Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
Mga bata pa ang aking mga anak… Sampung taong gulang lamang si
Basilio…Si Crispin? Pitong taong gulang … Dapat na ba silang maging
sacristan?
Todos los Santos ngayon… bakit malaki ang pagkakaiba ng mga mayaman
sa mga dukha? Napipilitang magkasala dahil sa karukhaan! Kailangan
kong tapusin ang apurahang patahi…piso rin ang kikitain ko rito…Ah…
hindi na ako magsisimba…sayang din ang dalawang oras pagpunta sa
bayan at pag-uwi …Wala rin akong dalawang piso para sa misa… at wala
akong pambili ng bula…Patawad po Mahal na Poon…at patawarin mo po
ang kaluluwa ng namatay kong ama’t ina…
Tirhan mo naman ang mga bata. Paborito ni Crispin ang inihaw na tuyong
tawilis…kahit isang piraso lang…
Basilio! Ang kawawa kong anak! Anong nangyari sa’yo? Nasaan ang
kapatid mo? Duguan ka anak! Guwardia sibil? Pinatawan ka ng dalawang
real… Alas diyes ka lang pinauwi? … Daplis na bala…Matulog na tayo…
Bukas…susunduin ko si Crispin sa kumbento…
Maawa po kayo… Wala rito ang aking mga anak… Hindi sila
magnanakaw… Wala rito ang hinahanap ninyong salapi…Opo…sasama
po ako sa inyo…huwag lamang ninyong saktan ang aking mga anak …
(nagtatakip ng mukha si Sisa)