative person
Mula sa mga sumusunod na katangian, maaari natin itong isa-isahin upang mailatag ang mga argumento kung isa
nga bang radikal si Rizal.
 
                        Subalit bago natin tunguhin iyon, kinakailangang unawain muna natin ang lipunang iniinugan ng isang
radical. Ayon kay Alinsky, may tatlong bahagdan ang social hierarchy (anumang lipunan ka kasapi) ang haves, have
little/want more at ang have nots. Kung titignan natin ang Pilipinas sa taong nabuhay si Rizal masasabi nating
kabilang si Rizal sa mga “have little, want more”. Ayon kay Alinsky, ito ang social class na kung saan nagnanais sila
ng pagbabago ngunit hindi para sa lahat kundi para sa kanila, upang paunlarin pa kung ano ang meron sa kanila,
subalit ito rin ang class na hindi kumikilos o nagko-commit sila para sa social change (justice, equality and
opportunity) pero hindi sila nakikisali sa malawakang pagkilos.
 
                        Sa panahong iyon, kabilang nga sila Rizal sa middle class. Mayroon silang hacienda subalit hindi nila
ito pag-aari, dahil pag-aari ng hari ng España ang Pilipinas, kaya ang mga katutubo ay hindi maaaring manirahan
basta-basta, maaari lamang through usufruct. At dito sa Pilipinas hawak ito ng mga prayle (sa kaso nila Rizal, pag-
aari ito ng mga Dominikano). Kung kaya naman nagkakaroon ng mga kaso gaya ng Calamba Hacienda Case, na
kung saan basta-basta na lamang babawiin ng mga prayle ang lupa nang walang sapat na dahilan. Sa madaling
salita, walang proteksyon ang mga middle class sa kanilang ari-arian. Dapat rin nating tandaan na ang mga
mapabilang sa middle class noong mga panahon na iyon ay hindi sinusukat sa ekonomikong kakanyahan, kundi sa
kulay ng balat. At dahil kolonya ang Pilipinas, mananatili ang mga Pilipino sa mababang bahagdan ng social
hierarchy. Kung kaya’t hindi angkop na sabihin na kumikilos ang mga kabilang sa “have little want more” (o ang mga
ilustrados) upang maparami kung ano man ang mayroon sila. Subalit magiging mas angkop ito kung sasabihin na
kumikilos sila upang maging sa kanila ang dapat kanila. Hindi ba’t ganyan rin ang nais ng mga kinikilala nating
radikal? Dahil sa mas malawakang pagtingin, pareho lamang sila ng kinalalagyan, pareho silang pinagkaitan ng kung
ano ang dapat na sa kanila. Dahil kahit si Rizal (kung ikukumpara kay Bonifacio) ay wala ring kakayahan na angkinin
ang pag-aari nila – dahil sa ilalim ng kolonyalismo, wala talagang pag-aari ang sinumang kinolonya maliban sa
kanilang paninindigan at isip.
                        Ayon muli kay Alinsky, . Habang ang mga radikal naman ay gustong mabago ang kasalukuyang
kalagayan at rebelyon ang pamamaraan. May ganap na pagkilos at iniaalay nila ang buong buhay nila sa layunin.
Ano man ang kanyang sinasabi ay siya din niyang ginagawa kaya naman may integridad, pinapahalagahan niya ang
kabutihan para sa nakararami at mas mahalaga sa kanya ang karapatang pantao kaysa karapatang pagmamay-ari
(property rights). Sa pamamagitan ng bottom-up method, mas nabibigyang diin ang pakikisalamuha at
pakikipamuhay sa pagdadalamhati at pasakit ng iba. Kadalasan, nabibinyagangwalang galang dahil sa kanyang
walang takot na magtanong kahit na dogma pa ito ng simbahan. Kaakibat kasi nito ang kanyang paggiging
mapagmatyag sa mga bagay at hindi lang basta-basta tumatanggap ng ideolohiya. 
                        Kung ating isa-isahin ang deskripsyon ni Alinsky sa itaas, masasabi nating RADIKAL nga si Jose
Rizal. Una, nais ng isang radikal na mabago ang kasalukuyan na kalagayan at rebelyon ang pamamaraan dito. Gaya
ng aking nabanggit kanina, nais ni Rizal ng pagbabago (at yan ang isang pangunahing usapin na nangingibabaw sa
kanyang dalawang nobela), at bagaman hindi niya tuwirang ipinahayag kay Valenzuela, sang ayon si Rizal sa
rebolusyon subalit hindi sa rebolusyon na madugo, at lalong hindi sa rebolusyon na walang kahandaan. Ikalawa, ang
isang radikal ay handang ialay ang kanyang buhay sa kanyang ipinaglalaban. Marami siguro ang magsasabi na kung
hindi siguro namatay si Rizal ng maaga malamang ay hindi siya naging bayani. Subalit dapat din naman nating
tignan ang naging takbo ng buhay niya, lagi siyang nasa bingit ng kamatayan kaya nga hindi siya makauwi-uwi ng
basta-basta dito sa Pilipinas. At kung nais niyang takbuhan ang kamatayan, bubuuin ba naman niya ang dalawang
nobelang siguradong magiging mitsa ng kanyang buhay? Ikatlo, pinapahalagahan niya ang buhay ng mas
nakararami. Makikita ito sa dahilan ni Rizal kung bakit niya ginagawa ang historical research at kung ano ang
konsepto niya ng national sentiment. Makikita rin ito sa mga sulatin niya gaya ng The Indolence of the Filipino
People at sa kanyang tula na Sa Aking mga Kababata. Sa pahayag naman na ang isang radikal ay dapat
pinahahalagahan ang karapatang pantao kaysa sa karapatang mag-ari, dapat nating isipin na pareho itong
pinaglalaban ni Rizal, hindi dahil kabilang siya sa “have little, want more” na pagkakategorya ni Alinsky, bagkus
kailangan ng kalipunan ng makikibaka ng pag-aari upang mailunsad ang rebolusyon, dahil kung hindi lalo silang
madedehado sa kalaban. At isa pa, ang karapatang mag-ari ay isa rin namang karapatang pantao na siya ring
ipinaglalaban ni Rizal at gayundin si Bonifacio.
Konklusyon: SI RIZAL AY TUNAY NGANG RADIKAL
                        Base sa pag-aaral ni Quibuyen at sa pagkakategorya ni Alinsky sa kung ano ang katangian ng isang
radikal, mahihinuha natin na si Rizal nga ay isang radikal. Radikal siya sapagkat, ninais niyang baguhin ang
kasalukuyang kalagayan ng mga Indio, sumama siya sa pagkilos (sa pamamagitan ng pagsusulat o literary war)
laban sa mga kolonyalista at inilay niya ang buhay sa pakikibaka. At ano man ang kanyang sinasabi o di kaya’y
isinusulat ay isinasagawa niya ito ng may integridad at pinahahalagahan niya ang kabutihan para sa nakararami,
nakikisalamuha siya’t nakikihati sa dalamhati ng mga inaapi (masa) at higit sa lahat hindi siya natatakot na
kwestiyunin ang anumang umiiral na ideolohiya o dogma kahit pa nga ang kabangga niya’y diyos (o alagad ng Diyos)
o kahit na buhay pa niya ang kapalit nito.
 
 

Vous aimerez peut-être aussi