Vous êtes sur la page 1sur 1

Ang Mabuting Pagbabago

Ni: Francidieto T. Garcia Jr. (BBrC 2-1n)


Wag mong ipikit ang iyong mga mata
Wag kang magpanggap na hindi mo nakikita;
Ang paligid na dati ay kaysigla;
Nanganganib mawala, hahayaan mo na lang ba?
Gumawa ng pagtutumpak, kabataang Pilipino,
Ngayon mo simulan ang mabuting pagbabago,
At nang ating maisigaw sa wikang kikilalanin ng mundo;
Kung anong uri ng lahi tayo.
Ang wikang nagbigay sa yo ng pagkakakilanlan,
At ang kalikasang nagbigay ng kaginhawaan;
Ay biyayang dulot ng pag-ibig ng maykapal,
Marapat lang pagyamanin at suklian ng pagmamahal.
Ipagmalaki mo, Kulturang Pilipino
Wikang Filipino pagyamanin mo,
Maginhawang paligid pangalagaan mo;
Matatag na bansa ang nag-aabang sa iyo.

Vous aimerez peut-être aussi